You are on page 1of 32

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 8
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Dokumentaryong Pampelikula
Manoro: Ang Guro/
Komunikatibong Gamit ng mga
Pahayag
MELC: Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng
nagsasalita. (F8PN-IIIg-h-31)
 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa:
- paksa/tema - gamit ng mga salita
- layon - mga tauhan (F8PB-IIIg-h-32)
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa mundo ng pelikula
(F8PT-IIIg-h-32)
 Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas,baybay,
magkakahulugang pangungusap/talata sa pagsulat ng isang suring
pelikula (F8WG-IIIg-h-33)
 Nasusuri ang hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan ayon
sa binasang impormasyon. (F8PB-IIIi-j-33)
 Nakasusulat ng isang malinaw na social awareness campaign sa isang
paksa na maisasagawa sa tulong ng multimedia gamit ang mga angkop na
komunikatibong pahayag. (F8WG-IIIi-j-34)

Inihanda nina:
ANGELINE M. BRAVO
SHEILA B. PUNZALAN
Pagudpud National High School
Filipino – Ikawalong Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Dokumentaryong Pampelikula Manoro: Ang
Guro/Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Angeline M. Bravo
Sheila B. Punzalan
Editor: Rizalinda D. Ramit
Juliana V. Balantac
Tagasuri: Jon Jon D. Garcia
Editha R. Mabanag
Tagasuri sa Wika: Juliana V. Balantac
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Marvin M. Marugay

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
8

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Dokumentaryong Pampelikula
Manoro: (Ang Guro)/
Komunikatibong Gamit ng mga
Pahayag

(Ikapito at Ikawalong Linggo)


Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Magandang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral!


Naririto akong muli para ating ipagpatuloy ang ating aralin. Inaasahang
ikaw ay magbibigay pa ng mas malalim na interes sa mga tatalakayin natin upang
iyong matamo ang mga karunungan at kasanayang dapat malinang sa iyo. Sana ay
masiyahan ka sa mga gawain. Nandito lang akong nakahandang tumulong at
gumabay sa iyong paglalakbay tungo sa karunungan at kaalaman.
Ang Modyul 3 ay pumapaksa sa Kontemporaryong Programang
Pantelebisyon.Napakahalaga ng telebisyon bilang isang pupolar na Midyum ng
Kominukasyon. Nakatutulong ito upang higit na mapadali ang pagkatuto ng mga
tagapanood.
Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang iyong kahusayan sa
pagsusuri ng isang pelikula gayundin sa paggamit ng kahusayang gramatikal.
Sa araling ito ay tiyak na mahuhubog ang iba’t ibang aspeto ng iyong
pagkatao- pisikal, emosyonal, intelektwal, ispiritwal, sosyal at kamalayang
panlipunan.
Ang araling ito ay naglalayong malinang at matamo ang mga
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto o Most Essential Learning
Competencies (MELC):
 Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng
nagsasalita F8PN-IIIg-h-31
 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa:
- paksa/tema
- layon
- gamit ng mga salita
- mga tauhan F8PB-IIIg-h-32
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa mundo ng pelikula
F8PT-IIIg-h-32
 Nagagamit ang kahusayang gramatikal(may tamang bantas,baybay,
magkakaulugang pangungusap/talata sa pagsulat ng isang suring pelikula
F8WG-IIIg-h-33
 Nasusuri ang hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan ayon sa
binasang impormasyon F8PB-IIIi-j-33
 Nakasusulat ng isang malinaw na social awareness campaign sa isang paksa
na maisasagawa sa tulong ng multimedia gamit ang mga angkop na
komunikatibong pahayag F8WG-IIIi-j-34

1
Subukin

Bago tayo maglakbay sa mundo ng dokumentaryong pampelikula ay subukan


muna nating sagutin ang paunang pagtataya. Sikaping sagutin ang mga kasunod na
mga aralin para malaman kung ano ang mga dapat pang alamin sa mga susunod na
pag-aaral.

PAUNANG PAGTATAYA
A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa
sagutang-papel ang tamang letra ng sagot.
1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit
itong makatotohanan.
A. Animasyon B. Dokumentaryo C. Pantasya D.Aksyon
2. Pumila na si Jonalyn para sa martsa, maraming tao sa paligid kaya’t kanya itong
pinagmasdan. Anong damdamin ang namayani sa pahayag?
A. kalungkutan B. pagkabigo C. pananabik D. pighati
3. Ito ay pinipilahan ng mga manonood, sa pinilakang tabing ito’y itinatampok.
A. Dula B. maikling kwento C. Telenobela D. Pelikula
4. Tauhan sa pelikula na nagbibigay hamon sa bida.
A. Kontrabida C. Istatikong Karakter
B. Bida D. Daynamikong Karakter
5. Ano ang paksang diwa ng pelikula na ipinakita sa dokumentaryo?
A. Ang buhay ay isang paglalakbay.
B. Ang buhay ng tao ay walang kasiguraduhan,hindi mo alam ang
mangyayari sa hinaharap.
C. Ang kahirapan ng tao ang dapat na maging inspirasyon upang makamit
ang rurok ng tagumpay
D. Ang buhay ng tao ay napakahiwaga na kailangan mong halungkatin ang
iyong pinagmulan upang lubos na makilala ang hinaharap
6. Ano ang layunin ng pelikulang ito?
A. Maipakita sa tao na hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng
tagumpay.
B. Maipakita sa tao na hindi hadlang ang kapansanan upang maipakita ang
tunay na pagmamahal sa isa’t isa.
C. Mapatunayan na sa pagmamahalan ang mayayaman ay para sa
mayayaman lamang at ang mahihirap ay para sa mahihirap
D. Mapatunayang ang buhay ng tao ay punong-puno ng mga pagsubok na
kailangang malampasan ng bawat isa upang mabuhay.
7. Nais kong panoorin ang pelikulang Kita Kita .Anong bantas ang nararapat sa
kahon?
A. ? B. ; C. ” “ D. :

2
8. Napaupo na lamang si Jonalyn sa labas ng presinto habang tinitingnan niya ang
sitwasyon ng mga panahong iyon. Ang pahayag ay nagpapahiwatig ng:
A. kawalan ng pag-asa C. kasiyahan
B. katatagan D. pagkasukalam
9. Ano ang tunay na layunin ni Jonalyn sa pag-aaral niyang mabuti?
A. umunlad ang buhay
B. makapunta sa ibang bansa
C. Makapag-asawa ng mayaman
D. maturuang magbasa at sumulat ang mga kabaryo
10. Ako y naniniwala na ang lahat ng tao ay naghahangad ng kaunlaran. Anong
bantas ang nararapat na ilagay sa kahon?
A. “ B. ; C. ‘ D. .

Mahusay! Napagtagumpayan mong masagutan ang paunang pagtataya.


Kumusta ang iyong pagsagot? Nahirapan ka ba? Sakali mang nakakuha ka ng
mababang iskor, huwag mag-alala dahil paunang pagtataya lamang naman ito at
tutulungan kitang unawain ang lahat ng mga ito. Kaya ituloy mo pa ang pagbabasa
at pag-unawa sa mga kasunod na pahina.

3
Aralin Dokumentaryong
1 Pampelikula
Manoro: Ang Guro
Natitiyak kong handa ka na para sa bagong kaalamang iyong matututuhan sa araling ating
pagtutuunan ng pansin ngayon. Ngunit bago iyan, bibigyan muna kita ng ibang gawain para lalo kang
maganahan sa iyong pagbabasa.

Balikan

Sa nakaraang modyul,nasuri mo ang isang programang napanood sa


telebisyon at nagamit mo rin ang angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng
konsepto ng pananaw. Sa pagbabalik-tanaw sa kasanayan sa nakaraang modyul,
inaasahang ilalapat mo ang iyong natutunan. At ngayon, panibagong aralin na naman
ang iyong matututunan at tiyak kong masisiyahan at malilibang ka sa ating
paglalakbay. Maghanda na at siguraduhing dala ang iyong mga sandata para sa
pagkatuto dahil natitiyak kong mapapalaban ka sa mga gawain sa araling ito. Huwag
mabahala naririto lang akong handang gumabay sa iyo.

Gawain 1: I-Broadcast Mo!


Panuto: Pagnilayan ang nasa dayagram kung paano nakatutulong ang Broadcast
Media sa iba’t ibang kaparaanan sa ating pamumuhay. Pagkatapos, buuin ang
pahayag na nasa kahon sa ibaba.

4
Buuin ang pahayag

Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay


sapagkat_________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tapos na ang balikan kaya “move on” na tayo sa bagong aralin. Ating tutuklasin at
gagalugarin ang mundo ng pelikula. Kaya’t ihanda ang iyong isipan sapagkat
napakarami pang naghihintay na mga kaalaman para sa iyo.

Tuklasin

Gawain 2: IMAHINASYON
Panuto: Umisip ng limang pinakagustong pelikulang napanood. Isulat ang mga ito
sa ibaba.
1. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

_______________________________
Alin sa mga palabas o pelikulang _______________________________
isinulat ang higit na _______________________________
kinagigiliwan? _______________________________
_______________________________
______________________________

_______________________________
Ano-anong eksena sa pelikula o _______________________________
palabas ang tumatak sa iyong _______________________________
isipan? _______________________________
_______________________________
_______________________________
_

Kung bibigyan ka ng _______________________________


pagkakataon, ano ang gusto _______________________________
mong tanungin sa mga tao sa _______________________________
likod ng mga pelikula o palabras _______________________________
na ito? _______________________________
5 _______________________________
Magaling! Alam kong handang-handa ka na sa ating babasahin dahil
nasagutan mo nang maayos ang gawain. Halika na! Basahin natin ang isang
dokumentaryong pampelikulang,”Manoro : Ang Guro”.

"MANORO” (Ang Guro)

Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong


Pampelikula
Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin
ng “kamangmangan” o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na
tila nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang
nagpasimula ng ating kabihasnan at kung anong klase at pamamaraan ng
pamumuhay mayroon tayo ngayon. Tunay ngang ito ay isang realisasyon at
pagkamulat para sa ating lahat. Hunyo taong 1991, isang malaking trahedya ang
naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng matagal nang nananahimik na Bulkang
Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga, gumimbal ang pangyayaring ito
sa buong daigdig dahil maging ang klima ng daigdig at ilan sa mga bansa nito ay
naapektuhan. Ang mga katutubong Aeta ay napilitang bumaba ng mga
kabundukan at nanirahan sa mga patag na lugar malapit sa kabayanan, kaya
naman ito rin ang naging daan upang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-
aral sa mga paaralan na malapit rito.
EKSENA 1 : Araw ng Pagtatapos (Graduation Day)
Establishing Shot sa paaralan at sa buong senaryo. Medium Shot sa iba’t ibang
reaksiyon ng mga tao. Araw ng Graduation sa Sapang Bato Elementary School sa
Angeles City. Ito’y napakahalagang araw para sa mga katutubong Aeta na
magtatapos ng elementarya. Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi magkamayaw
ang lahat. Maririnig ang ilang mga usap-usapan:
Babae1 : Dala mo ba ang camera mo?
Babae 2 : Hindi eh, naisanla ko kahapon.
Ina 1 : Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na ang seremonya.
Batang Babae : Kasama yata si Kulitis, nagme-make-up.
Ina 2 (nakangiti sa anak) : Ang sampagita na ito ay para sa mga ga- graduate
tulad mo, huwag kang mahiya. Bagay sa ‘yo ‘to. Nakadaragdag pa sa ingay ng
paligid ang malalakas na hagulgol ng mga sanggol. Samantala, muling maririnig
ang ganitong mga usapan:
Estudyante 1 : Aalis na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa isang
Intsik sa bayan.
Estudyante 2 : Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin kaming
magbasa ngayong summer para makuha niya na rin ang scholarship na gusto
niya ngayong Hunyo.
Babae 1 : Isa ka ba sa mga estudyante niya?
Babae 2 : Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng eleksyon.

6
SUPER IMPOSE, TITLE AND CREDITS.
Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa paligid.
Nagsimula na ang teacher-emcee na magpakilala ng mga panauhin. Binanggit
ang isa sa mga tanyag na linya: What you sow, is what you reap. Masaya ang
buong paligid, ngunit magulo rin. Sa isang bahagi ng paaralan ay may maliliit na
batang naghaharutan at nag-aaway. Medium close-up shot sa isang mensaheng
nakadikit sa dingding:
Bawat Graduate, Bayani at Marangal na Pilipino.”
Picture-taking time na, biglang nagtanong ang kanilang guro:
Guro: Dapat labing-anim kayo, nasaan si Pikoy?
Estudyante: Wala po siya, nagpatuli po kasi kahapon. (Sabay ngumiti na ang
mga estudyante para sa lahat ng kanilang mga picture-taking. Natapos na ang
masayang graduation.)

EKSENA 2: Sa Isang Jeep na biyahe patungong Resettlement Area ng mga


katutubo
Long Shot tungo sa Medium Shot sa isang dyip na papunta na sa resettlement
area ng mga Aeta malapit sa paanan ng kabundukan, masaya at nagtatawanan
ang mga katutubo sa loob ng dyip. Tinanong si Jonalyn ng mga kasamahan kung
ilan lahat ang mga litrato niya at kung magkano lahat ang mga ito.
Inang Aeta: Naghanda kami ng kakaining noodles para sa inyong mga
gumradweyt. Ito ay tanda ng ating pasasalamat kay Apo Namalyari.
Jonalyn: Nung minsang nagluto kami ng noodles sa bahay, parang isang
linggong sumama ang tiyan ni Lolo.” (sabay hagikhikan ang lahat)
(Samantala, sa taas ng jeep, may ilang batang lalaki na nakaupo roon, binabasa
nila ang hawak na program ng ginanap na graduation. Mahaba ang byahe,
maalikabok ang daanan;
Close-Up Shot sa kalawanging gulong ng jeep.)

EKSENA 3: Ang Pangangampanya at ang Komunidad


(Dahil sa nalalapit na ang eleksyon, napadaan ang isang sasakyang
nangangampanya, tumilapon ang mga sample ballot sa kalye, malapit sa mga
batang katutubo na nagsisipaglaro)
Bata 1 : Oy akin ‘yan, huwag kayong magulo, tingnan n’yo, magkakaparehas
lahat ang nakasulat sa papel! (Establishing/Panning Shot sa isang batang Aeta,
kumakaripas ng takbo dala ang balota papunta sa bahay nila)
(Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang
kaniyang tinuturuan, naliligo ang mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang
mga ito… “ Maaryong aga, mam.”)

7
Jonalyn: O sige, bilisan n’yo dyan, baka sipunin kayo
Samantala, nasalubong niya rin ang isa sa kaniyang mga tinuturuan, tila
mabigat ang pasan-pasan sa likuran)
Jonalyn: Freddie, napraktis mo na ba ang pagsulat mo?
Lalaki: Oo, sinisikap ko
Jonalyn: Nakita mo ba ang Apo (lolo)ko sa bundok?
Lalaki: Hindi, hindi ko siya nakita, (Naghiwalay sila ng landas at nagpatuloy ng
paglalakad si Jonalyn patungo sa tindahan.)
Babaeng Aeta: “Jonalyn, kunin na ninyo ang bigas na para sa inyo.”
(Habang nakapila ang mga katutubo para sa ipinamamahaging bigas.)
Jonalyn: Sige po, si Mamang na lang daw po ang kukuha mamaya.
Babaeng Aeta: O sige, kasi pag wala dito hindi na mabibigyan, gusto ko pa
namang ibahagi ang ani ko sa lahat.

EKSENA 4 – Sa Tahanan nina Jonalyn (Sa tahanan nina Jonalyn:


Close-Up Shot sa kaniyang Graduation Picture, pati sa Diploma; pakakainin ng
tinapay ang kaniyang mga kapatid)
Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi sina
Mamang at Papang, pero bago ko kayo bigyan, magbibilang muna tayo ng
tinapay, sabayan n’yo ako.
Mga Kapatid: Isa…Dowa…Tatlo…Apat! (Habang sabay na bumibilang ang
maliliit niyang kapatid.)
Nakakagutom lalo ang magbilang.
Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto.
Jonalyn: O, Mamang ba’t dito n’yo sinulat ang pangalan n’yo? (Sabay bura) Sino
ho bang iboboto ny’o, si GMA? Ganito po isulat ang pangalan niya,tingnan n’yo
po at tandaan, ‘di po sapat na alam nyo lamang ang pagbigkas. (Nang mga
sandaling yaon, biglang tinawag ng kaniyang ama si Jonalyn na nasa taas ng
isang puno at inaayos ang antena ng telebisyon)
Mang Edgar (ama ni Jonalyn): Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may nakikita
ng tao sa TV! (Nagdudumaling pumunta si Jonalyn sa kanilang maliit na silid)
Jonalyn: Wala pa, wara pang nakikitang tawo! Malabo! Malabo! (Bumaba sa
puno ang ama, nagmamadali, tila nadupilas, nahulog at bigla ang pagkabagsak;
nagulat si Jonalyn, pinuntahan ang ama, ngunit sa mukha ng kaniyang tatay ay
tila walang nangyari)
Mang Edgar: Kelangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok.
Jonalyn: Oo nga, ang sabi niya pa naman, bababa siya ng bundok para
makaboto.

8
Mang Edgar: Ang tigas kasi ng ulo ng lolo mo, sinabi kong huwag nang manghuli
ng baboy-ramo sa bundok at nauubos na ang mga ito sa ngayon. Tara na, at
kelangan na nating umalis ngayon!
EKSENA 5 – Simula ng isang malayong paglalakad
(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung saan
naroon ang mga Koreano, binati nila ang isa’t isa.)
Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): “Yu nid to fill-up aplikey-shen
form for your job”... (ibig sabihin ay kelangan nitong magpasa ng aplikasyon para
sa trabaho) (Nagpasalamat ang mga ito.)
Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa at
magsulat.
Jonalyn: O sige, para makaboto ka.
Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras yan,
narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko na mag-fill-up ng aplikasyon.
(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang kanilang
Apo Bisen,..mahabang paglalakad na tila isang walang katapusang
paglalakbay,...paglalakbay para sa kinabukasan.)
(Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang iba’t ibang eksena, ipinakita
ang karilagan at kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw ng
kinabukasan...maalikabok ang tinatahak na landas; Ang pagtatangkang
sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na isang mag-uuling na
tinanong niya kung pinag-aralan na nito ang kaniyang mga itinuro; ang pagdaan
ng mag-ama sa tila isang munting sementeryo sa kabundukan kung saan
kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng ama kung hanggang ngayon ay
takot pa siya sa mga patay. Nasalubong nila si Apo Almario...)
Jonalyn: Apo Almario, nakita nyo po ba ang aking Apo Bisen?
Apo Almario: Hindi, hindi kami nagkita!
Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok
Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas.
Jonalyn: O sige po, salamat, bomoto ka bukas!
(Sabay nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang paglalakad ay nakita
naman ni Jonalyn ang mga batang nasa taas ng puno, tumutugtog ng plawta at
binati siya ng ‘magandang umaga’ ng mga ito, sinabihan niyang mag-ingat ang
mga ito at baka sila ay mahulog.
Samantala, sa isang bahagi ng bundok ay natanaw nila ang isang napakalawak
at napakalaking apoy dulot ng kaingin)
Jonalyn: :Sa ginagawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon
(Malungkot ang mukha)
EKSENA 6 Patungo na sa Kabundukan
(Habang lumalayo ang nilalakad ng mag-ama ay lalong gumaganda ang mga
tanawin sa kabundukan; sasabayan ito ng isang magandang musika na tila sila
ay pumapasok na sa isang bagong daigdig)

9
(Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig ang
batang Aeta na si Jonalyn; humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang ama
kaya’t muli niya itong ibinalik sa tubig, sa may kangkungan, nandiyang siya ay
sumandaling umihi, nakatapak rin ng dumi ng kalabaw, naghugas sa isang
bahagi ng ilog-ilogan; sa bahaging yaon ay narinig nila ang isang tinig mula sa
kabundukan na umaawit...isang awit ng papuri:
“Apo Namalyari Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo
Makapangyarihang Isa Kami ngayo’y nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa amin”
(Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso ni Jonalyn; kaya’t siya’y napaawit rin):
“Ako’y nagsabi kay tatay, Manghuhuli ako ng usa, “Ako’y nagpaalam kay nanay
Para manghuli ng ibon Ngunit ako itong nahuli Ng katutubong Aeta”
(Pumapaitaas na ang paglakad nina Jonalyn sa bahaging iyon ng bundok, nakita
nila ang grupo ng mga Aeta na nagsisipagtanim na sinasabayan ng pagtugtog ng
munting gitara ng isang babaeng Aeta)
Mang Edgar: Nakita n’yo ba ang aking Ama?
Mga Katutubo (nagsisipagtanim): Hindi, hindi pa rin siya nagpakita, mga
dalawang araw na ang nakalilipas.
Mang Edgar: Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang maghahanap
sa Apo mo doon sa mas malayo.
Jonalyn: Amang, tara munang magdasal. (Sabay lumuhod ang mag-ama at
itinaas ang mga kamay)
Apo Namalyari... Sana’y ligtas ang aming Apo Bisen Tatlong araw na po siyang
nawawala Sana po ay amin siyang makita Sa lalong madaling panahon Jonalyn:
Amang, mag-ingat ka!
Mga Katutubo: Tara na, sumama ka sa amin, maghanda tayo ng pananghalian!

EKSENA 7 – Ang Pananghalian


(Medium Shot: Ipinakikita ang paghahanda ng pagkain ng mga Aeta, isang
sariwang ubod ng saging at sariwang mga gulay na galing sa kanilang pananim...)
Katutubo: Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-manok!
Katutubo: (Habang kumakain) ‘Dyuna, turuan mo kami uli kung paano magbasa
at magsulat ah, kasi magboto kami!”
Jonalyn: Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli tayo. (Isang
eksena ang kinuhanan pagkatapos ng kanilang pananghalian: Isang batang
babae ang kinukutuhan, nasasaktan ito sa bawat hila ng kanyang mahaba, kulot
at matigas na buhok...Maririnig ang ganitong usapan):
Batang Babae: Tama na, tama na, masaakit!...masaaakit...
Jonalyn: Eh, paano ka magiging reyna niyan eh hindi ka nagpapakuto!

10
Batang Babae: Kaya nga ayoko na, ayoko nang maging reyna! (
Samantala, sa kabilang panig ng kagubatan,...sa patuloy na paglalakad ng
kaniyang amang ay lalong nagiging mapanganib ang susunod na eksena:
Sumalubong sa landas nito ang isang baboy-ramo, kinagat siya nito sa hita at
halos magpambuno sila.
EKSENA 8 – Araw ng Eleksyon
(Kinabukasan, nagbalik na ang mag-ama mula sa kabundukan, iyon na rin ang
araw ng eleksyon. Sa tahanan ng mga katutubo)
Aling Carol (ina ni Jonalyn): Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay natin at
bantayan mo muna ang iyong mga kapatid para makaboto kami.
Mang Edgar: Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at magsulat at
ganyan ka makapagsalita? Hindi dapat maiwan si Jonalyn, isasama natin siya
para tulungan tayong makaboto, kasi marunong siya.
Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang
magbabantay sa mga bata, mamaya na lamang ako boboto. (Umalis na ang mag-
anak, pinag-uusapan pa rin nila kung darating pa kaya at boboto ang nawawala
at matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo Bisen, ngunit matibay pa rin
ang paniniwala ni Jonalyn na makababalik ang kanyang Apo mula sa
kabundukan at makaboboto pa ito.)
(Dumating na ang pamilya ni Jonalyn sa presinto ng isang maliit na paaralan,
kelangang hanapin sa registerd voter’s list ang pangalan ng kanyang mga
magulang para sila ay makaboto, makikitang nagkakagulo ang mga katutubo
dahil sa maliliit na letrang hindi nila mabasa at maririnig ang mga komentong
iba raw ang hitsura nito kaysa kanilang natutuhan...ginabayan ni Jonalyn sa
pagboto ang kaniyang ama)
(Pagkatapos na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang
kanyang pansin sa isang matandang nakaupo.)
Jonalyn: Lola, nakaboto na po ba kayo?
Lola: Oo, gaya ng itinuro mo sa akin... Dalawa nga binoto ko eh, si FPJ at si GMA.

EKSENA 9 – Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-muni


(Napaupo si Jonalyn sa labas ng presinto, may lungkot sa kanyang mukha, may
bahid ng kawalang pag-asa...habang tinitingnan niya ang sitwasyon ng mga
panahong yaon.)
(Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aeta ay
nasarhan na ng presinto, inabutan na ng pagsasara ng botohan kaya’t hindi na
sila nakaboto. Naroon ang mga ilang sundalo at kapulisan na sa akala niya’y
sasaklolo sa kanila ng mga panahong yaon. Ang mga sanggol na katutubo na
buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila kalunus-lunos ang mga
tinig, patuloy sa kanilang paghikbi at pag-iyak.

11
Para kay Jonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at buong pagkatao ang
kaniyang mga pagsusumikap ng mga panahong yaon...nalaglag sa kanyang mga
mata ang butil ng mga luha...malayo ang tingin.)
(Sa pagkakataong yaon, dumating ang kanyang Apo Bisen, kabababa lamang
mula sa kabundukan, pasan-pasan sa kanyang likuran ang isang malaking
baboy-ramo, sabay nagwika itong:
Apo Bisen: Tayo na, umuwi na tayo. (Muli silang naglakad pauwi sa tahanan.)

EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang


(Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa
hapag-kainan ang nahuling baboy-ramo.
Apo Bisen: “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito
makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao”.
(Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si
Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay
nakasulat ang mga katagang
“Babangon ang Pilipinas”) (Close-Up Shot ng Camera sa mga katagang yaon)
Natapos na ang pagdiriwang...ubos na rin ang inihaing baboy-ramo.

Mahusay, binabati kita! Upang lubos mo pang maintindihan ang pelikula,


makatutulong sa iyo ang pagsagot sa mga mahahalagang katanungan.Alam kong
kayang-kaya mong sagutin ang mga sumusunod na katanungan dahil ikaw ay may
malalim nang pang-unawa sa binasa.

Gawain 3 : Isip Mo, Hahasain Ko!

A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit na ginamit sa


mundo ng pelikula. Gamitin ang konteksto ng tekstong babasahin o narinig sa
napanood na pelikula.
1. Ang prodyuser ng pelikula ang nagsisilbing namumuhunan sa larangan ng
pinilakang tabing.
2. Nararapat na maipakita nang mabuti ng bida ang papel na kanyang
ginagampanan.
3. Hindi tipikal na kinukuha bilang leading man sa isang pelikula ang isang
komedyante.
4. Kitang-kita ang chemistry ng tambalang Daniel at Katryn.
5. Kung iisiping mabuti parang kontrabida ang dating ni Mang Edgar dahil sa
paraan ng kanyang pagsasalita.

12
B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.
1. Sino ang hindi bumuto sa naganap na eleksyon?
A. Apo Bisen B. Mang Edgar C. Jonalyn D. Aling Carol
2. Bakit nagkakagulo sa presinto ang mga katutubo?
A. May dumating na pulitiko
B. May namigay ng pera
C. ahil hindi nila mabasa ang kanilang pangalan sa sobrang liit ng sulat nito
D. Dahil sa sobrang dami ng tao na kailangang tulungan ni Jonalyn upang
makaboto
3. Paano ipinadama ni Jonalyn ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga
kababayang katutubo?
A. Nag-aral siyang mabuti upang matulungan ang mga kababayang katutubo na
bumasa at sumulat
B. Humingi siya ng tulong sa mga mayayaman upang mapaunlad niya ang
kanilang lugar
C. Nangalap siya ng salapi sa mga negosyante upang ibili ng pangunahing
pangangailangan ang mga kababayan.
D. Pumunta siya ng bayan at nanawagan siya sa telebisyon na tulungang
umunlad ang kanilang lugar.
4. “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at
makababawas ng aking pagkatao”. Anong isyung panlipunan ang ipinakita ng
pahayag?
A. kurapsyon C. kawalan ng tiwala sa pulitiko
B. kahirapan D. kriminalidad
5. Anong pangyayari sa buhay ni Jonalyn na nagpapakita ng kalakasan ng isang
babae?
A. Sumusunod sa uso si Jonalyn gaya ng pagsusuot ng maiikling damit.
B. Kayang-kaya niyang magmaneho patungong bayan.
C. Siya na ang nagtatrabaho para sa pamilya.
D. Nagsumikap siyang makatapos ng pag-aaral kahit maraming hadlang sa
pagkakamit nito.

13
Suriin

Alam mo ba?

Ang pelikula, kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan.

Ang Dokumentaryo ay tungkol sa katotohanan at realidad na pangyayari sa


buhay at sa lipunan.Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan at korapsyon, problema
sa edukasyon at suliraning pang-ekonomiya at sa mga katiwalian.

Sa tinatawag nating panitikang popular ngayon, ito ay pinagsama, kaya’t


tinawag itong “dokumentaryong pampelikula”. Lubha kang magiging interesado sa
paksang ito, lalo na sa katulad mong kabataan na sa kasalukuyan ay nabubuhay sa
modernong panahon. Kaya nararapat ka ring matututong magsulat/gumawa ng
isang suring pelikula.

Malaking tulong din sa pagsulat ng isang mabisang suring-basa ang paggamit


ng kahusayang gramatikal, ang paggamit ng wastong bantas, pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangungusap, at kaisahan ng talata. Kaya dapat ring pag-aralan mo ito.

Kagaya ng isang dokumentaryo, ang pagbuo ng isang kampanyang


panlipunan ay maituturing din na isang pampublikong komunikasyon dahil
nagpapalawak ito ng mga kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
impormasyon sa publiko.Kaya’t nararapat din na alamin ang mga hakbang kung
paano sisimulan o gagawin ang kampanyang panlipunan.
Narito ang mga hakbang kung paano sisimulan o gagawin ang kampanyang
panlipunan.
1. Pagpasyahan muna ang adbokasiyang ipaglalaban o ikakampanya.
2. Pagplanuhan kung paano ipahahayag ang mensahe ng kampanya na ipahahatid
sa publiko, ang pagbibigay ng impormasyon, epekto nito at ang panganib na
dulot nito sa mga tao.
3. Magsaliksik ng sinabi ng mga eksperto o mga salwikain na magagamit sa
pagbibigay ng mensahe.
4. Makatutulong nang malaki ang paglalagay ng larawan at simbolo dahil kung
minsan, mas malakas ang dating nito sa publiko kaysa paggamit ng mga salita.
5. Pag-aralang mabuti ang desinyo ng kampanyang panlipunan dahil nakaaakit sa
mambabasa ang magandang ayos at layout nito.
6. Gumamit ng iba’t ibang estratihiya sa pangangampanya tulad ng pagmumudmod
ng maliit na polyeto, paggawa ng malaki at makulay na poster;paglikha ng mga
flyer at iba pa.

14
7. Isa-alang alang ang tamang panahon sa pagsasagawa ng kampanyang
panlipunan.
8. Humingo ng permiso sa may-ari o nangangasiwa ng lugar o pampublikong na
pagkakabitan ng poster, babala,o paunawa sa kampanyang panlipunan.
9. Pumili nang mahusay na tagapagsalita na magbibigay ng mga impormasyon,
epekto at sanhi na dulot ng isyung ipinaglalaban kung mangangampanya sa iba’t
ibang lugar.

Malaking tulong sa pagsulat ng isang mabisang suring-basa at social


awareness campaign ang paggamit ng kahusayang gramatikal, ang paggamit ng
wastong bantas, pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap, at kaisahan ng talata.
Kaya dapat ring pag-aralan mo ito.

Paggamit ng Kahusayang Gramatikal

1. Tamang Pagbabantas
Ang paggamit ng tamang bantas sa pagsulat ng isang suring-pelikula ay
kailangan upang maging epektibo ang pagsulat. Ang maling paggamit ng bantas ay
nagbubunga ng maling interpretasyon sa ipinahihiwatig nito.
A. Tuldok
a. Ang tuldok (.) ay ginagamit na pananda.
 Si Kylene ay isang magandang binibini.
b. Sa pangalan at salitang dinaglat. Mga halimbawa:
 Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.
 Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic
Christian Living”.
c. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng
isang balangkas, talaan.
B. Tandang Pananong
Ginagamit ang tandang pananong ( ? ):
a. Sa pangungusap na patanong. Mga halimbawa:
 Ano ang pangalan mo?
 Sasama ka ba?
b. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa
diwa ng pangungusap. Mga halimbawa:
 Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng
Pilipinas.
C. Kuwit
Ang kuwit ( , ) ay ginagamit sa ganitong mga kaparaanan:
Paghihiwalay ng isang sinipi.

15
D. Kudlit
Ang kudlit ( ‘ ) ay ginagamit na panghalili sa isang titik na kina-kaltas.
Halimbawa: Siya’t ikaw ay may dalang pagkain. Ako’y isang mamamayang
Pilipino at may tungkuling mahalin at pangalagaan ang aking bayan.
E. Gitling
Ang gitling ( - ) ay ginagamit sa loob ng salita sa mga sumusunod na
pagkakataon: sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng
salitang-ugat.
F. Tutuldok
Ang tutuldok ( : ) ay ginagamit matapos maipapuna ang pagpapakilala
sa mga sumusunod na paliwanag, sa ganitong mga paraan: Ginagamit kung
may lipon ng mga salitang kasunod. Mga halimbawa:
 Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng:
Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.
G. Panipi
Ang mga panipi (“ ”) ay inilalagay sa unahan at dulo ng isang salita sa
ganitong mga kaparaanan: Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng
isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. Halimbawa:
 “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng
Pangulo.
H. Tutuldok-tuldok
Ang tutuldok-tuldok o elipsis (…) ay nagpapahiwatig na kusang
ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais na sabihin. Upang ipakilalang
may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang
ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang
salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala ay sa hulihan
ng pangungusap. Halimbawa:
 Pinagtibay ng Pangulong Arroyo ….
2. Tamang Baybay
Kailangang maipakita ang tamang baybay ng salita sa suring pelikula upang
hindi mapulaan ang isang manunuri na hindi maayos ang pagkakasulat ng kanyang
pagsusuri. Makailang basahin muli upang makita ang kawastuhan sa baybay.
3. Pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap
Upang maging mabisa ang pagkakabuo ng mga pangungusap, kailangang
wasto ang gamit ng mga salita sa loob ng pangungusap gayundin ang organisasyon
ng mga ideya.
Ayon kina Cruz at Bisa, higit na mabisa at masining ang pagpapahayag kung
isaalang-alang ang mga sumusunod:
A. Higit na natural na estruktura ng pangungusap
B. Pagbibigay-pansin sa wastong gamit ng mga salita sa pagpapahayag
C. Paraan ng paghahanay ng mga salita upang maging mabisa ang
pagpapahayag

16
Narito ang ilang halimbawa ng wastong gamit ng mga salita.
A. Gamit ng ng at nang:

a. Ginagamit na pananda ang ng sa pagtukoy sa pangalan.


Halimbawa:
 Nagpunta ng bundok si Apo Bisen.
b. Ginagamit ang nang bilang pangatnig.
Halimbawa:
 Kailangang palitan na ang modernong dyip ang lumang dyip
nang maibsan ang problema sa trapiko.
c. Ginagamit ang nang bilang pang-abay na pamaraan.
Halimbawa:
 Lumakad nang dahan-dahan patungo sa pila upang
magmartsa.
B. Gamit ng pantukoy at panghalip:
Ang mga pantukoy na si, sina, ni, nina, kina at kay ay sinusundan
pangalan ng tao.
Halimbawa:
 Nagtungo sila sa bahay nina Apo Bisen.
 Si Jonalyn ang nagsilbing guro at ang gumabay sa kanyang
mga katutubo noong eleksiyon.
Sa paggamit ng panghalip na sila at nila ay hindi na kailangan pang
banggitin ang mga pangalan ng mga tao dahil hinahalinhinan na nito ang mga
pangngalan.
Halimbawa:
 Nagdiwang sila pagkatapos ng eleksiyon.

17
Gawain 4: IHASIP (Ihambing at Isaisip)
Panuto: Paghambingin ang dokumentaryo at pelikula gamit ang Venn Diagram.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. Pagkakaiba C. Pagkakatulad B. Pagkakaiba

Pagsasanay
Panuto: Lagyan ng tamang bantas ang bawat bilang upang maipakita ang
kahusayang gramatikal ng mga pangungsap.

1. Sa kasamaang palad hindi nakaboto ang maraming kababayang katutubo ni


Jonalyn.
2. Ang kanyang ama ay pa-extra extra lamang sa kung saan-saang konstruksiyon.
3. Sino ang mag aakala na isang bata pa ng pamilya ang siyang gagawa ng paraan
para sa suliranin nila.
4. Ang mga kababayang katutubo ni Apo Bisen ay kumakaharap ng iba t ibang
suliranin sa buhay.
5. Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay natin at bantayan mo muna ang iyong
mga kapatid para makaboto kami , pakiusap ng ina ni Jonalyn.

18
Pagyamanin

Wow! Ang husay mo. Nasagutan mo nang mahusay ang ilang gawain at pagsasanay. Ngayon
naman sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan upang makuha mo ang bandila.

Gawain 5: Hagdanaw (Hagdan at Pananaw)


A. Panuto: Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na tanong upang iyong makuha
ang bandila. Lalo pa nitong palalalimin ang iyong kaalaman, pagkilala sa sarili at pagkamulat sa
kapaligiran. Isulat ang sagot sa iyong papel.

Ang larawang ito ay kuha mula sa Google Images

6. Ano ang layunin ng direktor sa pagpapalabas ng


ganitong uri ng pelikula?

5. Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa kababayan mo


na nagtataglay ng “kawalang alam”(illiteracy) lalo na sa pagbasa
at pagsulat? Ano ang naisip mong proyekto para sa kanila?

4. Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na landas sa


pamamagitan ng mahabang paglalakad ni Jonalyn at ng kaniyang ama
sa kabundukan kung ihahambing sa kasalukuyang kalagayan ng mga
katutubo at ng bansang Pilipinas?

3. Kung ikaw si Jonalyn, paano mo isasakatuparan ang pagtuturo ng


pagbabasa at pagsusulat sa iyong kapwa katutubo? Magbigay ng mga
mungkahi

2. Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata pa para sa kaniyang edad, wasto


ba ang hakbang sa isinagawa ni Jonalyn para sa kaniyang mga kapwa katutubo?

1. Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong sarili na isang mahusay na lider at
tagapagtaguyod ng kabutihan sa nakararami sa kasalukuyang panahon?

19
B. Panuto: Lagyan ng tsek ang bawat bilang kung ang pahayag ay kabilang sa
tamang hakbang sa pagsisimula o paggawa ng kampanyang panlipunan at ekis
naman kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Malaki ang naitutulong ng paglalagay ng larawan o simbolo upang maging
kaakit -akit ito sa publiko kaysa gumamit ng mga salita.
2. Ang panahon ay hindi mahalaga sa pagsasagawa ng kampanyang
panlipunan.
3. Ilagay kaagad ang mga poster, larawan,babala o paunawa sa kampanyang
panlipunan sa lugar na dapat nitong kalagyan.
4. Ang paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pangangampanya ay nakatutulong
nang malaki upang makaakit sa publiko.
5. Ang mga pagsasaliksik sinabi ng isang eksperto ay higit na makatutulong
upang maging makatotohanan ang gagawing kampanya.

Isaisip

Gawain 6 : Pagkukulang Ko, Punan Mo!


A. Punan ng wastong sagot ang sumusunod na puwang sa bawat pangungusap.
1. Ang _____________ kilala in bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan
na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan.
2. Ang ______________ ay tungkol sa katotohanan at realidad na pangyayari sa
buhay at sa lipunan.
3. Sa tinatawag nating panitikang popular ngayon, ito ay pinagsama, kaya’t
tinawag itong ________________.
4. Ginagamit ang bantas na ______________upang ipakita ang buong sinasabi ng
isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.
5. Ang maling paggamit ng ___________ ay nagbubunga ng maling interpretasyon
sa ipinahihiwatig nito.
B. Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag.

1. Nakakatulong ang isang suring -pelikula upang ____________________________


___________________________________________________________________________
2. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa paggamit ng kahusayang
gramatikal ay nakatutulong upang _________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Kailangang maipakita ang tamang baybay ng salita sa suring-pelikula dahil
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

20
Isagawa

Gawain 7: Pagkakamali Ko, Tukuyin Mo!


A. Panuto: Tukuyin ang maling gamit ng mga salita at maling bantas sa ilang
diyalogong ibinigay sa ibaba na ginamit sa pelikula at naging paboritong bigkasin
ng nakararaming Pilipino. Pagkatapos, isulat na muli ang pangungusap nang
may tamang salita at bantas.

1-2.- ‘ Di ako kumakain nang bigas, ____________________________________


Major: Sinasaing ko muna para maging ____________________________________
kanin bago ko kainin. Ikaw Major,
____________________________________
palay pa lang kinakain mo na”.
____________________________________

3-4. “ Ang pera natin hindi basta, basta ____________________________________


nauubos, pero ang pasensya ko konting ____________________________________
konti na lang?” ____________________________________
____________________________________
5-6. Bakit ang ama, makapagtrabaho
____________________________________
lang sya at maibigay ang
pangangailangan ng anak, mabuti na sa ____________________________________
paningin ng iba! Pero bakit ang ina ____________________________________
ginawa mo ang lahat….nagpakapagod
ka, masama pa rin sa paningin ng iba?” ____________________________________
____________________________________

7-8. Ngayon lang ako nagdesisyon para ____________________________________


kay sarili ko, at yun ay ang mahalin ka ____________________________________
____________________________________
9-10. “Pangako mamaya huling beses ____________________________________
na nating maghihiwalay. Ito na ang ____________________________________
huling gabi na merong ikaw at ako.
Simula bukas ang meron na lang ay ____________________________________
tayo. Tayo habang buhay. Hindi ka na ____________________________________
matutulog ng mag-isa at hindi ka na
____________________________________
gigising nang wala ako sa tabi mo. At
itong kamay na ito hindi ka na ____________________________________
bibitawan pa. I will never let go”.

Matapos masagutan ang mga gawain, alam kong marami ka nang natutuhan
lalong higit sa tamang paggamit ng kahusayang gramatikal. Ngayon subukan mo
namang sumulat ng isang malinaw na social awareness campaign gamit ang angkop
na kumunikatibong pahayag.

21
Gawain 8: Ako Mismo, Kikilos Ako!
Panuto: Ipahahayag mo ngayon kung paano ka makatutulong sa iyong pamayanan
bilang batang lider sa pagharap at paglutas ng mga suliraning panlipunan na
kinakaharap sa kasalukuyan sa pamamagitan ng isang Personal Vlog. Batay sa
pamantayan na makikita sa ibaba.

“AKO MISMO, BATANG LIDER”

Ang larawang nasa itaas ay kuha mula sa Google Images

Rubric sa pagsulat ng isang Social Awareness Campaign

Orihinalidad at Pagkamalikhain 40%

Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena 20%

Linaw ng Kaisipan at Mensahe 10%

Epektibong Gamit ng Wika 20%

Aplikasyong Teknikal 10%

Total 100%

22
Tayahin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Tama o Mali. Isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung ang
pahayag ay wasto at kung mali palitan ang salitang may salungguhit upang
maging tama ang pahayag
1. Sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan kailangang piliin lamang ang
naaangkop sa tema yamang dito magsisimula ang lahat ng iyong kaisipan at
mga panghihikayat.
2. Ang panipi ay ginagamit sa katapusan ng pangungusap na nagtatanong.
3. Ang unang bagay na nagpakita ng realidad sa pelikulang “Manoro: Ang Guro
ay ang kreminalidad.
4. Naging inspirasyon na maituturing si Jonalayn sa kanilang baryo sa
ipinamalas niyang pag-uugali.
5. Isa sa mga problema ng maraming mga katutubo ang kawalan ng sapat na
tulong mula sa pamahalaan.
B. Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
6. Dahilan kung bakit marami ang hindi nakaboto at nasarhan sila ng presinto.
A. Hindi sila nakaabot sa tamang oras.
B. Naantala ang kanilang pagbuto dahil sa kaguluhang likha ng isang
pulitiko.
C. Hininintay nila ang kanilang mga kamag-anak upang sabay-sabay
na tumungo sa presinto.
D. Marami sa katutubo ang hindi mabasa ang kanilang mga pangalan
dahil sa maliliit ang letra nito at para sa kanila iba ang itsura nito.
7. Sila ang isa sa mga unang nagpasimula ng ating kabihasnan at kung anong
klase at pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo ngayon.
A. katutubo C. mga pulitiko
B. mga bayani D. mayayaman
8. “Kailangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok”. Ano ang
ipinahihiwatig ng pahayag?
A. nagagalit C. nangungutya
B. nag-aalala D. natutuwa

23
9. Nararapat raw na bigyang pansin ang mga katutubo lalong higit sa kanilang
a b c
pag-aaral. Alin sa mga may salungguhit ang may maling gamit ng salita?
d
A. a B. b C. c D. d
10. Hindi dapat maiwan si Jonalyn, isasama natin siya para tulungan tayong
makaboto, kasi marunong siya. Anong pantukoy ang ginamit sa
pangungusap.
A. siya B. tayo C. tulungan D. si

Karagdagang Gawain

Wow! Ang galing mo naman! Oh, diba? Sabi ko naman sa’yong kayang-kaya
mo’yan. Nawa’y malawak na ang iyong kaalaman sa tinalakay nating aralin. Narito
ang panghuling gawain upang mag-iwan ito ng impresyon sa iyong paglalakbay.

Gawain 9: Patinikan sa Panitikan


Panuto: Sa panonod mo ng mga dokumentaryo at pelikula ay may mga senaryo na
nakintal sa iyong isipan. Marahil tumagos pa nga sa iyong puso’t damdamin. Iguhit
sa loob ng kahon ang ilan sa mga eksenang iyong naibigan. Ipaliwanag kung ano
ang kahulugan nito.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

24
Susi sa Pagwawasto

25
26
Sanggunian
Department of Education, 2016 K to 12 Filipino 2016 Curriculum Guide

Whole Brain Lesson Plan Exemplar

Whole Brain Lesson Plan SDOIN

Manlapaz, C., Miranda L. (2015) Pinagsanib na Wika at Panitikan. Innovative


Educational Materials, Inc. Sta. Ana, Manila

Guimarie, Aida. M. Pinagyamang Wika at Panitikan, Vibal Group, Inc. Quezon City

Enrijo, W. et al. (2013) Filipino 8 Modyul para sa mga Mag-aaral. FEP Printing
Corporation, Pasig City, Philippines

Scribd.com/doc./294938855/MANORO

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like