You are on page 1of 10

1

KABANATA I

INTRODUKSIYON

Sanligan ng Pag-aaral

Tayo ay nasa sistema ngayon ng panibagong panahon kung saan nauuso at

namumukod-tangi ang mga sikat na awitin. May mga sarili man tayong opinyon at

pananaw hinggil sa mga usaping ito, nararapat pa ring kilalanin at tangkilikin ang ilang

mga awit na mismong naging produkto ng ating kabihasnan. Kung kaya’t ang pag-aaral

na ito ay tungkol sa pagsusuri at pagsasalin ng mga orihinal na panrelihiyong awit ng

Capiz.

Naisaad sa Impluwensya ng Kristiyanismo sa Kulturang Filipino (2013), na

malaki ang impluwensya ng Kristiyanismo lalung-lalo na ang simbahang Katoliko

Romano sa kasulukuyang kultura ng Filipinas. Makikita ito sa pang-araw-araw na kilos at

gawi ng mga Filipino. Maging ang ating mga paniniwala ay lubos na naapektuhan ng

simbahan. Ang pagdaraos ng mga kapistahan, ay isang tradisyong may malalim na

impluwensyang Kristiyano. Nang dumating ang mga Kastila dala ang relihiyong

kristiyano, malugod natin itong tinanggap. Kaalinsabay ng paglaganap ng kristiyanismo

ay ang pagtatalaga ng isang santong patron para sa o pamaya-

nan. Para sa mga patron ay may itinatalagang isang araw ng pasasalamat at ito ay kilala

bilang araw ng pista.


2
Ayon sa Admin (2011), kailangang mapahalagahan ang mga ito bilang isa sa mga

kasangkapan sa pagbalik-tanaw ng sinauna at likas na kultura at paniniwala. Sa panahong

ito, ang awiting bayan lamang ang makapagpapanatili sa ating Moral.

Karaniwang paksa ng awit ang pakikipagsapalaran ng bayani, ngunit ang iba'y

tumatalakay din sa mga alamat at relihiyosong tula. Sa pag-aaral ng batikang

mananaliksik  na si Damiana L. Eugenio, ang "awit" ay walang ikinaiba sa "korido",

maliban lamang sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang awit, gaya ng korido, ay

nagtataglay ng tatlong elemento. Una, ang pag-iibigan. Ikalawa, ang relihiyoso at

pangangaral. At ikatlo, ang kahima-himala at kagila-gilalas.

Nabanggit din dito na inilalahad ng awit ang pag-ibig ng magsintahan o

magkabiyak, ang pag-ibig ng anak sa magulang, at ang pag-ibig sa lupang sinilangan.

Samantala, nabubudburan naman ng mga pangangaral ang ilang usapan sa loob ng mga

taludtod, ngunit ang ganitong gawi'y hindi lamang nauugat sa banyagang imluwensiya ng

relihiyosong pangangaral dahil nagtataglay na ang mga katutubong tula, gaya ng tanaga,

dalit, at diona, ng gayon at maihahalimbawa ang naitala sa Vocabulario de la Lengua

Tagala (1860) nina Fray Juan de Noceda at Fray Pedro Sanlucar.

Mababakas sa mga ito ang pagkilala sa mga awit, lalo na noong panahon ng

Kastila kung saan ito ang naging simula ng pagkilala at pagsamba ng mga Pilipino sa

pinaniniwalaang Diyos at relihiyon ng mga banyagang nanirahan at sumakop sa bansa.

Dala ng kanilang matatayog na layunin ay naging tulay rin ang pagturo sa mga

mamamayan sa Pilipinas ng mga kantang handog nila sa kanilang mga Patron at

Patronang siyang naging kultura at paniniwala na rin sa paglipas ng panahon. Dito


3
mahihinuhang magpakahanggang ngayon ay buhay pa rin sa mga deboto ang

nakaugaliang tradisyong pinapalaganap sa panibagong henerasyon ngayon.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang lapatan nang malalim na

pagsusuri ang mga orihinal na panrelihiyong awitin ng Capiz at isalin ang mga ito sa

wikang Filipino. Narito ng mga tiyak na layunin:

1. Ano ang mga paksang diwa ng mga awiting panrelihiyon ng Capiz?

2. Ano-ano ang mga katangiang taglay ng mga orihinal na awiting panrelihiyon ng Capiz

batay sa talasalitaan, at simbolismo?

3. Ano-anong mga tradisyon at paniniwala ng mga bayang pinanggalingan ng mga ito

ang masasalamin sa mga awiting panrelihiyon ng Capiz?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Layunin ng pananaliksik na ito na masuri at maisalin ang limang napiling awiting

panrelihiyon na mula sa limang (5) kanayunan ng Capiz. Magiging kapaki-pakinabang

ang maaaring kinalabasan ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Mga lokal na mamamayan. Makakakuha sila ng benepisyo sa pamamagitan ng

pagtangkilik at pagkilala ng mga gawa nilang awitin para sa patron ng kanilang kapelya.

Makakatulong din ang pag-aaral na ito upang mahinuha at makaugalian nila ang mga

awiting nagawa ng kanilang kapwa at magagamit ito sa mga okasyong may kinalaman sa

kanilang kapelya ng mismong nayon.


4
Mga guro. Lalong madaragdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa nasabing

topiko na awiting panrelihiyon at ito’y kanilang maipamamahagi sa kanilang mga mag-

aaral upang mapalawak pa ang mga kaalaman nito hinggil sa ganitong usapin. Matutukoy

din nila ang kahalagahan ng awitin sa lipunang ginagalawan at ang ambag nito sa

sibilisasyong kinabibilangan.

Mga mag-aaral. Mababatid nila ang mga orihinal na ginawa ng kanilang

mamamayan para sa patron ng kanilang kapelya. Ito’y makakatulong din para may

kaalaman sila hinggil sa ganitong mga awitin at masasanay na isali sa kanilang mga

awiting dapat pahalagahan at sanayin. Makakatulong din ang pananaliksik na ito upang

higit na mapalawak ang mga kaalaman tungkol sa mga awiting panrelihiyon na mayroon

ang mga Capiznon.

Mga mananaliksik. Magiging gabay ang pag-aaral na ito upang lalo nilang

maunawaan ang importansiya at kahulugan ng bawat mensahe ng awit. Sa pamamagitan

din nito ay makakukuha sila ng batayan at datos na kailangan nila, gayundin ay higit

silang mahikayat na pag-aralan ang ganitong panitikan ng Capiz.

Mga manunulat. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa pagbibigay ng mga

karagdagang kaalaman at kalinangang maaaring mag-udyok sa kanilang mga interes

upang mahikayat silang magsulat at lumikha ng mga awiting sentimental sa taong-bayan

at pagkilala ng mga ito bilang produkto ng lokal na mga mamamayan.


5
Balangkas ng Pagsusuri at Pagsasalin

Mga awit na Susuriin at Balangkas sa Pagsusuri at


Isasalin Pagsasalin ng Awit

Sta. Monica I. Sipi ng Awiting


Panrelihiyon
San Nicholas de
a. Orihinal na Sipi
Tolentino
b. Siping Salin
San Lorenzo
II. Paksang Diwa
Birhen sang Fatima
III. Mga Talasalitaan
Sta. Ana
IV. Mga Kagandahang

Pampanulaan

a. Simbolismo

b. Tradisyon

c. Paniniwala

Pigura 1. Ipinapakita sa pigurang ito ang mga awit na isasalin sa wikang Filipino
at susuriin gamit ang balangkas sa pagsusuri at pagsasaling binuo
ng mga mananaliksik.
6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri ng mga panrelihiyong awitin ng Capiz at

pagsasalin ng mga ito sa wikang Filipino. Ang mga awiting pagtutuunan ng pansin ay

limitado lamang para sa mga orihinal na panrelihiyong awitin ng mga katoliko mula sa

iba’t ibang kanayunan ng Capiz tulad ng Panay, Ivisan, Panitan, Pontevedra, at Sapian.

Sa pagsusuri at pagsasalin na ito, ang limang (5) piling awiting panrelihiyon ng

Capiz ay tinalakay upang matukoy ang nais ipahiwatig ng paksang diwa na nakapaloob

sa bawat sipi ng mga awit; lubos na maunawaan ang mga ibig sabihin ng mga

lalawiganing salita gamit ang talasalitaan. Ang limang (5) awitin ay ang mga

sumusunod: Sta. Monica (Awiting panrelihiyon ng mga Pan-ayanon na handog sa

kanilang mahal na Sta. Monica na kinikilalang patrona sa kanilang pook) San Nicholas de

Tolentino (Awiting pasasalamat at pagpupuri ng mga residente sa kinikilalang dakilang

martir at sugo ng Diyos na si San Nicholas de Tolentino bilang mahal na Patron ng mga

taga-Ivisan) San Lorenzo (Awiting inialay sa mahal na Patrong San Lorenzo bilang isang

lider at kinatawan ng Diyos na nagbigay ng biyaya sa mga taga-Panitan) Birhen sang

Fatima (Awiting pagkilala sa mahal na Birheng Fatima ng mga taga-Pontevedra na

siyang inang gumagabay at umaagabay sa kanila) Sta. Ana (Awiting inialay sa mahal na

ina ni Maria at siyang lola ni Hesus bilang pagkilala sa mga pinagdaanan at

panunungkulan nito bilang isang dakilang ina)

Isinagawa ang pag-aaral na ito ngayong taong - Aralan

2016-2017.
7
Balangkas Teoritikal

Ang mga sumusunod ay ang mga teoryang may kaugnayan sa pag-aaral na ito:

Ang teoryang klasismo ay nagsasaad na ang isang akda ay hindi naluluma o

nalalaos. Nakasaad din dito na nakatuon ang panitikan sa pinakamataas patungo sa

pinakamabababang uri. Ibig sabihin, sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at

kagandahan. Aristrokratiko ang pananaw na umiiral dito (Cerbo, 2012).

Ang teoryang ito ay nagpapahayag ng sariling pananaw nito sa daigdig at daigdig

ng mga ispritu. Ito’y may kaugnayan sa naging pag-aaral ng mga mananaliksik na

tungkol sa awiting panrelihiyon sapagkat ang mga salita at pagpapahayag na ginagamit

ay maingat na isinulat ng mga komposo ng mismong lugar. Ang paggamit din ng mga

makalumang salita sa awitin ay nakatutulong din upang higit na makilala at malaman ang

mensahe nito. Lalo na’t naglalaman ito ng diwa sa bawat salita at taludtod na nabanggit.

Ayon naman kay Villafuerte (2000), ang tunguhin ng teoryang pormalistiko ay

matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda. Ang

teksto mismo ang pokus sa paggamit ng teoryang pormalismo. Ang ibig sabihin,

kailangang masuri ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at pag-uugnayan ng mga

salita, istrukturang wika, metapora, imahe at iba pang elemento ng akda.

Sa pag-aaral na ito ang teoryang pormalistiko ay may kaugnayan sa nilalaman ng

teksto ng awiting panrelihiyong napili dahil sa pormal na pagkakasulat ng mga salita at

may temang angkop para sa kanilang mga tagapagbasa. Mas sinusuri ang nakapaloob sa

teksto ng awit kaysa sa nais ipahawatig ng may akda. Higit ding pinagtutuunan ng pansin
8
kung bakit mahalaga ang mga salitang ginamit sa teksto at kung ano ang nais iparating ng

mismong teksto nito sa madla.

Binanggit naman sa WordAds (2011), na ang layunin ng teoryang arkitaypal ay

ang ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo ng

panitikan. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda.

Masasabing tunay na may kaugnayan ang mga teoryang nabanggit sa pananaliksik

na ito sa kadahilanang ang bawat awiting napili ay may simbolismong taglay na

kailangang kilalanin at mabatid upang lubos na maunawaan ang mensahe ng awit.

Makatutulong din ang teoryang ito upang mailantad ang misteryo ng mga simbolong

nakapaloob sa mga awiting panrelihiyong napili.

Depinisyon ng Terminolohiya

Ang sumusunod na mga terminolohiyang matatagpuan sa pag-aaral na ito ay

binigyang-kahulugan sa pamamagitan ng konseptwal at operasyunal na paraan.

Awiting Panrelihiyon ay mahihintulad din sa isang awiting bayan na ayon kay

Salce (2011), siyang tinatawag ding kantahing-bayan ay isang tulang inaawit na

nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o

hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook. Sa pag-aaral na ito ang awiting

panrelihiyon ay siyang mga orihinal na kantahing Katoliko na kinomposo ng ilang bayan

sa lalawigan ng Capiz at karamihan sa mga ito ay nauukol sa kani-kanilang Patron.

Capiz ay isang unang klaseng lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan

sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Ang Roxas City ang lungsod nito na siyang

makikita sa bahaging kanang hilaga ng isla ng Panay (Seafood Capital of the Philippines,
9
2016). Sa pag-aaral na ito, ang Capiz ang siyang naging tahanan ng mga Capiznon na

siyang hitik sa mga tradisyong pagbibigay pugay sa mga Patron ng kani-kanilang pook at

gayundin ay isang isla na kilala bilang “Sea Food Capital of the Philippines.”

Pagsasalin ayon kay Griarte (2014) ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o

mensahe sa malapit na katumbas na diwa gamit ang ibang wika. Ito rin ang nais

kahulugang ipabatid sa pag-aaral na ito.

Pagsusuri isang disiplinadong pagtatangka para maunawaan at mabigyang halaga

ang mga akdang pampanitikan ay hindi basta- basta pagsusuri, pagpuna o pag pintas

(Alba, 1990). Sa pag-aaral na ito, ang pagsusuri ay isang mahalagang gawain kung saan

sinisiyasat ng mabuti ang mga detalye ng akda upang mapaliwanag ng mabuti ang nais

ipahiwatig nito sa mga mambabasa.

Paksang Diwa ay dito matatagpuan ang paksa ng maikling kwentong iyong

binabasa o nabasa. Sa pamamagitan nito, madali mong maiintindihan ang gustong

ipahiwatig o gustong ipakita ng isang sanaysay (Ambitious 2014). Sa pag-aaral na ito,

ang paksang diwa ay tumutukoy sa pinakatema o pinakanilalamang tinatalakay ng mga

awiting panrelihiyong pinagtutuunan ng pansin sa pag-aaral na ito.

Paniniwala ayon sa Philippine Culture and Surprises (2014), ay ang mga

pamahiin ng nakakatanda. Ito ay kadalasan sinusunod at itinuturo ng mga matatanda sa

mas bata pang henerasyon. Sa pag-aaral na ito, ang paniniwala ay tumutukoy din sa

kinasanayan at kinalakihang mga pamahiin at itinuro ng mga matatanda buhat nang sila

ay bata pa.

Simbolismo ay ang paggamit ng mga simbolo upang maipahiwatig ang mga

ideya at mga katangian sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng symbolic na mga


10
kahulugan na ang iba ay mula sa kanilang literal na kahulugan (Emerge media, 2016). Sa

pag-aaral na ito, ang simbolismo ay ang paggamit ng mga matalinghagang mga salita

bilang kasangkapan sa paghahatid ng mensaheng nakapaloob sa mga awitin.

Talasalitaan ay ang karaniwang umuunlad na kaalinsabay ng edad, at

nagsisilbing isang gamitin at pundamental na kasangkapan para sa komunikasyon at

pagkakamit ng kaalaman (Cambridge Advanced Learners Dictionary, 2016). Sa pag-aaral

na ito, ay naging diksyunaryo ito o bokabolaryong Hiligaynon-Capiznon na nagtataglay

nang malalalim na kahulugan at nangangailangan ng kritikal na pag-uunawa sa mga

mamamayan na hindi naman nagmula sa pinagkunang mga awit ng nayon.

Tradisyon ay ang kaugalian, paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong

naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila (Luciano, 2016). Ito rin ang

kahulugang nais ipabatid sa pag-aaral na ito.

You might also like