You are on page 1of 6

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 10

W3-4 Quarter 3 Date


I. LESSON TITLE Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nasusuri ang diskriminasyon at karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT
COMPETENCIES (MELCs) (Lesbian, Gay, Bi-sexual, Transgender)
AP10IKL-IIId-6 p.6 at AP10IKL-IIIe-f-7 p.7
III. CONTENT/CORE CONTENT Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at
LGBT Karahasan sa mga Lalaki, Babae at
LGBT

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang pagsusuri sa diskriminasyon at
Panimula karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual,
Transgender). Ito ay naglalaman ng mga gawain na hahamon sa iyong
kaalaman at kasanayan upang masuri at lubos na maunawaan ang nasabing
isyu. Makatutulong ang pagsusuring ito na malinang sa iyo ang
pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa anuman
ang uri o kasarian bilang kasapi ng isang pamayanan, bansa at daigdig.

Bilang panimula basahin ang pagtalakay sa paksa buhat sa AP10 LM na may


paksang Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan at Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae
at LGBT pahina 284-286, at tukuyinn ang iba’t ibang personalidad na kinilala sa
iba’t ibang larangan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Alamin kung sino ang inilalarawan sa mga sumusunod at tukuyin
ang kanilang kasarian at sagutan ang mga pamprosesong mga tanong sa
iyong sagutang papel.
Paglalarawan Pangalan/Personalidad Kasarian
1. CEO ng ZALORA
2. Host at reporter ng CNN
3. Nagpasikat ng awiting “Pyramid”
4. Kauna-unahang transgender na
miyembro ng kongreso sa bansa.
5. Chair, Presidente at CEO ng
Lockheed Martin Corporation.
6. Nagtatag ng samahang
“Ang Ladlad"
7. Host ng isa sa pinakamatagumpay
na talk-show sa Amerika
8. CEO ng Apple corporation
9. Isa sa naging CEO ng ABS-
CBN Corporation

Pamprosesong mga Tanong:


1. Sa iyong palagay may mga trabaho ba na inaakala mong panglalaki
subalit napagtagumpayan ng isang babae o pambabae subalit
napagtagumpayan naman ng isang lalaki? Magbigay ng isa sa mga
halimbawa.
2. Ayon sa gawain may nakilala ka bang miyembro ng LGBT na
nagtagumpay sa larangang kanyang napili? Magbigay ng isa sa mga
halimbawa.
3. Batay sa iyong natuklasan masasabi bang ang kasarian ay batayan
ng trabaho o larangang dapat pasukan? Ipaliwanag.
B. Development 70 minuto Paunlarin ang iyong kaalaman sa paghalaw ng kahulugan ng diskriminasyon
Pagpapaunlad at karahasan sa mga kababaihan gamit Gabay na teksto halaw sa AP10 LM
pahina 289-291at pahina 300-303.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Ibigay ang salitang may kaugnayan na bubuo sa kahulugan ng
“diskriminasyon” at sagutan ang mga pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

Diskriminasyon
batay sa kasarian

ay ang anumang:
1.
2.
3.

na nagiging sanhi ng hindi:


4.
5.
6.

ng kanilang mga karapatan


o kalayaan
Pamprosesong mga tanong:
1. Sa iyong palagay, totoo kaya na nangyayari ang diskriminasyon?
Patunayan ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa.
2. Ano kaya ang maaaring mangyari kung patuloy na magkakaroon ng
diskriminasyon sa lipunan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Pag-aaral ng kaso ng diskriminasyon sa kababaihan sa Pakistan.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pamprosesong mga tanong:


1. Sino si Malala Yousafzai?
2. Ano ang kanyang adbokasiya at ipinaglalaban?
3. Papaano ipinaglaban ni Malala ang kanyang adbokasiya?
4. Ano ang naging tugon ng mga tao sa pagkakabaril sa kanya ng
mga Taliban?
5. Makatuwiaran ba na pagbawalan ang mga kababaihan na makapag-
aral? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Panuto: Suriin ang kahulugan ng karahasan sa kababaihan (violence against
women) ayon sa United Nations at tukuyin ang mga tanging halimbawa.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano-ano ang di-mabuting epekto ng foot binding sa mga sinaunang
kababaihan sa Tsina?
2. Ano-ano ang di-mabuting epekto ng breast ironing sa mga
kababaihan sa mga bansa sa Africa?
3. Sa iyong palagay, mayroon din bang mga karahasan sa mga
kababaihan ang nagaganap sa ating bansa o sa inyong lugar?
Magbigay ng dalawang mga halimbawa.

C. Engagement 30 minuto Pagkatapos mong matuklasan ang iyong mga pang-unang kalaaman sa
Pakikipagpali aralin ay atin namang patuloy na palalalimin ang mga kaisipang ito sa
han pamamagitan sa pagsagot sa mga sumusunod na gawain gamit ang Gabay
na teksto halaw sa AP10 LM pahina 303-304.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Panuto: Punan ng angkop na datos ng istadistika ng karahasan sa
kababaihan ayon sa ulat ng National Demographic Health Survey ng National
Statistics Office noong 2013. Alamin at itala mo din ang pitong nakamamatay
na karahasan sa kababaihan ayon sa GABRIELA at sagutan ang
pamprosesong mga tanong sa sagutang papel.

Porsyento o
Karahasan sa Kababaihan
Bahagdan
1. Babaeng edad 15-49 na nakakaranas ng pananakit na
pisikal
2. Babaeng edad 15-49 na nakakaranas ng pananakit na
sekswal
3. Babaeng may asawa at kasal ay nakakaranas ng pisikal
at sekswal na pang-aabuso mula sa kanilang asawa.
Seven Deadly Sins Against Women ayon sa GABRIELA
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano sa iyong palagay ang dahilang ng mga pang-aabusong iyong
natuklasan?
2. Makatuwiran ba na makaranas ng pang-aabuso ang mga
kababaihan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring maging hakbang upang
mawakasan ang pang-aabuso sa mga kababaihan?

D. Assimilation 20 minuto Basahin at unawain ang Gabay na teksto buhat sa AP10 LM pahina 306-307
Paglalapat at sagutan ang sumunod na gawain.

Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang


biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na
domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin. Ayon pa sa ulat,
ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling makita o
kilalanin. Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri; emosyonal,
seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Tandaan din na ito ay maaaring
maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon. (halaw na teksto buhat sa
AP G10 LM)

Gawain sa Pagktuto Bilang 6


Panuto: Suriin at tukuyin ang mga sumusunod na palatandaan ng karahasan sa
kababaihan, kalalakihan at LGBT. Isulat lamang ang TITIK ng tamang kasagutan
buhat sa mga pagpipilian sa iyong sagutang papel.

A. Karahasan buhat sa kapareha o Domestic Violence


B. Karahasan sa mga bakla, bisexual at transgender
C. Palatandaan ng karahasan o pang-aabuso

1. Sinasabi na ang mga lalaki ay natural na bayolente.


2. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang mga anak o mga alagang
hayop.
3. Sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal).
4. Nagbabanta na sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga
kakilala ang iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian.
5. Tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para saiyo at sa
ibang tao, iniinsulto ka.
6. Mas dumadalas ang ananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas
ng panahon.
7. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko
8. Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bi-
sexual at transgender.
9. Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang
sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.
10. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan.
V. ASSESSMENT 15 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 7
(Learning Activity Panuto: Suriin ang pangkalahatang obserbasyon ukol sa diskriminasyon at
Sheets for karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT. Lagyan ng markang TSEK ()
Enrichment, kung TAMA o MALI ang pahayag sa talahanayan. Isulat ito sa iyong sagutang
Remediation or papel.
Assessment to be
given on Weeks 3 Pahayag o kaisipan:
and 6) Ang iba’t ibang uri ng diskriminasyon at karahasang
TAMA MALI
nararanasan ng babae, lalaki at LGBT ay WALANG
PINIPILING:
1. edad
2. bansa
3. oryentasyong seksuwal
4. pagkakakilanlang pangkasarian

VI. REFLECTION 15 minuto Gawain sa Pagktuto Bilang 8


Panuto: Bilang pagtatapos kumpletuhin ang pangungusap bilang repleksiyon ng
isinagawang pag-aaral. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
Mahalagang malaman at masuri ang iba’t ibang diskriminasyon sa sa
kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-exual, Transgender) dahil

.
Sinusuportahan ko ang pagsusulong pagkakapantay pantay ng bawat tao
anuman ang kasarian nito dahil

Prepared by: JORGE M. BATHAN Checked by: AUGUST M. JAMORA


MT I, Quisao NHS RIZALDY CRISTO

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang
gabay sa iyong pagpili.

- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa paggawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong
ang gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan
ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang
magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa LP Gawain sa LP Gawain sa LP


Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 4 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 5 Bilang 8
Bilang 3 Bilang 6
MGA SUSI SA PAGWAWASTO:

You might also like