HAPON GRADE 9 NEWTON! MGA LOKAL AT GLOBAL NA DEMAND
Maaaring magbago ang iyong
pangarap o gustong maging sa hinaharap sa pagkakataong makakita ka ng mga bagay na pumupukaw ng iyong interes. Kapag pipili ka ng kurso, huwag mo ring kalimutan na isaalang-alang kung ano ang mga “in demand” na trabaho upang madali kang makahanap ng papasukan na trabaho. Sa kasalukuyan, malaki pa rin ang problema sa kakulangan ng trabaho sa bansa, at lalo pa itong nadaragdagan dahil sa kawalan ng impormasyon tungkol sa mga trabahong “in demand” sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kasama din sa suliraning ito ang maraming bilang ng mga mag-aaral na nakatapos na di sapat ang kaalaman sa mga trabahong maaaring pasukan, idagdag pa ang mga pagpapahalagang hindi naisasabuhay na may kaugnayan sa paggawa. Key Employment Mga kaugnay na Trabaho Generators Front office agent/ Attendant, Baker, Food server and handler, Service Hotel and Restaurant attendant, Waiter, Tour guide, Pastry cook Accountant, Call center agent, Medical Cyberservices transcription editor, Medical transcription software development, Computer programmers.
Operation manager, Teller, Auditor,
Cashier, Credit card analyst, Finance Banking and Finance analyst
Domestic Helpers, Production and
Overseas Employment related workers nurses, Caregiver
Animal husbandry, Agricultural
economist Agribusiness Entomologist, Fisherman, Horticulturist Ang “demand” sa trabahong lokal o pandaigdigan sa kasalukuyan ay hindi problema. Ang lumilitaw na malaking suliranin ay ang kakulangan ng mga kwalipikadong aplikante na pupuno sa mga posisyon na kailangan. Ang mga trabahong ito ay hindi lamang nakatuon sa mga kursong pang-akademiko kundi pati na rin sa teknikal-bokasyonal, maging sa larangan ng sining, palakasan at negosyo. Ang “demand” sa trabahong lokal o pandaigdigan sa kasalukuyan ay hindi problema. Ang suliranin ay ang kakulangan ng mga kwalipikadong aplikante na pupuno sa mga posisyon na kailangan. Upang magkaroon ng mga kwalipikadong aplikante, mas mainam na ngayon palang ay matukoy muna ang track o strand na ayon sa iyong kakayahan para magabayan ka sa iyong kursong pipiliin pagdating mo ng kolehiyo.