You are on page 1of 2

Akademikong Pagsulat – Isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang

mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.


Layunin ng Akademikong Pagsulat: Magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang
lamang.

Estraktura ng Akademikong Sulatin

• Simula – Introduksyon
• Gitna – Nilalaman ng mga paliwanag
• Wakas – Nilalaman ng resolusyon, kongklusyon at rekomendasyon.
Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal.

Katangian ng Akademikong Pagsulat


1. Pormal – Hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.
2. Obhetibo – Pataasin ang antas ng mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina.
3. May paninindigan – May paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang
impormasyon na dapat depensahan.
4. May Pananagutan – Mahalagang matutunan ang pagkilala sa mga sanggunian pinaghanguan ng
mga impormasyon.
5. May kalinawan – Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan kaya dapat na
maging malinaw ang pagsulat ng impormasyon.

Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat


1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto.
3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may akda.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga
naisagawang pag-aaral.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral upang makasulat ng iba’t ibang anyo ng
akademikong sulatin.
6. Matukoy na ang akademikong pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng
mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng
portfolio.
Pagsulat – ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinasalin
gamit ang papel at panulat.

Proseso ng Pagsulat
1. Bago Sumulat – Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay dumaraan muna sa brainstorming.
2. Habang Sumusulat – Sa bahaging ito nasusulat ang unang burador. Karaniwang tuon ng
bahaging ito ang halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral at lohika sa loob ng sulatin.
3. Pagkatapos Sumulat – Sa bahaging ito ginagawa ang mga pagbabago sa pamamagitan ng
pagdaragdag, pagkakaltas at paglilipat-lipat ng mga salita, pangungusap o talata.

Sa proseso ng pagsulat, mahalaga ring bigyang-pansin ang mga bahagi ng teksto ayon sa sumusunod:
1. Panimula – Ang bahaging ito ay nararapat na maging kawili-wili upang sa simula pa lamang ay
mahikayat ang mambabasa na tapusing basahin ang teksto.
2. Katawan – Sa bahaging ito matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga detalye at kaisipang
nais ipahayag.
Hakbang upang maisagawa ang panggitnang bahagi ng sulatin:

• Pagpili ng organisasyon
• Pagbabalangkas ng nilalaman
• Paghahanda sa transisyon ng talataan.

3. Wakas – Dapat isaalang-alang ang bahaging ito upang makapag-iwan ng kakintalan sa


mambabasa at makabuluhang repleksyon.

You might also like