You are on page 1of 6

AKADEMIKONG

PAGSULAT
2

Ang Akademikong Pagsulat

Ang Akademikong pagsulat kung saan sa asignaturang ito ay


lilinangin, sasanayin at huhubugin ang kasanayan at kaalaman
ng mga mag-aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino.
Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga
mag-aaral mula sa elementarya, sekundarya, kolehiyo at maging
graduate school ay maituturing na bahagi ng akademikong
pagsulat. Kabilang sa mga pagsasanay na ito ang paggawa ng
sanaysay, pagsulat at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan,
pagsulat ng mga artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case
studies , pagsulat ng pamanahong papel at pananaliksik.
3

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

1. Obhektibo – dapat maging obhektibo ang pagkakasulat.


Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa
kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik.
2. Pormal – ang tono o himig ng paglalahad ng mga
kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal.
3. Maliwanag at organisado - ang mga talata ay
kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-
sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na
binubuo nito. Ang mga talata ay mahalagang magtaglay
ng kaisahan.
4

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

4. May paninindigan – mahalagang mapanindigan ng


sumusulat ang paksang nais niyang bigyan-pansin o pag-
aralan. Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay
mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos
niya ang kanyang isusulat.
5. May pananagutan – ang mga ginamit na mga sanggunian
ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na
bigyan ng nararapat na pagkilala.
5

Mga Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Pagsulat


1. Bionote
2. Abstrak
3. Sintesis/buod
4. Agenda
5. Katitikan ng Pulong
6. Panukalang Proyekto
7. Talumpati
8. Replektibong Sanaysay
9. Pictorial-Essay
10. Lakbay-Sanaysay
11. Posisyong Papel
6

MARAMING
SALAMAT!

You might also like