You are on page 1of 16

“Akademik

ong
Pagsulat”
“Mahalagang matutunan ang
akademikong pagsulat sapagkat kung
marunong sumulat nang maayos at
may kabuluhan ang isang tao,
maituturing na nakaaangat siya sa iba
dala na rin ng mahigpit na
kompetisyon sa kasalukuyan sa
larangan ng edukasyon.”
Ang Paggamit ng
Akademikong
Filipino sa
Pagsasagawa ng
Akademikong
Pagsulat
• Madalas inuugnay ang akademikong
pagsulat sa salitang akademya.
• Sa pag-aaral ng kursong ito, ang
akademikong filipino ang gagamitin sa
akademya.
Ano ang
Akademikong
Filipino?
Akademikong
Filipino
• Iba sa wikang karaniwan o sa wikang
nakasanayan nang gamitin ng marami sa araw-
araw na pakikipag-usap o pakikipagtalastasan
kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang
mga alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng
Filipino.
Bilang pagtugon sa layuning ito, isinama sa
kurikulum sa pag-aaral ng Senior High
School ang Akademikong Pagsulat kung
saan sa asignaturang ito ay lilinangin,
sasanayin, at huhubugin ang kasanayan at
kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat
gamit ang akademikong Filipino.
Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat
na naranasan ng mga mag-aaral mula
elementarya, sekundarya, kolehiyo, at
maging graduate school ay maituturing
na bahagi ng akademikong pagsulat.
“Mga Katangiang
Dapat Taglayin ng
Akademikong
Pagsulat”
1. Obhetibo
Kailangang ang mga datos na isusulat
ay batay sa kinalabasan ng ginawang
pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang
pagiging subhetibo o ang pagbibigay
ng personal na opinyon o paniniwala.
2. Pormal
Dahil nga karaniwang ginagamit sa
akademikong pagsulat ang
akademikong Filipino,
nangangahulugan lamang ito ng
pagiging pormal nito.
3. Maliwanag at Organisado
Ang mga talata ay kinakailangang
kakitaan ng maayos na
pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap na binubuo nito.
4. May Paninindigan
Mahalagang mapanindigan ng
sumusulat ang paksang nais niyang
bigyang-pansin o pag-aralan, ibig
sabihin hindi maganda ang
magpabago-bago ng paksa.
5. May Pananagutan
Ang mga ginamit na mga sanggunian
ng mga nakalap ng datos o
impormasyon ay dapat na bigyan ng
nararapat na pagkilala.
“Iba’t ibang Uri
ng
Akademikong
Sulatin ”
1. Abstrak
2. Sintesis/buod
3. Bionote
4. Panukalang proyekto
5. Talumpati
6. Adyenda
7. Katitikan ng pulong
8. Posisyong papel
9. Replektibong papel
10.Pictorial-essay
11.Lakbay-sanaysay

You might also like