You are on page 1of 16

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 2

(Isinanib ang Edukasyon sa Pagpapakatao)

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng 50-minutong talakayan, ang mga bata ay inaasahang:
1. natutukoy ang pandiwa sa pangungusap,
2. nakagagawa ng pangungusap gamit ang mga pandiwa, at
3. nagpapakita ng respeto sa pag-aari ng iba sa pamamagitan ng hindi pagsira sa
mga ito.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagkilala sa Pandiwa
Akda:
Target na Kasanayan:
Identifies and uses verbs appropriate for the grade level.
Kaisipang Pangwika:
Pandiwa- mga salitang nagsasabi ng kilos. Binubuo ito ng panlapi at salitang ugat.
Mga Sanggunian:
• Bamba, N. D., (2014). Filipino Learning Module, Kagamitan ng Mag-aaral
(Tagalog) (pp. 201-2013). Book Media Press, Inc. at Printwell, Inc.
• Aragon, A. L., Jocson, M. O. (2010) Bagong Filipino sa Salita at Gawa 2,
(pp.160-166). SD Publications, Inc.
• Santos, D. DC, Burce, M.J. S., et. Al. (2008) Suhay (Wuika at Pagbasa) 2,
(pp.181-190) Vicarish Publication & Trading, Inc.
Mga Kagamitan:

III. Pamamaraan ng Pagtuturo


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paghahanda
1. Pagsasaga
wa ng Pangaraw-
araw na Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga
pumasok at
lumiban sa klase
2. Pagsasana
y
Ako ay may inihandang mga plaskard
at bawat kard ay naglalaman ng salita.
Kapag ipinakita ko ito sa inyo sabihi
niyo ang salitang “Pak na Pak” kung ito ay
pang-uri at “Bet na Bet” naman kung hindi
ito ay pangalip.
Malinaw ba?
Opo
Simulan na
malamig
ako
malalim
ikaw
sila
malawak
tayo
asul
marami
siya

Ang ating pinag-aralan kahapon ay


Magaling.
tungkol sa pang-uri
Lahat ng inyong tugon ay tama.
3. Pagbabalik Aral
Maari mo bang ipaalala sa lahat kung
ano ang ating naging talakayan kahapon,
Carol?

Salamat.
Maaari mo bang ibigay ang kahulugan
ng pang-uri. Ash?
Ang pang-uri ay tawag sa mga salitang
naglalarawan.
Magaling.
Mayroon ako ritong
inihandang gawain upang masukat ang
inyong kaalaman sa ating naging talakayan
kahapon.
Ngunit bago niyo ito gawin hahatiin
ko muna kayo sa dalawang grupo.
(Ang mga mag-aaral ay mahahati sa
dalawang grupo.)
Ngayon, maaari mo bang basahin ang
panuto, Jem.
Panuto: Magbigay ng limang salitang
naglalarawan. Pagkatapos gamitin ang bawat
salita sa sariling pangungusap.

Salamat.
(Bibigyan ng guro ang bawaat grupo
ng manila paper.)
Ang unang grupo na makatatapos ng
gawain ay siyang mananalo.
Malinaw ba? Opo.

Simulan na. (Gagawin ng mga mag-aaral ang


gawain.)
Pang-uri Pangungusap
1.
2.
3.
4.
5.

Dahil ang grupo na unang nakatapos


ay ang “group 1” sila ang panalo.
Bigyan natin sila ng “magaling clap”. (Gagawin ng mga bata ang “magaling
clap”.)
4. Pagganyak
Mayroon ako ritong inihandang laro
para sa inyo at tatawagin natin itong
“jigsaw puzzle”.
Simple lamang ang inyong gagawin,
kailangan niyo lang pagdikit-dikitin ang
bawat piraso o bahagi ng larawan upang
Makita ng buo ang larawang nais ipakita.
Ang unang grupo na makakabuo ng
larawan ay siyang tatanghaling panalo.
Malinaw ba?
Opo.
Umpisahan na.
Dahil natapos ang ikalawang grupo (Gagawin ng mga bata ang laro/
ang laro sa pinakamabilis na paraan, sila gawain.)
ang panalo.
Bigyan natin sila ng “pakbet clap”.
(Gagawin ng mga bata ang pakbet
Ano ang inyong napansin sa larawang clap.)
nabuo?
Ikaw nga, Allan?

Ito ay isang larawan ng pamilya.

Tama.
Sino-sno ang bumubuo sa isang
Ang bumubuo sa isang pamilay ay ang
pamilya Andrew?
ama, ina, at anak.

Tama.
Ano naman sa tingin mo ang ginagawa
Base sa larawan sila ay nag-uusap.
ng pamilya sa larawan, Carla?

Magaling.
Ang inyong mga sagot ay tama.
Ang larawang nabuo ay may
kinalaman satekstong ating babasahin
mamaya.
B. Mga Panlinang na Gawain
1. Panimula
Ako ay may inihandang dayalogo na
ating pakikinggan mamaya upang higit na
mapadali ang ating talakayan.
Ang dayalogong ito ay pinamagatan
ang usapan ng mag-anak na Santos.
Muli, kaninong usapan ang ating
tatatalakayin, Kaye.
Ang dayalogong ating tatalakayin ay
ang usapan ng mag-anak na Santos.
Salamat.
Ang ating pakikinggang dayalogo ay
may kinalaman sa magiging paksa natin sa
ating aralin ngayong araw.
Ang tatalakayin natin ngayong araw ay
tungkol sa pandiwa.
Maaari mo bang ulitin kung tungkol
saan ang ating magiging talakayan ngayong
araw, Ben?
Ang ating tatalakayin ngayong araw ay
tungkol sa pandiwa.
Salamat.
Handa na ba kayo sa ating talakayan?
Opo.
Magaling.
2. Pagbasa sa mga
Pamatnubay na Tanong
Bago natin pakinggan ang dayalogo ng mag-
anak na Santos, alamin muna natin ang mga
tanong na ating sasagutin mamaya.
Maaari mo bang basahin ang unang
tanong Mark.
1. Tungkol saan ang usapan ng
maganak?
Salamat.
Maari mo bang basahin ang ikalawang
tanong Joan.
2. Ano-ano ang mga ginagawa ng
mga taong nakakasira sa pag-aari
ng iba?
Salamat.
Maari mo bang basahin ang ikatlong
tanong Jean.
3. Ano ang dapat mong gawin upang
hindi makasira ng pag-aari ng iba?.
Salamat.
3. Pag-alala sa
pamantayan ng Pagbasa ng
Tahimik. Bago natin pakinggan ang
dayalogo, maaari mo bang ipaalala sa
amin ang mga pamantayan sa
pakikinig Elmer. Pamantayan
sa Pagbasa ng
Tahimik

1. Maupo ng
tuwid.
2. Iwasang
makipag-usap sa
katabi.
3. Makinig ng
Salamat. may pag-intindi
4. Pakikinig sa sa
Dayalogo pinakikinggang
Bago natin pakinggan ang dayalogo dayalogo.
kailangan ko g tatlong bata upang gumanap
bilang Ginoong Santos, Ginang Santos, at
anak nilang si Alberto.

Ang gaganap na Ginoong Santos ay si


Ian, si Juvie naman si Ginang Santos at ang
gaganap na Alberto ay si Allen. (Magtataas ng kamay ang mga bata)
Handa na ba kayong making?

Magaling.
(Babasahin ng tatlong mag-aaral ang
dayalogong nakaatang sa kanila.) Opo.

5. Pagsuri sa Pag-unawa
Pinakinggan niyo ba ng Mabuti ang (Pakikinggan ng mga bata ang
dayalogo? dayalogo.)
Opo.
Magaling.
Ngayon atin nang sasagutin ang mga
tanong batay sa dayalogong (Babasahin ng mga bata ang tula ng
inyong napakinggan kanina. tahimik.)
Maaari mo bang basahin ang unang
tanong, Mark?
1. Tungkol saan ang usapan ng
maganak?
Salamat.
Maaari mo bang sagutin ang tanong,
Andrea.
Ang usapan ng mag-anak na Santos ay
tungkol sa magaganap na pagpupulong sa
knilang barangay.
Magaling
Maaari mo bang basahin
ang ikalawang tanong. Jasper?
2. Ano-ano ang mga ginagawa ng
mga taong nakasisira sa pag-aari
ng iba?
Salamat.
Maaari mo bai tong sagutin Jose.
Sinisira nila ang mga kagamitan at
halaman sa plasa sa kanilang barangay.
Magaling.
Maari mo bang basahin ang ikatlong
tanong, Marco?
3. Ano ang dapat mong gawin upang
hindi makasira ng pag-aari ng iba?
Salamat.
Maaari mo bang ibahagi ang iyong
sagot Renz.
Igagalang ko ang pag-aari ng ibang
tao nang sa gayon ay mapanatili ang kaayusan
at matino ang pag-aari ng iba.
Magaling.
6. Paglinang sa Kasanayang
Pangwika
Mayroon ako ritong mga piling salita
na hango sa dayalogong inyong
napakinggan kanina.
Pakibasa nga ng malakas ang mga
salita.
nag-uusap magpupulong
nababahala gagawin
sinisira makakatulong
naninira oag-uusapan
nawawala tatalakayin
Salamat.
Mayroon ako ritong tsart
na naglalaman ng mga pandiwa.
(Ipapaskil ng guro ang tsart) Pandiwa SalitangUgat Panlapi

1. bumili
2. nag-
usap
3. maglaba
4. awitin
5. sulatan
Maaari mo bang isulat ang mga
salitang-ugat sa mga salitang pandiwa Ian.
(Isusulat ng mga bata ang mga
salitangugat.)
Magaling.
Maaari mo bang isulat ang natitirang
bahagi ng tsart ang mga panlaping ginamit
sa bawat salita Joshua.
(Isusulat ng mga bata ang mga panlapi
sa mga salita.)
Magaling.
Maaari mo bang isa-isahin ang mga
panlaping nagamit sa tsart Carlo?
Ang mga panlaping ginamit ay nag,
mag, um, in, at an.
Magaling.
Mayroon ako ritong mga salita na
kung saan ang salitang ito ay ginagamitan Opo.
ng panlapi.
Pakibasa nga ng malakas ang mga
salita.
umawit maglakad
nagpunta hanapin
tulungan
Salamat.
Ngayon, maaari mo bang bilugan ang
mga panlaping ginamit sa mga salita John?
(Bibilugan ng mga mag-aaral ang mga
panlapi sa mga salita)
Magaling.
Maaari mo bang salungguhitan ang
mga salitang ugat Mark?
(Sasalungguhita ng mga mag-aaral
ang mga salitang-ugat sa mga salita.)
Magaling.
Sa pamamagitan ng pagsasanib ng
panlapi at salitang-ugat nakabubuo tayo ng
pandiwa.
C. Paglalahat
Maaari mo bang ipaalalang muli ang
ating naging talakayan ngayong araw Paul.
Ang paksa ng ating talakayan ngayong
araw ay pandiwa.
Magaling.
Maaari mo bang ibigay ang kahulugan
ng pandiwa Marie.
Ang pandiwa ay salitang naglalarawan
sa kilos at ito ay binubuo ng salitang-ugat
at panlapi.
Magaling.
Maaari mo bang
magbigay na halimbawa ng
pandiwa Jean? Ang halimbawa ng pandiwa ay
sumayaw.

Magaling
Sa halimbawa/ salitang sumayaw, ano
ang salitang ugat na ginamit Christian? Ang salitang-ugat na ginamit ay
sayaw
Magaling.
Ano naman ang panlaping ginamit sa
halimbawa Ian?
Ang panlaping ginamit ay panlaping
um.
Magaling.
Maaari mo bang gamitin ito sa
pangungusap Jade?
Si Jose ay sumasayaw kagabi sa
kasalan.
Magaling.
Maaari mo pa ba kaming bigyan ng
halimbawa ng pandiwa Regie.
Isa pang halimbawa ng pandiwa ay
nagsusulat.
Magaling.
Maaari mo bang gamitin ito sa isang
pangungusap Joshua?
Si Paul ay nagsusulat ng kanyang tula.
Magaling.
Talaga ngang nakinig kayong Mabuti
sa ating talakayan ngayong araw.
Bigyan nga natin ang bawat isa ng
palakpak. (Ipapalakpak ng mga bata ang kanilang
mga kamay.)
D. Paglalapat
Panuto: Kilalanin ang pandiwa sa pangkat ng mga salita. Pagkatapos gamitin ito sa
isang pangungusap.
1. kumakain 2. sanggol 3. magkaibigan
mag-anak natutulog palaruan
agahan duyan naglalaro
4. mag-ama 5. sumusulat
magtanim liham
halaman kuya

IV. Pagtataya
A. Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang mga pandiwang ginamit sa bawat
pangungusap.
1. Siya ay nagsisimba kung Linggo.
2. Sumulat ako sa aking nanay kahapon.
3. Namasyal siya ngayon sa plasa.
4. Namimili si aling Nena sa palengke tuwing umaga.
5. Umuunlad ang Barangay Masikap dahil sa pagsisikap ng mga
mamamayan. B. Gamitin sa sariling pangungusap sa mga napiling pandiwa.
C. Punan ng sagot ang bawat patlang.

Salitang-Ugat Panlapi Nabuong Salita


sulat 1. nagsulat
tulong um 2.
3. 4. magluto
awit an 5.
6. 7. linisin
takbo um 8.
9. 10 naglalaba

V. Takdang Aralin
Ibigay ang tatlong aspekto ng pandiwa. Magbigay ng halimbawa sa bawat aspekto.

You might also like