You are on page 1of 3

Erica– anak nila Micko at Hannah

Micko – tatay ni Erica


Hannah – nanay ni Erica
Ira at Earl – Kaibigan ni Erica
Charles – kidnapper
Mang Berto – nagligtas kay Erica

Isang araw, naglalaro sina Erica, Ira, at Earl sa parke. Ang bola ay gumulong sa likod ng ilang mga
palumpong, at hinanap ito ni Erica. Tinulungan siya ng isang matandang lalaki na naglalakad palabas ng
sasakyan. Hindi niya alam na may gagawin siyang masama. Nag-usap si Erica at ang matanda, at
kalaunan ay pumayag ang matanda na tulungan siya. Habang nagmamaneho ay nilagay ng matanda ang
pampatulog sa sasakyan, at nang magising si Erica, nasa sasakyan na siya.

Erica: Kuya ano yan?!

Charles: Pasensiya na bata trabaho lang!

Ilang sandal pa ay nagkamalay na siya at kumuha sya ng tiyempo upang makatakas.

Erica: Nasaan ako? Hala anong lugar ito? Kailangan kong makatakas.

Nakahanap si Erica ng isang bagay at binasag ito sa bintana. Malayo sa kanyang nakakulong, siya ay
sumisigaw.

Erica: Tulong! Tulong kinidnap po ako.

Bigla siyang nakakita ng tindahan at ang driver ay nagpapahinga at kumakain.

Erica: Kuya tulungan niyo po ako kinidnap po ako.

Mang Berto: Oh iha uminom ka muna ng tubig at mukhang mahirap hirap ang pinagdaanan mo para
makatakas.

Erica: Salamat po!

Sa di kalayuan ay nakita agad ni Erica ang kidnapper ni Charles na paparating.

Erica: Kuya yung lalaki po na iyon ang kumidnap sa akin.

Mang berto: Akong bahala.

Napasigaw si Mang Berto, at lumabas ang mga kaibigan ng driver at inutusan silang tumigil sa paglapit
kay Charles at dalhin siya sa kulungan.

Erica: Manong maraming maraming salamat po sa pagtulong inyo saakin!

Mang Berto: Walang anuman iha ako na ang maghahatid sa inyo pauwi para makasiguro ligtas ka.

Erica: Sige po.


Ng makauwi si Erica ay agad agad sinalubong ito ng kanyang magulang.

Micko: O anak!, Saan kaba galing?

Hannah: Saan kaba nagpunta? Nag aalala kami sayo.

Erica: Na kidnap po kasi ako.

Micko: Ha?! Ayos kalang ba? Anong ginawa sayo?!

Hannah: Sinong kumidnap sayo?!

Erica: Ayos lang po ko itay, wala naman pong ginawa sakin, buti nalang po at nakahanap ako ng tsyempo
para makatakas. Hindi kopo kilala, isang matandang lalaki na pinagtanungan kopo kung may nakita sya
bola at sabi nya ay tutulungan nya ako hanapin ito, hindi ko alam na may masama na po palang balak
sakin kaya sumama ako.

Micko: Wag kang basta basta nagtitiwala anak.

Hannah: Wag ka sumasama sa hindi mo kilala, hindi lahat ay may magagandang intensyon anak.

Erica: Opo inay, opo itay, pasensya napo.

Micko: Ayos lang, mahalaga ay ligtas ka.

Biglang dumating ang mga kaibigan ni Erica.

Ira: Erica! , Kamusta ka? Anong nangyare sayo? Saan ka pumunta?

Earl: Oo nga, Saan kaba galing?

Erica: Kinidnap ako. Dinala nyako sa hindi ko alam na lugar, at buti nalang ay may matandang tumulong
saakin.

Earl: Ha?! Paano?

Erica: Nung hinahanap ko yung bola ay may naglalakad na matandang lalaki at nagtanong ako kung may
nakita ba syang bola, sabi nya naman tutulungan nya ako hanapin iyon, kaso hindi ko alam na may
masama pala syang balak sakin. Isinakay nya ako sa kanyang kotse na may amoy na pampatulog at
idinala sa hindi ko alam na lugar.

Ira: Pasensya kana. Sana pala tinulungan ka nalang namin hanapin yung bola.

Erica: Ayos lang, mabuti nalang at naka hanap ako ng tsyempo upang makatakas at may tumulong sa
akin.

Earl: Grabe pala nangyari sayo, hindi ko inaasahan na sa pag hahanap mo ng bola ay mangyayari sayo
yon.

Erica: Hayaan nyo ayos na yon, nangyari na ang nangyari mabuti nalang ay ligtas ako.

Ira: Oh basta sa susunod mag iingat ka.


Kinabukasan ay magkakasama nanaman ang mga magkakaibigan at naisipan nanaman maglaro ng bola.
Habang masaya silang naglalaro ay bigla nabitawan ni Erica ang bola at gumulong nanaman ito, pero
ngayon ay sila ng tatlo ang naghanap sa bola kung saang patungo ito gumulong. Ng mahanap nila ang
bola hawak ito ng isang matandang lalaki. Sumigaw si Erica.

Erica: Mang Berto!

Mang Berto: Oh iha, sainyo ba itong bola?

Erica: Opo.

Earl: Sino sya? Bakit mo sya kilala?

Erica: Ah sya si Mang Berto, sya yung tumulong sa akin na makatakas at ihatid ako pauwi.

Earl: Ah ganon ba.

Ira: Maraming salamat po sa pagtulong nyo sa aming kaibigan upang makauwi.

Mang Berto: Walang ano man, sa susunod mag ingat kayo ha. Osya alis nako

Ira,Earl, at Erica: Sige ho.

Bumalik na ang tatlong magkakaibigan sa paglalaro at naisipan nila na sa harap nalang ng bahay nila Erica
para hindi na sila lalayo.

You might also like