You are on page 1of 1

Income effect

Ang income effect ay isang pagbabagong nagaganap sa dami ng demand ng isang


produkto maging ng serbisyo na nakaaapekto sa kakayahan ng mga mamimili na
bumili ng mga produkto. Ang isang itinuturong sanhi nito ay ang pagbabagong
pinansiyal na nararanasan ng mga konsyumer kung kaya’t naaapektuhan ang
kanilang kakayahan sa pagbili. Sa mas madaling pagpapaliwanag, ang income
effect ay ang epekto ng pagtaas ng mga bilihin sa merkado na siyang sanhi ng
pagbabago sa pagkonsumo ng mga mamimili. Ito ang nagiging ugat ng
pagbabawas ng isang pamilya sa mga pangangailangan sa pang-araw-araw
sapagkat hindi naaayon o sasapat ang kinikita ng pamilya upang patuloy na
tugunan ito.

Ang pagtaas ng presyo ng isang particular na produkto o serbisyo ay maaaring


mangahulugan ng kabawasan sa kakayahan ng konsyumer na mabili ito dahil hindi
naman nagbago ang kaniyang kita. Gayundin, naman kung bababa ang presyo ng
produkto o serbisyo at hindi nagbabago ang kaniyang kita, magkakaroon ng mas
malaking kakayanan ang konsyumer na madagdag sa kaniyan demand.

You might also like