You are on page 1of 8

2

Filipino
Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo

Mga Pilyego ng Gawaing Pampagkatuto


(Learning Activity Sheets -LAS)

Magkatugmang Salita

Mga Manunulat:

Nhilla B. Caguioa
Jovelyn G. Figuron

Tagapaglapat:
Karen P. Forcadilla
Layunin

Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma.


F2KP-IIId-9
 Nakikilala ang salitang magkatugma.
 Natutukoy ang mga salitang magkatugma sa pangungusap.
 Natutukoy ang mga salitang magkatugma sa nabasang
tula.
 Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma sa nabasang
tula o tugma.

Pag-aralan

Matutukoy ang mga salitang magkatugma sa pamamagitan ng


pagkilala sa huling titik o silaba ng bawat salita.
Halimbawa: dahon - kahon
Sitaw - bataw
Sulat – balat
Bahay – suklay
nadama - sumama

ii
Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1

Panuto: Pagtambalin sa pamamagitan ng linya ang mga salitang nasa


Hanay A sa Hanay B para sa salitang magkatugma.

A B
1. Bato a. kilay
2. malakas b. mapait
3. alagaan c. pato
4. buhay d. mataas
5. mainit e. bantayan

Gawain 2
Panuto: Salungguhitan ang mga magkatugmang salita sa bawat
pangungusap.

Halimbawa: Dilaw ang kulay ng kanilang ilaw.


1. Ang batang mabait ay walang kagalit.
2. Masarap ulamin ang pritong sapsap.
3. Nagdala ng lubid si kuya sa bukid.
4. Nagtanim si tatay ng mga gulay.
5. Kumain ng papaya si Maya.

Gawain 3
COVID-19 Pandemya

1
Ni: Jovelyn G. Figuron

Sa taong lumipas,
Buong mundo ay walang takas.
Sa COVID-19 na pandemya,
Ang lahat ng tao ay hindi malaya.

Ubo’t sipon ay mga sintomas,


Lalo na kung ang iyong lagnat ay mataas
Paghugas ng kamay ay ugaliin,
Mabuting kalusugan ay dapat panatilihin.

Panuto: Isulat sa bawat bilang ang mga magkatugmang salita sa


tulang binasa na ang pamagat ay “Covid-19 Pandemya”.
Halimbawa : lumipas – takas

1. ____________________ - ______________________
2. ____________________- _______________________
3. ____________________- _______________________

Paglalahat/Repleksiyon

Lagyan ng tsek ( √ ) kung napag-aralan at ekis ( X ) kung hindi.

2
1. Naliligo sa dagat.

2. Nakakikilala ng mga salitang magkatugma.

3. Nakapagbibigay ang mga magkatugmang salita.


4. Pumunta sa parke.

5. Nakaguguhit ng larawan.

Susi sa Pagwawasto

3
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1

1. Pandemya- malaya 1. mabait , kagalit 1. c


2. Sintomas-mataas 2. marasap, sapsap 2. d
3. Ugaliin-panatilihin 3. lubid, bukid 3. e
4. tatay, gulay 4. a
5. papaya, Maya 5. b

Sanggunian

4
2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2. Kagawaran ng
Edukasyon. (Pahina 9-11)
Nilda S. Garcia, Jackelyn F. Aligante, Melany B. Ola, Aida J.
Cruz, Erlinda B. Castro, Virginia C. Cruz, Matilde N. Padalla,
Galcoso C. Alburo, Estel C. Cruz. 2013.
Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2. Pasig City: Kagawaran
ng Edukasyon.

5
Para sa mga Katanungan o Komento:
Sumulat o Tumawag sa

DepEd Siargao, Caraga Region


Office Address: Km. 3 Barangay Osmena, Dapa, Surigao del Norte
E-mail Address: siargao@deped.gov.ph

You might also like