You are on page 1of 1

KULTURANG POPULAR

*Pangkalahatang kalinangan ng isang lahi sa loob ng isang tiyak na


panahon.Itinuturing itong isang sining na gumising sa isip at damdamin ng mga
manonood upang kumilos at lumikha ng pagbabago sa literatura,wika,kaugalian,
relihiyon,pagkain,pananamit,musika,
arkitektura.
* sikat at kilala, tinatangkilik ng nakararami.
* itinuturing itong isang uri ng sining na gumigising sa isip at damdamin ng
manonood upang kumilos at lumikha ng pagbabago.
*kulturang mula sa impluwensya ng media, ng mamimili o komersyo at ang
malaking epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

Kulturang Popular sa Midya- pamamaraan ng pagtanggap at paghatid ng


mensahe.
*Pinakamahalagang behikulo upang mapalaganap ang kulturang popular.

Pahayagan- ito ay nakalimbag o isang uri ng print media na nagbabalita ng mga


napapanahon o mahahalagang pangyayari na naganap sa isang lugar o bansa.

Broadsheet – itinuturing na pahayagan ng mga nasa mataas na lipunan.

Tabloid- itinuturing na pahayagan ng masa.

Komiks- Isang salaysay o kwento na naglalayon na palaganapin ang kulturang


popular sa pamamagitan ng mga grapiko o iginuhit na mga larawan na
naglalaman ng dayalogo ng mga kwento.

Magasin – uri ng peryodikong publikasyon na naglalaman ng artikulo na


nagpapalawak ng kaalaman at nagbibigay ng impormasyon na pinopondohan ng
mga patalastas.

You might also like