You are on page 1of 4

Malasiqui Catholic School, Inc.

Senior High School Department


Malasiqui, Pangasinan 2421 Philippines

Layunin ng Pulong: Panghuling Performance Task sa Filipino


Petsa/ Oras: Nobyembre 24, 2022 sa ganap na ika-11:20 n.u.
Tagapanguna: Bb. Geneva S. Desola (Guro)

Bilang ng mga Taong Dumalo: Dalawampu’t apat


Mga Dumalo: Alfe Nevado, Arzyn Josh Domantay, Chris Owyn Bulatao, Clarenz Bien Magalong,
Diosel Jake De Luna, Francine Rhudette Ferrer, Gienice Villagomez, Hazel Dela Peña, Irish Yarden
Balderas, James Lester Soriano, Jennilyn Omagtang, Jeremie Macaalay, John David De Guzman, John
Lloyd Dela Cruz, Joshua Castro, Karla Mae Aquino, Mhyco Ferrer, Natasha May Leonardo, Ramira Lei
Macaraeg, Renzly Mae Moyano, Rhanley Nicko Mendoza, Rodmer Latina, Ron Ean De Vera, Zaira Mae
Dela Carcel
Mga Liban: Justin Lee Delfin

I. Call to order
Sa ganap na 11:20 n.u. ay pinasimulan ni Bb. Desola ang pulong sa pamamagitan ng pagtawag sa
atensiyon ng lahat.

II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni G. Diosel Jake De Luna.

III. Pananalita ng Pagtanggap


Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Bb. Geneva Desola bilang tangapanguna ng pulong.

IV. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong


Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong
Paksa Talakayan
1. Mga gagawin sa a. Katitikan ng Pulong
Performance Task
 May gaganap na isang may-ari ng kompanya na
bankrupt at magpapatawag ng isang
pagpupulong upang talakayin ang mangyayaring
pagtanggal o pagbabawas ng mga empleyado sa
kompanya.
 May aasahan na susulat ng katitikan ng pulong
na gaganapin sa online gamit ang zoom o google
meet.
 Dalawa ang ipapasang output ito ay ang
recorded na pagpupulong na naganap at
katitikan ng pulong na nakalagay sa papel.
Malasiqui Catholic School, Inc.
Senior High School Department
Malasiqui, Pangasinan 2421 Philippines

b. Bionote at Talumpati

 May gaganap bilang Pangulo ng Pilipinas kung


saan magkakaroon ng SONA na naaayon sa
kasarian ng Pangulo at ng gaganap.
 Gamit ang Bionote, ipapakilala ang Presidenteng
napili, ang mga impormasyon ng nasabing
Presidente ay maaring hanapin sa internet.

 Mga Katanungan:
Bb. Natasha Leonardo: Maaari bang kunin na
lamang ang talumpati na ilalagay sa SONA na
ginamit ng Presidenteng napili?

Bb. Geneva Desola: Personalidad lamang ng


Presidente ang kukunin o hahanapin sa Internet
at hindi gagayahin ang talumpati dahil kayo ay
gagawa ng sarili niyong talumpati.

G. John David De Guzman: Ano ang magiging


paksa ng SONA?

Bb. Geneva Desola: Ang magiging paksa ng


SONA ay pumapatungkol sa kasalukuyang
problem ana kinakaharap ng bansa.

 Mga Suhestiyon
-wala

c. Posisyong Papel

 Ang sitwasyon ay iisipin ng mga mag-aaral na


sila ay kabilang sa MCS council or SLG at
gagawa sila ng posisyong papel ng mga nais na
mangyari sa eskwelahan.
 Ang paksa ng gagawin nila posisyong papel ay
pumapatungkol sa Academic Break sa
eskwelahan.
 Kapag natapos na ang paggawa ng posisyong
papel ay maaari na itong ipasa, papel lamang
ang ipapasa.

d. Pictorial Essay
Malasiqui Catholic School, Inc.
Senior High School Department
Malasiqui, Pangasinan 2421 Philippines

 Ang sitwasyon ay kunwari ay ikaw ay isang


vlogger/blogger na kung saan ay inatasan ka ng
Department of Tourism (DOT) na gumawa ng
isang vlog/blog ng isang lugar.
 Maaaring ito ay isang tanawin, lugar, o kultura
ng isang lugar.
 Ang gagawan ng pictorial essay at limitado
lamang sa mga lugar sa Pilipinas, maaaring
pumunta mismo sa lugar o maghanap nalamang
ng mga impormasiyon sa napiling pictorial
essay.
 Siguruduhing maglalagay ng pagkilala sa taong
may-ari ng litrato o mga impormasyong ginamit
na kinuha sa internet.

 Mga katanungan at suhestiyon:


-wala
2. Mga kagrupo  Ang magiging miyembro ng bawat pangkat ay sa
pamamagitan ng pagbubunot kung anong grupo ka
kabilang.

3. Pamantayan a. Nilalaman (40%)


Ito ay may tatlong katangian na pinagbabasehan:
-siksik
-liglig
- at umaapaw ng impormasyon

b. Pagkamasining (40%)
Ito ay kung paano ginawa o nilikha ang proyekto tulad
na lamang ng susuotin, kung angkop bai to sa kanyang
ginanapan.

c. Partisipasyon (20%)
Ito ay nakabase sa buong partisipasyon ng kasapi sa
grupo
- Bibigyan ng grade o puntos ng pinuno ang kanyang
mga kasapi
- Bibigyan din ng puntos o grade ang pinuno ng mga
kasapi ni Pinuno
Ito ay dapat nakabatay sa naging tulong o partisipasyon
ng bawat isa.

 Suhestiyon:
Ang pinal na puntos sa bawat pamantayan ay base
Malasiqui Catholic School, Inc.
Senior High School Department
Malasiqui, Pangasinan 2421 Philippines

sa suhestiyon ni G. John David De Guzman kung


maaaring maging:

40% ang 50% sa nilalaman


40% ang 30% sa pagkamasining

V. Pagtatapos ng Pulong
Ang pagpupulong ay matagumpay na naisakatuparan sa dahilang wala nang anumang mga paksa
na kailangang talakayin at pag-usapan dahil ito na ay matagumpay na naitalakay sa naitakdang
oras, ang pulong ay winakasan ni Bb. Desola sa ganap na 11:45 n.u.
Inihanda at isinumite ni:
Natasha May C. Leonardo

You might also like