You are on page 1of 56

Mga Batayang Teorya at

Metodo sa Pagsasalin
ANG TEORYA SA PAGSASALIN
ANG TEORYA SA PAGSASALIN
Kaligirang Kasaysayan

▪ Mauugat ang modernong pagteteorya sa


pagsasalin sa panayam ni Friedrich
Schleiermacher na On the Different Methods of
Translating na una niyang binása noong Hunyo
1813 sa Berlin Academy of Sciences (Hermans,
2018: 1).

Sanggunian:

Hermans, Theo. "Schleiermacher." Wilson, Piers Rawling and Philip. The Routledge Handbook of Translation and Philosophy. London, Routledge, 2018,
pp. 1-17.
Schleiermacher at Venuti
Foreignization vs.
Domestication
Schleiermacher

“Hangga’t maaari, pabayaan ang may-akda at


ilápit sa kaniya ang mambabása o hangga’t
maaari, pabayaan ang mambabása at ilápit sa
kaniya ang may-akda.”

Kailanman, hindi matatapatan ng salin ang orihinal


na teksto kaya gumamit lang ng mga salita sa
aproksimasyon na “hangga’t maaari.”

Sanggunian:

Schleiermacher, Friedrich. "On the Different Methods of Translating." Biguenet, John and Rainer Schulte. Theories of Translation: An Anthology of Essays
from Dryden to Derrida. Chicago & London: Chicago University Press, 1813. 36-54.
Venuti, Lawrence. The Translator's Invisibility. New York and London: Routledge, 1995.
Foreignization vs. Domestication

Foreignization - Kinikilala ang mga katangiang


lingguwistiko at kultural ng banyagang teksto
(simulaang teksto) kaya gumagawa ng paraan
ang tagatanggap na kultura na mapanatili ang
mga ito.

Domestication - Mas nangingibabaw ang mga


pagpapahalagang kultural ng tatanggap ng salin
kaya sinisikap na una itong tugunan sa pagsasalin.
Sanggunian:

Venuti, Lawrence. The Translator's Invisibility. New York and London: Routledge, 1995.
Domestication

▪ Fluency (dulas)
▪ Gumagamit ng kasalukuyang wika sa halip na
makaluma; ng wikang maiintindihan ng lahat sa
halip na ng piling pangkat lang ng tao
▪ Umiiwas sa paggamit ng mga salitang maaaring
di-angkop sa target awdyens (hal., kung mga
Amerikano ang pinaglalaanan ng salin, pag-iwas
sa pagtutumbas na gagana lang sa mga Briton)
▪ Hindi mahigpit na sumusunod sa sintaks ng SL

Sanggunian:

Venuti, Lawrence. The Translator's Invisibility. New York and London: Routledge, 1995.
Domestication

▪ Inaalis sa salin ang mga indikasyong salin ito at


ipinararamdam sa mambabása na para bang
orihinal ang kaniyang binabása.
▪ “Invisible” ang tagasalin

Sanggunian:

Venuti, Lawrence. The Translator's Invisibility. New York and London: Routledge, 1995.
Foreignization
▪ “Dapat maging maláy ang mambabása sa
magkaibang katangian ng simulaang lengguwahe
(SL) at tunguhang lengguwahe (TL) kahit inuunawa
niya ang banyagang teksto gamit ang ikalawa.”
▪ Sa pamamagitan nito, nailalagay ang mga
mambabása sa konteksto ng mga tagapagsalita
ng SL at nagagawang bukás ang una sa ibang
kultura. Lumilinang ito ng kaalamang kultural na
may oryentasyong global.
Sanggunian:

Bernofsky, Susan. "Schleiermacher’s Translation Theory and Varieties of Foreignization." The Translator, vol. 3, no.2, 1997, pp. 175-192.
Schleiermacher, Friedrich. "On the Different Methods of Translating." Biguenet, John and Rainer Schulte. Theories of Translation: An Anthology of Essays from
Dryden to Derrida. Chicago & London: Chicago University Press, 1813. 36-54.
Foreignization
▪ Sa pagpilit sa tagasalin na i-domesticate o gawing
madulas ang ST para mabilis itong makonsumo ng target
awdyens sa Ingles, kinikilingan ang mga pagpapahalaga
ng TL hanggang mabura ang mga katangian ng SL na
siya dapat itinatawid at ipinauunawa ng salin (Venuti,
1995: 21).
▪ Para kay Venuti, ang foreignization ng banyagang teksto
ay isang paraan ng “pagsalungat (resistance) sa
etnosentrismo at rasismo, kultural na narsisismo at
imperyalismo” ng Ingles bilang naghaharing-uring TL
(1995: 20).

Sanggunian:

Venuti, Lawrence. The Translator's Invisibility. New York and London: Routledge, 1995.
Foreignization
▪ “Pleksible” ang konsepto ni Schleiermacher ng
foreigninization. Kahit inuuang tugunan ang mga
kahingian ng SL, dapat itanghal pa rin ito sa
paraang mararamdaman ang “gaan at
pagkanatural” ng orihinal na wika sa rendisyon ng
salin.

Sanggunian:

Bernofsky, Susan. "Schleiermacher’s Translation Theory and Varieties of Foreignization." The Translator, vol. 3, no.2, 1997, pp. 175-192.
Schleiermacher, Friedrich. "On the Different Methods of Translating." Biguenet, John and Rainer Schulte. Theories of Translation: An Anthology of Essays from
Dryden to Derrida. Chicago & London: Chicago University Press, 1813. 36-54.
Domestication

“…(and she tried to curtsey as she spoke—fancy


curtseying as you’re falling through the air! Do you think
you could manage it?)…”
Alice’s Adventure in Wonderland ni Lewis Caroll (1865)

“At sinubok niyang yumukod habang nagsasalita


(kahanga-hangang pagbibigay-galang habang
pabulusok sa hangin). Ikaw, kaya mo yon?”
Si Alice sa Daigdig ng Hiwaga, salin ni Aurora E. Batnag
(2000)
Domestication


Foreignization

“…it was labelled “ORANGE MARMALADE,”


Alice’s Adventure in Wonderland ni Lewis
Caroll (1865)

May nakasulat ditong “ORANGE MARMALADE…”


Si Alice sa Daigdig ng Hiwaga, salin ni Aurora E.
Batnag (2000)
Foreignization

Foreignization


Nida
Formal vs. Dynamic
Equivalence
Formal vs. Dynamic Equivalence
▪ Sa kaniyang aklat na Toward a Science of Translating
(1964), kinilala ni Eugene A. Nida ang halaga ng
parehong pagpapanatili sa nilalaman at anyo sa
pagsasalin (164).
▪ Gayunpaman, sa sandaling di-magkasundo ang
dalawa, isinusulong niyang mas panatilihin ang
nilalaman dahil “puwedeng baguhin nang husto ang
anyo na maihahatid pa rin ng katulad na bisa sa mga
tagatanggap” (1964: 164; sa mag-aaral ang salin).

Sanggunian:

Nida, Eugene A. Toward a Science of Translating. Leiden: E.J. Brill, 1964.


Formal vs. Dynamic Equivalence
▪ Formal equivalence - pagsasaling nagpapanatili
kapuwa ng nilalaman at anyo ng ST
▪ Dynamic equivalence - pagsasaling nakatuon sa
paglikha ng katulad na bisa (effect) sa mga
mambabása

Sanggunian:

Nida, Eugene A. Toward a Science of Translating. Leiden: E.J. Brill, 1964.


Formal Equivalence
Pinananatili ang ilang katangiang pormal ng ST gaya ng:

a. kayariang pangwika
b. gamit ng salita
c. kahulugan batay sa konteksto ng orihinal

Kasama sa (a) ang:


▪ pagtutumbas ng kaparehong bahagi ng pananalita hal.,
pangngalan kung pangngalan, pandiwa kung pandiwa,
atbp.
▪ hindi pagbago sa orihinal na estruktura ng mga
pangungusap at parirala
▪ pagpapanatili sa mga panandang pormal gaya ng mga
bantas, pútol ng talataan, atbp.
Sanggunian:
Nida, Eugene A. Toward a Science of Translating. Leiden: E.J. Brill, 1964.
Dynamic Equivalence
▪ “Pinakamalápit na natural na pagtutumbas sa
mensahe ng SL” (Nida, 1964: 166 )
▪ Binigyang-diin ni Nida na para maging natural
ang estilo ng isang salin, mahalagang
umangkop ito sa wika at kultura ng
pinaglalaanan ng salin.

Sanggunian:

Nida, Eugene A. Toward a Science of Translating. Leiden: E.J. Brill, 1964.


1 Corinto 13: 3
And if I should distribute all my goods to feed the poor, and if I should
deliver my body to be burned, and have not charity, it profiteth me
nothing.
Douay–Rheims Bible (1610)

At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang


ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang
sunugin, datapuwa’t wala akong pag-ibig, ay walang pakikinabangin sa
akin.
Ang Dating Biblia (1905)

At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang
aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala
rin akong mapapala!
Magandang Balita Biblia (2005)
Newmark
Communicative vs.
Semantic Translation
Communicative vs. Semantic
Translation
▪ Tinangka naman ni Peter Newmark na pagkasunduin
ang SL at TL sa kaniyang pag-aaral na Communicative
and Semantic Translation (1977).
▪ Sa halip na pumili kung pananatilihin ang mga
katangian ng ST o iaangkop ang salin sa mga
pangangailangan ng target awdyens, ipinanukala ni
Newmark na gamitin ang communicative at semantic
translation ayon sa pangangailangan at sa uri ng
teksto.

Sanggunian:

Newmark, Peter. "Communicative and Semantic Translation." Babel, vol. 23, no. 4, 1977, pp. 163-180.
Communicative vs. Semantic
Translation
Communicative translation - pagtatamo sa mga
mambabása ang katulad na bisa ng pagbása sa
isang orihinal na teksto

Semantic translation - paglilipat ng eksaktong


kahulugang kontekstuwal ng ST sa salin nang hindi
binabago, hangga’t maaari, ang mga katangiang
semantiko at sintaktiko nito

Sanggunian:

Newmark, Peter. "Communicative and Semantic Translation." Babel, vol. 23, no. 4, 1977, pp. 163-180.
Communicative Translation

▪ “Mas madulas, mas simple, mas malinaw, mas direkta,


mas karaniwan, nagpapaubaya sa rehistro ng TL, at
may tendensiyang magkulang sa pagtutumbas
(undertranslate)” (1977: 164)
▪ Nakatuon sa pagtanggap sa salin
▪ Dominanteng ginagamit sa pagsasalin ng mga akdang
pampanitikan dahil ang “matalinghagang pananalita
ay magkakabisa lang kung hahanapan ng katumbas sa
TL” (1977: 169)

Sanggunian:

Newmark, Peter. "Communicative and Semantic Translation." Babel, vol. 23, no. 4, 1977, pp. 163-180.
Semantic Translation

▪ “Mas komplikado, mas halatang salin, mas detalyado,


mas nakatuon sa orihinal, itinutulak ang isip na intindihin
ang salin, at may tendensiyang lumabis sa
pagtutumbas (overtranslate)” (1977: 164)
▪ Nakatuon sa pagtatawid sa salin
▪ Dominanteng ginagamit sa pagsasalin ng
awtobiyograpiya at pribadong korespondensiya dahil
bahagi ng identidad ng ganitong mga teksto ang
natatanging paraan ng pagkakasulat sa orihinal

Sanggunian:

Newmark, Peter. "Communicative and Semantic Translation." Babel, vol. 23, no. 4, 1977, pp. 163-180.
Semantic Translation

▪ Hindi gaya nina Schleiermacher, Venuti, at Nida na


kumikilala sa tensiyon ng SL at TL at
nagmumungkahi ng panig na dapat kilingan
sakaling hindi magkasundo ang dalawa, para kay
Newmark, dinamiko ang kahingian ng pagsasalin
kaya malayang magagamit ang panukala niyang
mga metodo kailanman kailanganin sa teksto.
▪ Sa iisang salin, puwedeng may bahaging
komunikatibo; puwede ring may semantiko.

Sanggunian:

Newmark, Peter. "Communicative and Semantic Translation." Babel, vol. 23, no. 4, 1977, pp. 163-180.
Laudato si’ (2015)
224. We have to dare to speak of the integrity of human life, of the
need to promote and unify all the great values. Once we lose our
humility, and become enthralled with the possibility of limitless
mastery over everything, we inevitably end up harming society and
the environment.
Opisyal na salin sa Ingles

224. Dapat matapang tayong magsalita hinggil sa integridad ng


buhay ng tao, ng pangangailangang itaguyod at pagkaisahin ang
lahat ng mga dakilang kabutihan. Kapag nawala na ang ating
kabaabang-loob, at alipinin ng ng mga posibilidad ng walang
hanggang karunungan sa lahat ng bagay, hahantong tayo sa
pamiminsala sa lipunan at sa kapaligiran.
Salin ni Gregorio V. Bituin, Jr.
Reiß at Vermeer
Skopos
MGA URI NG TEKSTO
Mga Uri ng Teksto
Bakit dapat suriin ang ST?
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng Teksto


Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng Teksto


Mga Uri ng
Teksto
Mga Uri ng Teksto


Mga Uri ng
Teksto
Mga Uri ng Teksto
Skopos
▪ Lumalabas sina Katharina Reiß at Hans J. Vermeer sa pagtingin
lang sa tapátan ng mga katangiang lingguwistiko ng SL-TL sa
pagsasalin.
▪ Sa halip, ipinapanukala nila sa kanilang aklat na Towards a
General Theory of Translational Action (1984/2014) na
magkaroon muna ng layunin na tinawag nilang “skopos” at
hayaang ito ang magtakda ng magiging aksiyon sa pagsasalin
(90).
▪ Ang mga desisyon sa pagsasalin ay hindi lang nakabatay sa ano
ang isasalin at naisalin ba ang dapat isalin kundi paano
magsasalin (2014: 85). Para masagot ang tanong na paano,
dapat magabayan ng skopos.

Sanggunian:

Vermeer, Hans J. and Katharina Reiß. Towards a General Theory of Translational Action. New York: Routledge, 2014.
Skopos

▪ Dahil skopos ang “pinakamataas na tuntunin ng


aksiyon sa pagsasalin,” mapahihintulutan ang mga
“modipikasyon” sa pagsasalin kung magbubunsod
ito ng lalong pagtupad sa intensiyon (2014: 88).
▪ Samakatuwid, mas mahalaga ang layunin kaysa sa
paraan ng pagsasalin.

Sanggunian:

Vermeer, Hans J. and Katharina Reiß. Towards a General Theory of Translational Action. New York: Routledge, 2014.
Mga Paraan ng Pagsasalin
Batay sa Skopos

1. Itakda ang skopos na nakasalalay naman sa


pagkilala muna sa target awdyens (2014: 91).
2. Batay sa skopos, tutukuyin ng tagasalin kung ano-
anong aspekto ng ST ang dapat niyang panatilihin
sa salin (2014: 91).
3. Abutin ang skopos sa pamamagitan ng mismong
pagsasalin sa teksto sa paraang matatamo ang
itinakdang layunin (2014: 92).

Sanggunian:

Vermeer, Hans J. and Katharina Reiß. Towards a General Theory of Translational Action. New York: Routledge, 2014.
Galatians 1:6
I wonder that you are so soon removed from him that
called you into the grace of Christ, unto another gospel.
Miror quod sic tam cito transferimini ab eo qui vos
vocavit in gratiam Christi in aliud Evangelium:
Douay–Rheims Bible (1610)

Sobrang nashock ako sa inyo. Ang dali nyo namang


tinalikuran ang Diyos. Imagine, sobrang bait nya at
pinadala nya si Christ sa atin. Ang Diyos mismo ang
pumili sa inyo, tapos ngayon, inentertain nyo ang ibang
gospel?!
Pinoy Version New Testament, Philippine Bible Society (2018)
Suriin ang sumusunod na salin:

Ano ang masasabi ninyo


sa pagtutumbas?
Skopos
▪ Gayunpaman, hindi ganap ang kalayaan sa pagtatakda ng skopos
o magkaroon ng kahit ano na lang layunin sa pagsasalin. Ito dapat
ay makatwiran batay sa kung ano ang katanggap-tanggap sa
kultura ng pinaglalaanan ng salin (2014: 90).
▪ Masalimuot din ang pagbuo ng skopos dahil hindi lang ito itinatakda
ng tagasalin kundi naiimpluwensiyahan ng iba’t ibang stakeholder
na may interes sa pagsasalin gaya ng mismong ST, target awdyens,
publisher, atbp.
▪ Kung sila ang susundin ng tagasalin, inaangkin ng tagasalin na
kaniya na rin ang skopos ng pinagpaubayaan niyang stakeholder
(Reiß at Vermeer, 2014: 91). Maituturing lang na matagumpay ang
salin kung nagtugma ang skopos at ang naging kaganapan nito sa
mga mambabása (function) (2014: 89).

Sanggunian:

Vermeer, Hans J. and Katharina Reiß. Towards a General Theory of Translational Action. New York: Routledge, 2014.
Bassnett at Lefevere
Cultural Turn
Cultural Turn
▪ Para kina Bassnett at Lefevere, humantong na ang
araling salin sa yugtong kultural (cultural turn) mula sa
yugtong lingguwistiko noong magsimula ito (1998: 3).
▪ Hindi na lang teksto ang batayan ng pagsusuri sa
katapatan o pagtaliwas ng salin kundi ang iba’t
ibang konteksto na pinahahalagahan sa pagsasalin
(1998: 3).
▪ Bukod sa kasaysayan, isa sa kontekstong maaaring
angklahan ng pagsasalin ang kultura (1998: 3).

Sanggunian:

Bassnett, Susan and André Lefevere. Constructing Cultures: Essays on Literary Translation. Clevedon, Multilingual Matters, 1998.
Cultural Turn
▪ Naniniwala sina Bassnett at Lefevere na sa loob ng
isang kultura ay may umiiral na “textual grid,” mga
tuntuning sa simula ay nilikha lang ng mga táong
kabilang sa nasabing kultura na kalaunan ay tumimo na
sa kanilang isipan at siya ngayong nagtatakda ng likás
nilang paggamit sa kanilang wika (1998: 5).
▪ Ang textual grid ang nagtatakda ng mga “katanggap-
tanggap na paraan kung paano sasabihin ang isang
bagay sa isang kultura” (1998: 49-49).

Sanggunian:

Bassnett, Susan and André Lefevere. Constructing Cultures: Essays on Literary Translation. Clevedon, Multilingual Matters, 1998.
Cultural Turn
▪ Para kina Bassnett at Lefevere, nagbibigay ng
natatanging paraan ng pag-aaral sa inter-aksiyong
interkultural ang pagsasalin na “hindi makikita sa ibang
larang” (1998: 6). Kaugnay nito, ipinanukala nila ang
konsepto ng “cultural capital” o ang halagang kultural
ng isang teksto sa isang pangkat ng tao (1998: 5).
▪ Mas matingkad ang kultura ng SL sa isang tekstong
maituturing na cultural capital at mas mataas ang
hámong ibinibigay nito sa tagasalin sa pagbibigay ng
kultural na rendisyon sa salin.

Sanggunian:

Bassnett, Susan and André Lefevere. Constructing Cultures: Essays on Literary Translation. Clevedon, Multilingual Matters, 1998.
Paglalagom
Tatlong Modelo
▪ Jerome Model – pagsasalin nang tapat sa teksto
mula SL pa-TL; salita-sa-salitang pagsasalin
▪ Horace Model – negosasyon sa pagsasalin na
nakakiling sa ”pribilehiyadong wika”; nakakiling sa
kliyente
▪ Schleiermacher Model – pagsasaling maláy sa
kultura; angkop na pananaw sa pagsasalin ng
mga cultural capital

Sanggunian:

Bassnett, Susan and André Lefevere. Constructing Cultures: Essays on Literary Translation. Clevedon, Multilingual Matters, 1998.

You might also like