You are on page 1of 4

LA IMMACULADA CONCEPCION SCHOOL

E. Caruncho Ave., Brgy. Malinao, Pasig City,


Metro Manila, Philippines 1600

Mga salita sa larangan ng medisina na umusbong noong 2020-2022

_______

Isang Konseptong Papel na Iniharap sa


La Immaculada Concepcion School – Senior High School
E, Caruncho Avenue, Pasig City

_______

Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa Pangangailangan


Upang Makamit ang Asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
_______

Ipinasa nina:

Kym Oriel Pacis


Nur Hanafie M. Pangandaman

Ipinasa kay:

G. Owen T. Lava

Enero 2023

1
LA IMMACULADA CONCEPCION SCHOOL
E. Caruncho Ave., Brgy. Malinao, Pasig City,
Metro Manila, Philippines 1600

Mga salita sa larangan ng medisina na umusbong noong 2020-2022

Rasyonal

Noong taong 2020, nagpatupad ang Department of Health (DOH) ng quarantine

kapag nararamdaman ang mga sintomas at kung pakikisalamuha ng mga taong may

COVID. Kinakailangang magsuot ng face shield sa publiko o sa mataong lugar. Nang

magsimula ang Coronavirus, nagsimulang maging positibo ang mga tao, at kumalat ang

sakit sa buong bansa, at dito nagsimula ang pagsiklab. Noong 2021, nagkaroon ng

pagbabakuna sa bawat lugar, at nagsimulang bumaba ang bilang ng mga kaso ng

coronavirus sa ating bansa. Sa nakalipas na dalawang taon, maraming terminong

medikal ang lumabas at nakilala ng mga tao dahil sa pandemyang kinakaharap ng

buong mundo mula 2020 hanggang sa kasalukuyan.

Sa nakalipas na dalawang taon, maraming salita ang lumitaw dahil sa paggamit

ng mga medikal na termino ng mga eksperto, tulad ng epidemya, coronavirus,

quarantine, at iba pang mga salita na may kaugnayan sa larangan ng medisina, na lagi

nating naririnig sa mga balita. Dito sa pananaliksik na aming iminumungkahi,

malalaman kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito, at malalaman kung paano

nabuo ang mga salitang ito.

2
LA IMMACULADA CONCEPCION SCHOOL
E. Caruncho Ave., Brgy. Malinao, Pasig City,
Metro Manila, Philippines 1600

Layunin

Ang layunin ng konseptong papel na ito ay malaman ang mga salitang umusbong

sa larangan ng medikal sa nakaraang dalawang taon upang masusing pag-aralan ang

kahulugan ng mga ito at alamin kung paano banggitin ang mga salitang ito ng tama

upang tama ang paggamit ng mga salitang ito habang nakikipag-usap. Makakatulong

ang pag-aaral ng mga salitang ito upang magbigay kaalaman kung saang lugar

nagsimula ang mga salitang ito at paano ito nabuo.

Mga Tiyak na Layunin

● Malaman ang kahulugan ng mga salitang umusbong sa taong 2020-2022.

● Alamin kung anong uri ng salita nabibilang ang mga ito.

● Magbigay kaalaman sa mga paano nabuo o saan nanggaling ang mga salitang

ito.

3
LA IMMACULADA CONCEPCION SCHOOL
E. Caruncho Ave., Brgy. Malinao, Pasig City,
Metro Manila, Philippines 1600

Metodolohiya

Sa gagawin naming pananaliksik, maaari tayong magsimulang mag-interview at

magbigay ng mga survey. Ang husay ay ang aming paraan ng paghahanap ng data.

Inaasahang Bunga

Inaasahan ng mananaliksik na mabigyan ng kaalaman ang mambabasa tungkol

sa mga salita sa larangan ng medisina gamit ang resulta ng aking pananaliksik.

Talasanggunian:

https://doh.gov.ph/COVID-19/FAQs

https://www.who.int/philippines/emergencies/covid-19-response-in-the-philippine

s/impormasyong-pampubliko

You might also like