You are on page 1of 67

Unang Bahagi

LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin ang mga


mag-aaral ay inaasahan na:
1. Nalalaman ang iba’t ibang
kasanayan ng mga guro
kung paano tataglayin ang
paghahanda ng mga instruk
syunal na mga kagamitan.
2. Nasusuri ng mga mag-aaral
ang lebel ng kanilang
kakayahan ayon sa Cone
Experiences.
3. Nabibigyang-kahalagan
ang instruksyunal na
kagamitan sa pagtuturo.

A. Simulain sa Paghahanda ng Instruksyunal na Kagamitan


1. Gawing malinaw at tiyak ang layunin ng pagtuturo.
►Bawat proseso ng pagtuturo ay nagsisimula sa pagtukoy ng guro
sa mga layunin ng pagtuturo.
2. Iangkop sa paksang-aralin ang kagamitan.
►Kritikal sa pagpaplano ng pagtuturo ang pamimili ng kagamitang
gagamitin.
3. Kilalanin ang katangian at karanasan ng mga mag-aaral.
►Nararapat ding isaalang-alang ang katangian ng mga mag-aaral
sa paggagamitan nito.
4. Tiyakin ang tagal ng panahon ng paggamit ng kagamitan.
►Mahalagang iayon sa haba o ikli ng pagtuturo ang ihahandang
kagamitan.
5. Alamin ang tamang paraan ng paggamit.
►May mga kagamitang sadya nang nakahanda upang gamitin sa
pagtuturo tulad halimbawa ng mga bagay na nabibili (tsart,
modelo, interactive educational materials) , elektronikong kagamitan
(kompyuter, LCD projector, telebisyon) na hindi mismo ang guro ang
gumagawa o naghanda.

1
6. Tiyaking may mapagkukunan at abot ng badyet ang mga kagamitan.
►Kung magpaplanong gumamit ng mga kagamitan,
kinakailangang tiyakin na may magagamit upang hindi masira
ang nakaplanong pagtuturo.

Halimbawa nito ay ang pagpaplanong magpanood ng pelikula o film,


tiyaking may kinakailangang kagamitan tulad ng DVD player, telebisyon,
kuryente at iba pa upang maging tuloy-tuloy ang pagtuturuan at walang
maging sagabal.

Ilan sa mga pangunahing kasanayang dapat taglayin ng


mga guro sa paghahanda ng instruksyunal ng mga
kagamitan
►Mahusay na kaalaman sa paksang-aralin
►Malalim na pagkilala sa mga mag-aaral
►Mapag-isip ng ibat’t ibang estratehiya sa pagtuturo
►Masining sa paglikha
►Masipag sa paggawa
►Maparaan sa pangangailangan

B. KAHALAGAHAN NG MGA INSTRUKSYUNAL NA KAGAMITAN

2
Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan ng guro ang mga
instruksyunal na kagamitan:

►Kalinawan ng aralin
►Pagpapanatili ng memorya
►Pagkamalikhain

C. Katangian ng epektibong instruksyunal na kagamitan


Hango kay Tomlison (1998), may dalawang pangunahing katangiang dapat
taglayin ang anumang kagamitang ihahanda ng guro para sa pagtuturo.

1. May impak- kailangang masaling ang kuryusidad, interes at atensyon ng


mga mag-aaral upang masabing nagkakaroon ng impak sa kanila ang mga
kagamitang ginamit.

Natatamo ang impak sa pamamagitan ng mga sumusunod na aspekto:

a. Orihinalidad- pagiging bago o kakaiba


b. Pagkakaiba-iba – may baryason sa iba’t ibang pagkakataon
c. Kaluguran – kahali-halina sa mata o paningin tulad ng paggamit ng
mga makukulay na presentasyon, larawan at iba pa.
d. Kawilihan- pumupukaw ng interes ng mga mag-aaral

2. May bunga- inihahanda ang mga instruksyunal na kagamitan hindi upang


magamit lamang sa pagtuturo. Inaasahang makatulong ito sa buong proseso
sa pagtuturo-pagkatuto at inaasahang magbunga ito sa isang kasanayang
inaasahan ng guro sa simula pa lamang ng kanyang pagpaplano.

Mga Panuntunan at Dapat Tandaan

► Lahat ng instruksyunal na mga kagamitan ay pantulong sa pagtuturo. Hindi ito


hinahalinhan ang guro. Ang mga materyales na ito ay nakatutulong sa
pagtuturo ng guro sa silid-aralan upang maging kawili-wili, kasiya-siya at
kalugod-lugod ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

►Piliin ang instrukyunal na kagamitang pinaangkop at pinakaakma sa iyong


mga layunin.
► Kailangang gumamit ng barayti ng mga kasangkapan at kagamitan tulad ng
video, computer, overhead projector at chalkboard. Napapanatili ng mga ito
ang interes ng mga mag-aaral sa pagtanggap ng kabatiran sa iba't ibang
paraan.

3
KAHALAGAHAN NG MGA KAGAMITANG PANTURO

► Nakapagpapalaki at nakapagpapaliit ng mga bagay


► Napaghahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay
► Nailalahad ang mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsasagawa ng mga
gawain
► Nagiging batayan para sa talakayan
► Nakatutulong sa pansariling pagkatuto ng mag-aaral
► Nakapaghahandog ng tuwirang karanasan
► Nakatutulong sa paglutas ng problema

Ang Pamimili ng angkop na Kagamitan sa partikular na aralin at gawain

► Kilala ko ba ang aking mga tuturan?


► Anong uri ng pagtugon at awtput ang aasahan ko sa mag-aaral?
► Saan magaganap ang pagtuturo? Gaano katagal?
► Anong metodo ang aking gagamitin?
► Ano anong kagamitan ang angkop sa aking layunin?

Pagtukoy sa kaangkupan ng mga kagamitang biswal sa Pagtuturo

►Ang mga salita at larawan ba ay madaling maunawaan?


►Malinaw ba ang impormasyong ihahatid?
►Tama ba ang layout ng kagamitan?
►Madali bang matukoy ang mahahalagang impormasyon o konsepto?
►Nakapukaw ba ng atensyon at interes ang mga kagamitan?
a. Ano ano ang kinagigiliwan ng aking mga mag-aaral?
b. Ano anong uri ng kagamitan ang higit na magbubunsod sa kanila.

4
Pangalan: ______________________ Petsa: _______ Oras: ______

Guro: __________________________ Session: _________ Iskor: 50

Pagsasanay 1

Panuto: Maghanap ng limang guro na kapapanayamin (interview). Tanungin kung ano-


ano ang taglay niya bilang isang guro sa paghahanda ng instruksyunal na mga
kagamitan para sa kanyang mga estudyante. Gamitin ang pormat na nasa ibaba.
(Nakalakip sa pahina 65 ang pagbibigay ng puntos)

________________
Pangalan ng Guro

________________
Pangalan ng Guro

________________
Pangalan ng Guro

5
________________
Pangalan ng Guro

________________
Pangalan ng Guro

6
Pangalan: ______________________ Petsa: _______ Oras: ______

Guro: __________________________ Session: _________ Iskor: 25

Pagsasanay 2

Panuto: Alamin kung ilang porsyento ang iyong mailagay sa Cone of Experience kung
saan angkop ang iyong kakayahan. Ipaliwanag sa ibaba kung bakit iyan ang iyong mga
nailagay na mga porsyento. (Nakalakip sa pahina 65 ang pagbibigay ng puntos)

%
pagbasa
%
pakikinig
%
Pagtingin ng larawan
%
Panonood ng video
%
pagsasalita
%
pagsulat
% pagsasadula

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

7
Pangalan: ______________________ Petsa: _______ Oras: ______

Guro: __________________________ Session: _________ Iskor: 45

Pagsasanay 3

Panuto: Bumuo ng sariling “VLOG” na kinapapalooban kung gaano kahalaga ang


mga instruksyunal na kagamitan sa pagtuturo . Ang video ay hindi bababa sa
dalawang minuto at hindi lalagpas sa tatlong minuto. Isulat sa loob ng kahon ang
pamagat ng inyong ginawang vlog. (Nakalakip sa pahina 65 ang pagbibigay ng
puntos)

8
Ikalawang Bahagi
LAYUNIN
Mga Hakbang sa
Sa katapusan ng aralin
Paghahanda ng mga ang mga mag-aaral ay
Kagamitang Panturo inaasahan na:
1. Nakagagawa ng
pagkakatitik o
lettering.
2. Nakagagamit ng
wastong kombi-
nasyon ng mga
kulay.

1. Tukuyin kung anong uri ng kagamitang panturo ang kailangan

✓ Sino sino ang aking tuturuan?

✓ Ano ano ang inaasahan ko sa kanila?

✓ Saan at gaano kahaba ang panahong gugugulin sa pagtuturo?

✓ Ano anong metodo ang aking gagamitin?

✓ Paano ko matitiyak ang pagiging epektibo ng aking kagamitan?

2. Itala ang mga pangunahing kaisipan ng aralin.

3. Bumuo ng patnubay "visual plan” para sa bawat pangunahing kaisipan.

a. Magkaroon ng sapat na oras sa paghahanda at maglaan din ng

sapat na panahon para sa pagrebisa at pagpapakinis kung

kinakailangan.

b. Makipag-ugnayan sa mga taong may sapat na kaalaman sa

paghahanda at pagdidisenyo ng mga kagamitan upang makakuha

ng sapat.

9
4. Muling suriin ang balangkas upang matiyak na nasusunod ang mga

pamantayan sa paghahanda at pagdidisenyo.

5. Isaayos ang mga binalangkas na kagamitan.

6. Maaaring magkaroon ng try out para matiyak ang kabisaan ng mga ito.

7. Pagkatapos ng tryout, isagawa agad ang pagpapakinis kung may dapat

baguhin.

Mga Teknik sa Pagdidisenyo ng mga kagamitang Biswal

1. Maging mapanuri sa iba't ibang bagay na nakikita sa paligid.

2. Maaari nang balangkasin ang mga ideyang mabubuo batay sa mga namasid.

3. Makilahok sa mga usapan at pagpaplano ng mga kasama.

4. Maging bukas sa mga mungkahi ng iba upang lalong mapayaman ang paghahanda.

5. Palawakin ang pananaw sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pakikipag

ugnayan sa mga dalubhasa.

6. Mangolekta at mag-ipon ng mga kagamitang panturo.

Mga Teknik sa Pagkakatitik (LETTERING)

Dalawang Teknik sa Pagkakatitik

1. MANWAL

2. MEKANIKAL

5 Kagamitan sa Manwal na Pagsusulat

✓ Speedball dip pens

10
✓ Kawayan o patpat (may panipsip sa bulak at tangkay ng popsicle

stick o tongue epressor

✓ watercolor

✓ felt

✓ Pangguhit na lapis, pastel at tisa

5 na Halimbawa ng mga kagamitang Pangmekanikal

✓ Cut out na letra

✓ 3D modeled letters

✓ Stencil na lettering (unitencil sa kardbord)

✓ Set ng mga kagamitan sa pagsasatitik

✓ Rubbed on a fry transfer instant

11
Mga Teknik sa Pagbuo ng Ilustrasyon

PAGPAPLAKI
PAGKOPYA PASTE UP
AT
PAGPAPALIIT

Ang Paggamit ng Kulay

Ang kulay ay nagbibigay-buhay sa mga bagay-bagay sa paligid. Gasgas itong


kasabihan ngunit ito ay may katotohanan. Malamlam at monotono.

Mga Kagamitan at iba't ibang kulay. Sa pamamagitan ng mga kulay:

1. Lalong nagpapaganda at nahihikayat ang mga kagamitang biswal.


2. Nagiging makatotohanan ang mga imahen.
3. Mailalantad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga konsepto.
4. Nakabubuo ng tiyak na reaksyong emosyonal.
5. Nakakakuha ng atensyon.

Mga Sanligang Kulay Kulay ng

(Background Colors) Pagsasatitik

Itim o Bughaw Dilaw


Berde, Pula, Itim o Bughaw Puti
Itim at Bughaw Puti
Dilaw Itim, Bughaw, Pula, Kayumanggi
Puti Berde
Light Blue Pula, Berde, Bughaw, Itim
Dark Blue Kayumanggi, Purple
Light orange Dilaw, Kayumanggi, Purple, Itim
Dark Green Dark Blue, Pula
Light Red Kayumanggi, Pula, Itim
Dark Brown Itim, Puti, Dilaw
Light Brown Berde, Itim, Dilaw
Light Green Berde, Puti, Dilaw
Itim, Puti, Dilaw, Light Green
Berde, Dark Blue, Dark Red, Itim

12
Mga Teknolohiya na karaniwang Ginagamit sa Pagtuturo:

1. Overhead Projector
2. Radio
3. Sound-visual combinations ---- telebisyon
4. Slide Projector
5. Film Strips

Analyze Learners (Suriin ang mga Mag-aaral)

► Nararapat na kilalanin ang mga mag-aaral upang makabuo ng mas

kapakipakinabang na mga kagamitang pampagtuturo.

State Objectives (Ilahad ang mga Layunin)

► Ilahad ang mga layunin batay sa mga maaaring magampanan ng


mga mag-aaral.

a. Audience (Mag-aaral)
b. Behavior (Gawi)
c. Conditions (kalagayan)
d. Degree (Antas)

Select Methods, Media and Materials (Pagpili ng Pamamaraan, Media at mga


Kagamitan)
► Isaisip ng guro na ang mga kagamitan na gagamitin ay yaong
naaayon sa asignatura, paksa at kawilihan ng mga mag-aaral.

Utilize Materials and Media (Gamitin ang mga Naaayong Kagamitan at Media)
► Pagplanuhang mabuti kung paano gagamitin ang mga kagamitan.

Require Learner Participation (Kailanganin ang Pakikilahok ng mga Mag-aaral)


► Upang maging epektibo ang pag-aaral at pagkatuto, ang mga kagamitan
ay nararapat na mental na nakagigising nang sa gayon, ang mga mag-aaral ay
patuloy na aktibong makilahok sa talakayan.

Evaluate and Revise (Pagtataya at Pagpapabuti)

► Upang maging epektibo ang paggamit ng mga kagamitan.

13
Pangalan: ______________________ Petsa: _______ Oras: ______

Guro: __________________________ Session:_________ Iskor: 50

Pagsasanay 4

Panuto: Gamit ang iyong pangalan gumawa ng pagkakatitik o lettering na naka video
(2 minuto). Kunan ng larawan ang resulta at idikit sa ibaba. (Nakalakip sa pahina 65
ang pagbibigay ng puntos)

14
Pangalan: ______________________ Petsa: _______ Oras: ______

Guro: __________________________ Session:________ Iskor:


30

Pagsasanay 5

Panuto: Gumupit ng apat na letra at lagyan ito ng kulay. Maaring gumamit ng color pen,
construction paper at cartolina sa pagkukulay. Sa isang letra dapat ay may 2
kombinasyon ng mga kulay. Idikit ito sa ibaba na may mga kahon. (Nakalakip sa pahina
66 ang pagbibigay ng puntos)

15
Ikatlong Bahagi LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin ang


mga mag-aaral ay

EPEKTIBONG inaasahan na:


1. Nailalarawan ang sariling
GURO AT katangian na dapat
taglayin ng isang guro.
MALIKHAING 2. Nakagagawa ng isang
PAGTUTURO malikhaing pagpapaliwag.

3. Nasusuri ang sariling


kakayahan o talento kung
saan ito nabibilang sa
“Multiple Intelligences”

4. Nakagagamit ng “Grapic
Organizer” sa
pagpapahayag ng sariling
opinyon o saloobin.

Ang GURO ay ang pinakamahalagang baryabol sa loob ng silid-aralan na


nakapagsasagawa ng matagumpay at epektibong pagtuturo.

Razon (2007) na nagsabing ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase ay
masigla, kawili-wili at laging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at
magkintalang impormasyon o prinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais
ay matulungan ang mag-aaral na mapabuti ang buhay.

Helminton (2006), nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan
at saloobin ng kanyang tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang mga gawain sa klase. Ito
ang batas ng edukasyon.

Perez (2012), malaki ang ginagampanan ng edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa.


At dahil sa paaralan nakabatay ang mga inaasahan at mithiin ng mga mamamayan
patuloy na nagbabago ang sistema nito dahil naiimpluwensiyahan ng patuloy na
pagbabago ng panahon.

16
Ang mga Katangian ng

Epektibong Guro

1. Walang itinatangi - Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang guro'y may paborito
sa klase o ang kanyang di pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga mag-
aaral. Sa loob ng klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging
pantay ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.

2. May positibong ugali - Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila y nabibigyan ng
papuri at pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at
direksyon. Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.

3.May kahandaan - Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw ng nilalaman


ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling makilala ng mga
mag-aaral ang gurong organisado at handa nang magturo.

4. May haplos-personal - Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong may


ugnayan sa kanila, yaong tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong
tungkol sa kanilang nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at
tinatanggap ang tunay nilang pagkatao. Ang pagkukwento ng guro ng mga kwentong
may kinalaman sa aralin ay higit na nagugustuhan ng mga mag-aaral.

5. Masayahin - Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase. Ang


dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang
mga mag-aaral ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga
magaaral.

6. Malikhain - Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga


gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin,
pati na ang pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro.

7. Marunong tumanggap ng kamalian - Nababatid ng mga mag-aaral kung


nagkakamali ang kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga ng
pagkakamaling ito. Nagiging modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang
kanyang pagkakamali at buong pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa
pagkakamaling kanyang nagawa.

8. Mapagpatawad - Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong


magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling

17
gawi at ikinilos. Ang guro ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase
kayat mahalagang maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito.

9. May respeto - Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang


kanyang ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na
may nagawang pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o
yaong nagpapakita ng sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging
marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.

10. May mataas na ekspektasyon - Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng


napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin
nang napakahusay ang kanyang ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa
sarili ang mga mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang
kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang
kanyang mga tunguhin.

11. Mapagmahal - kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang laro, ang kanyang
mag-aaral at kikilos siya upang makagawa ng paraan halimbawa para malutas ang
suliranin nito ay naglalarawan ng pag-aalala at pagmamahal.

12. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral - Laging nasa isip ng mga mag-aaral
na sila'y kabilang sa klase. Nadarama nilang kapamilya ang kanilang guro. Ang
pagtatanong at pagpapakita ng kasiyahan sa ipinakikitang mga gawad,
pampamilyang album at iba pang mag-aaral ay nakabubuo ng pagkakaisa at
mabuting pagsasamahan. Ang mahusay at epektibong guro ay yaong nakaiisip agad
ng paraan upang hindi magkaroon ng hinanakitan ang kanyang mga mag-aaral.

18
Mga Guro, Maging
Malikhain sa Pagtuturo
ng Filipino

Kailangang mas masaya ang pagtuturo ng Filipino ngayon. Bakit kailangang boring ang
Flipino? Kailangan tayong tumuklas ng malikhaing paraan ng pagtuturo pa ng Filipino,
hamon ni Jimmy Fong, Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong
Miyerkules, Agosto 5 - ang unang araw ng Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong
Wika.

Mga 79 taon na rin ang nakalipas nang huling magkaroon ng pagpaplanong pangwika
sa bansa. Ngayong taon, idinaos ang kongreso sa Lingayen, Pangasinan.

Kagaya ni Fong na idiniing tuluy-tuloy dapat ang eksperimento sa pagtuturo ng Filipino,


sinabi ni Ruth Mabanglo - isang propesor ng Filipino sa University of Hawaii - na
kailangang nasa konteksto ang pagtuturo. Ibig sabihin, dapat isinasaalang-alang ang
wikang higit na ginagamit ng bata sa bahay, sa paaralan, at sa komunidad. "Ika ni
Mabanglo, kailangang bigyang pansin ang mga awtentikong kagamitan sa pagtuturo
ng wika, tulad ng mga soap operas at mga diyaryo.

Para kay Mabanglo Ang (effectiveness) nun, hindi siya yung ginagawa nung mga
textbook writer na yun na kaagad, wala ka nang ibang choice. Ito, marami kang
choices, tapos realistic kasi it was not meant for teaching, it was meant para paunlarin
ang utak ng mga nagsasalita ng language,”

Para kay Fong, masusukat ang tagumpay sa kung paano napatutunog ng bata ang
mga alpabetong Filipino, lalo na ang mga sumusunod:

✓ diperensya ng /f/ at /p/


✓ tuldik diperensya ng /e/ at /i/
✓ diperensya ng /o/ at /u/
✓ diperensya ng /b/ at /v/
✓ tuldik
✓ ang tunog na schwa

"Kaya ang hamon natin para sa lahat ay mas mahusay na pagtuturo sa Filipino. Huwag
nating palagpasin ang mga maling pagpapatunog ng mga patinig at katinig "ika ni
Fong.

19
Dagdag ni Mabanglo, mahalagang bigyang-diin sa pagtuturo ang pagsasalita sa
Filipino, dahil pagsasalita ang paunang sukat sa kaalaman sa wika.

Pagsusuri ng guro

Minungkahi niyang dapat dumaan ang mga guro sa pagsusuri upang malaman ang
kanilang antas sa pagsasalita ng Filipino. Aniya, mahalagang makaabot ang mismong
guro sa "superior level" ng pagsasalita:

1. Superior level - Napagtatanggol at naipaliliwanag ng guro ang kanyang


opinyon, at natatalakay ang mga abstraktong paksa. Puwede
siyang humimok ng tao.

2. Advanced level - Nagkakamali pa ang guro sa gramatika, hindi wasto ang


bokabularyo, halos tama na ang konstruksyon, kaya nang
magsalita ng paragraph length, malinaw na malinaw ang
hilera ng pangangatwiran.

3. Intermediate level - Mahusay-husay na ang guro, kaya nang magsalita


ng sentence level, kung minsan hindi pa magkaugnay-
ugnay, nakasasagot sa tanong, hindi minsan wasto nguni't
puwedeng itama ang sarili.

4. Novice level - Baguhan pa ang guro, parirala lang ang nasasabi, saulado pa
ang sasabihin. 'Pag 'di na naalala, magkaka-breakdown na sa
pagsasalita.

20
Katangian, Karakter at Personalidad ng
Isang Magaling at Epektibong Guro

Paano nga ba maging isang epektibong guro na siyang maging daan upang mabago
ang buhay ng isang estudyante? Ano-ano ang mga katangian,personalidad at karakter
ng isang epektibong guro?

Ang tanong na ito ay umiikot sa isipan ng mga indbidwal noong sila ay estudyante
lamang at sa mga guro na nais maging epektibo sa kanilang napiling propesyon.
babasahing ito ay naglalaman ng mga kasagutan kung paano maging isang
epektibong guro bilang propesyon.

1. Umaasa ng mataas o positibong personalidad - Ang mga magagaling na guro ay


umaasang lahat ng kanilang estudyante ay magsisikap at gustong matuto.Kinikilala nila
ang mga estudyante sa iba't-ibang yugto ng abilidad at katangian. Gayunpaman,sila
ay naniniwala na lahat ng kanilang estudyante ay matuto, makakamtam ang tunay na
progreso sa bawat na taon na pagdaanan at matamo ang mga pangunahing
kakayahan
tulad ng pagbasa, pagsulat at pagbilang ng numero.

2. Pangangalaga - Ang mga gurong nangangalaga sa kanilang estudyante ay may


malaking epekto kung ano ang ginagawa ng estudyante sa paaralan. Inaalagaan ng
tunay ang estudyanteng ito bilang isang tao tulad ng isang magulang sa kanyang anak.
Mabubuting guro ay mainit na nagmamahal, magalang at nakikidamay. Halimbawa,
ang pagsasabi nila ng magandang araw sa mga estudyante sa tuwing nadadaanan
nila. Ang mga guro ay hindi natatakot na magbigay ng matibay na pagmamahal sa
kanilang estudyante. kailangan mo lang maniwala sa iyong mga estudyante at subukin
sila para manguna habang sunod-sunod silang suportahan para gawin ito.

3. Abilidad - Ang lahat ng ibang bagay ay magkapantay matatalinong tao ginagawang


magaling ang isang guro - at kung mas matalino ang tao mas mabuti.Ito'y lumilipad sa
paniniwala ng nakakarami.Pero ayon sa pananaliksik lumalabas na ang mataas na
yugto ng kaalaman(IQ) ay nagreresulta ng mataas na kalidad sa paggawa sa lahat ng
uri ng trabaho kabilang na ang pagtuturo. Ang tanging dahilan upang magkaroon ng
ganap na progreso ang isang estudyante ay ang mataas na kalidad ng talino nang
kanyang guro(Dylan Williams) .Hindi ito bago kapag kinunsidera mo ang talinong
kailangan upang sukatin ang abilidad na harapin ang pagsubok binibigyan nito ang
pinaka-mainam na paraan para magpatuloy.

21
4. Pagmamahal sa tungkulin - Mga gurong epektibo ay nanghihimok sa kanilang
propesyon na tulungang matuto ang kanilang mga estudyante. Kung wala ang
pagmamahal na ito, walang kang lakas. Kung wala kang lakas, wala kang magagawa.

5. Propesyonal na Kaalaman -upang maging magaling na guro kailangan niya ang mga
sumusunod;

- kaalaman sa nilalaman na ituturo


- kurikulum,programa at materyal
-populasyon ng estudyante
- partikular na kontekstong edukasyonal
- layunin at kahalagahan ng edukasyon

6. Magaling sa komunikasyon - Isa sa mga pangunahing katangian ng isang epektibong


guro ay ang galing niya sa komunikasyon. Kailangan ito upang maipaliwanag ang mga
ideya,pag-uusapan na isyu,pagpapahayag ng paniniwala at kahalagahan sa
pagtuturo.Ang mga guro kasi ay maraming ginagampanan sa loob ng silid-aralan at sa
lugar ng trabaho. Kailangan sila ay maabilidad sa pagresolba ng mga sigalot.

7. Mapanuri sa paligid - Sa isang guro mahalaga ang pagiging mapanuri upang


magkaroon ng sapat na kaalaman sa paligid nila(mga estudyante,paaralan,
komunidad at kultura ng lugar ng trabaho).Para malaman ang nararapat na gawin sa
isang sitwasyon.

8. Pangako sa habangbuhay na pagkatuto - Ito'y kinikilala ng mga taong nagbibigay


edukasyon,organisasyong nagbibigay akredistasyon o paniniwala, mangagawa at
publiko na ang pinakaimportanteng kagalingan na dapat magkaroon ang bawat
indibidwal.

9. Handang lagpasan lahat - Ang mga guro ay naniniwala sa kanilang kakayahan na


magampanan nila ang kanilang tungkulin, upang gumawa ng pagbabago o direksyon
sa buhay ng kanilang estudyante. Umaasa ng mataas upang mapukaw at mag-udyok
sa kanilang estudyante bilang isang halimbawa.

10. Ang buhay sa labas ng paaralan - Ayon sa pag-aaral ang mga taong mayroon hilig
na gawain at kaibigan ay mababa ang pakiramdam ng pagod at tumaas ang pagiging
produktibo sa trabaho. Ang mga guro ay dapat humanap ng pagkakaabalahan na
maglalarawan sa kanila sa labas ng paaralang tinuturuan.

22
Paano nga ba
malalaman na mahusay
at epektibo
ang isang guro?

Heto ang ilan sa mga katanungang bumabagabag sa akin bilang isang guro:

✓ Kapag ba matataas ang nakuhang marka ng mga estudyante sa


kanilang pagsusulit ay masasabi ba nating epektibo ang isang guro?
✓ Kapag ba gumamit ng naaakmang estratehiya o pamamaraan ang
guro sa pagtuturo ay masasabi ba nating mahusay siya?
✓ Kapag ba napabago ng guro ang masasamang ugali ng kanyang
mga estudyante ay masasabi ba nating magaling siya?
✓ Kapag ba naituro ng guro ang sa tingin niya'y dapat malaman ng mga
magaaral subalit hindi nila ito naisasagawa sa kanilang buhay ay
masasabi ba nating hindi epektibo ang guro?
✓ Ang pag-aaral ba ng "Values Education ay nabibigyang hustisya o
nagsisilbi lamang itong moro-moro o pakitang tao lamang?

Kadalasan matutuwa ka kung ang lahat ng iyong mga estudyante ay nakakuha ng


matataas na marka sa pagsusulit. Dahil na rin sa paniniwala na nakapagturo ka ng
maayos at nabigyang-ganyak sila para mag-aral nang mabuti. Subalit kung minsan ay
mapapaisip ka rin kung magagamit ba nila ang mga natutuhan nila sa tunay na buhay?
Noong nagtuturo pa ako ng Araling Panlipunan III (Kasaysayan ng Daigdig) ay masasabi
kong nakuha ko ang atensiyon at naganyak ko ang mga estudyante ko na mag-aral
nang mabuti sa asignaturang iyon. Pati ng mga kapwa ko guro ay nagtataka kung bakit
matataas ang mga nakukuhang marka ng aking mga estudyante. Sa sarili ko ay alam
kong nagturo ako nang mahusay, subalit ngayon ay napag-isip-isip ko kung ano nga ba
ang tunay na natutuhan sa akin ng mga bata. Naituro ko ba ang kahalagahan ng
Hustisya? Kagandahan? Katotohanan? O simpleng pinamemorya ko

lang sila ng mga bagay na hindi naman nila magagamit sa kanilang buhay. Naging
epektibo ba akong guro o epektibong tagaganyak lamang?Mahirap maging isang
guro kung marami kang teknikalidad na inaalala. Kaya ako, kapag nagtuturo ay
hinahayaan kong mapunta sa kung saan man ako dadalhin ng aking imahinasyon.
Masama mang sabihin, pero hindi ko lubusang nasusunod ang aking banghay-aralin.
Kung anong pumasok sa kokote ko yun ang gagawin ko sa klase. Sabi nga nila na ang
mahusay na guro ay gumagamit ng mga pamamaraan na akma para sa pagkatuto ng
mga bata. Pero bakit may mga batang mas nakakaangat kapag makaluma ang
pamamaraang ginagamit ng guro at may mga bata naman na mas magaling sa

23
makabagong pamamaraan ng pagtuturo? Ang tanong ay ano nga bang
pamamaraan ang dapat gamitin para makaangat lahat ng mag-aaral?

Ang mga guro raw na disiplinado at istrikto ay nakapagpapabago ng ugali ng mga


estudyanteng magugulo at malilikot. Sa tingin ko ay dahil sa takot pero kapag sa ibang
guro na mas maluwag ay iba naman ang trato. Kung minsan hindi mo alam kung paano
mo didisiplinahin ang iyong mga estudyante. May mga nadadaan sa mahinahong
pakikipag-usap at mayroon naman nadadaan sa paninindak at ang malungkot pa ay
mayroon ding hindi mo madadaan sa anumang bagay. Sa aming paaralan ay may
kapwa guro akong iniidolo pagdating sa pagdidisiplina sa klase. Pagpasok sa room niya
ay talagang napakalinis at organisado lahat at ang mga estudyante niya ay
napakatahimik.

Naalala ko nung may "Most Disciplined Class” na paligsahan sa paaralan ay laging klase
niya ang nananalo. Pero bakit nung mapunta na sa akin ang mga naging estudyante
niya ay pakiramdam ko ay hindi ko sila kayang disiplinahin na tulad ng ginagawa niya.
"Medyo maluwag kasi ako sa mga bata. Pero ang napansin ko ay mas naging bukas
ang mga bata sa akin pagdating sa pagsabi ng kanilang mga problema kaysa raw dati.
Nakakahiya mang sabihin na yung mga matitino noong estudyante niya ay sila namang
laging nasususpend nang ako'y maging adviser nila. Inisip ko tuloy na wala akong
kwentang guro. Hindi ko ba sila napaalalahanan nang wasto at sapat?

Ang dami kong nakadaupang-palad na matatalinong estudyante. Halos lahat ng


pagsusulit ay kanilang nape" perfect. Aktibo rin sila sa iba pang gawaing pang-eskwela.
Ang problema nga lang ay kung bakit kapag sila'y nagtapos na ay parang nakalimutan
na nila lahat ng kanilang mga pinag-aralan. Kasi may mga napapabalitang nabuntis
nang maaga o kaya naman ay tumigil sa pag-aaral dahil hindi makayanan ang
pressure" ng buhay kolehiyo. Ano nga ba ang silbi ng daan-daang oras na ginugol sa
paaralan kung wala rin palang silbi ang mga ito para sa Milan?

At isa rin sa kinakabagabag ko ay ang pagtuturo ng "Values Education” sa mga


paaralan. Isa akong VE teacher at kung minsan ay medyo naasiwa rin ako sa tinuturo ko
dahil ako mismo ay sumusuway sa mga turong ito. At kung minsan ay nabubwisit ako
kapag ang mga estudyante ko ay nakakakuha ng matataas na marka sa pagsusulit
subalit kapag sa tunay na buhay naman ay hindi nila magawa lalo na ang pagiging
matapat kapag may pagsusulit. "Bawal ang mangopya". Buhay nga naman. Para sa iyo
sino ang mas itinuturing mong mas "may pinag-aralan na tao: si Rancho namimilosopo
noon sa guro ) o si Chatur ( na masunurin at magalang sa guro)? "Si chatur po kasi po
hindi siya namimilosopo sa kanyang mga guro", sabi nung studyante ko na kung
makapamilosopo sa tunay na buhay ay wagas. kung minsan umaayon na lang sila sa
wasto para lamang masabi ng guro na tama ang kanilang sabi pero hindi naman talaga
nangyayari sa tunay na buhay.

Sino nga ba ang epektibong guro? Marahil walang nakakaalam.

24
MULTIPLE

INTELLIGENCES

Dr. Howard Gardner (1983)- binuo niya ang teorya ng Multiple


itelligence. Ayon kay Gardner, bagama't lahat ay may angking
likas na kakayahan, iba't-iba ang mga talino o talent. Ang mga
ito ay:

1. Musical/Rhythmic - Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa


pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto Sa
pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karansan.

musicians, singers, composers, DJ's, music producers, piano tuners,


acoustic engineers, entertainers, party-planners, environment and
noise advisors, voice coaches

2. Interpersonal - Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ito


ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong
nabibilang dito ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay
sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motibasyon, at
disposisyon sa kapwa.

25
therapists, HR professionals, mediators, leaders, counsellors,
politicians, educators, sales-people, clergy, psychologists, teachers,
doctors, healers, organisers, carers, advertising
professionals,coaches and mentors;

3. Visual or Spatial - Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa
pamamagitan ng paningin at mag-ayos ng mga ideya. May kakayahang siya na makita
sa kaniyang isip ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto o makatuklas ng
isang produkto o makalutas ng suliranin.

artists, designers, cartoonists, story-boarders, architects


photographers, sculptors, town-planners, visionaries,
inventors,engineers, cosmetics and beauty consultants:

4. Verbal/Linguistic - Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. May taglay na


talinong ito na mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmemorya ng
mga salita at mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa,
nagsusulat, nakikinig o nakikipagdebate. Mahusay siya sa pagpapaliwanang,
pagtuturo, pagtatalumpati, o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali para
sa kanya ang matuto ng ibang wika.

writers, lawyers, journalists, speakers, trainers, copy-writers, english


teachers, poets, editors, linguists, translators, PR consultants, media
consultants, TV and radio presenters, voice

over artistes

5. Bodily/ Kinesthetic - Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng


mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa
pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa ng pagsasayaw o

26
paglalaro. Sa kabuuan, mahusay siya sa pagbubuo at paggawa ng mga bagay gaya
ng pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng mga taong may
ganitong talino.

dancers, demonstrators, actors, athletes, divers, sports-people,


soldiers, fire-fighters, PTI's, performance artistes; ergonomists,
osteopaths, fishermen, drivers, crafts-people; gardeners, chefs,

acupuncturists, healers, adventurers

6. Matematikal/ Logical - Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto
sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay
talinong may kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan, ang
talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer
programming at iba pang kaugnay na gawain. Gayunpaman, mas malapit ang
kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng
abstract patterns, at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos.

scientists, engineers, computer experts, accountants, statisticians,


researchers, analysts, traders, bankers bookmakers, insurance
brokers, negotiators, deal-makers, trouble-shooters, directors

7. Existentialist - ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.”


Bakit ako nilikha?” “Saana ko nanggaling?” Ano ang papel na ginagampanan ko sa
mundo?". Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-
unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating gingalawan.

Mga pilosopo, theorist, mga pari o pastor

8. Intrapersonal - Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng damdamin,


halaga, at pananaw. Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin
ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o
introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kanyang nararamdaman at
motibasyon. Malalimang pagkilala niya sa kanyang angking talent, kakayahan at
kahinaan. At lahat ng tao na nasa proseso ng pagbabago ng pang-unawa sa sarili, sa

27
paniniwala, at mga gawain na may kinalaman sa sarili, sa iba, at sa komunidad na
kanyang ginagalawan.

9. Naturalist - ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali


niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang
ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.

Botanist, farmer, environmentalists

Ano nga ba ang edukasyon?

Pinaniniwalaan ng mga dalubhasa sa larangan ng pagtuturo na ang edukasyon ay


isang proseso kung saan ang lipunan ay naglalaan para sa pag-unlad ng mamamayan.

Ano naman ang kurikulum?

Ang kurikulum ay nagmula sa salitang Latin na "curere" na ang ibig sabihin ay "to run the
course of the race". Ang kabuuan ng nilalaman ng isang pinag-aaralan, mga gawain at
mga pinagbatayan ng puspusang pinili, isinaayos at ipinatupad sa mga paaralan sa
natatanging gawaing pantao bilang isang institusyon ng katarungan at makataong
pagpapaunlad. Sakop ng kurikulum ang kabuuang tuon o layunin, na dapat
isakatuparan ng mga paaralan at maabot ang mga tiyak na tunguhin ng pagtuturo.

28
Ang kurikulumay disiplina sa paaralan, mga aklat at mga kagamitang ginagamit,
paggawa ng banghay-aralin, mga pagpapahalaga, mga pagsusulit at kung anu-ano
pang itinuturo ng guro na may kinalaman sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

RAGAN AT SHEPHERD - para sa kanila ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali


kung saan ang paaralan ay may responsībilidad sa paghahatid, pagsasalin at
pagsasaayos ng mga karanasang pampagkatuto.

MGA URI NG KURIKULUM


Allan Glatthorn (2000)

1. Written Curriculum - ito ang gabay, maaaring ito ay ang lesson plan, daily lesson log,
course outline o maging syllabus.

2. Assessed Curriculum - isa itong paaran kung paano tatayahin ang bata o tatasahin
Sa kanilang mga natutunan sa paksa maaaring ito ay pasulat o maging pasalita.

3. Recommended Curriculum - ito ang mga ibinibigay o mga suhestiyong scholars tulad
ng DepEd, CHED at DOST.

4. Supported Curriculum - kung saan ito ang mga tumutulong sa pagkakatuto ng bata,
ito ay maaaring mga libro, teaching guide at kagamitan tulad ng mga visual aids,
projector na tumutulong sa mabilis na pagkatuto ng bata.

5. Learned Curriculum - ito ang mga natutunan sa kurikulum, mga dulot at epekto sa
mga mag-aaral.

6. Hidden Curriculum - ito ang mga bagay na natututunan nila ngunit hindi naman ito
bahagi ng kurikulum. Ito ay maaaring pansariling pagkatuto hinggil sa naging
kakayahan at pag-uugali.

7. Taught Curriculum - ang pagsasagawa o kung paano itinuturo ang paksa o nilalaman
ng isang kurikulum.

29
PROSESO SA PAGLINANG NG KURIKULUM

1. Pagkilala sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at ang inaasahan ng


lipunang kanyang ginagalawan
2. Pagbuo ng layunin
3. Pagpili ng mga paksa
4. Pagsasaayos ng paksa
5. Pagsasaayos sa mga karanasan sa pagkatuto
6. Pagkilala sa mga gawain at paano dapat gawin

MGA HAKBANG SA PAGLINANG NG KURIKULUM


(Bushell at Rapport)

1. PAGSUSURI/PAGSISIYASAT/PAGTINGIN NG SULIRANIN

►Sa pagsusuri o pagsisiyasat ng mga pruweba, gagawin ng pangkat na


naatasan naisasagawa sa mga kinauukulang mag-aaral, mga guro at
namumuno at pinagmulan ng reklamo.

►Pwede rin gumamit ng talatanungan o interbyu, paggamit ng mga


teknik sa pagtataya para matukoy ang mga suliranin.

►Ang pagtanggap ng mga mungkahing solusyon galing sa


maimpluwensyang pangkat na hindi dumaan sa pagtataya ng mga
dahilan na pinagmulan ng suliranin ay mali.

2. PAGBABALANGKAS NG MGA LAYUNIN

►Kapag nasuri na ang totoong suliranin at pantay na ang mga inaasahang


pagbabago ng mga kinauukulang humihingi ng pagbabago, magsisimula na ang
pananaliksik/paghahanap/ pagsusuri o pagsisiyasat ng mga solusyon

►Dapat may pag-unawa ng mga dapat matamo bago maghanap ng


mga alternatibong solusyon, kailangang nagbabalangkas ng mga
layunin.

Iba't ibang Dimensyon sa Pagdesinyo ng Kurikulum

1. SIMPLE TO COMPLEX LEARNING


- Ang mga nilalaman ay nakaayos simula sa pinakasimple patungo sa
pinakamahirap.
Halimbawa nito, sa Matematika - addition muna bago multiplication.Sa
Filipino, talakayin muna ang mga letra bago salita, salita bago mga parirala at
parirala bago mga pangungusap.

30
2. PREREQUISITE LEARNING
- Nangangahulugang kinakailangang may dating kaalaman bago dumako sa
susunod na pagkatuto. Halimbawa, sa Professional Education- hindi mo
makukuha ang Assessment of Learning 2 kung hindi mo pa pinag-aralan ang
Assessment of Learning 1.

3. WHOLE TO PART LEARNING


- Batay sa Gestalt Theory. Ang kahulugan ay mas mainam maintindihan kung
ang nilalaman ay mula sa kabuuan. Halimbawa nito, pagpapakitang-turo
(demo teaching) muna bago ituro ang nilalamang ng banghay-aralin o
paggawa ng banghay aralin.

4.CHRONOLOGICAL LEARNING
- Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay isa sa mga pinagbabatayan
ngpagkakasunod-sunod ng mga nilalaman. Ito ay madalas na naihahanay sa
pag-aaralang kasaysayan at pangyayari sa lipunan. Ang panahon ay may
mahalagang gampanin dito. Maaaring magsimula sa kasalukuyan papunta sa
nakaraan o umpisa sa nakaraang panahon papunta sa kasalukuyan.

Ayon naman kina Posner at Rudnitsky, sila rin ay nagbigay ng prinsipyo

1. WORLD-RELATED SEQUENCE

a. SPACE o Espasyo - Halimbawa: malapit patungo sa malayo o pataas


patungo sa ibaba.

b. TIME O Oras - Halimbawa: Ituro muna ang pinakaunang naging president


ng Pilipinas hanggang sa kasalukuyan.

c. Physical Attribute- Halimbawa: ituro muna ang tatlong pulo ng Pilipinas bago
ang mga rehiyon nito.

2. CONCEPT-RELATED SEQUENCE

a. CLASS RELATION - Halimbawa: Bago malaman ang uri ng mammals,


kailangan munang ituro sa mga mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng
mammals.

b. PROPOSITIONAL RELATIONS - Halimbawa: kailangan munang ituro ang mga


batas sa equal protection bago pag-aralan ang Supreme Court Decisions.

31
3. INQUIRY-RELATED SEQUENCE - Tumutukoy sa siyentipikong pamamaraan ng
inquiry.
4. LEARNING-RELATED SEQUENCE - Nakabatay sa sikolohiya ng pagkatuto at
kung paano ang tao natuto.

a. EMPERICAL PREREQUISITE - nakabatay sa emperikal na pag-aaral na kung


saan ang prerequisite ay kailangan bago matutuhan ang sunod na lebel.
b. FAMILIARITY - kailangang mayroong pamilyaridad ang mgapaksang
tinalakay.
c. DIFFICULTY - kailangang matukoy kung saan nahihirapan ang mga mag-aaral
sa mga paksang tinalakay.
d. INTEREST - nakikita ang interes ng mga mag-aaral sa pagtalakay ng mga
paksa.

5. CONTINUITY - May kinalaman sa Spiral Curriculum ni Gerome Bruner.- ang


pagkatuto at pag-unlad ay nagiging pangmatagalan o permanente. Ang
mga natutunan ng mga mag-aaral, ang kanilang mga kasanayan ay lalong
nalilinang –Halimbawa: ang ilang aralin sa agham na nasa elementarya ay
ipinagpapatuloy hanggang sa mataas na antas subalit may iba't ibang antas
ng kahirapan.

6. INTEGRATION - Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay-ugnay. Ang nilalaman,


mga paksa o asignatura ay may kaugnayan at sumasalamin sa totoong mga
sitwasyon sa buhay.

7. ARTICULATION - Maaaring gawin nang pahalang o pababa. - Sa vertical


articulation, ang nilalaman ay nakahanay at sumusunod sa antas o lebel. Ang
horizontal articulation naman ay nangyayari kapag ang ugnayan ng mga ito
ay nangyayari sa iisa at parehong panahon.

32
Graphic Organizer

Ang graphic organizer ay isang paraan ng pagsasaayos o pagoorganisa ng mga


nakalap na datos at impormasyon para mas lalong maunawaan at maintindihan ang
kosepto o ipinahihiwatig nito.

Ito ay karaniwang ginagamit upang makatulong sa mga mag-aaral para mas mapadali
at mapabilis ang pagkaunawa at pagkaintindi sa isang araling tinatalakay o pinag-
aralan.

Ginagamit ito sa pag-uugnay upang ibigay ang kategorya ng konsepto ng mga


pangyayari, mga impormasyon, mga datos at mga kaalaman.

Mga Halimbawa ng Graphic Organizer

Factstorning Web - malawak ang nasasaklaw nito dahil makikita rito ang lahat ng mga
detalye.

Spider Web - karaniwang mahahati ang aralin sa apat at ang bawat isa ay tumutukoy
sa isa sa apat na gagamba. Binubuo ng pangunahing kosepto at sumusuportang datos
ang bawat pangkat.

Sayklikal na Tsart - ito ay nagpapakita ng daloy ng gawain, pangyayari o proseso mula


sa simula hanggang katapusan.

Factstorming Web - malawak ang saklaw nito sapagkat makikita dito ang lahat ng
masasaklaw na detalye. Nasa gitna ang pinaka-pangunahing konsepto at nakapaligid
dito ang mga kaugnay na konsepto at kaalaman. Nakapaligid naman sa kaugnay na
kosepto ang iba pang mga detalye nito.

33
Discussion Web - ginagamit ito sa pagtatalakay ng mga isyu na halos magkakatimbang
o balanseng masasagot ng Oo o Hindi. Nagsasaayos rin ito ng mga Nagsasa argumento
o ebidensya tungkol sa isyung tinatalakay.

Iba pang Halimbawa:

► Story Map
► Analogy Graphic Organizer
► Semantic Web

Mga Benepisyo at Kabutihang Dulot ng mga Graphic Organizer

► Nagpopokus ng atensyon sa mga pangunahing ideya, mga konsepto


at kaalaman.
► Nakatutulong ito sa pagsasanib ng dating kaalaman sa panibagong
kaalaman.
► Napapadali ang pagsasaayos ng mga konsepto.
► Napahuhusay ang mga kasanayan sa pagbasa, pagsulat at pagsusuri
► Nakatutulong sa pagsulat kaugnay ng pagplano at pagrerebisa
► Nakahihikayat na ibigay ang atensyon at magpokus sa isang paksa.
► Maaring maging instrument ng ebalwasyon.
► Nakatutulong sa pagpaplano upang mas mapadali at mapabilis ang
gawain.

34
Pangalan: ______________________ Petsa: _______ Oras: ______

Guro: __________________________ Session:_________ Iskor: 25

Pagsasanay 6

Panuto: Ilarawan ang iyong sariling katangian na dapat taglayin ng isang epektibong
guro at ipaliwanag ang mga ito. Gamitin ang pormat na nasa ibaba. (Nakalakip sa
pahina 66 ang pagbibigay ng puntos)

____________ _____________

___________ Mga Katangian na Dapat Taglayin __________


ng Isang Epektibong Guro

______________ _______________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

35
Pangalan: ______________________ Petsa: _______ Oras: ______

Guro: __________________________ Session:_________ Iskor:


50

Pagsasanay 7

Panuto: Ipaliwanag ang nilalaman ng nasa kahon, sa paraan ng paggawa ng isang


malikhaing tula na may pamagat. Binubuo ng tatlong saknong na may apat na taludtod
at may tugma. (Nakalakip sa pahina 70 ang pagbibigay ng puntos)

“Hindi makaaasang magiging mahusay ang mag-aaral kung hindi


mahusay na mahusay ang modelo- ang mga guro”

____________________________

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_________________________________________________________

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

36
Pangalan: ______________________ Petsa: _______ Oras: ______

Guro: __________________________ Session:_________ Iskor: 30

Pagsasanay 8

Panuto: Tukuyin ang iyong kakayahan o talento at suriin kung saan sa multiple
intelligences ito nabibilang. Gawan ito ng isang slogan sa paraang masining na
pagkakasulat. Gamitin ang pormat na nasa ibaba. (Nakalakip sa pahina 66 ang
pagbibigay ng puntos)

______________________ ________________________
Ang iyong Talento/Kakayahan Multiple Intelligence

37
Pangalan: ______________________ Petsa: _______ Oras: ______

Guro: __________________________ Session:_________ Iskor:


25

Pagsasanay 9

Panuto: Gamit ang Discussion Web sa ibaba, isulat ang iyong sariling saloobin o
opinyon tungkol sa tanong na nasa loob ng parihaba. Ilahad ang iyong paliwanag sa
ginawang pagsang-ayon o pagtutol. (Nakalakip sa pahina 66 ang pagbibigay ng
puntos)

DISCUSSION WEB

Oo, Bakit ? Hindi,Bakit ?

Ang wattpad o
pocketbook ay
isa sa mga
babasahin,
nararapat ba
na isali ito
bilang isang
materyales sa
pagkatuto sa
loob ng
paaralan ?

38
Ikaapat na Bahagi
LAYUININ
Sa katapusan ng aralin
ang mga mag-aaral
ay inaasahan na:
PAGGAMIT NG MGA
MODERNONG TEKNOLOHIYA a. Nakabubuo ng
SA PAGTUTURO isang masusing
Banghay-Aralin.

b. Nakagagawa ng
instruksyunal na
kagamitan.

Napakarami na ng mga pagbabago ang makikita natin sa kasalukuyang panahon


partikular na sa mga kagamitan. Umuunlad ang paggamit teknolohiya upang mapadali
ang mga mahihirap na gawain, makasabay sa makabagong henerasyon at maging
libangan. Kasabay ng pag-unlad na ito ay marami na ring mga kabataan ang
nahuhumaling sa paggamit ng mga teknolohiya kagaya ng cellphone, kompyuters at
iba pa, ngunit kasabay rin nito ay ang pagbaba ng mga grado nila sa paaralan dulot
ng kawalan ng pokus sa pag-aaral. Kaya’t bilang tugon sa nasabing isyu, minabuti ng
ilang mga kaguruan mula sa iba't ibang paaralan ang gumamit ng ilang mga
makabagong teknolohiya upang mapukaw ang interes ng mga kabataan sa
kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng mga LCD Projector, mga DVD na naglalaman ng mga video


o movie, kompyuters at mga powerpoint presentations ay mas matututo ang mga
kabataan sa kasalukuyan lalo na't naaangkop ang kanilang paglaki o edad sa
makabagong panahon.

Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang panturo, tulad ng
midyang instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pagkatuto.
Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag-aaral, nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga
mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at napagagaan ang proseso ng pagtuturo at
pagkatuto, at nagdudulot ito ng maayos, madali, makahulugan at mabisang pagtuturo
at pagkatuto.

Bukod sa mga mag-aaral, magkakaroon din ng benipisyaryo ang mga guro kung
paiiralin ang paggamit ng multimedia sa mga makabagong paraan ng pagtuturo. Ayon

39
kay Aton (2007), angkakaroon din daw ang mga guro ng kawilihan, magaan at
sistematikong pagtuturo at mababawasan ang pagiging dominante sa pagsasalitsa o
pagtalakay ng aralin sa loob ng silid-aralan.

Ilan lamang ito sa ma kapakinabangan sa paggamit ng mga modernong


teknolohiya sa paaralan, ngunit may ilan pa ring negatibong reaksyon sa
pamamaraang ito. Dahil may ilan pa namang paraan upang maging kawili-wili at
interesado ang mga mag-aaral sa mga aralin ng hindi gumagamit ng ano mang
modernong kagamitan.

Bukod pa rito, isa pa sa mga dahilan ay dahil sa wala naman sa mga


makabagong kagamitan ang rason kung bakit natututo ang bata kundi nasa sarili nila
itong kagustuhang matututo.

Marami mang positibo o negatibong reaksyon sa makabagong pamamaraan ng


pagtuturo, ang mahalaga ay maunawaan ng bawat isa kung ito nga ba ay
makatutulong o hindi sa mga mag-aaral. Isa pa ay kung may nauunawaan nga ba ang
mga kabataan sa mga aralin gamit ang mga makabagong teknolohiya o isa lamang
itong paraan ng mga guro upang masabing umuunlad na ang kanilang estratehiya sa
pagtuturo.

MGA NAPAPANAHONG TEKNOLOHIYA AT KAGAMITAN SA PAGTUTURO NG WIKA AT


PANITIKAN

MGA KAGAMITANG LIMBAG AT INIHAHANDA NG GURO

a. Batayang Aklat - Isang masistemang pagsasaayos ng paksa-aralin para sa isang tiyak


ng asignatura at antas. Iniaayos ito sa mga kaalamang binabalangkas ng pamahalaan
upang matugunan ang araling angkop sa pangangailangan, panahon at lebel.

b. Manwal ng Guro - Kalipunan ng mga araling nakakaayos ayon sa layunin at mga


mungkahing paraan o istratehiya kung paano itong ituturo sa mga mag-aaral.

c. SILABUS - Isang balangkas ng mga layunin, paksang aralin na nauukol sa isang


partikular na kurso o asignatura na nakaayos nang sunod-sunod ayon sa
kinabibilangang yunit at inilaan para sa isang markahan o semestre.

40
d. WORKBUK- kinapapalooban ng mga gawaing pagsasanay ng mga ma-aaral
kaugnay na tinatalakay mula sa teksbuk. Maaaring kapalooban ito ng maikling teksto at
maraming gawain.

e. KOPYA NG BALANGKAS (duplicated outlines) - ito ay dagdag na sipi ng mga


binabalangkas na aralin. Ito ang ginamit na gabay sa pagpaplano at pagbubuo ng
araling tatalakayin.

f. Hand-Awts - Sinaliksik at pinagyamang paksa. Madalas inihahanda ng mga isang


tagapagsalita para sa kanyang tagapakinig. Nababalikang basahin saikallinaw ng
isang paksa.

g. Pamplets/Suplemental magasin/ babasahin - Mga set ng impormasyon mula sa ibang


materyales na idinadagdag sa tinatalakay na aralin .

h. Artikulo – Naglalaman ng iba't-ibang paksa na napapanahon na magagamit na


pantulong sa isang aralin.

i. Pahayagan - Naglalaman ng mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa.


Ginagamit na batayan at pantulong bilang suportang impormasyon na kaugnay sa
aralin.

k. Indexes - Isang materyal na pinagmumulan at pinagkukuhanan ng mga saggunian at


impormasyon.

L. Worksheet at workcards - Kagamitang pinagsusulatan ng mga impormasyon at


kaalaman upang madaling maisasaayos.

m. Modyul - Isang kit sa pansariling pagkatuto. Ito ay binubuo ng iba't-ibang gawaing


pagkatuto na kadalasan ay nasa anyong pamplets/babasahin. May iba't-ibang uri ang
modyul: Modyul sa pansariling pagkatao, modyul sa pagsunod ng panuto at modyul sa
balangkas na gawain.

41
n. Banghay Aralin - Itoy balangkas ng mga layunin, paksang aralin, kagamitan at mga
hakbang sa sunod -sunod na isasagawa upang maisakatuparan ang mga layunin o
inaasahang bunga ng isang aralin o patnubay sa gawaing pang mag- aaral. Set ng
mga panuto at tanong na makakatulong sa pagtalakay ng mga bagong aralin.

p. Pagsusulit - Isang kagamitang sumusukat kung gaano ang natutuhan ng isang


magaaral. Ito ay ginagamit ding pangganyak upang ang mga mag-aaral ay maging
atentibo sa pagtalakay ng aralin. Natutuklasan din ng isang mag-aaral ang kanyang
kakayahan at kagalingan

q.Talahanayan ng Ispesipikasyon - Sa paghahanda ng guro ng pagsusulit makikita ang


lawak ng nilalaman, bilang ng aytem at uri ng pagsusuring gagawin.

"Masasalamin ang katauhan ng isang guro sa kaniyang maayos na pagpaplano ng mga


aralin. Ang banghay na pagtuturo ay isang balangkas ng mga Layunin, Paksang-aralin,
kagamitan, at mga hakbang na sunod-sunod na isinasagawa upang matamo ang
inaasahang bunga:
-Ito ang nagsisilbing bibliya ng guro

-Ito ang nagsisilbing gabay nila upang ang gawain ay maisagawa nang
masistematiko.Sa pamamagitan nito, ang guro ay:

a. Makatitipid ng panahon
b. Makatitipid ng lakas
c. Ang pagtuturo ay magiging maayos at masistematiko
d. Magkaroon ng hangganan ang pagtuturo
e.Maihanda ng guro ang angkop na kagamitan, teknik, mga tanong
pasilidad at iba pang sanggunian sa isang tiyak na aralin.

42
Karaniwang Uri ng Banghay ng Pagtuturo

1. Masusi - nakatala ang tiyak na tanong ng guro at ang wastong isinasabi ng


mga mag-aaral. Sa pamamaraan, may dalawang kolum o hati kung saan
isusulat ang gawaing guro at ang gawaing mag-aaral.
2. Mala-masusi - higit itong maikli kaysa sa masusi, sapagkat sa halip na may
gawaing guro at gawaing mag-aaral, binabanggit na lamang ang sunod
sunod na gagawin at ng kilos.
3. Maikli - naiiba ang anyo ng banghay na ito sa bahaging pamamaraan. Dito,
Sapat nang banggitin kung anong paraan ang gagamitin ng guro o kayay
babanggitin sa sumusunod na gawain sa maikling pangungusap o parirala.

Ang kontekstwalisasyon ng Banghay-aralin

Sa paghahanda at pagbuo ng banghay-aralin, ang guro ay malayang magsasagawa


ng anumang pagbabago ayon mismo sa pangangailangan ng kanyang mga mag-
aaral, ayon sa kapaligirang kultural at sosyal, at kahandaan ng mga kagamitang
panturo. Maaring isagawa ng guro ang sumusunod: (Legaspe2004)

1. Inobasyon o pagbabago - sinasabi nito na ang guro ay maaaring magsasagawa ng


mga bagong metodo o teknik na paglalahad ng mga aralin. Siya ay malayang
makapag-eksperimento ng iba pang teknik kahandaan na sa pagbigay niya ay akma
sa kahandaan at pangangailangan ng kanyang mga tinuturuan.

2. Pagpapalit - walang isang tiyak na gamit o teksto sa bawat aralin. Ang malikhaing
guro ay malaya ring gumamit ng anumang aklat na mapagkukunan ng mga tekstong
kailangan ng paksa. Maaari niyang gagamitin ang mga nakahandang materyales
bukod pa sa dating batayang aklat na ginagamit niya.

3. Modipikasyon (Modification) – Ito ang pagpapakinis sa mga gawain at mga


pagsasanay na kailangan sa pagkaklase. Kung kinakailangang ayusin at ang mga
nakagawiang gawain at uri ngpagsasanay. Malaya ang gurong gawin ito upang
magkaroon ng baryasyon.

4. Adaptasyon (Adaptation) - ang paglalapat sa mga bagong ideya na nakalap ng


guro kayay nasaliksik ay makatutulong sa guro upang lalong mapalawak ang nilalaman
at istruktura ng aralin.

5. Paglilipat (Rearranged) – maaaring ibahin ng guro ang pagkakasunod-sunod ng mga


gawain, ginagawa ito upang maging natural at madulas ang dulog ng mga mag-aaral.

43
Ano ang pagsusulit?

Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang
paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan.

Ang Pagsusulit vs. Pagtataro

Ang pagsusulit ay nakapokus sa pagtataya ng produkto ng pagkatuto, samantalang


ang pagtuturo ay nakatuon sa epektibong pagbibigay ng patnubay sa mga mag-
aaral upang mapagtagumpayan ang mga proseso sa pagkatuto.

Ang Pagsusulit at Ang Guro

Ang pagsusulit ay napakahalagang bahagi ng pagtuturo at pagkatuto. Kayat


nararapat lamang na ang bawat guro ay hindi lamang dapat magaling kundi
marunong din siyang maghanda ng mga pagsusulit.

Kailan Ibinibigay ang pagsusulit?

1. Pagsusulit bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan (pre test)


2. Pagsusulit matapos maituro ang isang kasanayan (post test)
3. Maikling pagsusulit o quiz sa katapusan ng aralin (formative test)
4. Pagsusulit sa katapusan ng isang yunit o quarter (summative test)

Mga Uri ng Pagsusulit ayon sa Layon

1. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran (Achievement test)


2. Panuring Pagsusulit (Diagnostic test)
3.Pagsusulit sa kahusayan (Proficiency test)
4. Pagsusulit sa Aptityud (Aptitude test)

MGA URI NG PAGSUSULIT

Ayon sa Layon, ang mga pagsusulit ay mauuri gaya ng sumusunod:


1. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran (Achievement Test)
2. Panuring Pagsusulit (Diagnostic Test)
3. Pagsusulit sa kahusayan (Proficiency Test)
4. Pagsusulit sa Aptityud (Aptitude Test)

44
Ayon sa Dami ng kakayahang sinusubok ng bawat aytem:

► Pagsusulit na Discrete Point

Ayon sa kakayahang sinusubok:


► Pakikinig
► Pagsasalita
► Pagbasa
► Pagsulat

Ayon sa Gamit ng kinalabasan ng pagsusulit:

► Pagsusulit na Norm-referenced

► Pagsusulit na Criterion-referenced

Ayon sa Paraan ng pagmamarka at pagwawasto:

► Pagsusulit na Obhektibo (Objective type)


► Pagsusulit na Subhektibo (Subjective type)

Mga Uri ng Aytem ng Pagsusulit

► Pagsusulit na Tama o Mali


► Pagtukoy ng Mali o error recognition
► Pagsusulit na may pagpipilian o multiple choice
► Pagsusulit na Pagpuno sa Patlang o completion test

Mga Simulaing Dapat Isaalang-alang sa pagbuo ng Pagsusulit na may


Pagpipiliang Sagot (Multiple choice)

A. Ang Stem

1. Ang pangunahing layunin ng stem ay mailahad sa kumukuha ng pagsusulit ang


suliranin ng aytem. Dapat maging maikli ngunit malinaw ang stem. Iwasan ang
paggamit ng maliligoy na mga salita.
2. Iwasan ang pag-uulit sa mga opsyon ng mga salitang maaaring ilagay sa stem.
3. Isulat ang stem sa anyong positibo. Kung hindi maiiwasan ang anyong negatibo o di
kaya'y isulat ito sa malalaking titik.

45
B. Ang mga opsyon

Hangga't maaari, gawing halos magkakasinghaba ang mga opsyon. Huwag gawing
pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot. Kung hindi ito maiiwasan, may mga
padron na maaring sundin.

C. Ang mga distraktor

1. Ang bawat distraktor ay dapat maging kaakit-akit sa mga sasagot ng pagsusulit ng


mga eksameni na halos tamang sagot lahat ng opsyon.
2. Hindi dapat maging mas mahirap ang mga distractor kaysa tamang sagot.

D. Ang tamang sagot

1. Tiyaking isa lamang ang tamang sagot.


2. Pag-iba-ibahin ang posisyon ng wastong sagot.
3. Iwasang gawing pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot.

E. Ang Buong Aytem

1. Dapat sukatin ng bawat aytem ang layuning kinakatawan nito.

2. I-angkop ang bokabularyo at kayarian ng aytem sa mga sasagot nito

Mga Halimbawang Pagsusulit

1. Pagsasalita

a. Pagbasa ng malakas

b. Pagkukwentong muli

c. Paggamit ng mga larawan

d. Pagbibigay ng mga angkop na tungkuling pangwika

2. Pagbasa

a. Pag-unawa at pagpapakahulugan ng salita

3. Pagsulat

a. Pinanutbayang pagsulat o guided writing

b. Pagsulat na ginagamitan ng pantulong na mga salita o parirala upang

makabuo ng isang talata.

46
Mga Halimbawa ng Banghay-aralin

Banghay-Aralin
Grade 7 – Filipino

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Mindanao.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang


makatotohanang proyekto ng panturismo.

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. nasusuri gamit ang graphic organizer ang mga pangungusap na may


mga kasarian ng pangngalan; (F7PD-Ia-b-1)
b. nakagagawa ng patalastas na may kaugnayan sa mga kasarian ng
pangngalan ;
c. nakapagbibigay-halaga tungkol sa tamang paggamit ng kasarian ng
pangngalan .

II. Paksang-Aralin

a. Paksa
•Kasarian ng Pangngalan
b. Sanggunian: BAYBAYIN, Paglalayag sa Wika at panitikan,
Batayan at Sanayang aklat sa Filipino 7 ni: Ramilito Correa,
pahina 33-35
c. Kagamitan: kartolina, gunting, pandikit at marker

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

47
1. Paghahanda
• Panalangin
• Pagtala ng Liban
• Pampasiglang Gawain (maikling sayaw)
•Pagwawasto ng Takdang-Aralin

2. Balik-Aral
1. Ano ang dalawang uri ng pangngalan ayon sa
katangian?
2. Magbigay ng mga halimbawa sa pantangi at
pambalana ?

3. Pangganyak

“Masining na pagtatanong/Art of Ouestioning


at Pagpapakita ng Salita at Bagay”

•Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral


tungkol sa dalawang estudyante na kanyang
ipinatayo kung ano ang kaibahan sa kanilang
dalawa.
•Magpapakita ng isang salita at bagay ang guro na
may kinalaman sa mga kasarian ng pangngalan.
•Marami pang inihandang mga katanungan ang guro
sa mga mag-aaral.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Presentasyon ng Layunin
2. Talasalitaan

C. Talakayan

1. Gawain (Activity)
Panuto: “Saan nga ba tayo nabibilang? ”
•Tutukuyin ng bawat pangkat ang mga pangngalan
na nasa loob ng bawat pangungusap at suriin ayon
sa kasarian ng pangngalan gamit ang graphic
organizer.

48
•Bibigyan ng dalawang minuto ang mga mag-aaral sa
paghahanda at tatlong minuto sa presentasyon.

1. Masayang-masaya si Rico kapag kasama niya sina


Leo at Ben.
2. Sina Lea at Jean ay binigyan ng sapatos at damit ni
Tina.
3. Binaril ng pulis ang bata.

Kasarian ng
Pangngalan
Panlalaki Pambabae Di-tiyak WalangKasarian
1. 1. 1.
1.
2. 2.
3. 3. 2.
2.

PAMANTAYAN
Kawastuhan ng sagot --------------- 20 puntos
Presentasyon ------------------------- 15 puntos
Kooperasyon -----------------------------5 puntos
Kabuuan -------------------- -----40 puntos

2. Pagsusuri (Analysis)

1. Paano ninyo natukoy ang mga kasarian ng pangngalan


na nasa loob ng bawat pangungusap?
2. Nakatulong ba ang gawain sa inyo upang mas lalo pa
ninyong naunawaan ang mga iba’t ibang kasarian ng
pangngalan?

3. Paglalahat (Abstraction)

1. Ano ang apat na kasarian ng pangngalan?


2. Bakit ang suklay at upuan ay nabibilang sa walang
kasarian?
3. Gaano kahalaga ang mga kasarian ng pangngalan sa
pang-araw-araw na komunikasyon ?

49
D. Paglalapat (Application)
Panuto: “Halina’t mag Komersyal Tayo”
•Bawat pangkat ay gagawa ng patalastas tungkol sa turismo ng
ating bansa na may kasarian ng pangngalan. Hindi bababa sa
limang panlalaki , pambabae, di-tiyak at walang kasarian.
•Limang minuto sa paghahanda at tatlong minuto sa
presentasyon.

PAMANTAYAN
Nilalaman --------------------------- 25 puntos
Presentasyon ---------------------- 15 puntos
Kooperasyon ----------------------- 10 puntos
Kabuuan --------------------- 50 puntos

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa isang kapat (1/4) na papel ang PL kung ang pangngalan
ay Panlalaki, PB kung Pambabae, DT kung Di-tiyak at WK naman kung ang
pangngalan ay Walang Kasarian.

1. Loisa 6. gunting
2. Daniel 7. salamin
3. kuya 8. kalaro
4. lapis 9. kapatid
5. ate 10. Jay

V. Takdang-Aralin
Panuto: Sa isang kalahating papel, magtala ng mga pangngalan
na nasa inyong pook. Tiglilimang pangngalan ng pambabae,
panlalaki, di-tiyak at walang kasarian.

Inihanda ni:

50
Banghay-Aralin
Grade 8 – Filipino

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-


unawa sa mga akdang pampanitikang
lumaganap sa Panahon ng Amerikano,
Komonwelt at sa Kasalukuyan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisusulat ang sariling tula sa alinmang


anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa
tao, bayan o kalikasan.

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Nagagamit nang tama ang pang-uri upang mabuo ang diwa ng


mga pangungusap;
b. Nakasusulat ng isang tula na ginagamitan ng angkop na pang-uri;
c. Napapahalagahan ang paggamit ng pang-uri para sa maayos at
malinaw na komunikasyon.

II. Paksang-Aralin

a. Paksa
•Pang-uri at ang Dalawang Uri nito
b. Sanggunian: “Worktext sa Filipino para sa Ikapitong Baitang”
` (FILIPINO WIKA 7 Ni Aladdin de Guzman pp. 263 – 272
c. Kagamitan: kartolina, gunting, pandikit at marker

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
• Panalangin

51
• Pagtala ng Liban
• Pampasiglang Gawain (maikling sayaw)
• Pagwawasto ng Takdang-Aralin

2. Balik-Aral
1. Ano ang kahulugan ng Pangngalan?
2. Magbigay ng mga halimbawa ng ngalan ng tao, bagay,
hayop at pangyayari?

3. Pangganyak
“Bag Raid”
• Bibigyang ng isang minuto ang mga mag-aral
na kumuha ng isang gamit sa kanilang bag na
maihahalintulad nila sa kanilang sarili.
•Pipili ang guro ng ilang mag-aaral na siyang
magpapaliwanag kung bakit iyon ang bagay
na kanilang napili.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Presentasyon ng Layunin
2. Talasalitaan

C. Talakayan

1. Gawain (Activity)
Panuto: Panuto: “Halika, Laro tayo!”
•Papangkatin ang klase sa dalawang pangkat.
•Lalapatan ng bawat pangkat ng angkop na
kaantasan ng panguri ang patlang upang mabuo
ang diwa ng mga pangungusap.
•Bibigyan ng dalawang minuto ang mga mga mag
aaral sa paghahanda at tatlong minuto sa
presentasyon.

Matapat Napakasipag Napakahirap

Higit (na) mas mabuti Matanda (-ng)

52
Si Tata Selo ay isang kapos at (1)__________magsasaka.
(2) ________________________ nila kaya nang magkasakit ang
kanyang asawa, naisanla niya ang kanilang lupa. Hindi siya
nakabayad sa kanilang pagkakautang sa Kabesa kaya naembargo
ito. Ipinagpatuloy niya ang pagsasaka ng nasabing
lupa. Para sa kanya, (3)______________________ito kaysa tuluyan
siyang mawalan ng sasakahin. Bagama't may edad na (4)
______________ni Tata Selo. Hindi niya kailanman dinaya ang
bagong may-ari ng lupa. Naging (5)_______________________siyang
kasama sa bukid.

2. Pagsusuri (Analysis)

1. Ano-ano ang mga paraan na inyong ginamit upang


matukoy ang pang-uri na dapat gamitin upang mabuo ang
diwa ng pangungusap?
2. Nakatulong ba ang gawain sa inyo upang malaman ang
gamit ng pang-uri sa pangungusap? Sa anong paraan?

3. Paglalahat (Abstraction)

1. Ano ang pang-uri?


2. Paano matutukoy ang pang-uri sa pangunugsap?
3. Ano ang gamit ng pang-uri sa pangungusap?
4. Mahalagang bang malaman ang ano ang gamit ng
pang-uri?
5. Ano ang kahalagahan ng pang-uri sa malinaw at maayos
na komunikasyon?

D. Paglalapat (Application)
Panuto: “Buhay mo, Ilarawan mo!”
•Papangkatin ang klase sa dalawang pangkat.
•Ilalarawan ng bawat pangkat ang kanilang buhay sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang tula na binubuo ng tatlong

53
(3) saknong at malayang taludturan. Kailangang kakikitaan ng
sampo (10) o higit pang pang-uri ang tulang gagawin.
•Pagkatpos gawin ang tula, ilahad ito sa harap ng klase.
•Bibigyan ng limang minuto ang mga mga mag-aaral sa
paghahanda at walong minuto sa presentasyon.

PAMANTAYAN
Nilalaman –------------------------- 15 puntos
Pagkamalikhain ------------------ 10 puntos
Kooperasyon---------------------- - 5 puntos
Kabuuan --------------------- 30 puntos

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin at BILUGAN ang mga pang-uri sa pangungusap at Isulat sa
patlang na nakahanda ano ang uri nito.
___________________1. Magkasingbait kayo ni Remy.
___________________2. Ang lapis na ibinili ni nanay para sa akin ay maliit.
___________________3. Magsinglaki kayo ni Joan bago siya pumuntang
Amerika.
___________________4. Nag-aalaga si Jose ng dalawang aso
___________________5. Kasinggwapo mo si Enrique Gil.
___________________6. Ang bahay namin ay di-masyadong makulay
kumpara sa bahay ni Sandy.
___________________7. Mataba ang batang si Baste.
___________________8. Si Faith ay maputi.
___________________9. Ang damit na suot mo ay kupas na.
___________________10. Isa’t kalahating tinapay ang binigay niya sa
matanda.
V. Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng picture-essay hinggil sa kultura at tradisyon ng
Pilipinas. Kailangan kakikitaan ng 10 pang-uri ang sanaysay.

Pamantayan:
Kaisahan – 10 puntos
Nilalaman – 5 puntos
Kabuuan -- 15 puntos
Inihanda ni:

KOMIK STRIP
54
► Ang komiks istrip ay kuwento sa paraang pa-komiks. Taglay nito ang mga larawan at
dayalogo ng mga tauhang kalahok sa kwento.
► Ginagamit din ito sa pagbubuod ng mahahabang salaysayin at sa pagbibigay-diin
sa
mahahalagang detalye ng isang kwento.
► Maaari din itong gamitin sa pagsusulit.

Speech Bubbles/ Dialogue Bubbles

55
MGA KILALANG
KOMIKS
SA PILIPINAS

Si Dyesebel ay isang sirena sa nobelang komiks na nilikha ni Mars Ravelo


noong dekada "50. Ang Dyesebel (Latin: ; Griyego: ; Bisaya Jisibol) ni Mars
Ravelo ay isang palabas pantelebisyon ng GMA Network base sa serye ng
komik na Varga. Isinulat ni Mars Ravelo at iginuhit ni Elpidio Torres. Inilathala
bilang serye sa Pilipin Komiks noong 1953. Isinapelikula Premiere
Productions noong 1953. Ang mga gumanap: Edna Luna bilang Dyesebel
at Jaimedela Rosa bilang Fredo.

BONDYING Isang matandang tao na nagpakatao bilang isang bata.


Sinulat ni Mars Ravelo at iginuhit ni Elpidio Torres. Inilathala bilang seryeng
komiks sa Pilipino Komiks noong 1952. Isinapelikula noong taong ding iyon
at si Fred Montilla ang gumanap sa papel na Bondying. Sinulat ni Mars
Ravelo at iginuhit naman ni Elpidio Torres. Inilathala bilang komiks serye sa
Tagalog Klasiks noong 1953. Isinapelikula at ang mga gumanap ay si
Dolphy bilang Jack, at Lolita Rodriguez bilang Jill.

The 2009 television series Komiks


Presents: Nasaan Ka Maruja stars Si Marcial o mas kilala sa
Kristine Hermosa Maruja, the 1967 tawag na "Mars Ravelo
film, starred Susan Roces kasama si Noong Oct. 9, 1916.
Romeo Vasquez. Maruja (1967) -
Susan Roses, Gumising Ka... Maruja
(1978) - Susan Roses ,Maruja (1996) -
Carmina Villaroel

56
KASAYSAYAN NG
KOMIKS SA
PILIPINAS

Malaking bahagi ng aking kabataan sa dekada 80's hanggang mga unang taon ng 90's
ang KOMIKS. Kung tutuusin, may natuto at nahilig akong magbasa ng iba’t ibang akda
at babasahin dahil sa komiks. Naaalala ko pa, bawat bahay yata sa lugar naming noon,
bumibili ng komiks tapos naghihiraman kami.

Hanggang kolehiyo, pag nasa bayan (palengke ako, hindi puwedeg di ako dumaan sa
komoiks stand. Nauupo ako doon, nag-aarkila at nagbabasa ng komiks. Mas matipid
kasi at mas makakarami ako kung renta na lang kaysa bibili ng bago.

Kailan nga ba nauso ang komiks?

Si Dr. Jose Rizal ang sinasabing kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks dahil sa
kanyang komiks strip na "Pagong at Matsing" na inilathala sa magasing "Trubner's Record
sa Europa noong 1884. Halaw ang "Pagong at Matsing" ni Rizal sa isang popular na
pabula sa Asya.

Habang nasa panahon ng rebulosyunaryo ang Pilipinas noong 1896-1898, lumabas ang
mga magasing may nakaimprentang mga cartoons. Kabilang dito ang "Miao at "Te con
Leche”.Nang matalo ang Pilipinas sa digmaan, maraming mga Pilipino na kontra sa mga
Amerikano ang lumipat sa malayang pamamahayag. Noong 1907, inilathala ang
"Lipang kalabaw", isang magasing Tagalog na nasa pangangasiwa ni Lope K. Santos.
Nagtataglay ang magasing ito ng mga satirikong cartoons na patungkol sa mga
Amerikanong opisyal. Ngunit natigil ang paglalathala ng magasing noong 1909.

Lumabas ang mga unang serye ng Filipino komiks bilang page filter sa mga magasing
tagalog noong 1920. Kabilang sa mga magasing ito ang “Telembang” at ang muling
binuhay na “Lipang Kalabaw”, na nagtataglay pa rin ng mga satirikong cartoons laban
sa mga Amerikano at mga pederalista.

Maituturing ang dalawang komiks na ito bilang mga “panimula” ng komiks sa Pilipinas
noong 1922, lumabas naman ang Liwayway, na sa simula ay hindi naglalaman ng

57
komiksnserye ngunit pagdating ng 1929, inilathala na sa magasin ang “Album ng mga
Kabalbalan ni Kenkoy” bilang isang filler sa entertainment section nito. Ang karakter na
si kenkoy ang bida sa seryeng ito, isang nakatutuwang batang Pilipino na nagging
representasyon ng mga kabataang may pag-iisip na kolonyal noong 1930s.

Mula noon, nagsulputan na ang mga regular na serye ng komiks. Unang lumabas ang
halakhak Komiks noong 1946, na tumagal lamang nang sampung edisyon dahil sa
kakulangan ng maayos na distribusyon. Noong 1947, lumabas naman ang Pilipino Komiks
sa pamamahala ni Tony Velasquez. Nagbigay-daan ito para sa paglalathala ng iba
pang magasin ng komiks. Sunod-sunod na ang paglabas ng mga naging sikat na komiks
tulad ng Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950. Lumabas ang
unang isyu ng Silangan Komiks noong Marso 15, 1950 sa ilalim ng pamamahala ni Ben
Cabailo, Jr., ipinagmalaki nito ang mga pinakabata at magagaling dibuhista nang
panahong iyon na sina Nestor Redondo, Alfredo Alcala, Nolasco “Noly” Panaligan,
Elpidio Torres at Antonio de Zuniga. Isa sa mga sumukat na kuwento mula sa Silangan ay
ang "Prinsipe Ahmad, Anak ni Aladdin” na likha ni Aksiyon Komiks ng Arcade Publications.
Naging patnugot nito si Eriberto Tablan samantalang sina Alfredo Alcala at Virgilio
Redondo naman ang mga punong ilustra. Sumunod sa mga ito ang Bituin Komiks (April
1950) Bulaklak Komiks (Agosto 1950), Pantastik Komiks (Oktubre 1950), Hiwaga Komiks
(1950), Espesyal (1952), Manila Klasiks (1952), at Extra Komiks (1953). Dito nagsimula ang
isa sa pinakamalaking industriya ng komiks sa buong mundo, kaya noong kalagitnaan
ng 1950's, hindi man opisyal ay itinuring ang komiks bilang pambansang libro ng mga
Pilipino.

Lumawak pa ang mga ginamit na anyo sa paggawa ng komiks. Noong 1950s, kumuha
ng inspirasyon ang komiks mula sa ibang anyo ng panitikan tulad ng komedya, alamat,
mga paniniwala at maging sa mitolohiyang Pilipino.
Mayaman sa mga kuwentong patungkol sa aswang, kapre, nuno sa punso, tikbalang at
iba pang mga karakter na mga sinaunang paniniwala ng mga Pilipino ang mga
naunang komiks na Tagalog. Hinango ng ilang komiks ang mga ideya ng karakter sa
mga komiks ng Amerika, tulad ng Kulafu at Og (Tarzan), Darna (Wonder Woman o
Superman), at D.I. Trece (Dick Tracy). Sa panahon ng Martial Law, ipinatanggal ang ilan
sa mga nilalaman ng komiks. Ipinag-utos din ang paggamit ng murang papel para sa
komiks. Naapektuhan nito ang itsura at kalidad ng komiks, kaya naman bumaba ang
benta ng mga ito sa pagpasok ng dekada 80s.Nagresulta ito sa pag-alis ng mga
dibuhista o ilustrador ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa parehong industriya sa
Amerika. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Nino, Tony de Zuniga,
Rudy Nebres at Nestor Redondo.

Pagkatapos ng Martial Law, muling namuhunan ang industriya ng komiks sa mga


makabagong mambabasa. Drama ang naging usong tema sa komiks sa pagpapasikat
ng mga manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabra
Tumagal lamang ang pagbabalik ng interes sa komiks hanggang sa simula ng 1990s
kung kailan nagsimula nang mahumaling ang mga Pilipino sa ibang anyo ng paglilibang

58
tulad ng video games, karaoke, pocketbook novels, at kalaunan, sa cellphones na
sinundan pa ng Internet at text messaging.

Maraming gumagawa ng komiks ang nagtipid sa produksyon, binawasan ang suweldo


ng mga manunulat at dibuhista, gumamit ng murang papel at dinamihan ang mga
pahinang nakatuon sa showbiz kaysa komiks. Dahil sa baba ng suweldo, ang mga
manggagawa sa industriya ng komiks ay nawalan na ng gana sa paggawa ng mga
lumang kuwento at ang guhit ng mga ilustrador ay pangkaraniwan na lamang.
Samakatuwid, hindi na nito nasasalamin ang mayamang tradisyon ng komiks na
nasimulan noon

Sa taong 2005, wala nang kahit anong kumpanya o malaking tagalimbag ng komiks sa
Plipinas. Ang mga naiwan ay mga maliliit na lamang na naglalathala ng sariling titulo ng
komiks. Sa kasalukuyan ay marami pa rin ang nagnanasang buhayin ang industriya sa
bansa, isa na rito si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007, tinangka niyang buhayin at
pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa
nilang komiks caravan sa iba't bang bahagi ng bansa. Hindi lamang sa Pilipinas nakilala
ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang bansa. World-
class nga naman kasi ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.Kinilala ang
galing at husay ng mga Pilipino sa larangan ng sining at malilikhaing pagsulat sa lokal
man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa
labas ng Pilipinas sina Gerry Alaguilan, Whilce Portacío, Philip Tan Alfredo Alcantara at
marami pang iba.

59
Pangalan: ______________________ Petsa: _______ Oras: ______

Guro: __________________________ Session:_________

Pagsasanay 10 (Banghay-Aralin)

Panuto: Bumuo ng isang mala-masusing Banghay. Malaya kayong pumili ng paksa


tungkol sa gramatika. Gumamit ng angkop na pagtataya at mga gawain na
konektado sa iyong mga layunin. Maging mapanuri sa wastong baybay ng mga salita,
wastong gamit ng mga salita at tamang bantas na gagamitin.

• Kailangang nakalimbag ang iyong awtput, sundin ang mga patnubay


sa ibaba:

► Font size – 12
► Paper size – Legal / long
► Font style – Century Gothic, Times New Roman, Arial or
Bookman Old style

(Nakalakip sa pahina 67 ang pagbibigay ng puntos)

60
Pangalan: ______________________ Petsa: _______ Oras: ______

Guro: __________________________ Session:_________

Gawaing Pagganap

Panuto:

• Gumawa ng isang malikhaing instruksyunal na kagamitan para sa


pangganyak o motibasyon na naka-base sa pagsasanay 10 na inyong
ginawang banghay-aralin. (Nakalakip sa pahina 67 ang pagbibigay ng
puntos)

61
Inirerekomendang Pagbabasa

► Narcisa S. Sta. Ana, M.A. Ed. - Module 6.2: Curriculum and Instruction (Filipino)

https://fdocuments.net/document/module-62-filipino-55849b992c037.html?page=1

► Roel Jr. Gloria - Aralin Tanaw-dinig

https://www.coursehero.com/file/115840656/ROEL-JR-GLORIA-aralin-tanaw-dinig-3-
oct5docx/

► Emma Sarah – Mga Napapanahong Teknolohiya at Kagamitan sa Pagtuturo

https://www.slideshare.net/emmasarah790/mga-napapanahong-teknolohiya-at-
kagamitan-sa-pagtuturo-ng

► Jess Pham – Uri ng mga Tanong sa pagsusulit na Kailangan mong Gamitin

https://ahaslides.com/tl/blog/14-types-of-quiz/

► Sheka Inalea – Kagamitang Panturo

https://www.slideshare.net/shekainalea/kagamitang-panturo

► Irene San Buenaventura – Mga pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino


sa Panahon ng Pandemya

https://www.researchgate.net/publication/353378548_Mga_Pamamaraan_at_Kagamit
an_sa_Pagtuturo_ng_Filipino_sa_Panahon_ng_Pandemya

62
► Aprilyn Fabian – Ang Kurikulum sa Filipino : Batayan sa Pagtuturo sa Sekondarya

https://www.academia.edu/35849570/Ang_kurikulum_sa_filipino_batayan_ng_pagtutur
o_sa_sekondari_2_1_

► Alexis Ramirez – Ang pamimili ng Angkop na Kagamitang Panturo

https://www.scribd.com/presentation/514457022/Ang-Pamimili-Ng-Angkop-Na-
Kagamitang-Panturo

► Kimi Baguio – Mga Taga-ayos ng Grapchic: Mga Uri, Katangian at Halimbawa

https://tl.warbletoncouncil.org/organizadores-graficos-3822

► DEPED – K to 12 Gabay Pangkurikulum FILIPINO

https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/Filipino-CG.pdf

63
Mga Sanggunian

https://www.slideshare.net/ChristineJoyAbay/Paghahanda-ngmgakagamitangpanturo

http://www.slideshare.net/sherainalea/kagamitang-panturo

http://epektibongeuro.blogspot.com/2013/06/ang-pagiging-epektibong -guro.html

http://siningngfilipino.blogspot.com/2013/02/ang-mga-katangian-ng-epektibong-guro.html

https://www.rappler.com/nation/101762-guro-maging-malikhain-pagtuturo-filipino

http://guroako.com/2017/09/05/katangian-ng-isang-magaling-na-guro/

https://hrsiapo.wordpress.com/2012/09/08/paano-nga-ba-malalaman-na-mahusay-atepektibo-
ang-isang guro/

http://zeke7766.blogspot.com/2012/07/multiple-intelligence-pagtuklas-ng-mga.html

https://www.academia.edu/30891871/AngPaglinangngKurikulum

https://www.coursehero.com/file/46718030/KURIKULUM-PAG-UNLAD-NG-KURIKULUM-
SAPILIPINASFILIPINO-SA-ELEMENTARYA-AT-ELEMENTARYApptx/

https://pdfslide.net/documents/paglinang-ng-kurikulumdocx.html

https://brainly.ph/question/577472

https://www.scribd.com/presentation435641856/Ang-Banghay-Ng-Pagtuturo

https://araw.coursehero.com/file/50607370/ANG-BANGHAY-NG-PAGTUTURO-HARDCOPYdocx/

https://www.coursehero.com/file/53054177/Ano-ang-Pagsusulitdocx/

https://prezi.com/sfl8vaxxbgz/pagsusulitpagtataya-kahulugan-uri-talaan-ngispesipikasyon/

https://www.slideshare.netMhicaCeballe/komiks-istrip

https://www.slideshare.net/charlottemalinao/mars-ravelo-komiks

http://sobrangbayani.angelfire.com/kasaysayan-ng-komiks.html

http://gintongpanulat.blogspot.com/2012/08/rubrik-sa-pagtataya-ng-proyekto.html

http://harlynkat.blogspot.com/

https://www.slideshare.net/emmasarah790/mga-napapanahong-teknolohiya-at-kagamitan-sa-
pagtuturo-ng

64
Appendices

Pagsasanay 1 (10 puntos bawat isa)

Pamantayan

Wastong baybay at gamit ng salita ----- 5 puntos


Malinis na pagkasulat ------------------------- 5 puntos
Kabuuan ------------------------------------------10 puntos

Pagsasanay 2
Pamantayan

Organisasyon ng mga ideya ------------------------------- 15 puntos

Wastong gamit ng mga bantas at Kapitalisasyon---10 puntos

Kabuuan-------------------------------------------------------------25 puntos

Pagsasanay 3
Pamantayan
Orihinalidad -------------------------------------------------------20 puntos

Kaisahan ng mga ideya ------------------------------------- 15 puntos

Pagkamalikhain sa pag-edit ng video-------------------10 puntos

Kabuuan------------------------------------------------------------45 puntos

Pagsasanay 4

Pamantayan

Pagkamalikhain sa paggawa ---------------------- 25 puntos


Maayos at klaro ang pagka video --------------- 15 puntos
Kalinisan -----------------------------------------------------10 puntos
Kabuuan---------------------------------------------------- 50 puntos

65
Pagsasanay 5
Pamantayan

Kaangkupan ng kulay ------------- 15 puntos


Kalinisan--------------------------------- 15 puntos
Kabuuan-------------------------------- 30 puntos

Pagsasanay 6
Pamantayan

Organisasyon ng mga ideya --------------------- 15 puntos


Wastong baybay at gamit ng salita ----------- 10 puntos
Kabuuan ------------------------------------------------- 25 puntos

Pagsasanay 7
Pamantayan

Orihinalidad ---------------------------------------- 25 puntos


Pagkamalikhain sa mga pahayag ---------15 puntos
Wastong gamit ng mga salita ---------------10 puntos
Kabuuan ---------------------------------------------50 puntos

Pagsasanay 8
Pamantayan

Kaisahan ng mga ideya -------------- 15 puntos


Orihinalidad ------------------------------- 10 puntos
Pagkamalikhan sa pagsulat ---------- 5 puntos
Kabuuan ----------------------------------- 30 puntos

Pagsasanay 9
Pamantayan

Organisasyon ng mga ideya ----------------------- 15 puntos


Wastong baybay at gamit nf mga salita ----- 10 puntos
Kabuuan --------------------------------------------------- 25 puntos

66
Pagsasanay 10

Pamantayan

Batayan KT LK KS K KI
10 8 6 4 2
Iniangkop ang layunin sa Kurikulum
guide
Lahat ng mga layunin ay natamo
Naglaan ng tamang motibasyon
Pumili ng mga angkop nna estratehiya
sa pagtuturo
Naipakilala at napaunlad ang paksa
Naihatid ng malinaw ang kaisipan
Gumamit ng masining na
pagtatanong upang mapaunlad ang
mataas na antas ng pag-iisip
Nagpakita ng kahandaan sa paksa
Nasukat ang resulta ng pagkatuto
Napangasiwaan ng mabisa ang
gawain
Kabuuang puntos

KT - Katangi-tangi
LK - Lubhang Kasiya-siya
KS - Katamtaman
KI - Kulang ang ipinamalas

Gawaing Pagganap
Pamantayan

Orihinalidad ------------------------------------------- 20 puntos


Pagkamalikhain ------------------------------------- 15 puntos
Kaangkupan sa paggawa ---------------------- 10 puntos
Kabuuan ------------------------------------------------45 puntos

67

You might also like