You are on page 1of 3

Liceo de Masbate

Quezon Street, City of Masbate


Tel/Fax.: (056) 333-2276
E-mail: liceodemasbateofficial@gmail.com
In the Service of God and the Poor!

TULA

❖ ANO ANG TULA?


▪ Ang tula o panulaan ay Isang masining na anyo ng panitikan na
naglalayong maipahayag Ang damdamin ng makata o manunulat nito.
▪ Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa ibat-ibang anyo at estilo.
▪ Nagpapahayag ito ng damadamin at magandang kaisipan gamit ang
maririkit na salita.Ito ay matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng
tayutay.

MGA ELEMENTO NG TULA

ANYO

TUGMA KARIKTAN

TONO TULA PERSONA

TALINHAGA SAKNONG

SUKAT

❖ ANYO
▪ Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula.

❖ KARIKTAN-
▪ Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga
mambabasa.
▪ Ito ay ang elemento ng tula na tumutukoy sa nagtataglay ng mga salitang umaakit o
pumupukaw sa damadamin ng mga mambabasa.

❖ PERSONA-
▪ Ito ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula,kung minsan ang persona at ang makata ay
iisa.

GUARDAME, RICHELDA B.
BSED II – FILIPINO
PANULAANG FILIPINO
Liceo de Masbate
Quezon Street, City of Masbate
Tel/Fax.: (056) 333-2276
E-mail: liceodemasbateofficial@gmail.com
In the Service of God and the Poor!

▪ Maari rin namn na mgakaiba Ang kasarian ng persona at Ang makata ay iisa.

❖ SAKNONG
▪ Tumutukoy sa grupo ng mga taludtud ng tula.Ito ay maaaring nagsimula sa dalawa
o higit pang taludtud.

❖ SUKAT
▪ Ito Ang bilang ng pantig Ng tula sa bawat taludtud na karaniwang may sukat na
waluhan,labing-dalawahan at labing-animan na pantig

❖ TALINHAGA
▪ Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag
upang pukawin ang damadamin ng mga mambabasa.

❖ TONO O INDAYOG
▪ Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas Ng bawat taludtud ng tula.
▪ Ito ay karaniwang pataas o pababa.

❖ TUGMA
▪ Ito ay Ang magkakasingtunog Ng mga salita sa huling pantig Ng bawat taludtud Ng
tula.
▪ Sinasabing may tugma Ang tula kapag Ang huling pantig Ng huling salita Ng bawat
taludtud ay magkakasingtunog.Nakakaganda ito Ng pagbigkas Ng tula.Ito Rin Ang
sinasabing nagbibigay sa tula Ng angkin nitong himig o indayog.

MGA URI NG TULA

TULANG
LIRIKO O
PADAMDAMIN

MGA
TULANG TULANG
PATNIGAN URI NG PANDULAAN
TULA

TULANG
PASALAYSAY

GUARDAME, RICHELDA B.
BSED II – FILIPINO
PANULAANG FILIPINO
Liceo de Masbate
Quezon Street, City of Masbate
Tel/Fax.: (056) 333-2276
E-mail: liceodemasbateofficial@gmail.com
In the Service of God and the Poor!

❖ TULANG LIRIKO O PADAMDAMIN


▪ Ito ay uri Ng tula kung saan itinatampok ng isang makata ng kanyang sariling
damdamin, iniisip at perspesyon.

❖ TULANG PANDULAAN
▪ Ito ay karaniwang itinatanghal sa mga entablado at ang mga linyang binibigkas ng
bawat karakter ay patula.

❖ TULANG PASALAYSAY
▪ Ito ay nglalarawan ng makulay at mahahalagang pangyayari sa buhay o
matatagpuan sa mga linya o berso na nagbabahagi ng isang kwento.

❖ TULANG PATNIGAN
▪ Ito ay kilalang tulang sagutan sapagkat ito ang itinatanghal ng mga
nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula kundi sa paraang patula
na tagisan ng talino at katuwiran ng mag makata.

GUARDAME, RICHELDA B.
BSED II – FILIPINO
PANULAANG FILIPINO

You might also like