You are on page 1of 4

FILIPINO REVIEWER

ANG PANITIKAN
Ang bawat bansa ay may kasaysayan ng mga pangyayari ng kanyang pinagmulan, uri at ugali ng mga taong doon
ay naninirahan-paano sila namuhay at namumuhay, may kulturang sarili na naiiba sa mga bansang kapiling niya
sa mundong ibabaw. Ang kasaysayan ng mga pangyayari sa isang bansa na nasusulat sa bawat panahon ng
kanyang pananatili o pag-iral ay maituturing na bahagi ng tinatawag na panitikan o literatura ng bansang iyon.

KAHULUGAN NG PANITIKAN AYON SA IBAT IBANG AWTOR

1. AYON KINA RUFINO ALEJANDRO AT JULIAN PINEDA


• Ang Panitikan ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa sa
kahapon, ngayon at bukas ng isang bansa.
• Ang panitikan daw ay mga bungang-isip na naisatitik.
• Masasabi ring ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan
na nasusulat sa masining at makahulugang mga pahayag.

2. AYON KINA GONZALES, MARIN AT RUBIN


• Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinararanas
sa mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat.

3. AYON KAY HONORIO AZARIAS


• Ang panitikan ay mabisang paraan ng pagpapahayag ng damdamin na may kaugnayan sa
pamumuhay, pulitika, daigdig, pamahalaan at maging ang ating relasyon sa Panginoon.
• Tanging paraan ng pagpapahayag at pagpapadama ng damdamin at kaisipan ng mamamayan na
may kaugnayan sa daigdig, sa pagsulong ng bayan sa landas ng kabihasnan at katatagan.

4. AYON kay W. J. LONG


• Ang panitikan ay nasusulat ng mga tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.

5. AYON SA WEBSTER’S DICTIONARY


• Ang anumang nasusulat sa anyo mang tuluyan o patula sa isang partikular na panahon, lalo na
yaong nasulat bunga ng imahinasyon at kritikal na pag-iisip, nagtataglay ng permanenteng
kahalagahan o balyu at at nagbibigay ng mabuting epekto sa damdamin ay matatawag na
panitikan.

6. AYON KAY MARIA RAMOS


• Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang
mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni- guni ng mga mamamayan na
nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga
pahayag.
• Panitikan ding matatawag ang klahat ng uri ng mga tala na kisasasalaminan ng pang-araw-araw
na pamumuhay ng mga tao sa lipunang kanilang ginagalawan. Isang lakas itong maaaring maging
mahalagang bahagi ang pagpapaunlad ng lipunan at kalinangan.

7. AYON KAY ATIENZA, RAMOS, ZALAZAR AT NAZAL


• Ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao
bilang ganti niya sa reaksyon sa kanyang pang araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at
FILIPINO REVIEWER
lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na makita ang
Maykapal.

8. AYON KAY JOSE VILLA PANGANIBAN (MORPOLOHIKAL NA KATUTURAN)


• Ang panitikan ay nagmula sa tatlong sangkap; unlaping panlaping PANG, salitang-ugat na titik at
hulaping panlaping an. Ayon sa kayariang pambalarila, makakaltasan ng G ang panlaping pang
kapag ito ay iniuugnay sa mga salitang ugat na nagsisimula sa D,L,R,S,T. Makakaltasan din ng T
ang salitang titik sapagkat ito ay saklaw pa rin ng tuntuning nabanggit. Ang salitang ito ay
panumbas ng Tagalog sa “literature” na kapwa batay sa ugat na Lating “literatura” o “literature”
na kapwa batay sa ugat na Lating “litera” na ang kahuluga’y “letra” o titik.

KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
• Ang panitikan ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng isang lahi. Ito ay naglalarawan ng mga tunay na
pangyayaring naganap at patuloy na nagaganap sa isang lahi o bansa. Nagbibigay ito sa atin ng mga
impormasyon upang maunawaan ang mga kaugalian at ang uri ng pamumuhay ng iba’t ibang tao sa iba’t
ibang panig ng daigdig. Naidadala tayo ng panitikang ating binabasa sa iba’t ibang kaalaman na nagbubunga
ng kaunlaran pansarili man o panlipunan. Masasabi ring ang panitikan ay isang uri ng lakas na nagtutulak sa
atin upang tayo ay kumilos. Sa ano mang kaparaanan, ito ay nag-uugnay sa damdamin ng mga tao upang
makita ang katwiran at katarungan.

IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN
1. Ang panitikang nababasa natin mula sa iba’t ibang bansa ay nagbibigay sa atin ng mga impormasyon
tungkol sa kalinangan at kabihasnan ng bansang pinanggalingan nito.
2. Ang panitikan ay nagiging dahilan ng pagkakaunawaan ng mga tao sa buong mundo.

KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN


1. KULTURA, KAUGALIAN AT TRADISYON – Sa panitikan ay nasasalamin ang kultura, kaugalian, at tradisyon
ng bansa o lahing kinabibilangan ng manunulat.
2. KLIMA - ang init o lamig ng panahon, ang bagyo, unos, baha at ulan ang malaki ang nagagawa sa kaisipan
at damdamin ng manunulat.
3. HANAPBUHAY O GAWAIN / PROPESYON - nagpapasok ng mga salita o kuro-kuro sa wika at panitikan
ng isang lahi ang tungkulin, hanapbuhay o gawaing pang araw-araw ng mga tao.
4. POOK O TINITIRHAN – malaki ang nagagawa nito sa isipan at damdamin ng tao. Kung ang pook na
kinatitirhan ng mga tao ay may magagandang tanawin, mahalaman, maaliwalas, sagana sa kabukiran,
madagat at mabundok, ang mga ito’y siyang magiging paksa ng panitikan ng mga taong nagnanasang
sumulat.
5. LIPUNAN AT PULITIKA - nasasalamin sa panitikan ng isang lahi ang sistema ng pamahalaan, ang
ideolohiya at ugaling
6. EDUKASYON AT PANANAMPALATAYA - Ang laman ng panitikang nasusulat ay naaayon sa edukasyon
at pananamplataya ng mga tao. Ang mga mamamayang may mataas na antas ng edukasyon ay higit na
may mayaman at malawak na isipan. Ito ay nakikita sa panitikan. Gayundin, kung ano ang uri ng kanilang
pananampalataya ay siyang karaniwang nagiging paksa o nailalarawan ng panitikan kung di man ay
nagkakaroon ng kaugnayan.

BAKIT DAPAT PAG-ARALAN ANG PANITIKANG FILIPINO?


1. Upang mabatid ang magagandang kaugalian, tradisyon at kulturang ikinaiba natin sa ibang mga lahi.
2. Upang malaman at maipagmalaki na tayo ay may mahuhusay na manunulat na di-pahuhuli sa mga
manunulat ng ibang bansa o lahi.
FILIPINO REVIEWER
3. Upang mabatid natin ang magaganda at mahuhusay na mga akdang Pilipino at nang sa gayon ay
matutunan nating pahalagahan at pagmalasakitan ang mga ito.
4. Upang mabatid ang mga sariling kahusayan sa panitikan, gayundin ang ating mga kapintasan at kahinaan
upang maging daan ng pagpapabuti ng mga ito.
5. Upang tuklasin ang ating mga kakayahan o aydentidad bilang mga Pilipino.
6. Upang lubusang makilala at madama ang pagiging Pilipino.
7. Upang maipakita bilang Pilipino ang pagmamahal sa sariling kultura at pagmamalasakit sa sariling
panitikan.

SAKLAW NA PANGALAN NG KATANGIAN NG KATANGIAN NG PAKSANG


PAMANANG
TAON PANAHON PANAHON PANITIKAN NAMAYANI
PANITIKAN
0 - 1565 PANAHON NG PINAKAMAKULAY LIPAT DILA KALIKASAN
ALAMAT
KATUTUBO EPIKO
TULA
DULA
KUWENTONG
BAYAN
BULONG
KARUNUNGAN
G BAYAN
1565 - 1872 PANAHON NG PINAKAMAKASAYSAYA PANUNULAD O KAGANDAHAN LIRIKO, AWIT
KASTILA N PAGGAGAGAD G - ASAL PARABULA,
KORIDO,
DASAL,
KATESISMO,
HIMNO, DALIT
1872 - 1896 PANAHON PINAKAMAHALAGA MAPANURI, PULITIKA AT SANAYSAY,
NG KUMIKILATIS, LIPUNAN TALAMBUHAY,
PAGBABAGON NAGPAPASARING, NOBELA, DULA,
G - ISIP NAMUMUNA TULA
1900 - 1941 PANAHON NG PINAKAROMANTIKO PAG-IBIG AT BUHAY SA MAIKLING
AMERIKANO PALASINTAHIN LIPUNAN KATHA,
TULA,
SANAYSAY,
KATHAMBUHAY
,
PELIKULA,
MAGASIN
1941 - 1945 PANAHON NG PINAKASENTIMENTAL PAMPAIYAK - BUHAY AT LIPUNAN,
HAPON LUHA KAPALIGIRAN PAMAHALAAN,
NASYONALISM
O,
PULITIKA,
EDUKASYON,
FILIPINO REVIEWER
RELIHIYON,
REBOLUSYON

1945 - 1980 PANAHON NG PINAKAMAPANGHAMO KALINANGAN, LIPUNAN, MAIKLING


BAGONG N PAGKAKAKILANLA PULITIKA, KATHA,
REPUBLIKA N KAPALIGIRAN PAHAYAGAN,
PATIMPALAK
RADYO,
TELEBISYON,
PAHAYAGANG
PANGKAMPUS
1980 - PANAHON NG PINAKAMATINGKAD PAG-IBIG SA LIPUNAN, TELEBISYON,
KASALUKUYA LAKAS NG KAPWA AT BAYAN PULITIKA, PELIKULA,
N MAMAMAYAN EDUKASYON, PAHAYAGAN,
KALIKASAN, RADYO,
EKONOMIYA INTERNET

You might also like