You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN

MAPEH 5
ARTS

IKAAPAT NA MARKAHAN : ISKULTURA AT 3-D

Aralin Bilang 7: Mga Kasanayan sa Paggawa ng Apple Paper Mache

LIMANG ARAW

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto


ALAMIN

Ang Papier- mache ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay nginuyang papel na
gawa mula sa piraso ng mga papel durog na papel na binuo sa pamamagitan ng glue, starch o
pandikit.

Noong unang sibilisasyon, ito ginamit ng mga taga- Gitnang Silangan at Africa ang
paper mache bilang dekorasyon sa palasyo at mga ataul ng mga yumao nilang mahal sa buhay.
Sa ngayon, ang pagtataka ay isang malaking industriya sa bayan ng Paete, Laguna

GAWIN

1. Bawat isang pangkat ay may 5-6 na myembro. Susundin ng bawat pangkat ang mga
kasanayan sa paggawa ng apple paper mache

Paalala: Ibayong pag-iingat ang kailangan sa proyektong ito.

a. Paglalapat ng papel sa molde

b. Pagtatanggal ng molde

c. Pagdidikit muli at pagtatakip sa pinagbaakan

d. Pagpipinta o pagdidisenyo

2. Ihanda ang mga kakailanganing kagamitan sa paggawa ng apple paper mache.


3. Ipakita ang video ng mga kasanayan sa paggawa ng Apple Paper Mache.

.
TANDAAN

Ang tamang teknik, pamamaraan at kasanayan ay kailangan upang maging maganda


ang resulta ng isang proyekto. Sa pagtataka, malilinang ang mga ito sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng bawat kasanayan. Kasabay nito ang pag-iingat, ligtas, at tamang paghawak
ng mga kagamitan lalo na ang matatalas na bagay.

SURIIN

Panuto: Suriin ang inyong naging pagtatanghal at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang
rubrik. Gawin ito ng pangkatan.

Nakasunod sa
Nakasunod sa
pamantayan subalit Hindi nakasunod
pamantayan nang
PAMANTAYAN may ilang sa pamantayan
higit sa inaasahan
pagkukulang (10)
(25)
(20)
1. Sapat ang aming
kagamitan para sa paggawa
ng kasanayan.
2. Naipaliwanag ng maayos
ng aming pangkat ang
kasanayan.
3. Nakiisa ang lahat ng
miyembro ng aming pangkat.
4.Naipakita namin ng buong
husay ang kasanayan.

INIHANDA NI:

PRINCESS SYBIL J. BALANSAG


EGT-II
KTMSCES-SPED CENTER
FEBRUARY 6, 2020
9:55- 10:35 AM
V-DEL PILAR CLASS

You might also like