You are on page 1of 7

DETAILED LESSON PLAN

I. LAYUNIN

Matapos ang animnapung minutong talakayan inaasahan na ang mga mag aaral ay:

1. Maipapaliwanag ang kahulugan ng Produksiyon


2. Maibibigay ang iba’t ibang salik ng produsyon
3. Mapapahahalagahan ang mga salik ng produksyon at implikasyon nito sa pang araw-araw na
pamumuhay.

II. PAKSANG ARALIN

1. Produksiyon
2. Pantulong na Kagamitan: Powerpoint, Aklat, Flash Cards
3. Sanggunian:
Balitao, B., (2012), Eonomiks Araling Panlipunan 9. Quezon City,Philippines: Vibal Publishing
House, Inc. Pahina 81-90

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Estudyante

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Bago natin simulan ang ating aralin, maaari ko (Prayer)


bang tagawain si ____ na manguna sa
panalangin.

2. Pagbati

Magandang Umaga mga mahal kung mag-aaral


Magandang Umaga rin po ma’am

3. Pagtala ng Liban ng Klase

May lumiban sa ngayon sa ating klase?


Wala po ma’am
Mabuti naman kung ganun

B. Pagganyak

Bago tayo magsimula sa ating aralin


magkakaroon muna tayo ng isang Gawain.
Kumuha ng isang kapirasong papel. At gumawa
ng isang papel na eroplano para sa mga babae at
papel na Bangka naman sa mga lalaki.

Bibigyan ko kayo ng tatlumpung segundo para


matapos ito. Naintindihan ba klase? Opo ma’am

Times Up, Tapos naba gumawa ang lahat?

Opo ma’am

Ano-ano ang inyong ginawa upang makagawa ng


papel na Bangka at eroplano?

Ma’am gamit po tong kapirasong papel tinupi po


naming eto ng steps by steps para mabuo.

Magaling!

Ano pa?

Kailangan po ma’am maayos ang pagkakatupi ng


papel.

Magaling!

Ang paggawa ninyo ng papel na Bangka at


eroplano ay may kinalaman sa ating aralin na
patungkol sa Produksiyon.

Ngayon, kailangan nyo ay ingatan ang mga


Bangka at eroplanong inyong ginawa na
hanggang sa matapos ang ating klase ay
magmumukha parin itong kaaya aya.
Opo ma’am
Naintindihan ba?

Magaling!

C. Talakayan

Ngayon dumako na tayo sa ating aralin.


Ma’am ito ay ang paglikha ng mga produkto at
Klase, Sino sa inyo ang makakapagbigay ng
kahulugan ng Produksiyon? serbisyo para matugunan ang mga
pangangailangan ng tao.

Magaling! Salamat

Ang Produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo


ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama
ng mga salik upang makabuo ng output.

Halimbawa na rito ang inyong ginawang papel


na barko at eroplano.

Ang isang pirasong papel ay isa bang uri ng


produkto? Opo ma’am

Ngayon ginawan niyo ito ng proseso sa


pamamagitan ng pagtupi ng tamang
pagkakasunod sunod.Tama ba? Opo ma’am

At sa huli nakabuo kayo ng papel na barko at


eroplano. Nakalikha kayo ng panibagong
produkto.

Yung ginawa ninyo mula umpisa hanggang sa


matapos yan ang tinatawag na Produksiyon.

Ipapakita ko sa inyo ang isang diagram kung


papaano makabuo o makalika ng produkto
Naintindihan ba klase?

Palagi ninyong tatandaan hindi lahat ng bagay sa Opo ma’am


kapaligiran ay maaring ikonsumo agad ng tao.
Minsan kailangan pang idaan sa proseso ang
isang bagay upang maging higit na
mapakinabangan.

May mga katanungan ba kayo?

Wala po ma’am
Ngayon dumako naman tayo sa mga Salik ng
Produksiyon.

Mayroong apat na salik ng produksiyon

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng apat na


Salik ng Produksiyon?

Ma’am ang apat na salik ng produksiyon ay Lupa,


Magaling! Ang apat na salik ng produksiyon ay Kapital, Entreprenyur, at Paggawa.
ang Lupa, Paggawa, Kapital at Entreprenyur.

Ating bigyan kahulugan ang mga ito.

1. Lupa – ito ay bahagi ng likas na yaman. Ito


ang pinagmumulan ng hilaw na materyales na
kailangan sa produksiyon.

2. Paggawa – ito ay ang paggamit ng lakas ng


tao upang linangin ang mga likas na yaman sa
paglikha ng mga produkto.

3. Kapital – ito ang material na bagay na


ginagawa ng tao upang magamit sa produksiyon
tulad ng makinarya, mga kagamitan, planta at iba
pa. Ang capital ay maari ding iugnay sa kalapi.

4. Entreprenyur – ang tagapag-ugnay ng


naunang mga salik ng produksiyon upang
makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin ang
nag-oorganisa, nagkokontrol at
nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga
bagay na makakaapekto sa produksiyon.

Klase, naintindihan ba kung ano ang kahulugan


ng apat na salik ng produsiyon?

Opo ma’am

D. Panlinang na Aralin

Ngayon tignan natin kung talaga nga bang


naintindihan ninyo ang kahulugan ng apat na
salik ng produksyon magkakaroon tayo ng
maikling gawain patungkol dito.

Meron akong mga flashcards patungol sa mga


halimbawa ng apat na salik ng produksiyon at
ibibigay ninyo sa akin kung anong salik ng
produksiyon ang ibig ipahiwatig ng mga salita sa
flashcards.

Naintindihan ba ang panutong aking sinabi? At


handa naba kayo?

(ang mga salita sa flashcards ay ang mga


sumusunod)

 Gulay at Prutas
 Bamboo
 Mga korporasyon ng negosyante
 Niyog
 Kuryente  Lupa
 Magsasaka  Lupa
 Gusali  Entreprenyur
 Hilaw na materyales  Lupa
 Sales lady  Kapital
 Sewing machine  Paggawa
 Entreprenyur
 Lupa
E. Aplikasyon  Paggawa
Klase, bumuo ng dalawang grupo at  Kapit
magkakaroon kayo ng gawain. Kopyahin ito sa
papel at sagutan. Paunahan sa pagsagot ang
mananalo na grupo may bonus point sa quiz
mamaya.
.
Naintindihan ba?

Isulat sa loob ng kahon ng input ang mga bagay


na kailangan upang mabuo ang produktong
nakikita sa output. Opo ma’am
Group 1. INPUT
OUTPUT

Group 2

INPUT INPUT

IV. Ebalwasyon

Panuto; Isulat sa papel kung ang pangungusap ay tama o mali

1. Ang salik ng produksiyon ay magpapakita ng relasyon ng input, process, at output.


2. Sa salik ng produksiyon sa lupa matatagpuan ang mga construction worker.
3. Tanging tatlo lamang ang bumubuo sa salik ng produsiyon.
4. Ang mga hilaw na materyales ang matatagpuan sa kahon ng input.
5. Ang salapi ay nauugnay din sa kapital na isa sa mga salik ng produksiyon.

V. Takdang Aralin

Ayusin at pagandahin ang papel na eroplano at Bangka na inyong ginawa. Gawin itong kaaya aya at maging
palamuti n gating silid aralan.

Inihanda ni:

Lady Erika C. Delos Reyes


BSED-Social Studies

You might also like