You are on page 1of 3

ALYANNA CLARISSE L.

TAPAL

BEED 2A

FILIPINO bilang

1. WIKANG PAMBANSA

-Ayon sa isang artikulo na elcombus.com na ang Pilipinas ay isang bansang may mga mamamayang

gumagamit ng magkakaibang mga wika at wikain. May walong pangunahing wikang umiiral at ginagamit

sa iba’t ibang panig ng kapuluan: Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Kapampangan, at

Pangasinense. Sa ilalim ng programang Mother-Tongue-Based-Multi-Lingual Education (MTB-MLE) ng

Kagawaran ng Edukasyon, tinutukoy ang 19 na wika upang gamiting midyum sa pagtuturo at bilang

isang asignatura ng mga mag-aaral sa una hanggang ikalong baitang.

Ito ang dahilan kung bakit nadama ang pangangailangang dapat magkaroon tayo ng pagkakaunawaan at

pag-iisang damdamin bilang mga Pilipino tungo sa pagbuo ng isang malaya, maunlad, at matatag na

bansa.

Hindi magaganap ang komunikasyon kung wala itong magiging daan, may tagapagsalita man, may

mensahe man, at may tatanggap man. Ang wika ang daan o instrumento ng komunikasyon sa tulong na

rin ng mga senyas kung minsan.

2.WIKANG PANTURO
-Ayon kay ni Vivencio Jose, wikang Filipino ang dapat na gamiting midyum sa pagtuturo sapagkat

masmadaling matututo ang mga mag-aaral kung ang wikang kanilang nauunawaan ang gagamitin ng

guro sa pagtuturo. Sinasabi rin na, wikang Filipino ang Lingua Franca ng ating bansa. Ngunit magmula

nang ipatupad ang K-12 Program ng pamahalaan, tila nag-iba ang ihip ng hangin at ginawang Mother

Tongue ang midyum na gagamitin sa pagtuturo. Wikang Filipino ang Lingua Franca ng ating bansa.

Ginagamit na midyum sa pagtuturo sa paaralan upang madaling maintindihan ng mga mag-aral ang mga

itinuturo sa kanila ng kanilang mga guro. Ipanakikita lamang nito na, ang pagkatuto ng mga mag-aaral

ay nakabase sa midyum na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sapagkat ang mga mag-aaral ay

madaling matututo kung ang gagamiting midyum sa pagtuturo ay ang wikang kanilang naiintindihan.

Ayon pa sa sanaysay, ang wikang Filipino ay instrumento upang magkaunawaan ang mga tao sa

lipunan. Ngunit isa rin daw itong instrumento na ginagamit lamang sa pakikipag-usap ng iba sa kanilang

mga katulong upang sila ay magkaintindihan. Tila kay baba ng tingin sa ating wika o di naman kaya'y,

epekto lamang ito ng kanyang kinalakihang lipunan dahil sa kanyang estado ng kanyang pamumuhay na

kinalakihan. Ngunit kahit saang anggulo tingnan, nagiging mali angpaggamit ng wika dahil sa mga

nagiging pananaw nito sa paggamit ng wika.

3.WIKANG OPISYAL

Ayon kay Virgilio Almario (2014) ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na

talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin ito ang wikang maaring gamitin sa anumang uri ng
komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alin mang sangay o ahensiya ng

gobyerno.Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa

konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan.

You might also like