You are on page 1of 3

Tagapag-ulat: Jevelyn A.

Sumalinog
Pamagat ng nobela: Barlaan at Josaphat
May-akda:Padre Antonio de Borja
Bahagi ng Nobela
Panimula: Ang kasaysayan ng Barlaan at Josaphat ay umiikot sa nabigong pagsisikap ng isang hari na mailayo sa
Kristyanismo ang kanyang anak na prinsipe. Naituro ni Tomas Apostol ang aral ng diyos sa Indya, na pinaghaharian
noon ni Abenir. Dahil sa hulang magiging kristyano ang kanyang magiging anak na lalaki, sinikap ng hari na ibukod
ng tirahan at kapaligiran ang prinsipeng Josaphat sapul noong isilang ito.Sa paglaki ni Josaphat narinig niya ang
tungkol sa kamaharlikaan ng bagong relihiyon. Natutuhan niyang pag-isipan ang buhay ng kamatayan nang
matanaw niya ang mga taong kahabag-habag.

Paunlad na Pangyayari: Nabalitaan ng matandang paring si Barlaan na nasa Senaar ang tungkol sa mabuting
kalooban ni Josaphat. Nagpanggap siyang isang tagapagtinda kaya nakatagpo niya si Josaphat na nahikayat niyang
magpabinyag. Lahat ng ito'y lingid sa kaalaman ni haring Abenir hanggang sa makaalis na sa palasyo si Barlaan.

Kasukdulan: Nang matuklasan ni haring Abenir ang nangyari sa anak, iniutos niyang dakpin si Barlaan, ngunit di
ito matagpuan. May pinapagpanggap na Barlaan ang hari at siyang dinakip. Sa gayon, sa pag- aakalang malagim ang
kararatnan ng kaibigang pari, nagtapat si Josaphat sa hari. Ito ang naging daan para pagsikapan ni Josaphat na
hikayatin ang ama. Napagtanto ni Abenir na kailangang paghimok ang gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Sa
gayon, hinamon ni Abenir ang anak saka ang mga kapanalig nito sa isang pagtatalo, at kung mananalo si Josaphat at
Barlaan ay maagpapabinyag ang hari at ang mga kampon nito at nagtagumpay sina Josaphat.

Kakintalan: Ang bahagi ng nobela na nagbigay sa akin ng kakintalan ay yaong iminungkahi ng ministro ni Abenir
na hayaang mamuno sa isang hiwalay na kaharian si Josaphat. Pumayag si Abenir. Maraming tao ang lumipat sa
kaharian ni Josaphat,nagsisi si Abenir sa kanyang pagkakamali at nagpabinyag na din sa kristyanismo.

Wakas: Iniwan ni haring Abenir ang kaharian kay Josaphat at namuhay siya nang tahimik hanggang sa mamatay at
ibig din namang manahimik ni Josaphat kaya iniwan niya ang kaharian sa isang tapat na tauhan na si Barachias at
hinanap niya si Barlaan hanggang sa matagpuan niya ito.Minsan tinawag ni Barlaan si Josaphat at sinabing malapit
na siyang mamatay. Pinasundo niya kay Josaphat ang mga monghe sa di-kalayuang monesteryo. Nagmisa si Barlaan
bago mamatay.Nanaginip minsan si Josaphat at nakita niya ang dalawang korona: isa para sa kanya at isa para sa
ama. Sinabi niyang hindi marapat ang kanyang ama. Lumitaw sa pangitain si barlaan at sinisi siya nito. Nagsisi si
Josaphat. Namuhay siya bilang ermitanyo. Nang mamatay siya, inilibing siya sa puntod ni Barlaan.Nang mapag-
alaman ni Barachias na namatay na si Josaphat, pinahanap niya ang libingan nito. Nang hukayin nila ang puntod,
natagpuan nilang buo ang mga mabango pang bangkay ng dalawa, na napabantog mula noon, kya naman marami pa
ang nagpabinyag.

Elemento ng Nobela
Tagpuan at Panahon: Ito ay panahon ng kastila kung saan ang tagpuan ay sa Indiya, senaar at simbahan
Tauhan:
Abenir- Siya ang hari ng Indiya na may anak na nagngangalang Josaphat.
Siya ay lumagda sa batas na nag-uutos na sumamba ang mga tao sa diyos-diyosan.
Barlaan- siya ang paring nanirahan sa Senaar na nagpapanggap upang maturuan si Josaphat ng aral ng
Kristiyanismo.
Josaphat- anak ni haring Abenir na nanabik na malaman ang aral ng Kristiyanismo. Siya rin ang nagpabago sa
paniniwala ng kanyang ama.
Zardan-siya ang kabalyerong inutusan ng hari na huwag ipaparinig o ipapaalam kay Josaphat ng kahit anuman
tungkol sa Kristiyanismo.
Araquez- Siya ang nagbalak na Ipadakip si Barlaan at dustahin sa isang debate laban sa mga pantas ng kaharian
upang mawala ang pananalig ni Josaphat sa mga aral nito.
Nacor-Siya ang nagpanggap na si Barlaan na nagtanggol sa panig ng Kristiyanismo.
Theudas-Siya ang nangako sa haring Abenir na maghanap ng paraan upang mapabalik si Josaphat sa pagsamba sa
mga diyos-diyosan.
Barachias- Tapat na alagad ni Jopsaphat na iniwanan niya ng kanyang kaharian.

Banghay: Ang pagkakabalangkas sa nobela ay sa paraang linear o tinatawag ring kumbensyunal dahil nagsimula ito
sa pagpapakilala sa mga tauhan,kasunod ang kinapapanabikang pangyayari at ang wakas na kinapalooban ng
kinahinatnan sa nobela ng mga tauhan mula sa kanilang mga karanasan.
(Sa lugar ng Indiya, may isang haring nagngangalang Abenir.Siya’y may anak na lalaki na pinangalanang
Josaphat. Si haring Abenir ay sumasamba sa mga diyos-diyosan at dahil sa isang propesiya na magiging kristyano ang
anak ay inilayo niya ito. Ipinag-utos ng hari na huwag iparirinig o ipapaalam si Josaphat ng kahit anong may kaugnay
sa Kristyanismo. Isang araw, nakahingi si Josaphat ng pahintulot na umalis sa bahay at nakita ni Josaphat ang
kahirapan na dinaranas ng mga tao Nalaman niyang lahat ng tao ay nagkakasakit at namamatay. Nanabik siyang
malaman ang mga aral ng Kristityanismo at ang mga inaaral tungkol sa pagtitiis ng hirap may isang matandang pari
na naninirahan sa Senaar (bayang malayo sa Indiya) : Barlaan ipinahayag sa kanya ng Diyos and mabuting kalooban
ni Josaphat at ang pagnanais nitong malaman ang mga aral ni Kristo nagbihis si Barlaan bilang isang mangangalakal
at tumungo sa Indiya sinabi niya sa mga gwardiya sa palasyo ng prinsipe na mayroon siyang ipapakitang mahalagang
bato sa prinsipe sinimulang turuan ni Barlaan si Josaphat tungkol sa Kristiyanismo.
Nalaman ng hari na naging Kristiyano ang kaniyang anak na si Josaphat. Nagalit ang hari at ipinahanap niya
si Barlaan sa kaniyang mga alagad upang ito ay dakpin. Nadakip nila ang inaakala nilang si Barlaan ngunit ang totoo
ay isa lamang itong astrologo na nagngangalang Nacaor. Hindi nila ito alam.
Hinamon ng hari na makipag-debate sa kaniya si Barlaan (na si Nacor pala) at kapag nanalo ito ay
magpapabinyag siya at pati narin ang mga alagad nito ngunit kapag natalo ito ay papatayin niya si Barlaan.
Natuklasan ito ni Josaphat at nalaman niyang hindi ito ang totoong Barlaan. Nang dumating ang araw ng pagtatalo ay
tila biniyayaan ng hiwagang karunungan si Nacor. Nakasagot siya ng mabuti sa ginawa nilang pagdedebate at sa huli
ay nanalo si Barlaan (Nacor).
Ang mga tauhan ni Josaphat ay pinalitan ng hari ng mga babae upang matukso ito. Nanalangin si Josaphat sa
Diyos upang ilayo siya sa tukso. Nang mangyari ito ay hindi natukso si Josaphat. Ipinayo ni Theudas (isa sa mga
alagad ng hari) na magtalo si Haring Abenir at Josaphat. Pumayag ito ngunit sa huli ay nanalo rin si Josaphat. Ipinayo
nanaman ni Theudas na hatiin na lamang sa dalawa ang kaharian. Nangyari ito at napunta kay Haring Abenir ang
kalahati at ang natira naman ay kay Josaphat. Ang pinaka-unang ipinatayo na estruktura ni Josaphat ay isang
simbahan at doon sa kaharian ni Josaphat ay masiglang nanirahan ang mga Kristiyanong ayaw maparusahan sa kamay
ni Haring Abenir. Doon lamang nalaman ng hari ang kaniyang pagkakamali. Sinulatan niya ang kaniyang anak na
handa na siyang maging isang Kristiyano. Tinanggap ito ni Josaphat. Matapos ang 4 na taong pagsisisi at paghihirap
sa kasalanan, ay namatay si Haring Abenir.
Hinanap ni Josaphat si Barlaan. Marami rin siyang napagdaanan bago niya mahanap si Barlaan. Iniwan
muna ni Josaphat ang kaniyang kaharian sa kamay ni Barachias. Nang makita ni Josaphat si Barlaan ay namuhay
silang magkasama habang patuloy na inuukol nila ang kanilang panahon sa pagdadasal sa Diyos. Isang araw ay sinabi
ni Barlaan na malapit na itong mamatay. Nagkaroon sila ng misa para kay Barlaan at pagkatapos nito ay binawian na
ito ng buhay. Namuhay sa pagtitiis si Josaphat. Nang mamatay ito ay inilagay nila ang kaniyang puntod sa tabi ng
libingan ni Barlaan. Nagkaroon ng isang pangitain ang monghe at ipinaalam nito kay Barachias ang pagkamatay ni
Josaphat. Iniutos ni Barachias na hanapin si Josaphat sa bulubundukin ng Senaar. Dalawang bangkay ang nakita at
kataka-takang hindi ito naagnas at may mahinhinghalimuyak pa ang masasamyo. Ang mga ito ay dinala sa simbahang
ipinatayo ni Josaphat at doon inilagak. Maraming himala ang nangyari kaya marami ang nagsibalik-loob sa Diyos at
nagpabinyag sa pagiging Kristiyano. )
Pananalita:
Tema: Ang tema ng nobela ay nakasentro sa pagiging matatag sa kung ano man ang pinaniniwalaan na relihiyon,
ang kristiyanismo .
Damdamin: Nanaig sa akin ang pagkabilib sa pangunahing tauhan dahil sa tibay ng loob na kanyang ipinamalas at
pagkainis sa hari pati narin sa mga katulad niyang sumamba sa mga diyos- diyosan.
Pananaw: Ang nobela ay gumamit ng pangatlong panauhan.
Simbolo: Kristyanismo- Agimat
Barlaan at Josaphat- Pagtatagpo at pagsasanib ng iba’t-ibang panitikang bayan tungo sa Kristyanismo
Barlaan- Liwanag sa bayan ng dilim
Teoryang Nakapaloob
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal- Ipinakita sa nobela ang pagbabago ni Haring Abenir sa tulong at pag-udyok
sa ni Josaphat na nagpamulat mula sa kanyang kamalian.
Mga Bisa
Bisa sa Isip:
Bisa sa Damdamin: Tama lang ang ginawang pagsuway ni Josaphat sa kanyang ama. Ipinapakita lang sa akda ang
lubos na pananalig sa diyos at ipinapakita rin ditoang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan dahil marami na
ang mga relihiyon na nagsisilabasan na nagpapalito lalo sa isipan ng tao.

Bisa sa Asal:ang pagkakaroon ng bagong pananaw sa buhay gaya ng ginawa ni Haring Abenir na

Uri ng Nobela
Nobelang Pagbabago- ang mga pangyayari sa Barlaan at Josaphat ay naglalayon na mabago ang paniniwala ng
isang tao gaya ng ama ni Josaphat na noon ay pumapanig sa mga diyos-diyosan ngunit di naglaoy napagtanto
niyang mali ang kanyang pinaniniwalaan.

May tauhan ang hari na nahikayat nang una ni Josaphat kaya nagalit ang hari. Pinalitan niya ng mga mapanuksong
babae ang mga tagasilbi sa palasyo. Nagdamdam si Josaphat sa ama dahil sa tangkang pagbubulid nito sa kanya sa
kasamaan. Iminungkahi ng ministro ni Abenir na hayaang mamuno sa isang hiwalay na kaharian si Josaphat.
Pumayag si Abenir. Subalit maraming tao ang lumipat sa kaharian ni Josaphat,nagsisi si Abenir sa kanyang
pagkakamali at nagpabinyag na din.

 Panimula 
2. Tunggalian 
3. Kasukdulan 
4. Kakalasan 
5. Wakas

You might also like