You are on page 1of 2

ST.

PETER’S ACADEMY
Polangui Albay

Pangalan : __________________________________ Petsa ng pagpasa : _____________

Asignatura : Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Kwarter 3: Ika-apat na Linggo


Paksa: Batas ng Diyos, Susundin ko

Mga Layunin:
 Malalaman si mapanindigang posison tungkol sa mga isyung may kinalaman sa mga gawaing taliwas
sa batas ng Diyos,
 Malalaman ang sariling posisyon na may tama at matibay na paninindigan, at
 Mauunawaan ang mga hakbang upang mapatibay ang pananampalataya sa kadakilaan at
kapangyarihan ng Diyos.

Panimula:
Likas sa tao ang pananabik na malaman kung ano ang mangayari sa kinabukasan. Dahil ditto,
nagsidami ang mga manghuhula sa pamamagitan ng pagbabasa ng palad. Mayroon ding mga psychic o mga
taong may kapangyarihang malaman ang mangyayari sa hinaharap.
Sa modernong buhay, ang bolang Kristal ay napalitan na nga mga computer. Sa halip na mga
manghuhula ang nagbibigay ng prediskyon, may mga Sistema na ng statistical projection at malawakang
paraan ng pagpapakita kung ano ang mangyayari sa darating na panahon.
Subalit, kahit na iba iba ang paraan ng pagsisikap ng taong malaman kung ano ang mangyayari sa
kaniyang buhay, nananatili pa rin ang ibang tao sa paniniwala sa pamahiin, kung siya ay mamalasin o
susuwertehin.
Totoo man o hindi ang mga hula, at mabago man o hindi ang mga paraan nito, hindi dapat hayaan ng
isang tao na sirain ng anumang hula ang kaniyang buhay. Dahi dito, mahalaga na maging matatag ang
paninindigan laban sa mga isyung lumalabag sa batas ng Diyos.

Pagganyak: Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na piraso ng papel.


1. Bakit kinakailangan ang mapanindigang posisyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa gawaing
taliwas sa batas ng Diyos?

Unang Araw

Tuklasin
Ang Pagsunod sa Kalooban ng Diyos
May dalwang ibig sabihin ang kalooban ng Diyos. Sa maraming pagkakataon, ang ibig sabihin nito ay
kautusan ng Diyos or paraang gusto niya na mamuhay ang tao. Sa ganitong pakahulugan, dapat nating piliing
sundin ang kalooban ng Diyos at ipakita ang pagsang-ayon natin ditto sa pamamagitan ng pagsunod sa
Kaniya.
Ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay nangangailangan ng pananampalatayam paninindigan, at
determinasyon.
Pananampalataya. Ang pananampalataya ay hanguan ng disiplina, kapangyarihan at kahulugan sa
buhay.
Paninindigan. Ang pananampalataya ay pinatitibay naman ng malakas na paninindigan upang
mapanatili ito.
Determinasyon. Kung ang paninindigan ang nagbibigay lakas sa mga bagay na pinaniniwalaan, an
determinasyon naman ang nagbibigay ng tibay ng dibdib upang ipaglaban o sundin ang anumang batas,
maging gawa ng tao o ng Diyos.

Ikalawang Araw

Gawain
A. Basahin ang sumusunod. Lagyan ng tsek kung ginagawa mo ito. Isulat sa tapat ng hanay kung bakit
mo ito ginagawa.
Mga Gawain () Mga Dahilan kung
Bakit Ginagawa

1. Panghuhula o pagpapahula
2. Paggamit ng feng shui
3. Pagpapatawas kung may sakit
4. Paggamit ng anting-anting
5. Pagpapagamot sa Albularyo

6. Pagsulat ng Chain letter


7. Paniniwala sa mga pamahiin

8. Paglalaro ng spirit of the glass

9. Paniniwala sa horoscope

10. Paniniwala sa duwende, aswang, at nuno sa punso

Isabuhay
Gumawa ng plano upang makaiwas sa pagsasagawa ng mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos na isinulat
mo sa Gawain A. Sa ikalawa at ikatlong hanay, isulat ang mga gawaing makatutulong sa iyo na higit na
kilalanin ang kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay at sa buhayy ng mga taong malalapit sa
iyong puso.

Mga Gaaing Taliwas sa Batas Mga Gawaing Magpapatibay ng Pagkilala sa Kadakilaan at


ng Diyos Kapangyarihan ng Diyos
Ititigil Ipagpapatuloy Sisimulan

Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Vibal Publishing

Bb. FELLY B. GOLO


Guro

You might also like