You are on page 1of 3

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

(Unang Araw)
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak na nása ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong
sagutang papel ang mga kasunod na tanong

Mga Batas Ukol sa Child Abuse


Alynna Joyce S. Abadejos, Karl Cyrille D. Bello, Stanley Lawrence B. Chua, at Katrina Ysabel L. Salita
*Ito ay ilang bahagi lamang ng kanilang pananaliksik.

Dalawang teorya ang pinagbasehan ng mga mananaliksik ukol sa sanhi ng mga pang-aabuso sa bata upang magabayan
sila sa riserts na kanilang gagawin. Ang mga teoryang ito ay ang attachment theory at learning theory. Nagmula ang dogma
ng attachment theory kay John Bowlby (1971) noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ayon sa kaniya, ang pagkawalay ng
bata mula sa kaniyang ina sa unang limang taon ng kaniyang pagkabuhay ay maaaring magkaroon ng nakapipinsalang
epekto sa emosyonal na aspekto ng bata na maaaring magbunga sa ilang sikolohikal at sosyal na problema sa kaniyang
paglaki, kagaya ng pagkawala ng interes sa mga bagay-bagay at pagiging pabaya o delinkuwente. Ang learning theory
naman ay isang konsepto kung saan ang ugali ay nasusukat, o natutuhan sa pamamagitan ng pakikisalamuha ng isang
indibidwal sa kalikasan at lipunan. Ayon kina Pavlov at Skinner, ang ugali ay nagmumula sa mga external stimuli o mga
bagay na nararanasan ng isang indibidwal sa kaniyang paligid. Mula dito, napagtanto nila na kung ano ang hindi nakikita ng
isang indibidwal ay hindi umiiral sa totoong buhay. Sanggunian: De La Salle University Manila, “Mga Batas Ukol sa Child
Abuse”,

B. Pananaliksik Ukol sa Depresyon at Pagkabahala *Ito ay ilang bahagi lamang ng pananaliksik. Ang mga karaniwang
nagiging biktima ay ang mga mag-aaral sa kolehiyo subalit mayroon ring ilang nasa sekondarya. Isa sa mga tinitingnang
dahilan sa mga insidenteng ito ay ang gami ng nagdudumga gawaing pang akademiko na naiipon sapagkat hindi
binibigyang halaga ang oras. Karamihan sa mgamag-aaral ay pinipiling gawin ang sabay-sabay na mga gawain isang
linggo bago ang itinakdang panahon o mas mababa pa sa isang linggo. Dahil dito, hindi nila maiwasang mabahala na
kalauna’y maaaring magbunga ng depresyon. Bukod pa rito, ang mga problemang kinahaharap ng bawat isa ay hindi rin
natinmaaaring isantabi. Ang bugso ng mga gawaing pang-akademiko, ang mga problemang kinahaharap sa pisikal,
emosyonal, mental, pinansyal, at marami pang iba ay nakadaragdag ng posibilidad upang ang isang tao ay makaranas ng
sinasabing depresyon. Datapwat, hindi dapat nating alisin sa ating pag-iisip na ang buhay ay tunay ngang punongpuno ng
pagsubok. Mga pagsubok na maaaring magpalakas o maging dahilan ng ating pagbagsak Sanggunian: Pananaliksik ukol
sa Depresyon at Pagkabahala. Binuksan noong Hunyo 11, 2020,

1. Ano ang balangkas na ginamit upang masagot ang suliranin o layunin ng pananaliksik?
A: _____________________________________
B: _____________________________________
2. Ipaliwanag ang iyong naging sagot.
A: _____________________________________
B: _____________________________________

IKALAWANG ARAW

A. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang nakalahad na impormasyon. Mula dito ay bumuo ng tanong tungkol sa gusto mo
pang malaman o matuklasan na nagangailangan ng pananaliksik upang masagot.

1. Maraming mag-aaral sa high school at kolehiyo ang nagtatrabaho ng part time para makatulong sa mga
gastusin sa kanilang pag-aaral. Bukod sa salaping kinikita , mas may malaking pakinabang ang mga kabataang ito
sa kanilang pagtatrabaho. Sa pamamagitan kasi nito ay nalilinang sa kanila ang mahuhusay na ugali sa
pagtatrabaho o tinatawag na work ethics. Ayon sa obserbasyon ng mga employer,napansin nilang mas madaling
matuto at mas may pokus sa trabaho,at mas mahusay makibagay sa mga katrabaho ang mga empleyado nilang
nagtatrabaho ng part time habang nag-aaral pa. Gayunpama’y napansin din nilang karaniwang marka nila ay hindi
gaanong matataas at bibihira sa mga nagtatrabaho habang nag-aaral ang nakatapos nang may mataas na
karangalan.
Bumuo ng tanong na kailangang ihanap pa ng karagdagang datos bago masagot.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
______________________
2. Naiwan ko ang smartphone ko sa bahay at apakiramdam ko ay hindi ako kompleto dahil isang bahagi ng
buhay ko ang wala sa akin. Halos hindi ko binibitawan ang samatphone sa maghapon. L:aging nakadikit ang
earphones sa t5ainga ko at nakikini9g ng paborito kong playlist habang nag-tse-check ako ng e-mail at nag-a-
update sa aking Instagram at facebook account. Dahil hindi ako sanay magsuot ng relo sa smartphone din ako
tumitingin ng oras. Dito din nakalagay ang schedule ko sa maghapon. Sa mga tulad ng trapik nililibang ko ang
aki9ng sarili sa paglalarong mga paborito kong apps. Hindi rin ako mapakali dahil panigurado ang dami ng nagtetxt
at cxall na di ko nasasagot. At mamaya sa klase ,tiyak wala akong magagamit na aklat dahil ang e-book ay naka-
store din sa smartphone.
Bumuo ng tanong na kailangang ihanap pa ng karagdagang datos bago masagot.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
_________________________________
Panuto. Subuking limitahan ang mga paksa upang makatugon sa sulating pananaliksik.
1. Tungkol sa Depresyon
Malawak at Pangkalahatang Paksa:
Nilimitahang Paksa:
Lalo pang Nilimitahang Paksa:

2. Tungkol sa Social Media

•Malawak at Pangkalahatang Paksa:


•Nilimitahang Paksa:
•Lalo pang Nilimitahang Paksa:
3. Tungkol sa Online Learning•Malawak at Pangkalahatang Paksa:
•Nilimitahang Paksa:
•Lalo pang Nilimitahang Paksa:
4. Tungkol sa Pagkakaroon ng relasyon
•Nilimitahang Paksa:
•Lalo pang Nilimitahang Paksa:
5. Tungkol sa Covid19
•Nilimitahang Paksa:
•Lalo pang Nilimitahang Paksa:

IKATLO at IKAAPAT NA ARAW

PAnuto: Magtala ng 10 o higit pang ideyang interesado ka na maaring pagmulan ng tentatibong paksa para sa
sulating pananaliksik. Lagyan ng tsek ang mga kahon kung tumutugon ito sa mga naglalarawan sa heading. Ekis
naman kung hindi.
MGA IDEYA GUSTO KO MADALING MARAMING MATATAPOS BAGO o
MAIUGNAY SA MAPAGKUKUNA SA ORAS NA NAIIBA
LAYUNIN N NG NAKALAAN
IMPORMASYON

Panuto: Piliin sa nakaraang Gawain sa itaas ang pinakamaraming tsek na posibleng maging paksa ng iyong sulatin.
Malawak na Paksa:
•Nilimitahang Paksa:
•Lalo pang Nilimitahang Paksa:
Panuto: Isa-isahin ang hakbang sa pagpili ng paksa at bigyan ng paliwanag.

1 2
Pagpili ng
Paksa

3 4

You might also like