You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Tanggapan ng Pampaaralang Sangay ng Camarines Sur

RODRIGUEZ NATIONAL HIGH SCHOOL


Cadlan, Pili, Camarines Sur
FILIPINO 7
ARALIN 1-5

Pangalan:_______________________________________________________Petsa:___________
Baitang/Pangkat:_________________________ Iskor:________________

Pagsasanay 1 Pagtukoy sa Kasingkahulugan ng Salita

Panuto: Hanapin at bilugan sa ikalawang pangungusap ang kasingkahulugan ng


salitang may diin.
1. Tunalima si Don Pedro s autos ng kanyang Haring Ama. Hindi siya nagdalawang- isip na
sumunod sapaglat alam niyang ito ang lunas sa sakit ng ama.
2. Si Don Pedro ay nabighani sa kanyang nakita. Nahalina siya sa hindi pangkaraniwang
kinang at kagandahan ng puno ng Piedras Platas.
3. Mayamaya pa’y nagulaylay na ang binata mula sa pagkakaupo sa ilalim ng puno. Hindi
na niya napaglabanan ang pagod kaya’t napahimlay na siya nang mahimbing.
4. Hindi niya tuloy naino ang pagdating ng ibong. Hindi rin namalayan ng iba pang mga
nilalang sa paligid ang tahimik na pagdapo ng ibon.
5. Labis kasing nakapagod sa prinsipe ang mahabang paglalayag. Maging ang kanyang
kabayo ay hindi rin nakatagal sa paglalakbay na inabot ng mahigit tatlong buwan.
Pagsasanay 2 Pagtutukoy

A. Bato B. Dona Valeriana C.7 D.Piedras Platas E.5


F. 1 G.Awit ng Ibong Adarna H.Kabayo I.Pagdiriwang J. Don
Juan
K. Don Diego L. Bundok Tabor M. Paracetamol N. Dona Maria

__________1. Madalas ginagawa sa kahariang Berbanya.


__________2. Ang paboritong anak ni Haring Fernando.
__________3. Ang kasama ni Don Pedro at Don Diego sa paglalakbay
__________4. Lunas sa sakit ng Haring Fernando.
__________5. Ang punong dinadapuan ni Ibong Adarna.
__________6. Ilang tinapay ang kinakain ni Don Juan sa isang buwan sa paglalakbay.
__________7. Ilang buwan naglakbay si Don Diego.
__________8. Ilang beses nagpapalit ng balahibo ang Ibong Adarna.
__________9. Ang Reyna ng Kaharian ng Berbanya
__________10. Kinahitnan ni Don Pedro at Don Diego.
Pagsasanay 3 Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.

1.Paano magpalakad ng kanyang kaharian si Haring Fernando? Paano mo siya


mailalarawan bilang isang ama?

2. Ano ang naging epekto ng panaginip ng hari? Bakit kaya labis niyang dinamdam at naging
sanhi pa ng kanyang pagkakasakit ang panaginip na iyon?

3. Ano ang pinatunayan ni Don Pedro nang agad siyang tumalima sa utos na kanyang
hanapin at iuwi sa palasyo ang Ibong makapagpapagaling sa sakit ng ama?

4. Bakit si Don Diego naman ang ipanadala upang maghanap sa Ibong Adarna?

5. Ano ang katangian ni Don Juan na hindi taglay ng kanyang dalawang nakakatandang
kapatid? Paano ito lumutang sa akda?

Panapos na Gawain!
Bumuo ng isang liham ng pasasalamat para sa iyong magulang o kinikilalang
magulang. Tiyaking makakarating at mababasa nila ang liham mo. (Papirmahan ang
liham sa magulang bago isumiti sa guro). Ang nilalaman ng liham ay pasasalamat sa
lahat ng kanilang nagawa para sa pamilya.(10 puntos)

Inihanda ni:

Gng. Vernice Marie A. Barcela


Guro III

You might also like