You are on page 1of 1

VII.

METODOLOHIYA
Ang pananaliksik-panlipunang ito ay isasagawa sa korelasyonal na pamamaraan. Pag-
aaralan dito ang koneksyon ng mga salik na nakakaapekto sa pagsasalegal ng Sex Work at ang
mga dahilan kung bakit patuloy parin sa larangan na ito ang mga kababaihan. Naglalayon itong
matukoy ang pananaw ng mga kababaihan ng Cubao na nasa larangang ito ukol sa legalisasyon
ng Sex Work at pang hinaharap na kalagayan kapag ito ay napatupad.
Tungo sa wastong pagtataya, magsasagawa ng pagtitipon ng datos ang mananaliksik
gamit ang interbyu. Lalamanin ng mga tanong ang posisyong ng mga respondente mula sa
kabuuang bilang na isinaalang-alang. Ito ay magkakaroon ng apat na bahagi: (1) Pagsusuri sa
mga salik na nakakaapekto sa pagsasalegal ng Prostitusyon, (2) pagsasagawa ng interbyu: (a)
Pagtuklas sa mga salik na nakakaapekto sa legalisasyon ng Sex Work (b) Paglalahad ng mga
dahilan kung bakit patuloy pinapasok ng mga kababaihan ng Cubao ang larangang ito (c)
Pagtukoy sa koneksyon ng mga salik at kung bakit patuloy parin ang pagpasok sa ganitong
larangan, (d) Masuri ang kulturang Pilipino at ang ugnayan nito sa usaping legalisasyon ng sex
work sa Pilipinas (3) Pagbibigay interpretsyon sa nakalap na datos at posisyon, at (4) Pagbibigay
ng mga panukala hingil sa prostitusyon.

You might also like