Professional Documents
Culture Documents
Fil 7 - 1Q - Summative Test
Fil 7 - 1Q - Summative Test
I. Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel o notbuk.
1. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik niyang naibulong sa sarili.
Mahihinuhang ang babaeng tulad ni Lokes a Babay ay…
a. Magalitin b. mapagtimpi c. masayahin d. matampuhin
2. Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na huwag palalapitin sa kaniyang magarang
tahanan ang kaniyang asawa.
Mahihinuhang si Lokes a Babay ay…
a. mahirap pakisamahan at walang nakasusundong tao
b. naging masama na rin ang ugali dala ng kaniyang kayamanan o salapi
c. mapaghiganti at ikinatutuwa ang kapahamakan ng iba tulad ng kaniyang asawa
d. may itinatagong lakas ng kalooban at hindi kasinghina ng inaakala ng kaniyang asawa
3. Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabuhay sa pangangaso. Mahihinuhang ang kanilang lugar ay….
a. nasa gubat c. nasa tabing-dagat
b. nasa lungsod d. nasa kapatagang taniman ng palay
4. Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag na huwag mo na rin akong
aabalahin.
Mahihinuha sa sinabing ito ni Lokes a Babay na…
a. Ang lalaki ay siyang hari sa kanilang tahanan.
b. Ang babae ay naghahanap ng kalinga at pagmamahal sa asawa.
c. Ang babae ay maaaring umalis kahit walang matibay na dahilan.
d. Ang babae ay gaano man kabait, napupuno rin at natututong ipagtanggol ang sarili.
5. Iniluto ni Lokes a Mama ang matabang usa at ito’y kaniyang kinaing mag-isa nang hindi man lang inalok ang
kaniyang tahimik at hindi tumutol na maybahay.
Mahihinuha sa pahayag na ito na…
a. Ang babae ay hindi hinayaang kumain ayon sa paniniwala.
b. Ang lalaki ay siyang tagapagluto at tagapamahala sa kusina.
c. Ang babae ay kailangan munang may mahuli ring hayop bago
d. Ang lalaki ay pinuno o lider ng sambahayan kaya’t mas nagawa niya ang nais kaysa babae.
6. “Mayaman na ako! Mayaman na ako!” Mahihinuhang ang pahayag na ito ay…
a. naiiyak c. nagtataka
b. nalulungkot d. natutuwa
7. Ang tinutukoy na isang mangangaso ay...
a. mag-ama c. mag-ina
b. mag-asawa d. magkapatid
8. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin.” Mahihinuhang ang pahayag na ito ay…
a. maluhain c. nahihirapan
b. matiisin d. sumusuko
9. Ano ang maraming naipon ni Lokes a Babay na walang kamalay-malay si Lokes a Mama?
a. ari-arian c. perlas
b. diyamante d. salapi
10. Hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso maging ang asawa niyang si Lokes a Babay ay
nangangaso rin. Mahihinuhang ang pahayag na ito ay...
a. pantay-pantay ang responsibilidad
b. masagana ang buhay ng mag-asawa
c. naghihirap ang mag-asawa
d. pansariling pagsusumikap
II. Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng mga ebidensiyang nakasulat, nakalarawan o naka-video?
a. Nagpapahiwatig c. Dokumentaryong ebidensiya
b. Nagpapakita d. Nagpapatunay / Katunayan
2. Mga salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinapahayag.
a. Kapani-paniwala c. Pinatunayan ng mga detalye
b. Nagpapatunay / Katunayan d. Dokumentaryong edidensiya
3. Tumutukoy sa hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo na mga ebidensiya.
a. Nagpapahiwatig c. Kapani-paniwala
b. Pinatutunayan ng mga detalye d. Nagpapakita
4. Isang pahayag ng pagbibigay ng patunay na kung saan makikita mula sa mga detalye ang mga patunay.
a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Dokumentaryong ebidensiya
b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapakita
5. Isang katunayang pinalalakas ang ebidensiya o impormasyon at totoo ang kongklusyon.
a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Kapani-paniwala
b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapakita
6. Mga salitang naglalahad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay.
a. Nagpapahiwatig c. Nagpapakita
b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapatunay / Katunayan
IV. Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Tumutukoy ito sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
a.sanhi c. epekto
b.bunga d. resulta
2. Ano ang kinalalabasan o dulot ng isang pangyayari?
a.bunga c. dahilan
b.sanhi d. ugat
3. Itinakbo sa ospital ang bata sapagkat nahimatay siya sa pagod. Ano ang pang-ugnay na ginamit sa sanhi at bunga?
a.sa c. pagkat
b.sapagkat d. ang
4. Pumutok ang gulong ng sasakyan ni Jovanie kaya napatigil siya sa daan. Ano ang bungang ipinapahiwatig sa
pangungusap?
a.pumutok ang gulong c. gulong ng sasakyan
b.napatigil siya sa daan d. sasakyan ni Jovanie
5. Ang mga damit sa sampayan ay agad na natuyo pagkat sobrang matirik ang sikat ng araw. Ano ang sanhing
isinasaad sa pangungusap?
a.ang mga damit sa sampayan c. agad natuyo
b.matirik ang sikat ng araw d. ang sikat ng araw
6. Nakapagtapos siya ng pag-aaral kaya umasenso ang kaniyang buhay.
Ano ang bungang ipinapahiwatig sa pangyayari?
a.umasenso ang kaniyang buhay c. kaya umasenso
b.nakapagtapos siya ng pag-aaral d. siya
7. Maraming naghihirap sa panahon ng krisis kasi tumaas ang presyo ng mga bilihin.
Ano ang sanhing isinasaad sa pangyayari?
a.maraming naghihirap c. sa panahon ng krisis
b.tumataas ang presyo ng mga bilihin d. ang presyo ng mga bilihin
8. Tumataas ang kaso ng COVID-19. Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a.kakulangan ng disiplina ng mga tao c. kakulangan ng pamillya
b.kakulangan ng salapi d. lahat ng nabanggit
9. Si nanay ay nagkaroon ng sakit sa baga. Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a.naliligo araw-araw c. labis na pag-inom ng alak
b.nakababad sa araw d. nakatutok sa kompyuter
10.Si Jovern ay nagsikap sa pag-aaral. Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a.maraming salapi c. may trabaho
b.sa labis na kahirapan d. gustong may gantimpala
III. IV.