You are on page 1of 6

EL FILIBUSTERISMO 1-14

Kabanata 1: Sa Ibabaw Ng Kubyerta (Buod)


Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at patungong Laguna. Nasa
ibabaw ng kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya Victorina,
Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun.
Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang maimpluwensiyang alahero.
Kilala siya sa buong Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan Heneral. Upang mapawi ang
pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe, napag-usapan nila ang pagpapalalim ng Ilog Pasig.
Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni Simoun na kailagang gumawa
nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila. Sandaling nagkainitan
sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw
naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang balut na
pinandidirihan niya.
Aral – Kabanata 1
Ang buhay kung minsan ay isang Bapor Tabo. Nasa itaas ang may kapangyarihan. Ngunit hindi ito
nangangahulugan na ligtas na sila sa mga suliranin dahil sila mismong nasa taas ay ang gumagawa ng
kanilang mga intindihin.
Kabanata 2: Sa Ilalim Ng Kubyerta (Buod)
Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero at naroon
din ang mga bagahe at kargamenrto. Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na
isang makata mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-
aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay. Napag-usapan din ng dalawa
ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña. Maya-maya pa ay
lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si
Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang
bibili ng alahas. Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa.
Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga tao
sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at di alak.
Aral – Kabanata 2
Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap ay laging nasa
ilalim. Ang hindi nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang pagiging mahusay at
kapakipakinabang.
Kabanata 3: Alamat (Buod)
Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat. Nagsimulang ikuwento ng Kapitan ang alamat
ng Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat, itinuturing daw na banal ng mga katutubo ang lugar at tahanan ng
mga espiritu.
Ngunit nang manirahan daw dito ng mga kriminal ay nawala ang pangamba sa mga kaluluwang naroon.
Sa mga tulisan na natakot ang mga tao. Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya
Geronima. Nagkaroon dawn g kasintahan ang Donya ngunit naging arsobispo ito sa Maynila. Sinundan
daw ng babae ang katipan at kinulit sa alok na kasal. Upang makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang
yungib malapit sa Ilog Pasig. Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik
nang patayin ng isang buwaya. Naging bato daw ang buwaya nang dasalan ng Intsik ang santo. Nabling
naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra. Ipinaturo ni Ben Zayb kung saan iyon banda sa
Ilog Pasig. Natahimik at namutla naman si Simoun.
Aral – Kabanata 3
Mahilig ang mga Pilipino sa mga alamat. Sa mga kuwentong ganito ay nababatid ang malikhaing dahilan
ng pagkakabuo ng isang bagay na lubhang nakaaaliw at kapupulutan din ng aral.
Kabanata 4: Kabesang Tales (Buod)
Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at
Juli. Pumanaw si Lucia dahil sa malaria. Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales.
Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang tubuhan. Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang
makapantay ang kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa
inangkin ng mga prayle. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya. Nakulong naman si Tales nang magdala ito
ng patalim at may nakitang pera sa kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may
pantubos sa ama, isinanla niya ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria
Clara. Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang noong bisperas ng
Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na nakapag-aral pa si Juli na
pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.
Aral – Kabanata 4
May mga buhay na nasisira ang pagiging ganid at mapanglamang sa kapuwa. Katulad ng kuwento ni
Kabesang Tales na nagsusumikap ngunit pinabagsak ng makasariling interes ng mga prayle.
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero (Buod)
Gabi na nang makarating si Basilio sa kanilang bayan. Nasabay pa siya sa prusisyong pang-Noche Buena.
Naabala pa sila dahil binubugbog ang isang kutserong si Sinong na nalimutan ang kaniyang sedula.
Matapos ay napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, ang pinakamatandang taong namalagi sa
daigdig. Idinaan naman ang rebulto ng tatlong Haring Mago na nakapagpaalala kay Sinng kay Haring
Melchor. Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ang kanang paa ng bayaning si
Bernardo Carpio na naipit umano sa bundok sa San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng mga Pilipino si
Carpio na makapagpapalaya sa kanila. Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa.
Dinala na siya sa presinto at si Basilio ay naglakad na lamang. Sa paglalakad niya ay napansin niyang
wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago
at naisalaysay ang pangyayari kay Kabesang Tales at Juli.
Aral – Kabanata 5
Malaki ang pag-asa sa ilang nilalang kahit tila puro pasakit na ang kanilang nararanasan. Likas sa mga
Pilipino na maniwalang darating din ang liwanag sa kabila ng tinatahak nilang malubak at madilim na
landas.

Kabanata 6: Si Basilio (Buod)


Umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, madaling araw pa lamang. Nagtungo siya sa libingan ng
mga Ibarra sapagkat anibersaryo ng pagyao ng kaniyang ina Nag-alay siya ng isang panalangin para sa
ina. Matapos iyon ay lumisan na rin si Basilio at bumalik na sa Maynila. Muntik nang magpatiwakal si
Basilio noon dahil sa mga suliraning hinaharap. Nakita lamang siya nina Tiya Isabel at Kapitan Tiago at
kinupkop at pinag-aral ito sa Letran. Hirap noong unang taon sa eskwela si Basilio at tanging “adsum” o
“narito” ang kaniyang nababanggit.Nakukutya rin siya dahil sa kaniyang lumang kasuotan. Gayunman,
walang nakapigil kay Basilio na mag-aral. Nagkaroon ng guro si Basilio na tinangka siyang lituhin sa
isang aralin. Ngunit nasagot ni Basilio nang ilang beses ang tangka ng guro. Dahil dito ay nagkaroon sila
ng alitan at nagkaroon pa ng laban sa sable at baston. Naging sobresaliente din siya o may may
pinakamataas na marka. Hinikayat naman siya ni Tiago na mag-aral sa Ateneo Municipal kung saan siya
kumuha ng medisina.
Aral – Kabanata 6
Wala sa katayuan sa buhay o anyo ang pagiging mahusay. Sabi nga, huwag husgahan ang aklat ayon
lamang sa pabalat. Minsan ang kagalingan ay ikinukubli lamang at inilalabas sa tamang pagkakataon.
Kabanata 7: Si Simoun (Buod)
Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio.
Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa
paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun. Si Basilio
ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata
ang binabalak ni Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-aping kasapi ng pamahalaan.
Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ang pangarap
ni Basilio ay makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan na si Huli.
Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na walang
kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya
muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila ang mapayapang buhay.
Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan niyang makumbinsi ang binatang si
Basilio.
Aral – Kabanata 7
Ang bawat tao sa mundo ay mayroong kanya-kanyang pamamaran kung paano nila makamtam ang mga
layunin at adhikain nila sa buhay.
Kabanata 8: Maligayang Pasko (Buod)
Si Huli ay larawan ng isang babae na pilit nagpapakatatag na balang araw ang kanyang mga panalangin
ay masasagot ng isang himala.
Kagaya ng nakagawian ni Huli siya ay gumising ng maaga at buong pusong umaasa na sana ay hindi na
sisikat ang araw. Tinignan niya ang ilalim ng larawan ng Birhen sa pagbabasakaling nagkaroon na ng
himala.
Huminga nang malalim ang dalagang si Huli at namulat na lamang bigla na mali pala ang mga sapantaha
niya tungkol sa milagro. Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang sarili habang siya ay abalang nag-
gagayak.
Nagmadali siyang nagbihis upang pumunta sa bahay ng bago niyang panginoon, si Hermana Pencahang.
Bago siya umalis kinausap at binilin niya ang kanyang lelong. Nang mapansin iniya ang nangingilid na
luha ng matanda ay dali-dali siyang umalis. Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang kanyang mga
kamag-anak upang mamasko. Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya dahil anumang gawin
niyang magsalita o sumigaw ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
Aral – Kabanata 8
Ang buhay ay parang isang gulong. Ang mga pangarap sa buhay ang gawing inspirasyon upang mabilis
ang pag-ikot ng mga gulong tungo sa tagumpay.
Kabanata 9: Ang Mga Pilato (Buod)
Sa kabanata na ito ipinakita ni Rizal ang pamamayani ng kasakiman at pagiging tuso ng mga prayle.
Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa bayan. Ang ilan ay naawa sa matanda,
samantala ang mga guwardiya sibil at mga prayle ay nagkibit lamang ng balikat. Si Padre Clemente na
siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa niya si
Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng korporasyon. Idiniin pa niya ang matanda na
nagtatago ng mga armas. Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na magdasal sa wikang
Kastila. Ito daw ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw sila marunong
manalangin sa langit. Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila sa usapin tungkol sa
hasyenda. Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni Kabesang Tales. Maging
ang matanda ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang kanyang sariling tahanan.
Aral – Kabanata 9
Ang mga kasawian at pagsubok sa buhay ay hindi dapat inilalagay sa puso at isipan. Labanan ito at
huwag hayaang maging lason na sisira sa iyong pagkatao.
Kabanata 10: Kayamanan At Karalitaan (Buod)
Si Simoun ay tumuloy sa bahay ni Kabesang Tales. Siya ay may dalang pagkain at ang kanyang ibang
kailangan, at dalawang kaban ng mga alahas. Nagsidatingan na ang mga mamimili ng alahas ni Simoun
na sina Kapitan Basilio at ang kanyang anak na si Sinang at kanyang asawa, at si Hermana Penchang na
kung saan may balak bumili ng isang singsing na may brilyante para sa birhen ng Antipolo.
Lahat sila ay galak na galak sa dala dalang alahas ni Simoun, sapagkat si Kabesang Tales naman ay
napaisip sa kayamanang dala dala ni Simoun. Inilabas ni Simoun ang kanyang mga bagong hiyas. Dito
naman pumili si Sinang at iba pa. Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at pinabibili ito sa ama niyang si
Kabesang Tales. Ang kuwintas na pinili ni Sinang ay ang kuwintas ng kanyang naging kasintahan na
pumasok sa pagmomongha. Ito ay may halagang limang daang piso.

Aral – Kabanata 10
Maging makatao sa iyong mga kakilala at kababayan. Nasa taong namamahala ang isinasama ng mga
mamayanan. Ugali din ng Pilipino ang magbuwi buhay alang-alang sa kanilang karapatan.
Kabanata 11: Los Baños (Buod)
Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng
tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos. Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na
mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan.
Ngunit maraming iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya,
pagpapatapon, at iba pa. Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre
Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan. Pinalitan naman ni
Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante.
Pumayag naman ito sapagkat wala namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya
ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako.
Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani.
Tinanong nila ang binata kung para saan ang kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa
kalinisan at kapayapaan ng bayan.
Aral – Kabanata 11
Pinapakita sa kabanatang ito ang kaugaliang Pilipino na nasusunod ang lahat ng utos at gusto ng isang
makapangyarihang tao at dapat natin respetuhin at suyuin ang taong iyon.
Kabanata 12: Placido Penitente (Buod)
Si Placido Penitente ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nasa ikaapat na taon na siya ng
kolehiyo. Ngunit, malungkot ang binata at nais na niyang tumigil sa pag-aaral. Pinakiusapan siya ng
kanyang ina na kahit tapusin nalang ang natitira niyang taon sa eskwelahan. Ang ideyang tumigil sa pag-
aaral ay naisipan ni Penitente dahil sa mga kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang pinakamatalinong
studyante at bantog sa paaralan ni Padre Valerio noon. Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik siya
ni Juanito Paelez, isang anak ng mayamang mestizong Kastila. Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito
kasama si Padre Camorra at saka kinuwento naman ito ng binata. Tinanong din ni Paelez si Penitente
tungkol sa kanilang leksyon dahil noong araw lamang na iyon ang unang pagpasok ni Paelez. Niyaya
naman ni Paelez si Penitente na maglakwatsa, ngunit tumutol naman ito.
Aral – Kabanata 12
Ang pamahaalan ay minsang abusado at sakim sa kapangyarihan dahil sa pagtuttol nila ang pagtututo ng
mga tao.
Kabanata 13: Ang Klase Sa Pisika (Buod)
Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat. Malalaki rin ang mga bintana na mayroong rehas
na bakal. Sa magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang ang
taas. Doon umuupo ang mga mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido. Kahit malaki ang
silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-
aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado. Si Padre Millon ang
maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-
aaral upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan.
Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido. Siya tuloy ang
napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya
ng mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang
umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.
Aral – Kabanata 13
Kung minsan ay lumalabis na sa pagdidisiplina ang iba. Kahit maganda ang intension, kung hindi
maganda ang pamamaraan ay wala rin itong bisa.
Kabanata 14: Sa Bahay Ng Mga Mag-aaral (Buod)
Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Marangya ang pamumuhay niya at
nag-aaral ng abogasya. Siya rin ang pinuno ng mga mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang
Akademya sa wikang Kastila. Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang
pagpupulong. Positibo ang pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan ang kanilang panukala.
Habang si Pecson naman ay duda kaya nagkaroon sila ng pagtatalo. Ibinunyag ni Makaraig na
ipinagtatanggol daw sila ni Padre Irene sa kanilang plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si
Don Custodio, isa sa mga bahagi ng lipon ng paaralan, sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na isang
manananggol at si Pepay na isa namang taga-aliw. Malalapit daw kasi ang mga ito sa pari.
Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong dahil marangal itong tao
at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle.
Aral – Kabanata 14
Isang magandang gawi ang pagpaplano ang pag-uusap tungkol sa mga adhikain. Kung kikilos nang
sabay-sabay at iisa ang pangkat, tiyak na makakamit ang mithiin.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO


Ang El Filibusterismo ang isa sa pinaka-tanyag na nobela na gawang Pilipino. Ito ayisinulat ng bayaning
si Dr. Jose Rizal para maipamulat ang mga kababayan nito sapang-aapi ng mga Kastila.Nagsimula ang
kasaysayan ng El Filibusterismo matapos nakarating sa mga Kastilaang unang nobelang isinulat ni Rizal
na “Noli Me Tangere”. Dahil dito, binantaanng mga Kastila ang buhay ni Rizal.Nakita ni Rizal ang
epekto ng kanyang nobelang isinulat kaya pinatuloy nito angkuwento at pinamagatang “El
Filibusterismo“. Kaya naman, napuno ng galit angmga Kastila at na pilitang umalis ng Pilipinas si Rizal
at nag tungo sa Europa.Sa dayuhang bansa tinapos ni Rizal ang kanyang nobela at ito’y naging
inspirasyonng mga Pilipino sa pag laban sa mga isyung lipunan na kanilang hinaharap. Bukod dito,
mayroong tampok na kuwentong pag-ibig rin na makikita sa ElFilibusterismo. Ayon sa mga
iskolar, ang pag-ibig na nasa nobela ay nanggaling sainspirasyon ni Rizal sa pagmamahal nito kay Leonor
Rivera.Ngunit, sa kasaysayan ng El Filibusterismo, hindi naging madali ang pagpapalabasnito sa publiko.
Nagkaroon si Rizal ng suliranin sa paglilimbag ng aklat dahil sakakulangan ng pera pera. Pero, pinahiram
ito ng kanyang kaibigan na si Valentin Vola. Noong 1891, na taposni Rizal ang bagong nobela at ito’y
inilimbag noong 1891 sa mga bahagi ng HongKong at Europa

You might also like