You are on page 1of 2

Mga Miyembro ng Ika-apat na Grupo:

Dales, Jian - nagpresenta


Ragay, Lance - nagpresenta
Villamil, Kenneth - tumulong sa paggawa ng script
Melancio, Heryll - tumulong sa paggawa ng script
Villaflores, Lindie - nagpresenta
Villarabo, Clowie - tumulong sa paggawa ng script
Webster, Cheska - tumulong sa paggawa ng script

Script:
Ragay: Magandang Araw! Ako si James Rizz. Namomroblema ka ba sa pagpili ng
kurso sa kolehiyo? Nais kong ibahagi sa inyo ang mga punto upang mapadali ang
pagpili mo ng kurso.

Ragay: Ano kaya ang pipiliin mong kurso? Malapit na ang enrolment at wala pa talaga
akong naiisip. Hmmm… Tanungin ko kaya sila Lindie at Jian

Ragay: Hello Lindie , aling kurso ang mairerekomenda mo sa akin?

Lindie: Para sa akin nursing ang kursong dapat mo piliin. Kung ikaw ay mag nunursing
mas maraming oportunidad ang makukuha mo dahil ito ang hinahanap sa abroad.
Samakatuwid, kung pinili mong mag-aral ng Nursing sa kolehiyo, ihahanda ka nito
upang maging isang pangunahing bahagi ng larangang pangkalusugan. Makapag
Lingkod ka sa iyong komunidad, magiging tagapagtanggol ng buhay, at magiging
instrumento ng pag-asa at pag galing.Kung ikaw naman ay mag cicivil engineering
kailangan mo pa maging mahasa sa math at ikaw ay mahihirapan. Pero wag mabahala
dahil mas mataas ang sweldo ng nursing sa ibang bansa at mas marami kapang
matutulungan at masasalbang buhay.Sa pagkuha ng kursong Nursing, binibigyan kayo
ng pagkakataon na maging isang instrumento.Ito ay isang propesyon na puno ng
pagkakataon upang maglingkod at magkaroon ng positibong epekto sa mga tao sa
inyong komunidad.Kung nais mong magtrabaho sa ibang bansa, ang pag-aaral ng
nursing ay isa sa mga pinakamadaling landas upang magkaroon ng oportunidad na
magtrabaho sa ibang bansa. Maraming bansa ang nangangailangan ng mga
propesyonal na nars at nag-aalok ng magandang benepisyo at sahod.

Ragay: Okay pag-iisipan ko iyan, Salamat!

Ragay: Ikaw Jian, aling kurso ba sa kolehiyo ang iyong marerekomenda?


Jian: Sa civil engineering naman ay may malawak na hanay ng mga oportunidad sa
trabaho. Sa iba't ibang larangan tulad ng inhenyeriya ng elektronika, inhenyeriya ng
pagawaan, inhinyerong sibil, at iba pa, maraming mga industriya ang nangangailangan
ng mga propesyonal na may kasanayan sa engineering. Ang pagiging isang inhinyero
ay nagbubukas ng pintuan sa iba't ibang sektor tulad ng enerhiya, teknolohiya,
konstruksiyon, at transportasyon. Kung nais mong maging bahagi ng pagbabago at
magkaroon ng malaking impluwensya sa mundo, ang Civil Engineering ang tamang
kurso para sa iyo. Sumali sa aming hanay at magsimula ng isang kahanga-hangang
karera sa larangan ng pagpapalago at pag-unlad. Ang pagkuha ng kursong Civil
Engineering ay nagbubukas ng maraming pintuan para sa inyo upang magkaroon ng
magandang karera at pag-unlad sa propesyon. Bilang isang civil engineer, maari kang
magtrabaho sa mga pribadong kumpanya ng engineering, mga ahensya ng
pamahalaan, o maging sarili ninyong negosyo. Maaari kang maging mga tagapamahala
ng proyekto, mga designer, mga tagapagtayo, o mga tagapamahala ng konstruksyon.

Ragay: Maraming salamat Jian.

Ragay: Okay dahil sa nasabi ng mga kaibigan ko. Mas nahikayat ako na piliin ang
kursong nursing sa kolehiyo. Dahil sa mga oportunidad at mga detalye na ibinahagi ng
aking kaibigan na si lindie, mas naniniwala ako na ito ang kursong for me talaga. Kaya
kung nais mong magkaroon ng mahusay na karera at magbigay ng tulong sa kalusugan
ng mga tao, mag-enroll na sa kursong nursing ngayon!

You might also like