You are on page 1of 7

Lektyur Blg.

3: TEKSTONG IMPORMATIBO (EKSPOSITORI)

 Ano ang layunin ng balita?


 Paano nakatutulong ang balita sa pang-araw-
araw nating buhay?
 Bukod sa balita, saan at ano-ano pang bagay ang
nagbibigay sa iyo ng impormasyon?

TALAKAYIN NATIN:

KAHULUGAN:

 uri ng teksto/pagsulat na nagpapaliwanag. maaaring paliwanag ito ng kahit anong bagay,


ng konsepto, ng kahulugan ng isang salita, ng isang problema o ng isang proseso,
 (ito ang uri ng pagsulat na nakikita mo kapag nagbabasa ka ng diksyunaryo,
ensayklopedia, magasin, papel-pananaliksik, siyentipikong ulat, mga balita sa dyaryo

KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO (EKSPOSITORI)

A. Objective na pagtalakay sa paksa

B. May sapat na mga kaalaman na inilahad

C. Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya o kaisipan

D. Analitikal ang pagsusuri ng mga kaisipan

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO (EKSPOSITORI)


MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

1. DEPINISYON

- kung ito ay nagpapaliwanag ng mga umiiral na kaugnayan ng mga termino o katawagan sa mga
konsep. Nililinaw ang mga konsep sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa mga termino
(concrete to abstract)

2 uri ng pakahulugan:

• Intensibong pakahulugan-Maaaring ibigay ang kasingkahulugan o sinonimo ng salita o kaya


ay pagbibigay ng uri na kinabibilangan ng salita at katangiang ikinaiba nito sa iba.

Halimbawa

Pangungusap 1: Filipino ang ating pambansang wika.

Depinisyon: wika-lenggwahe (Pangngalan)

Pangungusap 2: “Tayong lahat ay mga Pilipino,” ang wika ni Propesor Ravina

Depinisyon: wika-sabi (Pandiwa)

 Ektensibong pakahulugan-pinapalawak dito ang kahulugang ibinigay sa intensibong


pakahulugan sa paraang patalata.

Halimbawa

Ang tekstong Prosijural ay isang uri ng teksto kung saan ito ay nagpapaliwanag kung
paano ang paggawa ng isang bagay. Ang mga hakbang o pamamaraan (procedure) ay maayos ang
pagkakasunud-sunod, mas madaling masusundan ng mga gawain nito hanggang sa matapos ang
isang gawain o projek.

2. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST
-may layuning ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, pangyayari o ideya.
(mga panandang salita: samantalang, at, habang, ngunit, subalit, sa kabila ng, kahit na, sa
kabaliktaran, sa kabilang banda at iba pa)

May karaniwang balangkas ng dalawang paraan ng pagtalakay ng tekstong hambingan at contrast.

HALINHINAN ISAHAN
I. Pagkakatulad ng A at B I. Mga Katangian ng A
A. Pagkakatulad 1 A. Katangian 1
B. Pagkakatulad 2 B. Katangian 2
C. Pagkakatulad 3 C. Katangian 3

II. Pagkakaiba ng A at B II. Mga Katangian ng B


A. Pagkakaiba 1 A. Katangian 1
B. Pagkakaiba 2 B. Katangian 2
C. Pagkakaiba 3 C. Katangian 3
Halimbawa:

Dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral sa kasalukuyan, ito ay ang presidensyal at parlyamentari.
Ang pinakamataas na nanunungkulan sa presidensyal ay tinatawag na pangulo samantalang sa
parlyamentari ay tinatawag na Praym Minister. Gayunpaman, parehong demokrasya ang pinaiiral ng
dalawang demokrasya ang pinapairal ng dalawang uri ng pamahalaan. Ang karapatan ng mamamayan,
kapayapaan at hustisya ay pangangailangan din sa dalawang anyo ng pamahalaan.

3. PAG-IISA-ISA O ENUMERASYON
 maaaring maglahad ng mga halimbawa na nabibilang sa isang uri o klasipikasyon.
May 2 Uri ito: siple at kumplikadong pag-iisa-isa.
a. Simpleng pag-iisa-isa-pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at
mahahalagang salita.
Halimbawa
Ang isang set ng computer ay binubuo ng mga ss: CPU, monitor, mouse, keyboard at AVR.
Ang mga opsyunal na bahagi nito ay ang printer at scanner. Ibig sabihin, maaring wala ang
mga kagamitang ito.

b. Kumplikadong pag-iisa-isa-pagtalakay sa pamaraang patalata ng pangunahing paksa at mga


kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa.
Halimbawa

Ang Computer Networking


Ang computer network ay interkoneksyon ng mga kompyuter na ginagamit ng mga tao sa
iisang lugar. Kalimitang ginagamit ang ganitong sistema ng mga kompanya upang mapadali ang
ugnayan o komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng information anumang oras at saan
mang panig ng mundo. Maraming ibat ibang organizasyon ang gumagamit ng mga kompyuter na
matatagpuan sa ibat ibang lugar maging sa ibang bansa.
Resource Sharing
Ang pinakauna sa lahat ng layunin ng networking ay ang pagkakaroon ng access o
pagkakataon na mabasa o makita ng bawat individwal ang ibat ibang informasyong aveylabol sa
network. Nangangahulugan lamang na sinuman ang may kailangan ng informasyon, malayo man
o malapit, ay kinakailangang mabigyan ng pagkakataon na makuha o makita ang informasyong
kanyang kailangan. Ang informasyon na makikita sa kompyuter ay likha sa ibat ibang panig ng
mundo. Tinatawag din itong load sharing
High Reliability
Ang ikalawang Layunin ng networking ay ang pagkakaroon ng high reliability o ng
pagkakaroon ng tupak o wastong informasyon. Ang isang informasyon ay maaaring makuha o
makita sa ibat ibang kompyuter na may interkoneksyon (multiple CPU’s) sakaling magkaroon ng
suliraning hindi inaasahan. Kapag nawala ang informasyon bunga ng pagkasira ng hardware, ang
back up na informasyon ay maaaring makuha sa ibang kompyuter na nakanetwork dito.
Ekonomi
Isa ring layunin ng networking ay ang pagtitipid. Sa kabuuan, ang teknolohiya ay patuloy
sa pag unlad sa pamamagitan ng pagdisenyo ng isang sistema na mas maliit ngunit mas mahusay
at efisyente. Ang mainframe ay sampung ulit ang bilis kaysa sa pinakamabilis na single chip
microprocessor ngunit napakataas ng halaga nito kung bibilhin. Bunga nito, nagdisenyo ang mga
programa ng isang sistema na maaring pag lagyan ng informasyon (file server).
Mabisang Paraan ng Komunikasyon
Ang kompyuter na nakanetwork ay isang mabisang daluyan ng informasyon para sa
maraming gumagamit nito saan mang panig ng mundo. Patunay ito na maaaring magpadala o
makatanggap ng elektronikong informasyon sa pamamagitan ng electronic mail. Maaari ring
makipag chat ng sabay sabay sa pamamagitan ng fasilidad ng internet na tinatawag na
videoconferencing o teleconferencing.

4. PAGSUSUNOD-SUNOD O ORDER

Ang paraang ito ay madaling maunawan dsapagkat sunod-sunod ang mga pagklalahad ng mga
kaisipan o ideya na siayng nagpapalinaw sa bumabasa. May dalawang batayang uri ito:

A. Sikwensyal-Kronohikal- sikwensyal ang isang teksto kung ito ay kinapapalooban ng serye ng


pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa na humahantong sa isang pangyayari na siyang
pinapaksa ng teksto. Samantala ang kronohikal naman ang teksto kung ang paksa nito ay mga
tao o kung ano pa mang bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol.

Halimbawa:

Halos lahat ng epiko ay nagtataglay ng mga sumusunod na pangyayari. Una, isisilang ang
isang bayani na sa murang edad pa lamang ay nagpapamalas nang mga kagila-gilalas na
kapangyarihan. Ikalawa, makikipagsapalaran ang bayani. Karaniwang sa isang digmaan
mapapasuong ang bayani. Ikatlo, magtatagumpay ang bayani at siya ay maibabalik sa kanyang
bayan. Sa ilang epiko, ang bayani ay iibig pa at magpakasal.

B. Prosidyural- ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang
inaasahang hangganan o resulta.

Halimbawa:
HAKBANG SA PAGLULUTO NG SOPAS

1. Ipakulo ang tubig kasama ang noodles.


2. Igisa ang bawang at sibuyas kasama ang manok, patis.
3. Lagyan ng margarin.
4. Ilagay ang gulay sa ginigisang sangkap.
5. Isalin ang lhat ng ginigisa sa pinapakuluang tubig. At lagyan ng gatas.
6. Pakuluin ng limang minuto at ihanda sa hapag kainan.

5. PROBLEMA AT SOLUSYON

Karaniwang inuunang talakayin ang problema bago ang solusyon sa hulwarang itobagamat
minsan ay ang kabalikan nito. Ang problema ay maaring panipunan o pang aghamna
nangangailangan ng solosyuon.

Halimbawa:

Napakataas ng presyo ng bilihin sa panahong ito. Kulang na ang badyet sa pang araw araw
dahil hindi naman tumaas ang sweldoo kinikita. Ang dating napagkakasyang salapisa iang araway
hindi sapat kaya kailangan magdagdag. Dahil ditto, kailangan magtipid ng buong mag anak. Kung
hindi naman kinakailangan ang isang bagay ay huwag nang ilaan ang pera rito bagkositabi ito para
makpag impk. Sakaling may bihlaang pangangailagan ay may madudukot na salapi.

6. SANHI AT BUNGA
Tinatalakay ang mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at mga epekto nito.

HALIMBAWA:
SANHI – mahabang panahong walang ulan o mahabnag tagtuyot.
BUNGA- pagkakaroon ng tag gutom o tag salat.

Iba pang halimbawa ng Sanhi at Bunga

Bakit may Polusyon sa Lupa?


Isa sa mga problema ng ating kapaligiran ay polusyon. Ang polusyon ay pangkalahatan.
Maraming mga isyu ang tungkol sa polusyon, kaya lang ang paksang tatalakayin ko ay tungkol sa
polusyon sa lupa.

Ang polusyon sa lupa ay may maraming mga sanhi. Isa sa mga sanhi nito ay ang
pagmimina. Ang pagmimina ay paghahanap ng mga mineral. Ang mga mineral na ito ay mahalaga
at napakamahal. Isang halimbawa ng mineral ay ginto.

Ang mga proyekto pang-Agrikultura ay isa sa mga dahilan. Ang agrikultura ay mabuti sa
atin kasi dito nakukuha ang mga tanim na kinakain natin, subalit ginagamit ng mga magsasaka ng
maraming fertilizers o pataba na may kemikal. Ang mga fertilizers na ito ay pwedeng magkalat ng
ibang sakit tulad ng kanser, problema sa balat, etc.
Ang paglalagay ng mga nakalalasong dumi at kemikal sa ating lupa ay isa ring sanhi.
Nakararating ang lason na dumi kasi tinatapon natin ang basura kahit saan na ang hangin at tubig
ay dinadala naman ito sa mga ibang lugar.

Ang mga epekto ng polusyon sa lupa ay napakaseryoso. Isa sa mga ito ay ang problema
sa kalusugan. Ang mga problema sa kalusugan ay tulad ng kanser (abnormal na pagtubo o paglaki
ng mga cells) problema sa balat, problema sa sistema ng paghinga, atbp. Ito ay nakahahawa at,
mapanganib dahil maraming maaring mangyari sayo. Ang pinakamalala nito ay kamatayan.

Ang pagkasira sa ating kapaligiran ay ang pangalawang epekto. Isang resulta nito ay ang
masangsang na amoy sa iba’t-ibang lugar. Ito rin ang dahilan ng pagkawala ng mga turista.

INDIBIDWAL NA GAWAIN: KLIPINGS NG MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO.


1. Maghanap ng tig-dadalawang halimbawa ng bawat uri ng tekstong impormatibo. Maaaring
manguha sa dyaryo, magasin o anomang babasahin na may halimbawa ng mga nasabing uri ng
teksto impormatibo. Iwasang gumupit ng mga halimbawa sa aklat. Maaari lamang manguha ng
halimbawa sa mga aklat kung ito ay ipapa-xerox, gugupitin at ididikit sa papel.
2. Gumamit ng 8.5 x 11 na sukat ng papel. May isang uri lamang ng tekstong impormatibo ang laman
ng isang papel. Tingnan ang pormat sa ibaba. Kung kukulangin ay maaaring gumamit ng isa pang
papel. Hanggang dalawang papel lamang ang pinahihintulutang gagamitin sa nasabing gawain.

INTENSIBONG PAGPAPAKAHULUGAN

HALIMBAWA

Paliwanag: (1-2 pangungusap na paliwanag bakit ito ay

halimbawa ng tekstong impormatibo na nasa


uri ng depinisyon)

EKTENSIBONG PAGPAPAKAHULUGAN

HALIMBAWA

Paliwanag: (1-2 pangungusap na paliwanag bakit ito ay

halimbawa ng tekstong impormatibo na nasa


uri ng depinisyon)

3. Ang paliwanag ay sulat-kamay lamang at hindi bababa sa 2 pangugusap ang ibibigay na


paliwanag.
4. Mahigpit na ipinagbabawal ang pangongopya o pagkakatulad ng mga halimbawa sa nasabing
gawain. Ang sinomang mapatutunayang nangopya o may katulad sa mga halimbawa ng uri ng
tekstong impormatibo ay hindi bibigyan ng marka.
5. Lagyan ng pabalat ang iyong klipings. Tingnan ang pormat sa ibaba.

KLIPINGS NG IBA’T IBANG URI NG TEKSTONG


IMPORMATIBO

<Dito isulat ang iyong pangalan at seksyon>

ALBERTINE R. DE JUAN JR., MAED, LPT


Guro

Font style-Arial
Font size-12, Bold

6. Inaasahan na magagawa ang nasabing gawain sa mga oras ng klase habang wala ang guro.
7. Ang nasabing klipings ay ipapasa sa 29 Nobyembre 2019, ganap na 7:30 NU lamang. Ang mga
mag-aaral na hindi makapagpapasa sa nasabing petsa at oras ay hindi na pahihintulutang
makapagpasa.

You might also like