You are on page 1of 1

Ang depresyon ay maaaring makasira ng pamilya, pagkakaibigan at personal na relasyon.

Ito rin ay maaring


makagambala sa pag asa, kaligayahan, at pangarap ng isang tao. Kadalasan ang mga taong nalulumbay ay nalulula sa
pagkabalisa at hindi humingi ng tulong sa iba. Ang iba dinadaan na lng nila sa mga bisyo kagaya ng pag inom ng alak,
paggamit ng droga, o kaya paggawa ng mga gawaing masama para lang maibsan ang kanilang damdamin, pero hindi nila
alam na ito ay lumala na pala. Maraming sintomas ang depresyon tulad ng kalungkutan, pagkapagod, pagkamayamutin,
pagkabigo, problema sa pagtulog, kawalan ng enerhiya, mababang pagpapahalaga sa sarili at marami pang ibang
dahilan. Ang mga taong nabubuhay na may depresyon ay nagpupumilit makahanap ng kasiyahan, tagumpay, o
kahulugan. Ang pinakamahalagang mga kadahilanan para makaiwas sa pagpapakamatay ay ang maagang
pagtuklas ng depresyon, ang paggamit ng tamang paggamot, at ang kasanayan sa paglutas ng problema. May
mga gamot na mabisa para sa depresyon, at isa na rito ang health care na nagbibigay ng mga psychological threatment.

PAKSA: Ang mga Negatibong Epekto ng Depresyon sa mga Kabataan

I. Pambungad (Katuturan ng depresyon)


II. Mga panganib na kadahilan ng pagkakaroon ng depresyon
A. Pisikal
1. Trauma
2. pag-abuso sa alkohol o droga
B. Sikolohikal
1. negatibong mga kaisipan at damdamin
2. Kalungkutan
3. sobrang nababahala o matigas ang ulo
C. Pangkapaligiran
1. pressure sa buhay, trabaho o pag aaral
2. pangungulila
3. mga problema sa relasyon
III. Sintomas ng Depresyon
A. Katawan
1. Mga hindi maipaliwanag na pagkirot o pananakit
2. Nabawasang enerhiya/kapaguran
3. Problema sa pagtulog at pagkain
B. Damdamin
1. Pagiging irritable
2. Kawalan ng halaga
3. Pangmatagalang kalungkutan
C. Pagkilos
1. Pagbalewala sa sarili/ pananakit sa sarili
2. Hindi naaangkop at madalas na pag-iyak
D. Pag-iisip
1. Mahinang memorya
2. Mababang tingin sa sarili
3. Pagsasalita ng negatibo sa sarili
4. Suicidal thoughts
IV. Paano maiwasan ang depresyon?
1. Mag ehersisyo, at pagkain ng maayos
2. Magkaroon ng bukas at positibong saloobin sa depresyon.
3. Aktibong humingi ng tulong upang malutas ang mga problema
4. Komunsulta sa eksperto

You might also like