pinararangalan naming ang mga Ama at nagpapasalamat kami sa Iyo para sa mabubuting bagay na kanilang ibinigay sa kanilang pamilya. Ang pagmamahal nila ay tanda ng Iyong banal na pagsuyo at pakikibahagi sa Iyong banal na pag-ibig. Salamin ng Iyong banal na pangangalaga ang patuloy nilang pagmamalasakit para sa pangangailangan at kapakanan ng pamilya. Kaya’t pinupuri Ka namin, Ama ng mga bansa sa pagpaparangal namin sa kanila. Pagkalooban mo sila sa araw na ito, at basbasan + ng Iyong katatagan at banal na kapangyarihan upang patuloy silang maging sagisag Mo. Sila nawa’y tulungan ng kanilang mga anak, sa kanilang banal na katungkulan bilang magulang, sa pagpapakita ng paggalang at ng taos-pusong pagmamahal sa kanila. Pagkalooban mo sila, Panginoon ng kaligayahan, upang sila na nag-alay ng buhay ay makapiling Mo, Diyos at Amang nasa langit sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. AMEN