You are on page 1of 2

“PANANAW NG MGA NAGTITINDA AT MGA MAG-AARAL HINGGIL SA KAKULANGAN

NG PASILIDAD NG CANTEEN”

LAYUNIN
 Tukuyin ko kung ano-ano ang mga problemang laging hinaharap ng mga estudyante
at nagtitinda sa kantina. Lalo pa ang ginawang alternatibong kantina ay isang waiting
shed kayat ito ay masikip at walang gaanong kalalagyan ng mga kagamitan ng mga
tindera da Kantina
 Makabuo ng rekomendasyon upang mapabuti ang sitwasyon ng mga estudyante at
nagtitinda sa kantina. Pag nakalap na ang resulta malalaman ang mga
recomendasyon ng mga studyante at mga nag titinda ang mga gusto nila sa
pamamagitan ng pananaliksik na ito.
 Pag katapos makuha ang mga rekomendasyon ng mga estudyante at mga nagtitinda
ito ay maging mapabuti at maging organisado na ang mga paninda at mga gamit sa
mga nagtitinda sa kantina. Gayundin, upang maging organisado ang mga
estudyanteng mamimili araw-araw.

METODO
Ang pananaliksik na ito ay isang Phenomological study na nakabase sa kwalitatibong
pananaliksik. Ang metodong gagamitin sa pagkuha ng mga respondente  ay sa
pamamagitan ng Convenience Sampling at Random Sampling. Ang mga respondente ay
kinabibilangan ng mga tindera at mga mag-aaral. Sa pagkuha ng mga respondente mula sa
mga tindera, ang gagamitin ay Convenience Sampling at sa pagkuha ng mga respondente
mula sa mga estudyante  ang gagamitin ay Random Sampling. Sa pagkuha ng datos sa
pananaliksik na ito ay sa pamamagitan ng direktang interbyu upang malaman kong ano-ano
ang mga pananaw ng mga respondete hingil sa kakulangan ng facilidad ng kantina

GAMIT
Tindera – Ang pananaliksik na ito ay maaaring magamit upang maipahayag ang mga
saloobin at pananaw ng mga tindera hinggil sa kakulangan ng facilidad ng canteen, lalo na
ang kanilang mga kagamitan. Maari ding magamit ang pananaliksik na ito upang
maipahayag nila ang kanilang mga rekomendasyon upang ang kanilang pagtitinda ay
mapabuti at maging organisado.
Estudyante – Ang pananaliksik na ito ay maaaring magamit upang malaman kung ano-
ano ang mga kahirapan na laging nararanasan ng mga estudyante kapag sila ay bumibili ng
pagkain, lalo na walang maayos na kantina ang paaralan at ang ginagamit na alternatibong
kantina ay ang waiting shed. Kaya ang mga hinanaing ng mga estudyante ay maaaring
marinig ng mga school coordinators sa pamamagitan ng pag-aaral na ito at maging
malaking pagkakataon para mabigyan ng aksyon.

Paaralan – Ang pananaliksik na ito ay maaaring malaking pakinabang upang malaman


ang mga problema na hinaharap ng paaralan at maaari itong bigyan ng solusyon sa
pamamagitan ng mga resulta na makakalap mula sa pag-aaral na ito. Kaya kapag na-
solusyonan ito, magiging mas maayos ang imahe ng paaralan at maraming mga
advantages ang maaring matamo kung ang isang paaralan ay mayroong maayos na
kantina.

ETIKA

1. Pagsasagawa ng liham sa canteen coordinator at mga guro sa mga mag-aaral na


masasangkot sa isasagawang pag-aaral, na nakasaad ang pahintulot na maaaring
magsagawa ng isang pag-aaral tungkol sa kakulangan ng pasilidad ng Canteen at
gayundin ang pahintulot na maging respondente ang mga tindera at mga mag-aaral.

2. Pagkakaroon ng pahintulot o consent mula sa mga tindera at mag-aaral upang maging


kasangkot sa pagsasagawa ng pananaliksik. Bago simulan ang pananaliksik, dapat na
maipaliwanag nang maayos sa mga tindera ang layunin kung bakit isinasagawa ang
pananaliksik.

3. Maging maingat sa pagprotekta sa privacy ng mga respondenteng kasama sa pag-aaral.


Kailangan pangalagaan ang karapatan ng mga respondenteng magpahayag ng kanilang
opinyon ng bukas at walang takot. Ang lahat ng personal na impormasyon at mga
detalye tungkol sa mga respondent ay dapat panatilihing pribado.

4. Pagiging tapat sa mga datos na nakuha mula sa mga respondente. Dapat ipakita ang
integridad sa pag-aaral at walang bahid ng bias o personal na pananaw. Kailangan
magpakita ng patas na pananaw sa mga resulta ng pananaliksik at hindi pumili ng mga
tindera na kakampi.

5. 5. Pagpapakita ng paggalang sa mga tindera. Kailangan igalang at respetuhin ang mga


pananaw ng mga respondent. Hindi dapat gamitin ang kanilang mga sagot para sa
personal na agenda o kahit anong uri ng diskriminasyon. Gayundin, hindi dapat pilitin
ang mga respondent sa pag-sagot sa mga tanong na maiiitanong ng mga mananaliksik

You might also like