You are on page 1of 3

Iniibig Ko Ang Wikang Filipino

Mula sa website na Pinayunlimited.wordpress.com

Ginulo mo ang isip ko sa paraang gusto ko


Pinilit ko mang umiwas ngunit sinuyo mo ako
Itinakas sa ‘king mundo dinala sa’yong palasyo
Aking nadarama hindi ito ordinaryo.

Hanap ko’y salita, angkop na salita


Sa paglalarawan nais ko sanang ipakita
Angkin mong kulay o kay iga-igaya
Bakit ang iba’y hindi ito makita?

Musmos nang ika’y unang makapiling


Ang makilala ka ng malalim yan ang aking hiling
Sana’y makita ka saan man bumaling
Akin kang makikilala gamitan man ng piring.
Naaalala mo ba galak ko sa paligsahan?
Unang sabak ko noon sa talumpatian
May pagdiriwang noon Agosto ang buwan
Nabigo man ang dilag ngunit ako’y may
natutunan.

Ang iyong pagkasilang ay dakila pala


Binuklod mo ang mga taong nais magkanya-kanya
Ikaw ang sinag na piniling di makita
Aming lampara sa dilim ng umaga.

O aking Wika nasa puso ka ba nila?


Sa tibukan ng buhay ko’y mabubuhay ka
Mahal ko ang Pilipinas at ang lahat sa kanya
Kaya ikaw Wikang Filipino di ka mag-iisa
1. Ano ang paksa ng tula?
2. Pumili ng isang saknong na iyong
naibigan at kopyahin ito. Ipaliwanag
ang kaisipan o mensahe ng saknong
na iyong napili.
3. Ibigay ang kahulugan ng mga
sumusunod na salita:
 Sinuyo
 Bumaling
 Hiling
 Sinag
 Piring
 Lampara
 Musmos
 Galak

You might also like