You are on page 1of 12

Banghay Aralin

Sa
Edukasyon sa Pagpapakatao
8

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nalalaman ang kahulugan at uri ng emosyon.
b. Napapahalagahan ang paggamit ng mga emosyon sa pang araw araw na
pamumuhay.
c. Naisasagawa ang mga kilos upang mapamahalaan nang wasto ang emosyon.

II.Paksang Aralin
a. Paksa: Emosyon
b. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Modyul para sa mag-aaral)
c. May akda: Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie
Aielle S. Lagarde, Marivic E. Leano, Eugenia C. Martin, MArie Ann M. ong at Rheamay
T. Paras
d. Kagamitan: Powerpoint, Laptop
e. Pagpapahalaga: Paggamit ng emosyon sa tamang paraan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

Panalangin
Maaari mo bang pangunahan ang ating panalangin ( pangalan ng estudyante)

Pagbati
Isang magandang hapon Grade 8.
Bago tayo magumpisa maaaring pakibasa ang ating online classroom rules ( pangalan ng
estudyante)
Pagtatala ng lumiban at pumasok sa klase
Itype sa chat pane ang inyong pangalan para sa inyong attendance ngayon araw.

Pamukaw sigla
Bago tayo dumako sa ating talakayan mayroon muna akong inihandang pamukaw sigla para
magising ang ating mga diwa.

Wellness Dance 2014

Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa ating bagong aralin ngayon araw atin munang balikan ang ating tinalakay
noong nakaraang paksa natin.
Ano nga ba ang ating paksa noong nakaraang linggo?
Paksa: Pagkakaibigan
Ano nga ba ang ating tinalakay patungkol sa pagkakaibigan?
Mahusay!

Takdang Aralin
Ang lahat ba ay nakapagpasa na ng takdang aralin sa Edmodo?
Mahusay!

Pagganyak
Para sa ating unang aktibidad mayroon akong inihandang mga graphic interchange format o GIF
na kung saan inyong tutukuyin kung ano ang pinapakita nito. Ito ay maaaring makapagbigay din
ng ideya kung patungkol saan ang ating paksa ngayong araw.

Malungkot

Nagulat
Masaya

Galit

Umiiyak

Paghawan ng Sagabal
Mayroon akong inihandang mga salita na ating bibigyang kahulugan dahil maaaring makagulo sa
inyong isipan sa ating talakayan.

Panuto:Piliin sa loob ng kahon ang tamang kasagutan.


1. Fortitude Hadlang
2. Prudence Kahinahunan
3. Emosyon Katatagan ng loob
4. Balakid Nararamdaman ng tao
5. Scheler Dy Gumawa ng apat na uri ng damdamin

Susi ng kasagutan
 Kahinahunan
 Katatagan ng loob
 Nararamdaman ng tao
 Hadlang
 Gumawa ng apat na uri ng damdamin

Paglalahad
Mayroon akong inihandang video clip na kung saan makakakuha kayo ng ideya kung patungkol
saan ang ating tatalakayin ngayong araw.
Ngunit bago ninyo mapanuod ang video inyong basahin muna ang alituntunin sa panunuod at
mga gabay na tanong na inyong sasagutin pagkatapos ninyo mapanuod ang video clip.
Alituntunin sa panunuod:
- Makinig at manuod ng mabuti
- Huwag mag-ingay
- Magtala ng mahalagang Impormasyon.
Gabay na tanong:

1. Ano ang inyong napansin sa video clip na inyong napanuod?

2. Ano ang mensahe na pinapahiwatig ng video clip?

"MGA EMOSYON SONG"


Pagtatalakay
Emosyon
- Ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao.

- Ang damdamin o emosyon ay nararamdaman natin sa ating puso. Maraming uri ng


pakiramdam, maaring magbago ito depende sa sitwasyon o pagkakataon.

May apat na uri ng damdamin ayon kay Scheler Dy


1. Pandama (Sensory Feelings)
- Tumutukoy sa limang karamdamang pisikal (five senses) o mga panlabas na pandama na
nakapagdudulot ng
panandaliang kasiyahan o paghihirap.
Halimbawa. Pagkagutom, Kalasingan, pagkauhaw, kasiyahan, sakit

2. Kalagayan ng Damdamin (Feeling State)


- May kinalaman sa kasalukuyang nararamdaman
ng tao.
Halimbawa: Kasiglahan, Katamlayan, may gana, walang gana

3. Sisikong Damdamin (Psychical Feelings)


Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kanyang paligid ay naimpluwensyahan ng kasalukuyang
kalagayan ng kanyang damdamin.
Halimbawa: Sobrang tuwa, kaligayahan, kalungkutan, kasiyahan, pagdamay, mapagmahal, poot.

4. Ispirituwal na damdamin (Spiritual Feelings)


- ayon kay Dr. Manuel Dy Jr. Ito ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan.
Halimbawa: Pag-asa, pananampalataya
Talaan ng mga Pangunahing emosyon hango sa aklat ni Esther Esteban (Education in Values,
What, why, and for Whom 1990, ph 51

Ano ang pinapakita sa larawan? Kayo ba ay pamilyar rito?


Isang pelikula na nagpapakita ng iba’t ibang emosyon ng isang tao.

POSITIBO

Pagmamahal (Love)
Paghahangad (Desire)
Pagkatuwa (Joy)
Pag-asa (Hope)
Pagiging Matatag (Courage)

NEGATIBO
Pagkamuhi (Hatred)
Pag-iwas (Aversion)
Pagdadalamhati (Sorrow)
Kawalan ng Pag-asa (Despair)
Pagkatakot (Fear)
Pagkagalit (Anger)
Ayon kay Feldman (2005, ph.346) sa pamamagitan ng emosyon ay:
a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang
paligid at nabibigyan ito ng katuturan ng kaniyang isip. Kung ikaw ay binantaan ng iyong
kamag-aral na sasaktan paglabas ng paaralan ang karaniwang mararamdaman ay takot. Dahil sa
naramdaman mong takot ikaw marahil ay
agad na aalis upang hindi na kayo
magpang-abot.

b. Nakatutukoy ng higit na angkop na


kilos kung sakaling maramdaman
muli ang damdamin. Nakapag-iingat at
nakaiiwas ang tao sa posibleng panganib
na dala ng sitwasyong nararanasan sa
sarili at sa kapwa.
c. Nagagamit sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang
pagpapahayag ng emosyon ay maaaring marahan o lantad tulad ng ekspresyon ng iyong mukha,
pagsuntok sa pader, pag-iyak, o pagtawa nang malakas. Sa pamamagitan ng emosyon,
naipababatid natin ang tunay nating nararamdaman at naipahihiwatig ang mga pangangailangan
natin at inaasahan mula sa iba.
Ang mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa
ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong may krisis, suliranin o pagkalito. Ngunit hindi
lahat ay sapat ang kakayahan upang mapamahalaan ang kanilang
emosyon.

Tandaan:
Kailangan pairalin ang mga birtud na Katatagan ng loob (Fortitude) at kahinahunan
(Prudence) sapagkat
ito ang nagbibigay sa tao ng kakayahan na malampasan ang kahirapan, labanan ang tukso at
pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay.

Paglalahat
Ano ang ibig sabihin ng huwag magpadala sa emosyon baka lumagpas ka sa limitisyon base sa
inyong pagkakaunawa?

Ano ang apat na uri ng damdamin?


Pandama (Sensory Feelings)
Kalagayan ng Damdamin (Feeling State)
Sisikong Damdamin (Psychical Feelings)
Ispirituwal na damdamin (Spiritual Feelings)

Mga pangunahing emosyon


POSITIBO
Pagmamahal (Love)
Paghahangad (Desire)
Pagkatuwa (Joy)
Pag-asa (Hope)
Pagiging Matatag (Courage)

NEGATIBO
Pagkamuhi (Hatred)

Pag-iwas (Aversion)
Pagdadalamhati (Sorrow)
Kawalan ng Pag-asa (Despair)
Pagkatakot (Fear)
Pagkagalit (Anger)
Paglalapat
Panuto: Tukuyin ang emosyon na angkop sa bawat sitwasyon. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

Pagmamahal
Pag-iwas
Pagkagalit/Inis
Pagkatakot
Pagkagalak
1. Naku! Nandyan na naman ang laging nanunukso sa akin. Huwag ninyo ako ituturo sa kaniya.
2. Tiyak na matutuwa si inay dahil mataas ang aking marka!
3. Naku! Ang dilim na ng kalsada na ating daraanan baka may multo diyan!
4. Mother's Day na sa Linggo ating sopresahin si nanay!
5. May ginagawa ako dito ginugulo mo ako!
Kasagutan:

Pag-iwas
Pagkagalak
Pagkatakot
Pagmamahal
Pagkagalit/Inis

Pangkatang Gawain
Let’s Play
Charades

Alituntunin sa paggawa:
- Magkaroon ng kooperasyon
- Isagawa ng maayos ang aktibidad

Panuto: Pumili ng isang kinatawan sa bawat grupo na magsasagawa ng salitang ipapahula.


Paramihan ng salitang mahuhulaan sa loob ng dalawang (2) minuto.

Girls
- Positibong mga emosyon
Boys
- Negatibong mga emosyon

Pagsasabuhay
Mga katanungan:

1. Bilang isang mag-aaral sa paanong paraan mo naipapakita ang tamang paggamit ng iba't ibang
emosyon?

2.Anong emosyon ang kadalasan ninyong napapakita sa ibang tao?

IV. Ebalwasyon (Edmodo)


Mayroon akong inihandang maikling pagsusulit na kung saan ating susubukin ang inyong
kaalaman batay sa ating tinalakay ngayong araw.
Panuto: Isulat ang "Bongga" kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at "Bokya" kung mali.
1. Ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao.
2. Nararamdaman muna ang mga pagpapahalaga bago mahusguhan ang mga ito.
3. Sa gitna ng pagkabalisa at agam-agam, mahalagang pairalin ang galit sa puso.
4. Sa gitna ng galit at matinding pagdaramdam, pairalin ang kahinahunan.
5. Ang wastong pamamahala sa emosyon ay magdudulot ng kabutihan sa sarili at sa
pakikipagkapwa.

Susi ng kasagutan
1. Bongga
2. Bongga
3. Bokya
4. Bongga
5. Bongga

V. Takdang Aralin (Edmodo)


1. Gumawa ng isang komiks na nagpapakita ng iba't ibang emosyon sa bawat scenario. Ilagay sa
short bond paper at kukunan ng litrato. Ipasa sa edmodo.
2. Sagutan sa inyong kwaderno ang aktibidad sa pahina 200-202 ng inyong Edukasyon sa
Pagpapakatao na libro.

You might also like