You are on page 1of 2

Nagbabagsakan Dito: Pulitika, Nasyonalismo, at Wika sa Filipino Rap Music

Kabanata 3
Metodolohiya ng Pananaliksik
Sa kabanatang ito ay tinatalakay ang disenyo ng pananaliksik, sampling,
respondente ng pananaliksik, mga instrumentong gagamitin, at data analysis.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng kwalitatib na uri ng pananaliksik. Ang
kwalitatibong pananaliksik ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin
ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na
gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng
tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga
panlipunang realidad gaya ng kultura, intitusyon, at ugnayan pantao na hindi maaaring
mabilang o masukat. Ang uri ng kwalitatibong pananaliksik na ginamit ay content analysis.
Ito ay isang teknik na ginagamit sa pagtukoy ng isang salita, tema, o konsepto sa loob ng
isang tekstwal na datos. Dito, ang mananaliksik ay nakatutukoy at nakasusuri ng
presenya, kahulugan, at relasyon ng mga salita, tema, at konseptong ito.
Nais ng mga mananaliksik na alamin kung paano naipapahayag ang pulitika at
nasyonalismo sa mga Filipino rap song, suriin kung paano naaapektuhan ng wika ng rap
music ang wikang Filipino, at mabatid ang kahalagahan ng rap music sa ating wika at
kultura. Ang rap music ay bahagi ng sining at sibika ng mga Pilipino, hindi ito basta isang
genre lamang. Malalim ang mga mensaheng nakapaloob sa mga liriko nito na marapat
nating suriin upang malaman kung paano natin ito mapapakinabangan at magagamit sa
ikakaangat ng lahat.

Sampling
Humanap ang mga mananaliksik ng mga Filipino rap song na naglalaman ng
mensaheng may kinalaman sa pulitika at nasyonalismo. Ito ang mga sumusunod: "Mga
Kababayan Ko" ni Francis Magalona, "Hari ng Tondo," "Magda," at "Sirena" ni Gloc-9, at
"Bayang Di-Magiliw" ni Hambog Ng Sapro.

Respondente ng Pananaliksik
Upang masagot ang ikatlong tanong sa Pahayag ng Problema na, "Bakit mahalaga
ang rap music sa ating wika at kultura?", magsasagawa ang mga mananaliksik ng interbyu
sa mga estudyante at guro ng Grade 11-HUMSS sa Pantalan Senior High School. Pumili
sila ng dalawang guro ng HUMSS strand, babae at lalaki, at limang estudyante, tatlong
lalaki at dalawang babae, na kasalukuyang nasa ika-11 baitang at nag-aaral ng HUMSS
strand sa Pantalan Senior High School.

Instrumentong Gagamitin
Pagbasa - Binasa ng mga mananaliksik ang liriko ng mga napiling Filipino rap songs
nang dalawang beses. Idinokumento nila ang mga tema at paksang napansin sa isang
journal o kwaderno. Sa unang beses na pagbasa, hinanap ng mga mananaliksik ang mga
lirikong may kinalaman sa pulitika. Sa ikalawa at panghuling beses na pagbasa, sinuri ng
mga mananaliksik ang mga lirikong naglalaman ng nasyonalismo. Ang mga karagdagang
tema na naobserbahan ay inilista rin at ipapaliwanag ang mga ito sa Kabanata 4.
Interbyu - Ang interbyu ay planado at pinaghandaang interaksyon na naglalayong
magtanong sa mga respondente at tumanggap ng inaasahang sagot. Ito ay isang "one-on-
one" na pag-uusap sa pagitan ng isang interviewer, ang nagtatanong, at isang
interviewee, ang tinatanong.

Data Analysis
Ang thematic analysis ay ang proseso ng pagtukoy ng mga pattern o tema sa loob
ng qualitative data. Iminumungkahi ni Braun & Clarke (2006) na ito ang unang paraan na
dapat matutunan dahil "...nagbibigay ito ng mga pangunahing kasanayan na magiging
kapaki-pakinabang para sa pagsasagawa ng maraming iba pang uri ng pagsusuri" (p. 78).
Ang layunin ng isang thematic analysis ay tukuyin ang mga tema, ibig sabihin, ang mga
pattern sa data na mahalaga o kawili-wili, at gamitin ang mga temang ito upang tugunan
ang pananaliksik o magsabi ng isang bagay tungkol sa isang isyu.

You might also like