You are on page 1of 4

METODOLOHIYA

Ang bahaging ito ay naglalahad ng iba’t ibang pamamaraan na ginamit


upang makumpleto ang pangangalap ng datos at pamamaraan ng pagsusuri
ng pag-aaral na kinapalooban nng mga prosesong pagsagot sa pahayag ng
suliranin, ang lugar kung saan isinagawa ang pananaliksik, at ang
instrumenting ginamit sa pangangalap at pagsusuri ng datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay deritsahang pumili ng mga awitin na angkop sa


kanilang layunin. Upang makalikom ng datos, nagsagawa ng isang sampling
ang mananaliksik at ito ay ang convenience sampling. Naniniwala ang
mananaliksiksik na ang disenyong ginamit ay akma sa paksang ito dahil mas
mapadali ang pagpangalap ng datos at ito ay mas mabisa kung ito ay
naisasagawa sa ganitong paraan.

Ang disenyong gagamitin sa pananaliksik na ito ay isang kwalitatibo.


Ang kwalitatibong pananaliksik ay angkop sa pag-aaral na ito dahil layunin
nito na maunawaan ang mga kaisipan, tema, at mensahe na nakapaloob sa
mga piling akda ni Freddie Aguilar. Ang mga datos ay susuriin sa
pamamagitan ng pagkuha sa mga liriko ng mga piling awitin na nakabatay sa
mga teoryang gagamitin sa pananaliksik. Sa pamamagitan nito, mas
maipapakita kung paano naging bahagi ang mga akda ni Freddie Aguilar sa
pagpapalaganap ng makabayan at makataong pananaw.

Ayon kay Creswell (2012), ang kwalitatibong pananaliksik ay isang


paraan upang tuklasin at maunawaan ang kahalagahan na ibinibigay ng mga
tao o grupo sa isang suliraning panlipunan. Ang proseso ng pag-aaral ay ang
pagsusuri sa mga liriko ng mga piling awitin ni Freddie Aguilar at isa-isahing
ihanay batay sa teoryang ilalapat ditto. Ang mga datos na makukuha ay
nakabase sa kung anong mensahe ang nais na iparating mula sa mga liriko
na makatutulong sa pananaliksik.
Ang kwalitatibong pamamaraan ng pagkuha ng mga datos ay
inangklahan ng Content Analysis. Ito ay ang pagsusuri sa mga nilalaman ng
mga piling awitin, mula sa liriko, melodiya, emosyon, panahon, karanasan at
base sa mga teorya o pagdulog na gagamitin sa pag-aaral. Ang pagsusuri sa
nilalaman ay isang kagamitan sa pananaliksik na ginagamit upang matukoy
ang pagkakaroon ng ilang mga salita, tema, o konsepto sa loob ng ilang
ibinigay na datos. Gamit ang pagsusuri sa nilalaman, masusuri ng mga
mananaliksik ang presensya at mga kahulugan ng mga salita.

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang desinyong gagamitin sa


pag-aaral ay akma sa paksang ito dahil mas mapadali ang pangangalap ng
datos at ito ay mas mabisa kung ito ay naisasagawa sa ganitong paraan.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gagamitan ng teoryang kontekstwal, ang


pangkalahatang teorya na ginamit sa pagsusuri ng piling awitin ni Freddie
Aguilar. Ang limang teorya ay realismo, bayograpikal, sosyolohikal, at
teoryang resepsyon. Ang apat na teoryang ito ay inangkla ng mananaliksik sa
pangkalahatang teorya na ginamit.

Proseso sa Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ang mismong kakalap ng mga datos. Upang


makakuha ng datos ukol sa paksang “Kontekstuwal na Pagsusuri sa mga
Akda ni Freddie Aguilar Tungo sa Pagpapalaganap ng Makabayan at
Makataong Pananaw”, ang mananaliksik ay magsusuri ng mga liriko ng mga
awiting napili mula sa akda ni Freddie Aguilar batay sa mga teoryang inilatag.

Ang mga awitin ay isa-isang kukunan ng mga mananaliksik ng mga


liriko na angkop sa mga teorya at ihahanay ito kung saan ito nabibilang.
Pagsasaayos ng Datos

Sa gagamitin ng mga mananaliksik na kwalitatibong pamamaraan sa


pagkuha ng mga datos, ang pagsusuri ay mag-isa-isa sa mga liriko ng awitin
batay sa kung saan ito nabibilang na teorya o ispesipikong batayan nito. Ang
bawat liriko ng bawat kanta ay dapat na magkaugnay sa kung anong teorya
ang naging batayan nito. Ang mga pagsusuri ng mga liriko ay dapat na makita
sa tamang hanay o talahanayan na mayroong legend para mas maintindihan
at malinaw ang impormasyong makukuha rito.

Sa pamamagitan ng tahanayan at isa-isang pagsuri sa mga liriko ng


mga awitin, ditto pa malalaman kung ang mga mensahe mula sa mga awitin
ay makukunan ba ng importansiya at may kaugnayan bas a layunin ng pag-
aaral na makasasagot sa inilatag na mga suliranin.

Pag-aanalisa ng Datos

Sa pag-analisa ng datos, gagamit ang mga mananaliksik ng


konstektwal na pamamaraan. Sa konstektwal na pamamaraan nakaangkla
ang teoryang sosyolohikal, teoryang realismo, teoryang resepsyon, at ang
teoryang bayograpikal.

Ang kontekstuwal na pamamaraan na gagamitin sa pananaliksik ay


ang pagkuha ng mga nilalaman o datos batay sa paraan ng pagkakagamit ng
mga salita sa bawat liriko ng mga awitin na pinili ng mga mananaliksik. Sa
gagawing pagsusuri mas mainitindihan ang konteksto na mayroon ang mga
awitin na siyang makatutulong sa marami upang mas maliwanagan kung ano
atlaga ang mga mensahe na nais ipabatis ng isang awitin mula sa kung
paano ito naisulat at naipalabas ng may-akda.

Sa Teoryang Sosyolohikal makikita at malalaman ang mga


mensaheng panlipunan na hatid ng mga awitin ni Freddie Aguilar. Ang mga
awitin ding ito ang magpapabukas sa maraming tao kung ano talaga ang
nangyayari sa paligid na makakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay.

Ang Teoryang Realismo, ang layunin sa paggamit nito ay upang


ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Ang mga mananaliksik ay makakakuha ng mga datos at ideya mula sa iba
pang eksperto ukol sa kung ano ang makatotohanan mula sa mga sinasabi
ng kanta sa pang-araw-araw na buhay o realidad ng buhay. Ang panitikan ay
hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang
ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang isinulat.

Ang paggamit ng teoryang resepsiyon ang maghahatid sa pag-aaral


na ito ng totoong epekto at damdamin na hatid ng mga awitin sa mga tao.
Ang pagsusuri ng kanta ang mas magpapakita sa mga mahahalagang liriko
na dapat na maunawaan at maramdaman ng mga tao. Ang damdamin o
emosyon, pati na ang epekto nito sa isang katauhan ay malaking ambag sa
kung ano ang nais na maabot ng may-akda bago pa man niya maiplabas ang
mga awitin.

Makakatulong din ang Teoryang Bayograpikal sa mga mananaliksik


para sa pag-aaral na ito. Ang teoryang ito ay ang pag-alam sa pagkatao ng
mang-aawit o may akda ng awitin ng sa gayon mas maliwanagan kung bakit
ang mga naisulat at inawit nito ay may naiibang mensahe.

Sa pagkasunod-sunod na pag-analisa ng mga datos gamit ang mga


teoryang nasa itaas, malalaman ang mensahe, liriko, at damdamin ng mga
kanta pati na rin ang manunulat ng mga napiling awitin. Ang pinakapokus ng
pananaliksik ay ang pag-alam sa kung ano ang epekto ng mga kanta sa mga
salik ng pananaw, panahon, at karanasan.

You might also like