You are on page 1of 2

Kabanata III

METODOLOHIYA

Ipinakikita sa bahaging ito ang prosesong ginamit sa pagsusuri sa awiting Sisikat

Ka Iha ng Bita and the Botflies. Kabilang din sa nilalaman nito ang disenyo at

instrumentong ginamit sa pagtukoy sa mga makatotohanang pangyayaring ipinababatid

sa mensaheng kalakip ng bawat awitin.

Disesnyo ng Pananaliksik

Isang uri ng Descriptive o Palarawan ang disenyo ng pananaliksik na ito na

naglalayong ilahad at tukuyin ang pananaw na nakapaloob sa awitin ng banda. Layunin

din nitong tukuyin ang mga suliraning panlipunan, kultura at kaugaliang Pilipinong

nakapaloob sa awitin ng banda. Pagsusuring pangnilalaman sa piling awitin ng bandang

Bita and the Botflies ang pamamaraang ginamit.

Paraan ng Pagkalap ng Datos

Matapos ang masusing pag-aanalisa sa mga nakalap na datos, masinop at maayos

na itinala ng mga mananaliksik ang impormasyong nakuha mula sa awitin. Pinili at

kinuha ng mga mananaliksik ang mga pahayag at linyang kinakitaan ng mga kaugaliang

Pilipino, suliraning panlipunan, kultura at mga paksa. Pinagsama-sama ang bawat

obserbasyon upang makagawa ng isang kabuuang resulta.

Instrumento ng Pananaliksik

Lumikha ng pamantayan para sa pagpili ng awiting susuriin ang mga

mananaliksik. Binasa ng mabuti ang awitin at sinuring nang mabuti upang bigyan ng

pokus ang awitin nagpapabatid ng mga suliraning naitalha ng mga mananaliksik. Ginamit
ng mga mananaliksik ang masinsinang pagbasa upang lubos na masala ang bawat awitin

at ito rin ang naging materyal ng mga mananaliksik sa pagsagawa ng pananaliksik.

Pinagsama-sama ng mga mananaliksik ang mga ideya ng mga ito at isipan upang

mabigyan ng masining na paglalarawan ang awiting bibigyan ng pag-unawa kalakip sa

hinahanap na suliranin sa awitin. Sa pagbibigay ng interpretasyon sa awitin, ginamitan

din ito ng masinsinang pagbabase sa mga suliraning nagaganap sa tunay na buhay.

You might also like