Ang pag-aaral na ito na pinamagatang” DALIT :SAYAW NG MGA TUNGIBANON “.
Naglalayong suriin at alamin ang mga naratibo sa likod ng mga sayaw sa Dalit Festival. Inaalam din king paano ito isinasagaw ang mga sayaw at kung ano ang simbolong o kahulugan ng bawat kilos, galaw, o indak Pati na ang mga kagamitang gamit sa mga sayaw na ito. Upang maisakatuparan ang mga layuning nabanggit, sinikap ng mga mananaliksik na masagutan ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang Dalit Festival? Sino-sino ang mga kalahok? (2) Ano- ano ang mga kwento sa likod ng mga makukulay na sayaw na ito? (3) Ano kahulugan o simbolo ng mga indak o galaw, kagamitan at kasoutan ng mga kalahok? (4) Paano ipinapakita o isinasagaw a sa mga makukulay na sayaw ang naratibo go nakapaloob dito?. Disenyong kwalitatibo ang ginamit sa pananaliksik at deskritibong pamamaraan sa pag- aanalisa ng datos. Ginagamit ang snowball sampling at bumuo ng kraytirya paramapadali ang paghahanap sa mga important. Inipon ang mga nakuhang datos at nagkaroon ng transkrispong at pagsusuri. Nakakolekta ng dalawampu’t dalawang (22) naratibo na makikita sa mga sayaw sa Dalit Festival mula sa mga paaralan ng Siyudad ng Tangub na siyang may talong (3) mahahalagang sangkop ang Dalit Festival. Ito ang Panalangin (prayer), Pagpupuri (praise) at Pasa salamat (Thanksgiving). May walong (8) karaniwang galaw na man sa makikita sa bawat sayaw. Ito ay Pagtaas ng Kamay, Pagdapa, Pagwagayway ng Kamay, Pagtalon at Pagtingala sa Kalangitan. Naging konklusyon ng mga mananaliksik ay (1) Isinasagaw a ng bawat lugar sa tulong ng kanilang pamahalaan bilang passalamat sa kanilang Pintakasi ( patron Saint). (2) Bawat sayaw ay may naratibong gustong ipakita sa lahat ng Manonood. (3) Ipinapakita sa bawat indak at galaw ng katawan, Mata, kamay, mga daliri at paa ang mga naratibong ipinahayag ng bawat sayaw. Ang naging result sa pananaliksik ay (1) Pag-aralan pa ng mga sayaw ng Dalit Festival sa taong 2010 pababa. (2) Alamin ang mga simbolong nakapaloob sa mga naratibo ng bawat sayaw. (3) Paghambingin ang Dalit Festival aa iba pang festival na makikita sa Mindanao.