You are on page 1of 3

GECS 10 – Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Mga miyembro ng pangkat sa pananaliksik

1. Joseph, Ma. Nathaniela Q.


2. Ramos, Jamaica
3. Lopez, Francis
4. Perfecto, Erika
5. Gutierrez, Kenneth
Pamagat ng mga itinakdang sulatin sa pangkat:
A. Trabaho, Paglimot at ang Alagad ng Sining: Pagiging Tao sa ‘Di Makataong
Mundo

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang dalawang sulating nakatakda sa


pangkat.

1. Isulat ang pangunahing suliraning tinugunan ng pananaliksik. (5 puntos/pag-aaral)

A. Ang pangunahing suliranin na tinutugunan ng pananaliksik ay ang paglimot ng taong


bayan sa kultura, pagkatao, at sining ngayon.

2.. Isulat ang teoryang pampananaliksik na ginamit sa pag-aaral. Ipaliwanag ang kaangkupan
nito. (3-5 pangungusap) (10 puntos/pag-aaral)

A. Ang teoryang pananaliksik na ginamit sa pag-aaral ay Marxismo at Globalisasyon,


Nasyonalismo. Ipinapakita dito na ang trabaho ay maaring maging dahilan ng
pagkalimot sa iyong Nasyonalismo. Tinatalakay sa pag-aaral na ang “corporate
world” ay siyang nagiging dahilan ng pagkalimot natin sa ating sariling lenggwahe at
kultura. At nang dahil sa neoliberalismo at globalisasyon nalilimitahan ang paglikha
ng sining.
3. Tukuyin at ilarawan ang metodolohiya at disenyong ginamit sa pananaliksik. Ipaliwanag ang
kaangkupan nito sa pag-aaral. (10 puntos/pag-aaral)

A. Kwalitatibo ang metodolohiyang ginamit at deskriptibo o palarawan naman ang


ginamit para sa disenyo ng pananaliksik. Sa pamamagitan ng metodolohiya at disenyo
ng pananaliksik na ginamit naging malinaw para sa mga mananaliksik na ipahayag o
ilarawan ang layunin na nais iparating ng paksa na kanilang ginamit. Sa tulong din ng
metodolohiya at disenyo ng pananaliksik na ginamit ay naibigay ng mga mga
mananaliksik ang kanilang mga naging respondante, ang metodo na kanilang ginamit
para maisakaturapan ang pananaliksik, ang mga ginawa nilang pagsusuri at ang mga
angkop na kasagutan o rason sa kung ano nga ang naging sanhi para sa pagkalimot ng
isang empleyado o trabahador sa kanyang sarili, pangarap, sining, kultura at iba pa.

4. Tukuyin at ilarawan ang: 1. Tagatugon/pinagkunan ng datos 2. Pinagganapan ng pag-aaral

3. panahon ng pag-aaral (3 puntos bawat bilang/pag-aaral)

1. Ang mga respondente ay yaong mga indibidwal na kumukumpleto ng isang sarbey o


panayam para sa mananaliksik; o kung sino ang nagbibigay ng data na susuriin para sa
pananaliksik na pag-aaral. Ang mga tumugon ay maaaring maging anumang edad,
ngunit tinutukoy ng saklaw ng pag-aaral, at dapat sumang-ayon sa may-kaalamang
pahintulot na lumahok. Ang respondente sa pananaliksik ay ang may-akda mismo;
naranasan niya habang inilalarawan niya ang sitwasyon bilang isang manggagawa o
isang artist, kung saan ang mga manggagawa sa Pilipinas ay nagsusumikap para sa
pananalapi habang sila ay nagdurusa sa gutom. Ang pinagmumulan ng data na ginamit
sa pananaliksik ay higit sa lahat ay isang self-experience journal; inilalarawan ng may-
akda ang karanasan bilang isang manggagawa sa Pilipinas
2. Pagganap ng pag-aaral
Layunin ng pananaliksik na ipakita ang kakulangan ng mga benepisyong pinansyal
bilang isang manggagawang Pilipino. Habang ipinakita ng mananaliksik ang kanyang
karanasan habang isinusulat ang kanyang datos sa isang journal, nalaman niya ang
ilang dahilan kung bakit mahina ang memorya ng mga manggagawang Pilipino; mula sa
mga eksperto at ang karanasan sa kabuuan ng kanyang research paper. Ayon sa kanya,
napatunayan ang mga sinabi niyang dahilan kung bakit may mga taong mahina ang
memorya kaya naaapektuhan ang kanilang trabaho.
3. Panahon ng pag-aaral ay nakabatay noong 1963
5. Tukuyin at ilarawan ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos.(5 puntos/pag-
aaral)

A. Ang instrumenting ginamit sa pangangalap ng datos ay Tekstwal analisis at Etnograpiya, sapagkat


ang pananaliksik ay direktang naka ayon sa obserbasyon at may layunin na nagtatala ng mga
kultural na gawi at panlipunang pag-uugali, mga desisyon at mga pagkilos ng iba't-ibang grupo ng
tao. Naglalarawan ito sa detalye ng kasaysayan, kaugalian, tradisyon, mitolohiya, paniniwala,
wika, talaangkanan, kasanayan,kultura o mamamayan ng mundo.

6. Isa-isahin ang mga pangunahing hakbang na ginawa ng mananaliksik sa pagkalap ng


datos hanggang sa paglalapat/pagtratong estadistikal (kung mayroon). (10 puntos/pag-
aaral)

A. Ang mananaliksik ay kumuha ng datos mula sa iba’t ibang aklat, dokumento at sanaysay. Sa
pagpoproseso ng mga datos, ginagamit ng mananaliksik ang mga ito upang mas
mapatunayan at mabigyang linaw ang suliranin sa pananaliksik. Maaaring ipagpalagay na
ang datos ng pananaliksik na ito ay isinulat dahil ito ay may kaugnayan sa nakalimbag na
dokumento. Kabilang dito ang mga libro, pelikula at iba pang publikasyon.

Kapansin pansin din na sa unang pag-aaral ng pananaliksik na ito ay tumatalakay sa


intelektwal sumunod ay historical at naiugnay ito sa isa pang pag-aaral sa pamamagitan ng
ka katanungan at pagbibigay ng isang kongretong kasagutan. Nakasaad dito ang ilang
pagbabago sa kultura ng isang tao kabilang dito ang mga nasa “corporate world” sa
pamamagitan ng mga pag-aaral na nakalap sa iba’t- ibang batis ay nagkaroon ang
pananaliksik ng kabuuang kongklusyon

You might also like