You are on page 1of 13

KABANATA I

Tesis na Pangungusap

Panimula

Sa pagdaan ng panahon, parami nang parami at palawak nang palawak ang mga

naiimbentong mga makabagong teknolohiya para sa mga makabagong henerasyon. Ang

teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at

paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng

mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham

at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na

ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man,

isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento katulad ng gulong. Sa

isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang

kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan

upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa

gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman

dito. Isa na dito ay ang mga gadyets. Sa pag usbong ng mga ito. Masasabing nakakatulong ito sa

tao kagaya ng mga mag-aaral at sa kalauna’y masasabing ito’y ay nakakasama.


Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang mga kabataan ay napapagod na sa

kanilang pag-aaral, dalawa ang maari nilang gawin. Una ay ang magpahinga para malakas sila

upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang pangalawa ay maari silang magpatuloy sa pag-

gawa sa tulong ng kanilang kaibigan at kaagapay sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon.

Ang kompyuter ay isang kagamitang elektronikon at digital (tambilangan) kung saan

dinisenyo upang kusang magkompyut ng mga pangkat ng aritmetika at operasyong lohiko. Ang

mga modernong kompyuter ay nakakapagpagana ng mga generikong operasyon kung saan mas

malaki ang sakop ng kanyang mga nakokompyut na programa kumpara sa ordinaryong

kompyuter. Mahalaga ang kompyuter sa pag-aaral dahil mas napapalawak nito ang ating

kaalaman. Para sa mga estudyante ito ay mahalaga lalo na kung meron silang importanting

hinahanap o research dahil madali itong hanapin sa computer o internet.

Ang gadyets ay isang maliit na gamit pang teknolohiya, isang bagay na madalinggamitin

at nakakatuwang teknolohiya. Kapag ang kabataan aynapagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagre-

rebyu na ilang halimbawa sa kanilang pagsu-sulit, may mga maaari na sila ngayong pagpilian sa

dami ng mga makabagong kagamitanngayon.

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang kompyuter ay nakakabuti o

nakakasama sa mga mag-aaral. Marami ang naniniwala na ang kompyuter ay may masamang

epekto sa pag-aaral, pero marami rin ang pabor sa pag unlad ng kompyuter dahil ito ay

nagbibigay ng magandang dulot sa pag-aaral nila.


Rasyonal

Bilang isang user ng computer, maaaring nakakaharap ka ng mga problema kahit

paminsan-minsan at ipinapakita ng iyong screen ang error na "Nawawala ang BOOTMGR" sa

start up o marahil ang iyong Windows ay napupunta sa isang asul na screen o may loop ng pag-

restart ng auto system sa proseso ng pagsisimula nito. Ito ang mga uri ng mga problema na

naayos sa pamamagitan ng paggamit ng Windows utility tool na tinatawag na Windows startup

repair.

Mga Layunin

Ang pang-kalahatang layunin ng mga mananaliksik ay malaman kung paano mag-ayos

ng isang kompyuter ng SHS students at makita ang bawat kakayahan ng mga studyante sa

pagdating dito.

Ang ilan pang layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Matutukoy kung paano mag-ayos ang isang mag-aaral ng kompyuter.

2. Matutukoy ang kahalagahan sa pag-aayos ng kompyuter ng bawat estudyante.

3. Mababatid kung paano makatutulong sa pag-aaral ang pag-aayos sa kompyuter.

4. Mababatid ang mabubuti at masasamang epekto sa pag-aaral ng mag-aaral ang pag-

gamit ng kompyuter.

5. Matutukoy kung paano napapadali ng mga kompyuter ang komunikasyon sa pag-aaral

ng mag-aaral.
Kahalagahan Ng Pag-Aaral

Para sa mga estudyante:

Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito upang makatulong sa

administrasyon sa wastong pag-aayos ng sirang kompyuter. Magsisilbing daan ito sa mga mag-

aaral upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang pag-aayos ng kompyuter.

Para sa mga guro:

Makakatulong ito sa mga guro upang malinang at magabayan ang mga mag-aaral sa

wastong pag-aayos ng kompyuter.

Para sa mga mananaliksilk:

Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito upang makatulong sa

administrasyon sa wastong pag-ayos ng kompyuter. Magiging batayan din ng iba pang

mananaliksik na naglalayong magsasagawa ng may mas malalimang pag-aaral ukol sa epekto ng

kompyuter sa mga mag-aaral.


Delimitasyon At Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-aayos ng kompyuter sa gitna ng abereya sa

paaralan ng mga estudyante. Kumuha ang mga mananaliksik ng 40 respondente mula sa isang

seksyon ng labing-isa na taon sa hayskul ng Sta. Margarita National High School. Isinagawa ito

noong Mayo 30, 2023. Sa pamamagitan nang pag-gamit ng survey questionnaire.

Inaasahang Output

Inaasahan sa pananaliksik na ito ang kakayahang ipamalas ng mga estudyante kung pano

mag ayos ng isang kompyuter, sa pamamagitan ng paggamit ng mga teknikal na kaalaman at

kasanayan sa pagkakabit at pagkakalikha ng mga koneksyon sa loob ng computer, nagawa nating

maayos ang nasabing aberya at nagresulta ito sa maayos na pag-andar ng computer at

napatunayan natin sa pamamagitan ng pagrerepair ng aberya sa computer na hindi lamang tayo

may kakayahang magturo at magbigay ng impormasyon sa mga tao, kundi may kakayahang rin

tayo na magamit ang ating mga kasanayan upang magbigay ng solusyon sa mga teknikal na

problemang mayroon ang mga kagamitan at kagamitan sa teknolohiya.


Konseptwal na Balangkas

Ang mga gadyets ang madalas ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pang araw-araw

na gawain. Naglalarawan ang pag-aaral na ito tungkol sa epekto ng gadyets sa pag-aaral ng mga

mag-aaral. Sa madalas na paggamit ng gadyets kagaya ng Cellphone, Computer, Tablet at

Laptop ay may dalang naidudulot.

PINAGBABATAYAN PROSESO KINALALABASAN

NG PAG-AARAL
A. Pagsasagawa ng survey

A. Matutukoy ang mga


B. Pag konsulta sa mga
mag-aaral kung gaano
naunang pag-aaral o
Pag-aayos ng kagaling sa pag-aayos ng
thesi.s
kompyuter ng mga computer.
C. Pag punta sa mga silid
mag-aaral.
B. Matutukoy ang
aklatan
kahalagahan sa pag-aayos
D. Pagsangguni sa mga
ng kompyuter.
media pag-gamit ng
C. Mababatid kung paano
Internet.
makakatulong sa pag-

aaral ng mag-aaral ang

pag-gamit ng kompyuter.
Depinisyon ng mga termino

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit dito sa pag-aaral:

Agham at Inhinyeriya

ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at angOrganisadong bahagi ng kaalaman

na natamo sa pamamagitan ng pamamaraang nito.

BOOTMGR

ay ang Windows boot sequence manager na unang ipinakilala sa Windows Vista.

Pinapalitan nito ang NTLDR boot manager sa mga nakaraang bersyon ng Windows. Binabasa ng

Bootmgr ang BCD (Boot Configuration Data) na pumalit sa boot. ini at ipinapakita ang menu ng

pagpili ng operating system.

Computer

ay isang uri ng gadyet na nagbibigay ng mga impormasyon sa pamamagitan

ng internet.

Internet

ay medium na pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng impormasyon.

Teknolohiya

ay isang napakabagong makina o gadgets na kung tawagin ng iba ayawtomatik na

proseso hindi manu-mano.


KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-Aaral

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

isinaalang-alang ng mananaliksik sa pagpapalakas ng kahalagahan ng kasalukuyang pag-aaral.

Ito rin ay nagpapakita ng synthesis ng sining upang lubos na maunawaan ang pananaliksik para

sa mas mahusay.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Jenny Rose D. Navarro 2019, tunay na ang Sistema ng edukasyon sa ngayon

ay sumasalamin sa ika dalawamput-isang siglo, ang pangunahing kagamitan ng mga mag aaral

ay kompyuter at mga makabagong teknolohiya na nagpapabilis at nagpapadali ng paraan ng pag-

aaral.

“Sa edukasyon, ang paggamit ng teknolohiya, ay mas napapabilis at nagiging organisado

ang mga gawaing akademiko. Katulad ng paglikom ng mga impormasyon para sa kanilang

takdang-aralin, research work, proyekto, pag-uulat at iba pa. Ito’y nakakatulong lalo na sa mga

mag-aaral na nangangailangan ng kalidad na edukasyon”,(Lannnao, Mich Ysabel, 2019) sinabi

rin nya na may maganda at hindi magandang naidudulot ang makabagong teknolohiya sa pag-

aaral ngunit kailangan lang kontrolin ng mag-aaral ang kanyang sarili sa paggamit ng mga ito.

Ang pampublikong edukasyon at teknolohiya ay mahirap ibigay, lalo na kung saan [ang]

karamihan ng mga tao ay nabubuhay nang higit sa pang-araw-araw na paraan. (Jem Sagcal,

Offcrowd 2018).

Tayo ay nasa panahon ng teknolohiya at digital, I-maximize natin ang lahat ng ito at

patuloy na tumulong sa isa't isa at humanap ng mga solusyon sa mga hamon na kinakaharap ng
sektor ng edukasyon (Dr. Ethel Agnes P. Valenzuela, 2020). Napakaraming teknolohiya ngayon,

napakaraming gadget na nagpapagawa sa atin ng napakaraming bagay at makamit ang

napakaraming layunin at proyekto nang sabay-sabay. (Leonor Briones, Education Secretary,

2021).

Ang mga bagong paraan ng paggamit ng teknolohiya ay nakakatulong na gawing mas

epektibo ang paghahatid ng edukasyon kahit na matapos ang pandemya (Abanil, 2021).

Ayon sa artikulong isinulat ni Krista Garcia sa Rappler.com noong 2018, Ang

teknolohiya ay palaging gumaganap ng isang papel sa pagbibigay ng mga mag-aaral ng

napapanahong mga kasanayan at napapanahong mga ideya at pagtuklas. Ngunit ngayon, nakikita

natin ang mga inobasyon na hinahamon maging ang mismong pagkakaroon ng apat na pader na

silid-aralan at mga ratio ng guro-mag-aaral. Dagdag pa nya na ang lahat ng ito ay

mapapakinabangan ng mga mag-aaral ngayon at bukas, dahil ang pag-aaral ay nagiging mas

mura, mas mabilis, at mas madaling ma-access. Sa isa pang artikulong sinulat ni Krista Garcia sa

Rappler.com noong 2016, Maaari ding makinabang ang mga guro mula sa mga tool sa pag-aaral

na hindi nangangailangan ng tradisyunal na logistik at maraming materyales. Halimbawa,

inilunsad ng DepEd ang Learning Resources Management and Development System (LRMDS),

isang portal para sa online na pagtuturo at mga materyales sa pagkatuto na nilikha ng mga guro

at katuwang sa edukasyon.

Ang mga kompyuter sa ngayon ay gumagawa ng maraming bagay. Sa mga tahanan, ang

mga maliliit na kompyuter na nakabaon sa mga kagamitang dekuryente ang nakapagpapabukas

at nakapagsasara sa telebisyon at nakapapapalit ng mga estasyon, o kumukontrol sa temperatura

ng iyong refrigerator. Ang mga kompyuter sa mga kotse at iba pang mga sasakyan ay nag-aayos
ng daloy ng langis. Ang mga kompyuter ay ginagamit din sa mga makina sa ospital tulad ng x-

rays.

Alam mo ba na ang mga kompyuter ay pangunahing ginawa upang magamit sa

masalimuot na kalkulasyon matematika? Ang mga makinang ginagamit upang gumawa ng mga

masasalimuot nakalkulasyong matematika ay nag-ugat libong taon na ang nakalilipas sa mga

abakus ng Intsik. Ang abakus ay isang grupo ng mga butil na nakahanay at ginagamit sa

pagbibilang. Noong 1945, ang ENIAC ang Electronic Numerical Integrator and Calculator ay

isinilang. Ito ang kauna-unahang kompyuter. Subalit, di gaya ng karamihan sa mga kompyuter sa

ngayon, nangailangan ito ng isang napakalaking silid at mayroong sariling air-conditioner.

Ngayon, salamat sa mga bagong pagpapaunlad gaya sa mga kompyuter chips, ang isang

kompyuter na may parehong kakayahan ay maaaring magkasya sa palad ng iyong kamay. Sa

ngayon, ang mga kompyuter ay kailangan na sa lahat ng mga opisina. Sa katunayan, ang mga

kompyuter ay ginagamit din sa pag-aaral at paglalaro.

Dahil sa teknolohiya, nagiging maayos at napapadali ang mga gawain sa paaralan lalo na

ng mga mag-aaral na nangangailangan ng kalidad na edukasyon. Sinisikap ng paaralan na

mapadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral at mapaunlad pang lalo ang kakayahan at intelektwal

na kapasidad ng mga ito. Sa tulong ng mga netbook, projector at higit sa lahat ng internet, mas

napabilis ang paglikom ng impormasyon para sa kanilang takdang-aralin, research work at pag-

uulat. Nagkakaroon sila ng bagong kaalaman at repleksyon dahil sa pagsisiyasat sa internet.

Oo, malaki ang naitutulong ng makabagong teknolohiya sa estado ng pag-aaral ng

kabataan. Ngunit dapat ding isaalang-alang ang maaaring maging abala nito sa panahong
inilalaan sa mas mahalagang bagay o gawain. Kabalikat ng pagkakaroon ng makabagong

kagamitan o gadyet ang maayos na pamamahala dito. Ang pangangailangan, buhay at gawain ng

isang mag-aaral ay hindi lamang dito nakasalalay o nakabatay. Hindi lamang teknolohiya ang

nag papatakbo sa buhay. Ang pagbibigay ng atensiyon sa mas mahalagang bagay ay isang

kagalakan at responsableng pamamahala sa buhay at sa mga bagay na nagpapagaan at

nagpapabilis sa gawain.

Ang makabagong teknolohiya ay sadyang malaki ang naiaambag at naitutulong.Isang

paalala lamang ang paggamit nito sa mabuti, produktibo at responsableng pamamaraan. Huwag

natin itong abusuhin. Malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga

aralin na itinuturo sa loob ng klase.

Tunay ngang ang sistema ng edukasyon sa ngayon ay sumasailalim sa 21 st siglo. Na kung

saan ang pangunahing kagamitan ng mga paaralan ay isang kompyuter na nagpapabilis at

nagpapadali ng paraan ng pag-aaral.

Ang paggamit ng kompyuter sa isang pag-aaral ay napakalaking kontribusyon para sa

mga mag- aaral lalo’t higit sa mga guro sa larangan ng kaalaman at proseso. Nauuso ngayon ang

tinatawag na E-learning. Ang electronic learning at tumutukoy sa lahat ng mga anyo ng

elektroniko na suportado sa pag-aaral at pagtuturo. Ang impormasyon at sistema ng

komunikasyon, kung ang pag-aaral ng network o hindi,maglilingkod bilang mga tiyak na medya

upang ipatupad ang proseso sa pag-aaral.

Ang konsepto ng teknolohiya sa edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng

makabagong teknolohiya sa pag-aaral bagkus ay ang wastong paggamit nito. Ang kompyuter ay

itinuituring na produkto ng maraming matatalinong tao sa makabagong panahon. Isang


kasangkapan na nagsisilbing tulay o mata sa isang mas malawak na kaalaman patungo sa

tinaguriang ika-21siglo.

KABANATA III

Metodolohiya

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa pag-aaral.Ito ay

naglululan ng disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral, mga

halimbawang teknik na ginamit ng mga mananaliksik, instrumentasyon at

pangangalap ng datos pati ang istatistikong sinulat.

Disenyo ng Pananaliksik 

Ang aming isinasagawang pag-aaral ay descriptive correlation na

pananaliksik.

 Descriptive correlation ang ginamit namin upang mailarawan ang kahalagahan ng

tamang pag-gamit ng computer na mga mag-aaral.  Correlational upang matukoy ang

naiambag ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante.

Mga Tagatugon ng Pag-aaral

Ang mga tagatugon sa pag-aaaral na ito ay Apatnapu’t isa (41), mag aaral ng Baitang 11

CSS Aguinaldo sa Sta. Margarita National High School.


Kinapanayam/Mga Kinapanayam

Ang pananaliksik na ito ay ginawa at binuo ng mga estudyante ng Sta. Maragarita

National High School. Ginamit ng mananaliksik ang talatanungan o kwestyuner na sasagutan,

gumamit din ang mga mananaliksik ng mga aklat ang kahalagaan ng teknolohiya sa ating

lipunan. Ang mga mananaliksik ay nagpunta sa Internet sa pagkuha ng mga araling may

kinalaman sa pagkupas at pagbago-bago ng henerasyon ng teknolohiya.

You might also like