You are on page 1of 31

KABANATA I

Ang suliranin at kaligiran nito

Panimula

Sa pagdaan ng panahon, parami nang parami at palawak nang palawak ang mga

naiimbentong mga makabagong teknolohiya para sa mga makabagong henerasyon.

Ang teknolohiya o aghimuan ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga

kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan 

at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng

tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na

ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon

man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento katulad

ng gulong.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya

bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin

ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang

maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa

teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito. Isa na dito ay ang mga gadyets.

Sa pag usbong ng mga ito. Masasabing nakakatulong ito sa tao kagaya ng mga mag-aaral

at sa kalauna’y masasabing ito’y ay nakakasama.

1
Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang mga kabataan ay

napapagod na sa kanilang pag-aaral, dalawa ang maari nilang gawin. Una ay ang

magpahinga para malakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ang pangalawa ay maari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang kai

bigan at kaagapay sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon.

Ayon kay Bertillo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag

ng teknolohiya. Sa katunayan ito ay ito ay isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang

pag-aaral ay nagiging madali at mabisa kung kaya naman napakamaraming mag-aaral

ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.

Ang gadyets ay isang maliit na gamit pang teknolohiya, isang bagay na madaling

gamitin at nakakatuwang teknolohiya, at maituturing na mamahalin kapag ang gadyet ay

maraming gamit. Masasabing ang gadyets ay higit na nakakatulong sa mag-aaral sa

kanilang pag aaral. Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay

napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagre-rebyu na ilang halimbawa sa kanilang pagsu-

sulit, may mga maaari na sila ngayong pagpilian sa dami ng mga makabagong kagamitan

ngayon.

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang gadyets ay nakakabuti o

nakakasama sa mga mag-aaral. Marami ang naniniwala na ang gadyets ay may

masamang epekto sa pag-aaral, pero marami rin ang pabor sa pag unlad ng gadgets dahil

ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pag-aaral nila.

2
Paglalahad Ng Suliranin

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa

a. Edad

b. Kasarian

2. Anong gadyets ang madalas gamitin ng mag-aaral?

3. Ano ang kahalagahan ng gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

4. Paano makatutulong sa pag-aaral ng estudyante ang paggamit ng gadyets?

5. Paano makakaapekto sa pag-aaral ng mag-aaral ang paggamit ng gadyets?

6. Paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa pag-aaral ng mag-aaral?

Layunin

Ang pangkalahatang layunin ng mga mananaliksik ay malaman kung paano

nakakaapekto ang paggamit ng gadyets sa mga mag-aaral. At kung paano makakatulong

at makakasama ang mga ito.

Ang ilan pang layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Matutukoy ang gadyets na madalas gamitin ng mag-aaral.

2. Matutukoy ang kahalagahan ng gadyets sa pag-aaral ng mag-aaral

3. Mababatid kung paano makatutulong sa pag-aaral ng mag-aaral ang paggamit ng

gadyets.

3
4. Mababatid ang mabubuti at masasamang epekto sa pag-aaral ng mag-aaral ang

paggamit

ng gadyets.

5. Matutukoy kung paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa pag-aaral ng

Mag-aaral.

Kahalagahan Ng Pag-Aaral

Para sa mga estudyante:

Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito upang makatulong 

sa administrasyon sa wastong paggamit ng gadyets.

Magsisilbing daan ito sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-

aaral sa tamang paggamit ng gadyets.

Para sa mga guro:

Makakatulong ito sa mga guro upang malinang at magabayan ang mga mag-aaral

sa wastong paggamit ng gadyets.

Para sa mga mananaliksilk:

Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito upang makatulong 

sa administrasyon sa wastong paggamit ng gadyets. Magiging batayan din ng iba pang

mananaliksik na naglalayong magsasagawa ng may mas malalimang pag-aaral ukol sa

Epekto ng Gadyets sa mga mag-aaral.

4
Batayang Konseptwal

Ang mga gadyets ang madalas ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pang

araw-araw na gawain. Naglalarawan ang pag-aaral na ito tungkol sa epekto ng gadyets sa

pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa madalas na paggamit ng gadyets kagaya ng Cellphone,

Computer, Tablet at Laptop ay may dalang naidudulot at ito ay ang epekto sa mag-aaral.

PINAGBATAYAN PROSESO KINALALABASAN NG


PAG-AARAL
A. Pagsasagawa A. Matutukoy ang
gadyets na madalas
ng sarbey gamitin ng mag-
aaral.
B. Pagkonsulta sa B. Matutukoy ang
kahalagahan ng
mga naunang gadyets sa pag-
aaral ng mag-aaral
Epekto ng gadyets sa pag-aaral o C. Mababatid kung
paano
mga mag-aaral thesis makatutulong sa
pag-aaral ng mag-
C. Pagpunta sa aaral ang paggamit
ng gadyets.
mga silid D. Mababatid ang
mabubuti at
aklatan masasamang
epekto sa pag-aaral
D. Pagsangguni sa ng mag-aaral ang
paggamit ng
gadyets.
mga media
E. Matutukoy kung
Paggamit ng paano napapadali
ng mga gadyets
ang komunikasyon
Internet
sa pag-aaral ng
mag-aaral.

5
Saklaw At Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Epekto ng gadyets sa pag-aaral ng mga

estudyante. Kumuha ang mga mananaliksik ng 50 respondente mula sa iba’t-ibang

seksyon ng ika-apat na taon sa hayskul ng Baesa High School.

Ang unang mga respondente ay magmumula sa lupon ng mga mag-aaral sa

mataas na seksyon. Ang susunod na lupon ay manggagaling sa gitnang seksyon, at ang

huli ay manggagaling naman sa mababang seksyon.

Terminolohiyang Ginamit

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit dito sa pag-aaral.

Cellphone- ay isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain

lalong-lalo na sa komunikasyon.

Computer- ay isang uri ng gadyet na nagbibigay ng mga impormasyon sa 

pamamagitan ng internet.

Internet- ay medium na pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng impormasyon.

Teknolohiya- ay isang napakabagong makina o gadgets na kung tawagin ng iba ay

awtomatik na proseso hindi manu-mano

Agham at Inhinyeriya- ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang

Organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng

pamamaraang nito.

6
KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-Aaral

Dayuhang Literatura

Ang pag-unlad sa pag-aaral ngayon ay mabilis dahil sa makabagong teknolohiya

at gadyets. Nakatulong ang gadyets sa lipunan sa lahat ng antas kabilang ang mga

institusyon, mga interpersonal na pakikipag-ugnayan at maging ang indibidwal. Ito ay

patuloy na umuusbong linggid sa kontrol at kaalaman ng tao at nagbabago sa ilalim ng

sarili nitong momentum at walang taros na humuhubog sa lipunan (D. Chandler, 2000)

Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may

pakinabang para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot

nito para sa pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong mamamayan at sa mga

estudyante (M. Underwood, 2009).

Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na walang

computer, mobile phones  (para sa pakikipag text), at iba pang makabagong gadyets? Ang

kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng pamumuhay gamit ang

makabagong gadyets. Ang bagong henerasyon ng estudyante ngayon ay gusto ng

pagbabago, Gaya ng pagbabago sa paraan ng pag-aaral nila

sa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali at komportable na walang anumang iniisip

na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang pagbabago ngayon ay ang

makabagong teknolohiya at gadyets. (S. Kumar, S. Raghav, 2007)

7
Ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi

niya na ang pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong

paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa

kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang kanyang personal na pakikipag

komunikasyon sa kapwa (Chandler, 2000)

Isa sa malapit na sinabi ni Chandler (20000) at B. Winston (1998) kanyang inalisa

sa kanyang artikulo na How are Media Born and Developed ang mga mabubuti at

masasama na naidudulot ng makabagong teknolohiya at gadyets sa lipunan. Naniniwala

siya sa determinasyon ng teknolohiya tungo sa pagunlad ng ating mundo. Ngayon tayo ay

nasa ika-21 siglo marami na ang nababago sa pamamaraan ng ating pamumuhay gayun

na din sa ating mga pribadong buhay.

Ang internet ay patuloy na lumalaki at umaabot sa mas maraming mga tao.

Nakikita natin ang pagbuti patungkol sa karunungang bumasa’t sumulat dahil sa paglago

ng internet (K. Croxton 2000)

Ayon kay A. Graham Bell (1876) ang Telepono ay nagtuturo sa mga taong bingi

kaya’t siya ay interesado sa mga pagyanig ng tunog o kung paanong ang tunog ay

tumatalbog at naglalakbay. Napag-isipan ni Bell na ang mga pagyanig na ito ay maaaring

gawing sunud-sunod na mga takbo ng kuryente na maaaring maipadala sa pamamagitan

mga kable mula sa isang lugar patungo sa iba. Mula dito ay naimbento niya ito. Ang

kanyang imbensyon ay Hindi lamang ginawang posible ang pakikipag-usap sa mga

kaibigan na milya ang layo kundi nagbukas ng pintuan para sa mga intercoms, radyo, fax

8
transmission at pati na rin sa Internet. Ito ay nagpalapit sa mga tao sa isa’t isa (A. Graham

Bell 1876)

Ang mga kompyuter sa ngayon ay gumagawa ng maraming bagay. Sa mga

tahanan, ang mga maliliit na kompyuter na nakabaon sa mga kagamitang dekuryente ang

nakapagpapabukas at nakapagsasara sa telebisyon at nakapapapalit ng mga estasyon, o

kumukontrol sa temperatura ng iyong refrigerator. Ang mga kompyuter sa mga kotse at

iba pang mga sasakyan ay nag-aayos ng daloy ng langis. Ang mga kompyuter ay

ginagamit din sa mga makina sa ospital tulad ng x-rays. Alam mo ba na ang mga

kompyuter ay pangunahing ginawa upang magamit sa masalimuot na kalkulasyon

matematika? Ang mga makinang ginagamit upang gumawa ng mga masasalimuot na

kalkulasyong matematika ay nag-ugat libong taon na ang nakalilipas sa mga abakus ng

Intsik. Ang abakus ay isang grupo ng mga butil na nakahanay at ginagamit sa

pagbibilang. Noong 1945, ang ENIAC ang Electronic Numerical Integrator and

Calculator ay isinilang.Ito ang kauna-unahang kompyuter. Subalit, di Gaya ng karamihan

sa mga kompyuter sa ngayon, nangailangan ito ng isang napakalaking silid at mayroong

sariling air-conditioner. Ngayon, salamat sa mga bagong pagpapaunlad gaya sa mga

kompyuter chips, ang isang kompyuter na may parehong kakayahan ay maaaring

magkasya sa palad ng iyong kamay. Sa ngayon, ang mga kompyuter ay kailangan na sa

lahat ng mga opisina. Sa katunayan, ang mga kompyuter ay ginagamit din sa pag-aaral at

paglalaro.

9
Lokal na Literatura

Sa pag-aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na The Influence of Technology 

on  College Students sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa paggamit ng teknolohiya ay 

ang disiplina. Ang bawat henerasyon ay may ibat-ibang disiplina batay na rin sa kanilang

kinagisnan na komunidad.

Ayon kina Coomes at Debard (2004) ay nagsabi na Ang kasaysayan at kultura ay

may malaking bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng isang katauhan.

Sa paglipas ng panahon, nagiging iba na ang pag-uugali ng tao kaysa noon na wala pang 

impluwensya ng gadyets. 

Ayon kina Coomes and Debard (2004), at Howe at Strauss (2003), sinasabi nila

na ang disiplina ng tao ay ang pinaghalong environmental factor at social factor kagaya

ng impluwensya ng pamilya, ng Media, ng relihiyon, ng mga kaibigan, ng pag-aaral at ng

politika. Ang disiplina ay mahalaga para sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo kung

paano sila makitungo sa kanilang kapaligiran. Ngayon, ang mga mag-

aaral ng kolehiyo ay mayroon ng makabagong teknolohiya gaya ng cellphones, Ipod,

Mp3 players, at online social networks gaya ng facebook, twitter, instagram.

Ang mga napapanood naman nila sa telebisyon at mga laro sa kompyuter ay maaaring

makapag pabago sa uri ng kanilang pag-iisip. Ang mga ito ay may

malaking impluwensya saacademic performance nila sa loob ng klase. (Howe,

Markiewicz at Strauss, 2008).

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga estudyante na

ang pag-aaral ay isang pag-aaksaya lamang ng kanilang oras, kung kaya’t ang iba sa

10
kanila ay mas pinipili nalang na gumamit ng gadyets at ubusin ang oras sa mga walang

kwenta bagay.

Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007) kadalasan maririnig natin sa mga mag-aaral

ngayon na sinasabi kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at

kung gaano sila kaaga gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang maipagmalaki sa

iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral ngayon ay kayang pagsabayin

ang pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga kaugalian ng mga estudyante ngayon.

Wala na silang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras at kung paano ito

mawawaldas nang may katuturan.

Gemmill at Peterson (2006), sila ay nagtanong sa mga mag-aaral kung gaano

kalaki ang nagagamit nilang oras para sa paggamit ng makabagong teknolohiya at kung

malaki ba ang naidudulot nitong stress. Base sa kanilang nagawang pag-aaral, halos 29%

na kanilang oras ay nagagamit sa teknolohiya at may malaking parte din ito sa stress na

nararanasan ng mga estudyante.

Lloyd, Dean at Copper (2007) ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa parte ng media

sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Napag-alaman nila na mayroon itong

malaking impluwensya sa pamamaraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa kanilang

kaibigan, kamag-aral, at guro.

Sa paglakad ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na globalisasyon, at

patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng

teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya

ng mauunlad na bansa.

11
Sa kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na tayo dahil lahat ng

larangan ay halos computer na ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno, pribadong

opisina, sa mga eskwelahan at maging sa pamamahay man ay gumagamit nan g computer

sa kanilang pakikipag-transaksyon. Kung walang personal computer ay may mga

makabagong cellphone na nagsisilbing gamit sa ibat ibang uri ng pakikipag- transaksyon.

Sinasabi pa nga sa mga datos na ang Pilipinas ang siyang cellphone capital of the

world, dahil ultimong mahihirap na pamilyang Pilipino ay nakagagamit nang cellphone.

Ang mabilis ba na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay nakakatulong ba o

hindi, lalo na sa larangan ng edukasyon sa ating bansa? Lahat ng uri ng pagunlad maging

sa teknolohiya ay may kaakibat na positibo at negatibong dulot sa ating pamumuhay,

maging sa larangan ng edukasyon. Sa larangan ng edukasyon, ang mabilis na pagunlad

ng teknolohiya ay malaking tulong ang naibibigay hindi lamang sa mga guro kundi lalo’t

higit sa mga mag aaral.

Bago pa man ipatupad ng mga kinauukulan o ng gobyerno ang pag-unlad ng

teknolohiya ay binusisi at pinag aralan munang mabuti kung ito ba ay makatutulong o

hindi. Kanilang hinimayin ang mga positibo at negatibong dulot nito at kung

nakalalamang ang positibo ay kanilang aaprubahan at ipatutupad nang naayon sa umiiral

na batas ng ating bansa, partikular sa edukasyon.

12
KABANATA III

Disenyo at Mitodo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa pag-aaral.

Ito ay naglululan ng disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral, mga

halimbawang teknik na ginamit ng mga mananaliksik, instrumentasyon at pangangalap

ng datos pati ang istatistikong sinulat.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang aming isinasagawang pag-aaral ay descriptive correlation na pananaliksik.

Descriptive correlation ang ginamit namin upang mailarawan ang epekto ng gadyets sa

mga mag-aaral. Correletional upang matukoy ang matukoy ang epekto ng Gadyets sa

pag-aaral ng mga estudyante.

Mga Respondente

Ang mga mananaliksik ay pumili ng sampung estudyante sa ibat ibang seksyon sa

Baesa High School na nasa ikasampung baitang na nagsilbing respondente na sumagot sa

serbey ng mga mananaliksik, sa kabuuan ang bilang ng mga respondente ay 50. Ang

pagpili ng respondente mula sa Baesa High School ay gagamitan ng random sampling

sapagkat pili lamang ang mga estudyanteng na bibigyan ng katanungan para sumagot sa

mga tanong.

Pamamaraan ng Pananaliksik

13
Ang pananaliksik na ito ay ginawa at binuo ng mga estudyante ng Our Lady Of

Fatima University Valenzuela Campus. Ginamit ng mananaliksik ang talatanungan o

kwestyuner na sasagutan, gumamit din ang mga mananaliksik ng mga aklat upang

matukoy ang kahalagaan ng gadyets sa ating lipunan. Ang mga mananaliksik ay nagpunta

saInternet at mga silid aklatan sa pagkuha ng mga araling may kinalaman sa pagkupas at

pagbago-bago ng henerasyon ng teknolohiya. Kumuha naman ang mananaliksik ng ibang

estudyante na kapaloob sa aming respondente at pinasagutan ang mga tanong na

nakasaad sa sarbey

Istatistikal na Ginamit

Ang istatistikal na ginamit ay percentage at freguency distribution upang ilarawan

ang propayl ng mga mag aaral. Ginamit ang percentage technique upang Makita ang

kinalabasan ng gagawing pagsusuri batay sa mga sagot ng respondente. Ginagamit din ito

upang makuha ang pangkalahatang bahagdan ng bilang ng magkakamukhang mga sagot

sa isang particular na tanong.

Mean ang ginamit sa pagtukoy sa pinakamadalas nilang gamiting teknolohiya sa

pag-aaral ng mga mag-aaral

14
KABANATA IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resultang nakalap mula sa sarbey

kwestyuner ng mga mag-aaral sa ika-sampung baitang ng Baesa High School.

Propayl ng mga Respondente

Talahanayan Blg. 1

Kasarian ng mga Respondente

KASARIAN BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Lalaki 23 46%

Babae 27 54%

KABUUAN 50 100%

Ang Talahanayang blg. 1 ay naglalaman ng kasarian ng 50 mga respondente

nakasaad din dito ang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian.

Ipinapakita ditto na mas marami ang mga respondenteng babae na may bilang na 27

katao o 54%, kaysa sa bilang ng mga lalaki na 23 katao o 46%.

15
Talahanayan Blg. 2

Edad ng mga Respondente

EDAD BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

14 1 2%

15 10 20%

16 28 56%

17 7 14%

18 4 8%

KABUUAN 50 100%

Ang Talahanayang blg.1 ay naglalaman ng edad ng 50 mga respondente. Sila ay

may gulang mula 14 hanggang 18 na taon. Nakasaad din dito ang bilang at bahagdan ng

mga respondente ayon sa kanilang edad. Ipinipakita ditto na mas marami ang mga

respondenteng may edad 16 na may bilang 28, bahagdan 56% . Sumunod ang bilang ng

mga respondenteng may edad 15 na may 10 katao na may bahagdan 20%. At sumunod

ang 17 taong gulang na may bilang na 7 katao, bahagdan na 14%, May edad na 18 na

may bilang 4 na katao katumbas ng 8%. At ang pinaka-kakaunting bilang ay ang may

edad na 14 na may isang katao lamang, bahagdan 2%.

16
Ilang gadyets mayroon ang isang mag aaral
2%
4%

isa

28%
dalawa

tatlo

66%
apat pataas

17
Ayon sa nakalap na datos 66% ng respondente ang sumagot ng isa. 28% naman sa

dalawa. 4% sa tatlo at 2% naman sa apat pataas.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay iisa ang ginagamit sa gadyets sa

kanilang pag-aaral habang ang iilan ay dalawa pataas na.

Sa anong edad natutuhang gumamit ng gadyets


4%

8-9 taong gulang


42%
10-12 taong gulang
54%

14-16 taong gulang

17 pataas

18
Ayon sa nakalap na datos 54% ng respondente ang sumagot ng 8-9 taong gulang.

42% naman ang 10-12 taong gulang at 4% naman ang sumagot ng 14-16 taong gulang.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay natutuhang gumamit ng gadyets

noong sila ay 8-9 taong gulang. Habang ang iilan naman ay 10 hanggang 17 pataas

naman.

Nakaimpluwensyang gumamit ng gadyets


4%

Kaklase
46%

Kaibigan
50%

Kamag-anak

19
Ayon sa nakalap na datos 50% ng respondente ng kaibigan. 48% naman ang

kamag-anak at 4% naman ang sumagot ng kaklase.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay kaibigan ang nakaimpluwensya na

gummit ng gadyets. Habang ang iilan ay kaklase at kamag-anak ang nakaimpluwensya.

Oras na ginugugol sa paggamit ng gadyets

26%

1-2 oras

44%
3-4 oras

5 oras pataas

30%

Ayon sa nakalap na datos 44% ng respondente ang sumagot ng 1-2 oras. 30%

naman ang 3-4 oras at 26% naman ang sumagot ng 5 oras pataas.

20
Makikita na karamihan sa mga responmdente ay isa hanggang dalawang oras ang

naigugugol sa paggamit ng gadyets. Habang ang iilan naman ay tatlo hanggang limang

oras pataas.

Kahalagahan ng gadyets
8%

oo

hindi

92%

21
Ayon sa nakalap na datos 92% ng respondente ang sumagot ng oo at 8% naman

ang sumagot ng hindi.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mahalaga sa kanilang

pag-aaral ang paggamit ng gadyets. Habang ang iilan ay hindi

Mas mainam na gamitin sa pag-aaral

0.22

Cellphone
Tablet
0.46 Laptop
Kompyuter

0.32

22
Ayon sa nakalap na datos 46% ng respondente ang sumagot ng kompyuter. 32%

naman saLaptop at 22% sa cellphone. At wala naman satablet

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mas mainam na gamitin

ang kompyuter para sa kanilang pag-aaral. Habang ang iilan ay saLaptop at Cellphone.

Paano nakakatulong sa pag-aaral


2%

Nakakatulong ito, mas


napapagaan nito ang
paghahanap sa aking takdang
aralin

Hindi ito nakakatulong dahil


sagabal ito sa aking pag-aaral

98%

23
Ayon sa nakalap na datos 98% ng respondente ang sumagot ng nakakatulong ito,

mas napapagaan nito ang paghahanap sa aking takdang aralin. At 2% naman ang sumagot

ng hindi ito nakakatulongg dahil sagabal ito sa aking pag-aaral.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing nakakatulong ang

gadyets sa pag-aaral dahil mas napapagaan nito ang paghahanap ng aking takdang aralin.

Habang ang isang sumagot ay sinabing hindi ito nakakatulong sa kaniyang pag-aaral

dahil sagabal ito.

Mabuting/masamang epekto sa pag-aaral


2% 6%

Oo, dahil imbes na gumawa ng


takdang aaralin mas nauuna pa
ang pagsosocial media at
pakikipagtext
Hindi, dahil kaya namang
pagsabayin44%ang pagsosocial
media/pakikipagtext sa pag-aaral
Oo, dahil ito ang dahilan kung
bakit napapabayaan ang pag-
aaral
48%
Hindi, mas nabibigyang ginhawa
ang isipan kapag nakakapagsocial
media/nakikipagtext

Ayon sa nakalap na datos 48 % ng respondente ang sumagot ng hindi, dahil kaya

namang pagsabayin ang social media at texting sa pag-aaral. 44% naman ang oo, dahil

24
imbes na gumawa ng takdang aralin mas nauuna pa ang pagsosocial media at pakikipag

text. 6% naman ang hindi, mas nabibigyang ginhawa ang isipan kapag nagsosocial

media/ pakikipagtext. At 2% naman ang oo dahil ito ang dahilan kung bakit

napapabayaan ang pag-aaral

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mabuti ang epekto sa

kanilang pag-aaral ang gadyets dahil kaya naman nila pagsabayin ang pagsosocial media.

Habang ang iilan ay sinasabing masama ang epekto sa kanila dahil imbes gumawa ng

takdang aralin mas nauuna pa ang pagsosocial media at pagtetext.

Komunikasyon gamit ang gadyets

Oo

Hind
i

98%

Ayon sa nakalap na datos 98% ng respondente ang sumagot ng oo. At 2% naman

sa hindi.

25
Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing epektibo ang paggamit

ng gadyets sa pakikipagkomunikasyon. Habang ang iisa naman ay sinasabing hindi

epektibo.

Importansya sa pag-aaral
6% 4%
6% Hindi, dahil parte na ito ng aking
buhay

Oo, dahil hindi naman ito


katulad ng pagkain, mabubuhay
pa din naman ako kahit wala ang
mga ito

Hindi, dahil wala na akong


mapagkukunan ng impormasyon

Oo, dahil may ibang bagay pa


namang magiging kapalit kapag
ito'y nawala
84%

Ayon sa nakalap na datos 84% ng respondente ang sumagot ng oo dahil hindi

naman ito katulad ng pagkain, mabubuhay pa din naman ako kahit wala ang mga ito.

Parehong 6% naman ang hindi dahil wala na akong mapagkukunan ng impormasyon at

oo dahil may iba pa namang magiging kapalit kapag ito’y nawala. At 4% naman ang

hindi dahil parte na ito ng aking buhay.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mabubuhay sila kahit

wala ang gadyets dahil hindi naman ito katulad ng pagkain na kapag nawala ay hindi na

tayo mabubuhay. Habang ang iilan ay nagsasabing hindi.


26
Kabanata V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makakalap ng pananaw at opinyon ng mag-

aaral tungkol sa epekto ng napapanahong gadyets.

Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng Descriptive correlational upang ipakita

ang epekto ng gadyets sa pag-aaral ng mga estudyante. Ito’y nagpapakita ng isang

paglalarawan ng kasalukuyang kalagayan. Ito’y isang berbal na paglalarawan. Ang mga

respondente ay binubuo ng limampung (50) mag-aaral mula sa ika-sampung baitang sa

mataas na paaralan ng Baesa.

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Baesa High School. Ginagamit ang percentages

at frequency distribution upang ilarawan ang propayl ng pag-aaral. Mean naman ang

ginamit sa pagtukoy sa pinakamadalas gamitin na gadyets sa pag-aaral ng mag-aaral.

Ang mga datos ay gagamitin bilang pamiling impormasyon sa pamamagitan nito

malalaman ang porsyento ng mga estudyanteng sumasang-ayon kung nakakaapekto nga

ba sa kanila ang gadyets.

Nakalap at naisaayos ng mga mananaliksik ang mga datos at impormasyong

kinakailangan sa pag-aaral na ito. Ang istatistikal tritment ng gagamitin sa datos ay P=f/n

27
x100. Nakamit at nagawa rin ng mga mananaliksik ang kanilang layunin sa paggawa ng

nasasabing pag-aaral.

Konklusyon

Batay sa inilahad na datos. Ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga

sumusunod na konklusyon.

1. Inilahad sa pananaliksik na ito na mas marami ang babae (54%) kay sa lalaki (46%) na

rumisponde sa aming ginawang pagsasarbey.

2. Marami ang bilang ng mga mag-aaral na may edad na 16 taong gulang (56%), mas

marami ang bilang ng isang gadyets lamang ang ginagamit ng isang mag-aaral.

3. Mababatid nacomputer (46%) ang madalas gamitin ng estudyante sa paggawa ng

kanilang gawang pang-eskwelahan.

4. Mas mataas ang porsyento ng mga estudyanteng nagsasabing kaya nilang mag-aral

kahit wala ang gadyets.

5. Masasabing mahalaga ang gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

6. Mapapansin na kayang pagsabayin ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral habang

sila’y nagsosocial media at nakikipagtext.

7. Base sa sarbey ang gadyets ay di-gaanong nakakasamang nakaapekto sa kanilang pag-

aaral ayon sa nalikom na datos.

28
Rekomendasyon

Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit inirerekomenda ng mga mananaliksik

ang mga sumusunod:

1. Para sa mga mag-aaral, ang epekto ng gadyets sa pag-aaral ay nasa di-gaanong

mababa. Dapat may wastong paggamit ng oras kapag gumagamit ng gadyets upang hindi

makaapekto sa paggawa ng takdang aralin at proyekto.

2. Kailangan ng matalinong pag-iisip kapag ika’y gumagamit ng gadyets kung paano

pagsasabayin ang pagsosocial media/pakikipagtext sa paggawa ng gawaing paaralan.

3. Para sa mga guro, ugaliing ituro sa mga mag-aaral ang wastong paggamit ng gadyets.

29
Departamento ng Filipino

Filipino 2 – Pananaliksik

Talaan ng panelista sa pagdepensa ng tesis

Kurso/taon/seksyon: ABM 2016-17 11-7 Araw/Oras ng klase:

Pangkat Bilang: unang grupo Petsa ng Depensa: Pebrero 27, 2017

Pamagat ng thesis:

EPEKTO NG GADYETS SA MAG-AARAL


NG ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT NG SENIOR HIGH
SCHOOL SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

Kategorya: Marka/grade:

Dami ng impormasyon (5 4 3 2 1)
Kalidad ng impormasyon (5 4 3 2 1)
Pinaghanguan/batayan/dokumentasyon (5 4 3 2 1)
Mga dayagram at ilustrasyon (5 4 3 2 1)
Balangkas (5 4 3 2 1)
Mga tala (5 4 3 2 1)
Konstruksyon ng mga talata (5 4 3 2 1)
Gamit ng internet (5 4 3 2 1)
Unang borador (5 4 3 2 1)
Mekaniks (5 4 3 2 1)
Pansamantalang marka _____________(x2) = ________

Suhisyon ng mga pagbabago:


1.
2.
3.

30
4.
5.

Pinagtibay ni: Binigyang pansin ni:

Bb. Ardelyn F. De Leon


Panelista Tagapayo

Pagsisiyasat Ayon sa Pag Gamit at Kaalaman ng Kabataan

31

You might also like