You are on page 1of 5

SCRIPT

(Mag-uumpisa ang roleplay sa isang grupo ng mga kaibigan na


nagkakape sa isang kapehan.)
Isang araw may anim na magkakaibigan na nagkakape sa isang
kapehan.
Nica (ricel): Uy guys, may nabasa akong article tungkol sa
pornograpiya. Nakakatakot yung sinasabi nila tungkol sa epekto
nito sa mga kabataan.
Ten (jesmyr): Totoo yan. Sobrang laganap na ng pornograpiya sa
internet ngayon. Lalo na sa mga social media.
Rain (shel): Hindi lang nakakatakot yung epekto nito sa mga
kabataan, nakakalungkot din. Parang nawawala na yung
pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng pag-ibig at relasyon.
Nami (bib): Oo nga. Para bang nagiging normal na lang na mag-
sex kahit walang emotional connection. Hindi na tulad ng dati na
may halaga at respeto sa bawat isa.
Kevin (ejay): Kaya nga dapat tayong mga kabataan ay mag-ingat.
Kailangan nating malaman ang mga epekto nito at kung paano ito
maiiwasan.
Mia (ashley): Tama yan, kevin. Dapat din nating turuan ang ibang
kabataan, lalo na yung mga bata pa.

Shane: At higit sa lahat ay hindi dapat tayo magpaapekto sa


ganitong uri ng kultura.
Reji: Pero paano natin sila matuturuan?
Nami (bib): Siguro, una sa lahat, kailangan natin silang turuan ng
tamang values. Dapat nilang malaman kung ano ang tama at kung
ano ang mali.

Shane (jhanelle): Tama!


Nica (ricel): Tapos, dapat din nating ipaalam sa kanila ang mga
epekto ng pornograpiya sa kanilang sarili at pati rin sa kanilang
relasyon sa ibang tao.

Kevin (ejay): Sang-ayon ako diyan.


Mia (ashley): Dapat din nating turuan sila na magkaroon ng healthy
relationship at may respeto sa isa't isa.
Ten (jesmyr): At kailangan din nating ipaalam sa kanila na hindi
dapat ipinagmamalaki ang pagkakaroon ng sexual experience.

Rain (shel): Dahil hindi dapat ito ginagawang basehan ng pagiging


matanda o cool.
Nami (bib): Tama! Dapat nating ipakita sa kanila na may iba pang
paraan para magpakita ng kanilang pagiging matanda o cool. Tulad
ng pagiging matalino, may mabuting attitude, at pagpapahalaga sa
tunay na halaga ng tao.
Ten (jesmyr): Sa tingin ko, kailangan din nating ipaalam sa kanila
na mayroong mas magandang karanasan sa sex kung gagawin ito
sa tamang panahon at sa tamang sitwasyon.
Nica (ricel): Oo nga noh?. Kailangan nating turuan sila na maging
responsable at mag-isip ng mabuti bago gawin ang anumang
bagay.
Nami (bib): Kaya bilang kabataan, kailangan nating magkaroon ng
self-discipline. Dapat nating maiwasan ang mga bagay na
makakasama sa atin at dapat nating isipin ang mga maaaring
epekto nito sa ating buhay.
Lahat (except alburgan): Tama!

PAGLIPAS NG TATLONG ARAW…


Sina Ten, Nami, Nica, Rain, Shane, at kevin ay nakita si Reji na
nagiisang nakaupo sa gilid na tila busy sa kanyang selpon.

Nica (ricel): Uyyy, reji!

Rain (shel): kamusta! kumain ka na?


Nami (bib): Hiii, Ano yan?

Reji (alburgan): (Nanginginig) Ah, eh.. Hindi, wala naman.

Nami (bib): Oh, talaga? Parang may kakaiba sa'yo, Reji. Bakit ang
tahimik mo?

Reji (albirgan): (nahihiya) Wala naman, guys. Hindi lang ako


makakain ng mabuti.

Nami (bib): (Napansin ang cellphone ni Reji) Ano ‘yan?

Ten (jesmyr): (hinablot ang selpon ni Reji)

Reji (alburgan): Ah, hindi 'yan, guys. Hindi n'yo kailangan tingnan
'yan.

Ten (jesmyr): Uy, porn! Grabe ka naman, Reji! Nagpapalibog ka


ngayon?

Reji (alburgan): (Napahiya) Ah, eh.. Hindi ko naman sinasadya.


Ten, Nami, Nica, Rain: Hallaaa

Nami (bib): Hindi ba’t napagusapan na natin ang tungkol diyan?

Rain (shel): Oo nga, sa sabado lang ‘ata yun eh

Nami (bib): Reji, hindi namin lubos na maintindihan kung bakit


nagagawa mong manood ng porn. Hindi ba alam mo na may
masamang epekto 'yan sa'yo?

Nica (ricel): Tama si Nami. Alam mo naman na ang patuloy na


panonood ng pornograpiya ay maaaring magdulot ng addiction at
malalim na psychological at emotional damage, diba?

Ten (jesmyr): Oo, tama! Ang pornography ay hindi nakakatulong sa


iyo, kundi nakakasama pa.

Reji (alburgan): (Naawa sa sarili) Alam ko naman 'yan, guys. Hindi


ko lang mapigilan ang sarili ko. Nacurious kasi ako eh. Parang
nahuhumaling na din ako.

Rain (shel): Maaaring isa na ‘yan sa mga epekto ng panonood ng


porn. Ang pagka-addict sa panonood nito.

Reji (alburgan): Hindi ko alam na ganito ang magiging epekto nito


sa akin. Ayaw ko nang magpatuloy sa panonood ng mga ganitong
bagay.
Nami (bib): (nakangiti) Okay lang iyan, Reji. Hindi naman bawal
ang gumawa ng mga pagkakamali. Ang mahalaga ay matuto ka sa
mga ito at gawin ang tama.
Kevin (ejay): At hindi ka nag-iisa sa pakiramdam na 'yan. Maraming
tao ang nakakaranas ng ganito. Ngunit, may mga paraan upang
matigil ang addiction sa pornograpiya.
Mia (Ashley): Oo, may mga counseling at therapy sessions na
pwedeng makatulong sa'yo upang matigil na ang addiction.
Nami (bib): Hindi rin masama na kausapin ang mga taong malalapit
sa'yo, tulad namin, upang matulungan ka sa pagsubok na ito.
Rain (shel): Tama! Kaming mga kaibigan mo ay nandito upang
suportahan ka at tulungan ka na makapagbagong-buhay.
Reji (alburgan): (Naiiyak) Salamat, guys. Hindi ko inaasahan na
magiging ganito kayo kaunawain sa sitwasyon ko.

...
Nami (bib): Kaya mga kabataan, huwag tayong magpadala sa
kultura ng pornograpiya.

THE END

You might also like