You are on page 1of 2

PAGPATAW NG KAMATAYAN SA PILIPINANG OFW

Jarf Krytt A. Fuentes


10 - Descartes

Isang kababayan nating OFW nahuling nagdala ng mahigit kumulang dalawang


kilo ng droga sa Yogyakarta airport sa Indonesia noong Abril 2010. Dahil dito ay
hahatulan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad subalit dahil sa libo-
libong apela ng mga tao pati na ng bansang Pilipinas ay pansamantalang nakaligtas
siya sa kamatayan at hanggang ngayon ay nananatili sa death row ang kaniyang
buhay. Nararapat nga bang patawan siya ng kamatayan sa kasalanang hindi naman
niya sinasadyang gawin?

Mary Jane Veloso, ito ang pangalan ng babaeng hanggang ngayon ay nasa
bingit ng kamatayan ang kaniyang buhay. Ipinanganak na mahirap sa Nueva Ecija
dahil dito siya ay nagsisikap na maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya sa
pamamagitan ng pag-aasawa at pagtatrabaho sa murang edad pa lamang. Ngunit
dahil siya ay isang ina na nangangarap lamang na bigyan ng magandang buhay ang
kaniyang mga anak at dahil na rin sa sobrang pagkalugmok sa hirap ay pinili niyang
magsakripisyo sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang isang kasambahay sa
Indonesia. Dahil sa kakayahang kunin ang buod o esensiya ng kahirapang
kinamulatan ni Mary Jane ay nakita niya ang kaniyang misyong umahon sa hirap sa
pamamagitan ng pagtatrabaho sa ibang bansa. Makikita rin natin na umiiral na
nagmamahal si Mary Jane sa kaniyang mga anak dahil sa kaniyang pagsisikap at
pagtatrabaho na malampasan ang kahirapan ng kaniyang pamilya.

Subalit sa pagdating ni Mary Jane sa Yogyakarta Airport noong Abril 25, 2010,
may nakitang kahina-hinalang droga na nakatago sa kaniyang maleta. Siya ay kaagad
na inaresto at siniyasat ng mga kapulisan sa Indonesia. Ngunit mariin niyang
pinaninindigan niya na siya ay tinarget ng mga drug trafficker at walang kaalaman sa
drogang nakita sa loob ng kaniyang bag. Kaniyang sinabi na ibinigay lamang sa
kaniya ng kaniyang recruiter ang mga bagong damit at isang bagong bag, na hindi
niya alam na may heroin na nakatahi dito. Kung kaya ating makikita na ang kaniyang
kilos ay walang kusang-loob sapagkat wala siyang kaalaman sa mga drogang
natagpuan kung kaya’t wala rin siyang pag-sang-ayon sa mga ipinaparatang sa
kaniya. Para sa akin ay hindi siya nararapat na hatulan ng kamatayan sapagkat wala
siyang pananagutan sa kaniyang ikinilos dahil wala siyang kaalaman at nalinlang
lamang siya ng mga illegal recruiters sa pag-smuggle ng droga sa bansang Indonesia.
Sa kaniyang sitwasyon ay makikita rin natin ang kamangmangang na di madaraig
dahil wala siyang kaalaman noong dinala niya ang bag na ibinigay lamang sa kaniya.

Sa kabilang banda, siya ay nailigtas dahil sa ginawang apela ng bansang


Pilipinas. Sa unang apela, ikinatwiran na hindi naiintindihan ni Veloso ang
nangyayari sa panahon ng kanyang paglilitis subalit tinanggihan ang apela. Ngunit
hindi sumuko ang Pilipinas at naglunsad ng pangalawang apela noong na
nangangatwiran na ang mga pagsisiyasat ng pulisya ng Pilipinas ay nagpakita na si
Veloso ay maaaring biktima ng isang sindikato ng droga. Gayon pa man ay ibinasura
din iyon ng Indonesia dahil pinapayagan lamang nito ang isang apela para sa judicial
review. Dito natin makikita na mabuti ang layunin ng bansang Pilipinas na palayain
si Veloso sa pagkakakulong at iligtas sa kamatayan sa pamamagitan ng paggamit ng
tamang paraan na pag-apela sa Indonesia. Subalit dahil sa iba’t-ibang sirkumstansiya
kagaya ng mahigpit na pamamalakad ng Indonesia ay tinanggihan ang apela.
Sa kabilang banda ay nakatakda na sanang ipataw ang parusang kamatayan
kay Veloso noong taong 2015 subalit dahil sa pagtawag ni Pangulong Benigno Aquino
III sa pangulo mismo ng Indonesia upang hilingin na panatilihing buhay si Veloso
upang siya ay tumestigo laban sa mga drug trafficker ay hindi natuloy ang pagpatay
kay Veloso. Ang kilos na ginawa ng dati nating presidente ay isang makataong kilos
sapagkat isinagawa niya ito ng may kaalaman, kusa, at malaya. Makikita natin na
ang ginawang desisyon ng ating dating pangulo ay tama dahil pinili niyang isagawa ng
may pagkukusang loob upang mailigtas lamang ang ating kababayan.

Mula noon ay inilipat na si Mary Jane Veloso sa isang bilangguan sa


Yogyakarta, at plano ng kanyang legal team na maglunsad ng isa pang apela upang
patunayan na siya ay biktima ng human trafficking. Kung kaya naman para sa akin
ay nararapat lamang na hindi patawan ng kamatayan si Veloso sapagkat wala siyang
alam at kusang-loob sa kaniyang mga kilos. Nararapat din na bigyan ang kaniyang
kaso ng clemency o awa ng bansang Indonesia sapagkat ilang taon na ang nakalilipas
at hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang kaniyang pagkakabilanggo. Maraming tao
ang nakakaramdam ng simpatiya at isa na ako rito dahil hindi katanggap-tanggap ang
mga nangyayari sa kaniya sapagkat kaniyang layunin lamang na bigyan ng
magandang buhay ang kaniyang pamilya. Ang kaniyang layunin, kilos, at paraan na
ginawa ay tama ngunit dahil sa iba’t-ibang sirkumstansiya ay naiipit siya sa pagitan
ng dalawang bansa kung saan ang kanyang hinaharap ay hindi tiyak.

You might also like