You are on page 1of 6

Kabanata 1

A. Panimula/Introduksyon. Dito nakapaloob ang maikling talataan na kung saan kinapapalooban ng


pangkalahatang pagtatalakay sa pananaliksik. Ito ay isinusulat sa unang panauhan at maaaring ilagay
ang direktang sipi ng mga konsepto basta kasama ang pinaghanguan.

HALIMBAWA:
(Mula sa Pananaliksik ng BEEd IV na may pamagat na “Palalagom ng Pagdiriwang ng Buwan ng
Wika”)

Kaligiran ng Pag-aaral

Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang ang “Buwan ng Wika.” Isang siyentipiko at linggwistikong


pag-aaral ng wika na may malaking impluwensya sa kasaysayan ng kultura, panlipunan, at
pampulitikong salik sa mundo. Sa Pilipinas, taunang ginaganap ang selebrasyon ng Buwan ng Wika
upang itaguyod ang Wikang Pambansa. Ito ang pinahabang pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ayon kay
Ricker (2022), ang panitikan ay naghahadog ng mga pananaw sa kung ano ang nakikita sa isang kultura
na tama o nakagawian, at maraming anyo ng panitikan na naglalarawan ng mga halaga ng kultura. Lahi,
kasarian, pinagmulan o lokasyon, at pamana. Samakatuwid, ang buwan ng wika ay isa sa mga
mahahalagang kaganapang pangkultura na ipinagdiriwang ng mga Pilipino.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na siyasatin at tuklasin ang kakanyahan ng Buwan ng Wika sa
pamamagitan ng pagsaliksik sa pagdiriwang mula sa nakaraan at pagsusuri sa kahalagahan nito.
Ang mga natuklasan ng pag-aaral na ito ay gagamitin sa pagbuo ng Buwan ng Wika Program
Plan na gagamitin ng mga guro ng asignaturang Filipino bilang gabay sa mga susunod na pagdiriwang.

B. Mga Kaugnayang Literatura sa Pag-aaral

Dito sa bahaging ito ay ilalahad ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang may
malaking kaugnayan sap ag-aaral. Nararapat na bago ang mga binabanggit sa bahaging ito o nalimbag sa
loob ng huling sampung taon. Kailangang gumamit ng pag-aaral at mga literaturang lokal at dayuhan.

HALIMBAWA:
(Mula sa Pananaliksik ng BEEd IV na may pamagat na “Palalagom ng Pagdiriwang ng Buwan ng
Wika”)
Ayon kay Mahanta et. al. (2019), ang wikang Tibeto-Burman na tinatawag na Deori ay
sinasabing nanganganib na maubos. Ipinakita sa mga kamakailang pag-aaral na ang mga nagsasalita ng
parehong wika sa matatanda at nakababatang henerasyon ay nawawalan ng kakayahang kilalanin at
matanto ang mga natatanging tono. Ang mga resulta ay nagpapahiwatig na ang mga nagsasalita ng wika,
anuman ang edad, ay may pag-asa para sa hinaharap nito.
Bilang hadlang sa linggwistika pati na rin isang potensyal na paraan ng pagpapahayag ng lokal
na pagiging tunay, iba ang pagtingin sa dialect sa Switzerland na nagsasalita ng Aleman. Ang katayuan
ni Romansh bilang isang minoryang wika sa ilalim ng presyon mula sa Aleman ay nagpapalubha sa
ugnayan sa pagitan ng lokal na diyalekto at higit pa o mas kaunting mga karaniwang anyo (Berthele,
2021).
Ang Kaska ay isang wikang Athabaskan na sinasalita sa Yukon at hilagang-silangan ng British
Columbia. Ang mga mahusay na nagsasalita ng Kaska ay kadalasang mas matanda sa 65, at ang wika ay
hindi na ipinapasa sa mga nakababatang henerasyon. Iminumungkahi ang mga aktibidad sa pang-
matanda sa hinaharap at mga proyekto ng komunidad upang mapataas ang paggamit ng wikang Kaska
(Mcdonald, 2019).
C. Layunin ng Pag-aaral (ito ay para sa Kwalitatibong Pananaliksik)

Nakasaad dito ang mga naisin ng mananaliksik na matuklasan at kung bakit isinagawa ang pag-
aaral

HALIMBAWA:
(Mula sa Pananaliksik ng BEEd IV na may pamagat na “Palalagom ng Pagdiriwang ng Buwan ng
Wika”)

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.


Kaugnay nito, layunin ng pag- aaral na bigyang diin ang mga sumusunod:
1. malaman ang mga dahilan ngayon sa likod ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
2. tuklasin ang diwa ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
3. pag-aralan ang nakaraan at kasalukuyang mga gawaing kasangkot sa pagdiriwang at ilahad ang
wastong paraan ng pagdiriwang nito.
4. Kuntribusyon ng pagdiriwang ng buwan ng wika sa pagiging pilipinismo ng mag aaral.

Paglalahad ng Suliranin (ito ay para sa Kwantitatibong Pananaliksik)


Dito sa bahaging ito ay inilalahad ang suliranin na nais saliksikin. Ang mga ito ay nasa anyong
patanong.

HALIMBAWA:
(Mula sa Paglalahad NG Suliranin | PDF (scribd.com))
D. Teoritikal na Balangkas
Inilalagay dito ang mga konseptong nabasa mula sa aklat – reperensya na magiging batayan sa
pananaliksik. Binibigyang pagpapahalag sa bahaging ito ang ilang batas, prinsipyo, paglalahat, mga
konsepto, pagpapakahulugan at mga teorya na maaaring maiangkop sa ginagawang pag-aaral.

HALIMBAWA:
(Mula sa Pananaliksik ng BEEd IV na may pamagat na “Palalagom ng Pagdiriwang ng Buwan ng
Wika”)

Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa Proclamation No. 1041 series of 1997 o kilala sa tawag na
Pagdiriwang ng Wikang Pambansa. Ang proklamasyong ito ay inilabas at nilagdaan ni dating pangulong
Fidel V. Ramos noong Hulyo 15, 1997, binibigyang-diin ng kautusan na ang pagdiriwang ng wikang
pambansa ay para sa buong buwan ng Agosto tan-taon.

E. Konseptwal na Balangkas
Hindi mabubuo ang bahaging ito kung walang Teoritikal na Balangkas. Dito ay ipinapakita nag
nais na patunayan o panubalian ng ginagawang pag-aaral.

HALIMBAWA:
(Mula sa Pananaliksik ng BEEd IV na may pamagat na “Palalagom ng Pagdiriwang ng Buwan ng
Wika”)
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga guro sa asignaturang Filipino ng Silay
Institute. Nais ng mga mananaliksik na matutunan at suriin ang pagdiriwang ng buwan ng wika mula
noon hanggang sa kasalukuyan. Pagtutuunan ng pansin ng mga mananaliksik ang mga dokumentaryo at
iba pang sanggunian na may kaugnayan sa nakaraang pagdiriwang ng buwan ng wika at one-on-one na
panayam sa mga guro ng asignaturang Filipino. Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, masusuri o idadaan sa
pag-aanalisa ng mananaliksik ang mga datos na nakalap tungkol sa pagdiriwang ng buwan ng wika at
makapagmungkahi kung ano ang tamang paraan ng pagdiriwang ng buwan ng wika sa kasalukuyan na
magagamit ng Departamento ng Filipino upang mapabuti ang kanilang plano sa programa para sa
nalalapit na pagdiriwang sa institusyon.

F. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Nagtataglay ito ng saklaw ng pag-aara at limitasyon nito. Tinatalakay sa sa bahaging ito ang
maaring saklawin ng pananaliksik.

HALIMBAWA:
(Mula sa Pananaliksik ng BEEd IV na may pamagat na “Palalagom ng Pagdiriwang ng Buwan ng
Wika”)
Ang pag-aaral na ito ay naglalahad ng pagsusuri sa pagdiriwang ng Buwang ng Wika. Isinagawa
ang pag-aaral na ito sa pribadong paaralan sa lungsod ng Silay. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay
mga guro sa asignaturang Filipino. Maliban sa mga kalahok na mga guro ay gumamit ang mga
mananaliksik ng mga sangguniang mga dokumentaryo sa pagsusuri ng naturang pagdiriwang.

G. Kahalagahan ng Pag-aaral

Dito ay inilalahad ang signifikans ng pananaliksik batay sa paksang pag-aaralan at kung sino ang
maaaring makinabang sa pag-aaral.

HALIMBAWA:
(Mula sa Pananaliksik ng BEEd IV na may pamagat na “Palalagom ng Pagdiriwang ng Buwan ng
Wika”)

Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:


Sa mga mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na
masanay at matutunan ang wastong paraan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at upang makilala ang
kaibahan ng wikang Tagalog sa Wikang Filipino.

Sa mga guro. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan at gabay sa mga guro na
magkaroon ng karagdagang ideya tungkol sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Maari itong maging daan
sa mas makabuluhang paghahanda sa selebrasyon ng pambansang wika.

H. Depinisyon ng mga Terminolohiya


Dito ay binibigyang kahulugan ang mga terminolohiya sa pananaliksik.

HALIMBAWA:
(Mula sa Pananaliksik ng BEEd IV na may pamagat na “Palalagom ng Pagdiriwang ng Buwan ng
Wika”)
Buwan ng Wika. Sa konseptwal ang buwan ng wika ay ipinagdiriwang tuwing Agosto.
Ginagawa ito upang alalahanin ang kasaysayan, kilalanin, pangalagaan at paunlarin ang wikang
Filipino. Ginagawa ito bilang pagpupugay at pagmamahal sa Pilipinas.(Fernando,2022).
Sa pag-aaral na ito ay ginamit na pagdiriwang ang Buwan ng wika tuwing Agosto upang
alalahanin ang dating pangulong Manuel L. Quezon bilang ama ng wikang pambansa. Ginagamit din ito
bilang tulay para magkaintindihan sa Pilipinas.

Pagdiriwang. Ang konseptwal ay pag-parangal (isang okasyon, tulad ng holiday) lalo na sa


pamamagitan ng mga pormal na seremonya o sa pamamagitan ng pag-iwas sa ordinaryong negosyo
(Merriam Webster,2022).
Sa pag-aaral na ito, ang pagdiriwang ay tumutukoy sa parangalan at alalahanin ang isang espesyal
na araw na nangyayari sa ating bansa.
Sanggunian:
Acopra, A. et al. (2016). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina (Introduksyon sa
Pananaliksik). Mindshapers Co.,Inc.

Castillo, M.J. et al. (2017). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Jimczyville Publications.

You might also like