You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN

AP10- Mga Kontemporayong Isyu


May _, 2023

I.Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan/ ____minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga katangian ng aktibong mamamayan
B. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong mamamayan
C. Nakabubuo ng hakbang ng maaring gawin upang makatulong sa lipunan

II.Nilalaman

Paksa: MGA KATANGIAN NG AKTIBONG MAMAMAYAN


Sanggunian: KAYAMANAN (Mga Kontemporaryong Isyu) pahina 430-436
Kagamitan: PowerPoint, Laptop, Television
Integrasyon: Student-Centered Approach
Pagpapahalaga: Makabayan, Makatao, Makabansa

III. Pamamaraan (5 Mins)


a.1 Pagbati
a.2 Panalangin
a.3 Pagtatala ng lumiban sa klase
a.4 Balik-Aral
IV.Panlinang na Gawain (10mins)
b.1 Pagganyak
“Panatang Makabayan (Revised 2023)
Iniibig ko ang Pilipinas,
Aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi;
Kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo
Ng aking mga magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin
Ng mamamayang makabayan;
Naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin
Nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
Pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas”

Panuto
• Ang mag-aaral ay kukuha ng isang linya na sa tingin nila ay nakuha ang kanilang
atensyon
(Larawan ni Apollo)
-Magbigay ng katangian ni Apollo na dapat niyang tuparin base sa Panatang Makabayan
-Si Apollo ay labing limang taong gulang
-Isusulat/Idikit sa pisara ang mga tungkulin na dapat tuparin ni Apollo
Pamprosesong Tanong:
1.Anong tungkulin ang dapat tuparin?
2. Bakit mahalagang tuparin ang mga tungkuling iyong nabanggit?
3. Paano mo natutupad ang mga binanggit na tungkulin sa Panatang Makabayan?

b.2 Paglalahad
Dahil paksa natin ngayon ay ang “Mga Katangian ng Aktibong Mamamayan”
Pamprosesong tanong: Sa inyong palagay, ano kaya Ang mga katangian ng isang aktibong
mamayan?
b.3 Pagtalakay (20mins)
1. Makabayan
 Tapat sa Republika
 Handang Ipagtanggol ang Estado
 Sumusunod ang Saligang Batas at Iba pang mga Batas ng Pilipinas
 Nakikipagtulungan sa mga may Kapangyarihan
2. Makatao
(Mga halimbawa)
3. Produktibo
(Mga halimbawa)
4. Matatag, May Lakas ng Loob at Tiwala sa Sarili
(Mga halimbawa)
5. Matulungin sa Kapwa
(Mga halimbawa)
6. Makasandaigdigan
(Mga halimbawa)

V. Pangwakas na Gawain (15mins)


c.1 Pagbubuod
Ano-ano ang mga Katangian ng Aktibong Mamamayan?
c.2 Paglalapat
Pangkatang Gawain:
• Ang klase ay igugrupo lima
• Ang limang grupo ay bubuo ng mga hakbang/plano na maaaring gawin para makatulong
sa lipunan
• Ito at kanilang ipepresenta sa harap ng klase
Pamantayan:
 Naipahayag ang mga detalye ng maayos: 20 pts
 Ang lahat ng miyembro ay nakiisa sa gawain: 15 pts
 Nasabi nang buong husay ang bawat hakbang o plano: 15 pts
KABUUANG PUNTOS: 50 PTS
c.3 Pagpapahalaga
Bakit mahalaga ang pagiging aktibong mamamayan natin sa lipunan?

VI.Pagtataya (10mins)
Gumawa ng graphic organizer na nagpapakita ng iyong katangian bilang ng Aktibong
Mamamayan
PAMANTAYAN:
• NILALAMAN 15 puntos
• ORIHINALIDAD. 10 puntos
• KALINISAN AT KAAYUSAN 5 puntos
KABUUANG PUNTOS: 30 PUNTOS

VII. Takdang-Aralin
Basahin ang pahina 437- 448

Inihanda ni: Renz Philip G. Edquila

You might also like