You are on page 1of 23

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Unang Araw

I. Layunin

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nalalaman ang mga dahilan ng mga pagbabago sa sektor ng paggawa na dulot ng globalisasyon.

2. Nasusuri ang iba’t-ibang katangian at kakayahang makaangkop sa Globally Standard na pagagawa.

3. Natataya ang Apat na Haligi para sa isang disente at marangal na paggawa.

II. Paksang Aralin

A. Paksa : Aralin 2: Mga Isyu sa Paggawa

Ang Globalisasyon at mga Isyu sa Paggawa B.

Sanggunian :

Araling Panlipunan Learning Module 10

Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan

C. Mga Materyales:

1. Visual Aids

2. Laptop

3. Projector

III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Paghahanda

Magandang araw sa inyong lahat!

Magandang araw din po!

Tumayo ang lahat at tayo ay manalangin.

1. Pagtatala ng Liban

2. Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa ating aralin, tayo ay magbalik

muna sa ating nakaraang paksa. Ano nga ba ang


ating paksang tinalakay nung nakaraan?

Pinag-aralan po natin ang paksa tungkol sa


Tama! Saan ba tumutukoy ang Globalisasyon? globalisasyon.

Ang globalisasyon po ay tumutukoy sa proseso ng


mabilisang paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasiyon at produkto sa iba’t-ibang panig ng
mundo.

Paano ito nakatutulong sa ekonomiya ng isang


bansa? Mas napabilis po nito ang paraan ng
pakikipagpalitan o kalakalan ng mga produkto at
serbisyo at nakatulong sa pagbubukas ng
panibagong oportunidad sa lahat ng manggagawa.

3. Motibasyon

Picto-nalysis!

Pagpapakita ng mga larawan na nakabatay sa


larangan ng paggawa at kailangan na mahulaan ito
ng mga mag-aaral.

B. Pagtatalakay
Batay sa ating naging laro, mayroon ba kayong
ideya kung ano ang paksang ating tatalakayin?

Ito po ay tungkol sa mga isyung may kinalaman sa


paggawa.

Magaling! Ang ating paksa ngayon ay tungkol sa


mga Isyung kinakaharap ng bawat manggagawang
Pilipino.

Matapos nating pag-aralan ang Globalisasyon,


masasabi nating malaki ang pagbabagong idinulot
nito hindi lamang sa buong daigdig kundi maging sa
pang-araw-araw nating pamumuhay. Maaari ba
kayong magbigay ng ilang halimbawa nito?

Nagkaroon po ng pagbabago sa gawi o mga paraan


kalakalan ng mga produkto at serbisyo.

Dinulot po ng globalisasyon na maging global


competitive ang bawat isa at makasabay sa
pagbabago ng buong mundo.

Mahusay! Ilan lamang yan sa mga naidulot sa atin Mas nagbukas poi to ng maraming oportunidad sa
ng globalisasyon ngunit kaakibat nito ay ang mga bawat manggagawa saan mang bansa.
hamon kung papaano tutugunan ng pamahalaan
ang mga suliranin sa lipunan na napag-iwanan
ngunit hindi lubusang natutugunan katulad ng isyu
sa paggawa.

Ngunit maging sila ay humaharap sa iba’t-ibang


suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang
pasahod, at kawalan ng seguridad sa pinapasukang
kompanya dahil sa kontrakwalisasyon at ang
problema sa Job Mismatch. Alam nyo ba ang mag
suliraning ito?
Ang mababang pasahod po ay minsang nagiging
dahilan kung bakit nagagawang mangibang-bansa
Magaling? Ang ilan sa mga maaaring dulot ng ang mga Pilipino. Samantala pong ang
globalisasyon sa Paggawa ay ang : kontraktwalisasyon po ay ang pagtratrabaho sa
Una: demand ng bansa para sa iba’t-ibang loob lamang ng ilang buwan at walang
kakayahan o kasanayan sa paggawa ng globally kasiguraduhan kung ito ay mauulit pa.
standard.

Pangalawa: Mabigyan ng pagkakataon na ang mga


Kailangan daw po na ang kakayahan ng mga
lokal na produkto na makikilala sa pandaigdigang
manggagawa ay makaabot sa mga standard upang
pamilihan.
makisabay sa pag-unlad ng kakayahan sa buong
mundo.

Pangatlo: Hinayaan ng globalisasyon na Dulot po ng globalisasyon, mas pinadali po ang


makapasok ang iba’t-ibang gadget, computer/IT kalakalan kaya madali nap o ang mag-import at
programs, complex machines at makabagong mag-export ng mga produkto at serbisyo sa
kagamitan sa paggawa. ibatibang panig ng mundo.

Bilang isang Pilipino, naniniwala ka ba na ang Sa tulong po ng globalisasyon, marami na pong


bawat Pilipinong manggagawa ay tanyag sa buong makinaryang ang nagawa para mas mapabilis at
mundo? makatulong sa larangan ng paggawa.

Opo, naniniwala po ako dahil sa pagkakaalam ko,


maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa iba’t-ibang
panig ng mundo.

Naniniwala po ako dahil marami sa Pilipino ay kilala


ng ibang bansa at mas pinipiling sila ang kunin
bilang empleyado dahil likas sa bawat Pilipino ang
maging masipag, matiyaga at may dedikasyon sa
lahat ng ginagawa.
Tama! Ilan lamang sa katangian iyan ng mga
Pilipino kung bakit tayo ay kilala sa buong mundo.
Bukod pa rito, hamon rin ng globalisasyon ang
pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa
dayuhang kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015
at mga agreement sa mga miyembro ng World
Trade Organization o WTO. Sa inyong palagay,
makatutulong ba ito na makaangkop ang Pilipino sa
Globally standard ?

Mahusay! Ito ay magsisilbing daan upang mas Sa akin pong palagay, malaki po ang maitutulong
mapaunlad ang mga kakayahan na papasa sa mga nito na mas mapabuti at madevelop ang kakayahan
katangiang hinihingi ng bawat trabaho saan man sa ng bawat Pilipino para po makasabay sa mga
mundo. katangian ng pagiging Global Competitive.

Ilan sa mga kasanayan para sa ika-21 siglo ay ang


Media and Technology Skills, Learning and
Innovation Skills, Communication Skills at Life and
Career Skills. At ito ay napapaloob sa tinatawag
nating Senior High School. Sa paanong paraan ito
makatutulong?

Ayon sa DOLE, mayroon tayong tinatawag na Apat


na haligi para sa isang disente at marangal na
paggawa. Una rito ay ang Employment Pillar. Dito Ang Senior High School po ay makakatulong sa
ay kinakailangang tiyakin ang paglikha ng mga lalong paghasa ng kakayahan at talino ng bawat
sustenableng trabaho, malaya at pantay na mag-aaral. Nakapokus po ito sa pagtatatag ng mas
oportunidad sa paggawa. Ikalawa ay Worker’s malaking oportunidad para mahasa ang kakayahan
Right Pillar. Dito ay naglalayong palakasin at ng bawat isa.
siguruhin ang mga batas sa karapatan ng
manggagawa. At ikatlo ay Social Protection Pillar.
Ang mga sangkot sa paggawa ay gagawa ng
mekanismo upang mabigyan ng proteksyon ang
mga manggagawa at ang huli ay Social Dialogue
Pillar. Kailangan ay palakasin ang laging bukas na
pagpupulong ng pamahalaan at mga mangagawa.
Batay sa Apat na haligi, ano ang magiging epekto
nito sa bawat manggagawa?
Mas magkakaroon po sila ng kasiguraduhan sa
kanilang trabaho at mas mapangangalagaan ang
lahat ng kanilang karapatan at pangangailangan.

C. Paglalagum

1. Sa paanong paraan nababago ng globalisasyon ang sektor ng paggawa?

2. Paano nagiging isang Globally Competitive ang isang manggagawa?

3. Bakit nakatutulong ang apat na haligi ng disente at marangal na manggagawa?

IV. Pagtataya

Sa isang buong papel, sagutin ang katanungan.

· Anong katangian ang mayroon ka na masasabi mong ikaw ay papasa sa Global Standard?

V. Kasunduan

Magsaliksik ukol sa paksang kalagayan ng mga manggagawa sa :

1. Sektor ng Agrikultura

2. Sektor ng Industriya
3. Sektor ng Serbisyo Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

IKALAWANG ARAW

I. Layunin

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino sa iba’t-ibang sektor.

2. Naiuugnay ang suliranin sa sektor ng paggawa sa antas ng pamumuhay ng tao.

3. Nabibigyang halaga ang iba’t-ibang sektor sa pamamagitan ng sanaysay.

II. Paksang Aralin A.

Paksa : Mga Isyu sa Paggawa

B. Sanggunian :

Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan C.

Mga Materyales:

1. Kagamitang biswal

III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Paghahanda

Magandang araw sa inyong lahat! Magandang araw din po!

Tumayo ang lahat at tayo ay manalangin.

1. Pagtatala ng Liban

2. Pagbabalik-aral

Para sa pagpapatuloy ng ating paksa, atin munang


balikan ang ating tinalakay kahapon. Ito ay tungkol
sa ?

Tama! Ano ang masasabi mo ukol rito? Ito po ay tungkol sa mga Isyu sa Paggawa.
May mga suliranin at hamon sa paggawa tulad ng
mababang pasahod, at kawalan ng seguridad sa
pinapasukang kompanya dahil sa
kontrakwalisasyon at ang problema sa Job
Mismatch.

Magaling! ilan lamang yan sa mga hamong


nararanasan ng bawat mangggawa sa iba’t-ibang
panig ng mundo.

3. Motibasyon

Pagbuo ng mag-aaral ng mga puzzle batay sa paksa


upang makalikha ng isang larawan.

B. Pagtatalakay

Sa pagpapatuloy ng ating aralin batay sa mga Isyu


sa Paggawa, ating tatalakayin ang iba’t-ibaang
sektor na may kinalaman rito.

Unang sektor ay ang sektor ng agrikultura. Ano ba


ang sektor na ito?

Sa sektor na agrikultura po natin kukuha ang mga


hilaw na materyales na ating kakailanganin sa
paggawa ng mga produkto.
Mahusay! Ang sektor ng agrikultura ang isa sa mga
nagbibigay sa atin ng mga materyales na sa
paggawa ng produkto na tutugon sa ating
pangaraw-araw na pangangailangan.

Sa pagkakaroon ng globalisasyon, nagdulot ito ng


pagkakaroon ng mga dayuhang produkto na
dahilan kung bakit humina ang mga lokal na
produkto. Lubusang naapektuhan ang lokal na
pagsasaka dahil mas murang naibebenta ang
produkto kaysa dayuhan. Ano sa tingin ninyo ang
dahilan nito?

Isa pong kadahilanan ay ang pagtangkilik ng kapwa


Ang pagpasok ng bansa sa mga kasunduan sa natin Pilipino sa mga produktong dayuhan kaysa
GATT, WTO, IMF-WB at iba pang pandaigdigang lokal. Naniniwala po kasi ang iba na mas may
institusyong pinansyal ay lalong nagpalumpo sa kalidad ang dayuhang produkto kaysa lokal na
mga lokal na magsasaka. Ayon sa DOLE, mahigit 60 produkto.
% ng mga dayuhang produktong agrikultural sa
loob ng sampung taon ay malayang nagiging bahagi
sa mga lokal na pamilihan. Bakit kaya ito
nagaganap?

Magaling! Ngayon dumako naman tayo sa susunod


na sektor. Ang sektor ng Industriya. Ano nga ba ang Isa po sa dahilan nito ay ang hayag na pagtangkilik
sektor na ito? sa dayuhang produkto na nagreresulta sa pagkalugi
ng mga lokal na produkto sa pamilihan.
Nakakalimutan na po ng iba na mayroon din
tayong lokal na produkto na dapat bilhin at
tangkilikin.

Tama! sa setor ng industriya nakapaloob ang mga


kasanayang kinakailangan sa paggamit ng iba’t- Sa sektor naman po ng industriya nagkakaroon ng
ibang makinarya upang mas mapabilis ang pagpoproseso ng mga hilaw na materyales patungo
paggawa. Rito ay kinakailangan ang mga sa bagong produkto. Kalimitan po ay dito
pamantayang may kinalaman sa pangkasanayan at nakapaloob ang pagggamit ng mga makinarya.
kakayahan na naaayon sa kanilang mga
pamantayan. Kaakibat nito ang mga anyo ng
pangaabuso sa karapatan ng mga manggagawa
tulad ng mahabang oras ng pagpasok sa trabaho,
mababang pasahod, hindi pantay na oportunidad
at kawalan ng seguridad ng mga manggagawa.

Ang ikatlong sektor ay ang sektor ng serbisyo.


Paano mo ito mabibigyang kahulugan?

Ang sektor na ito ang masasabi nating may


malaking bahagdan na maraming naempleyong
manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung
taon. Saklaw ng sektor na ito ang sektor ng
pananalapi, komersiyo, insurance, kalakalang
pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pagiimbak,
komunikasyon, libingan, medical, turismo at
edukasyon. Sa inyong palagay, ano ang
kahalagahan ng sektor na ito? Ang sektor po ng serbisyo ay nakabatay sa bawat
manggagawa na nagtatrabaho sa iba’t-ibang
larangan. Sila po ang tinatawag nating lakas
paggawa.

Mahusay! Ayon sa datos ng National Economic


Development Authority o NEDA, kailangan ng
pamahalaan na paglaanan ito ng higit na
prayoridad sa pagpapalago ng sektor sa
pamamagitan ng patuloy na pang-eengganyo sa
mga dayuhang kompanya na magpasok ng mga
negosyo sa bansa .

Mahalaga po ang sektor na ito sa daloy ng


kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na
makakarating sa mga mamimili ang mga produkto
sa bansa.

C. Paglalagum

1. Ano ang kalagayan ng manggagawang Pilipino sa iba’t-ibang sektor?

2. Paano mo maiuugnay ang suliranin sa sektor ng paggawa sa antas ng pamumuhay ng tao?

3. Paano mo bibigyang tugon ang mga suliranin ng manggagawa ?

IV. Pagtataya

Gumawa ng isang sanaysay kung paano mo mabibigyan ng tugon ang mga suliraning kinakaharap ng
manggagawa at kung ano ang naitutulong ng iba’t-ibang sektor.

V. Kasunduan

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:

1. Iskemang Subcontracting

2. Unemployment

3. Underemployment
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

IKATLONG ARAW

I. Layunin

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nailalahad ang kahulugan ng iskemang subcontracting, unemployment at underemployment.

2. Naiisa-isa ang mga epekto ng kontraktwalisasyon sa manggagawa.

3. Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagbangon ng mga manggagawa.

II. Paksang Aralin

A. Paksa : Mga Isyu sa Paggawa

B. Sanggunian : Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan

C. Mga Materyales: 1. Kagamitang biswal

2. Laptop

3. Projector

III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Paghahanda

Magandang araw sa inyong lahat! Magandang araw din po!

Tumayo ang lahat at tayo ay manalangin.

1. Pagtatala ng Liban

2. Pagbabalik-aral

Para sa pagpapatuloy ng ating paksa, atin munang


balikan ang ating tinalakay kahapon. Ito ay tungkol
sa ?

Ito po ay tungkol sa iba’t-ibang sektor na may


kinalaman sa paggawa.
Magaling! Paano mo mabibigyang kahulugan an
gating tinalakay noong nakaraan?

Mayroon pong tatlong sektor na nakatutulong sa


bawat manggawa. At ito po ay ang Sektor ng
Agrikultura, Sektor ng Industriya at sektor ng
Serbisyo. Sila po ay nagtutulungan upang
mabigyang pansin ang mga isyung kinakaharap ng
bawat manggagawa sa iba’t-ibang larangan.

B. Pagtatalakay

Sa pagpapatuloy ng ating aralin batay sa mga Isyu


sa Paggawa, ating tatalakayin ang iba pang
konseptong may kinalaman sa isyu ng paggawa.
Una ay ang Iskemang subcontracting. Ating bigyang
kahulugan kung ano nga ba ito batay sa inyo
takdang aralin?

Ang Iskemang Subcontracting po ay tumutukoy sa


kaayusan sa paggawakung saan ang kumpanyaay
kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo sa isang takdang panahon.
Magaling! Ito ay pagkakaroon ng kontrata na
gagawin sa takdang panahon. Ang iskemang ito ay
nahahati sa dalawa: Ang Labor-only Contracting at
Job Contracting. Ang Labor-Only contracting ay ang
subcontractor ay walang sapat na puhunan upang
gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok
niyang manggagawa ay may direktang kinalaman
sa mga gawain sa kompanya. Samantalang ang Job
Contracting ay ang pagkakaroon ng sapat na
puhunan ng subcontractor para maisagawa ang
trabaho. Paano mo bibigyang kahulugan ang
kanilang pagkakaiba?
Mahusay! Ngayon naman ay ating pag-aralan ang
konsepto ng Unemployment at
Nagkakaiba lamang po ang Labor-Only at Job
Underemployment. Ayon sa datos ng Philippine
Statistics Authority, sa puwersa sa paggawa na 63.4 Contracting sa pagkakaroon nila ng puhunan
milyon, 2.7 milyon ang walang trabaho at nasa 7.4 upang maisagawa ang trabaho o serbisyo.
milyon ang underemployed. Paano mo bibigyang
kahulugan ang datos na ito?

Magaling! Masasabi nating tama ang iyong hinuha


ngunit kahit na ganoon, marami pa rin sa atin ang
nagiging OFW. Mabilis na lumalaki ang bilang ng
Pilipinong nangingibang bayan para magtrabaho.
Ano ang ibig sabihin nito? Batay sa datos, masasabi po natin na hindi pa
naman ganon kalaki ang datos ng mga unemployed
at underemployed. Masasabi po natin na mataas
pa rin ang porsiyento ng mga nasa employed.

Isa pa sa isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa


ay ang paglaki ng bilang ng job mismatch. Sa inyong
palagay, bakit nagkakaroon ng ganitong sitwasyon?
Dahil po sa kawalan ng oportunidad at marangal na
trabaho. Ito po ang naiisip nilang solusyon upang
matugunan ang pangangailangan ng kanilang
pamilya.
Tama! Ayon pa rin sa ulat ng isang grupo ng mga
manggagawa, tinataya na aabot sa 1.2 milyon na
college at vocation graduates ang mahihirapan sa
pagkuha ng trabaho dahil sa patuloy na mismatch.

Bukod pa rito, marami pa ring ibang problema ang Nagkakaroon po ng Job-mismatch dahil minsan ay
kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino hindi nakakasabay ang mga college graduate sa
katulad na lamang ng self-employed o ang kinakailangang kasanayan at kakayahan na
tinatawag na vulnerable employment. requirement ng mga kompanya ng bansa.

Hindi rin maikukubli na marami ang mga


estudyanteng aktuwal ng nagtatrabaho. Kilala mo
ba sila?

Magaling! Mayroon din taayong mga tinatawag na


full-time mother. Ano nga ba ang kanilang
ginagawa?

Sila po ang mga working student na


Tama! Ang kanilang mga kalagayan ay halos walang
pinagkaiba sa tinatawag na unpaid family . nagtratrabaaho habang nag-aaral upang
Pinapahiwatig ng Labor Force Survey ng PSA, ang matugunan ang kanilang pangangailangan habang
underemployment sa bansa ay laganap sa nag-aaral pa.
mahihirap na rehiyon. Sa kasalukuyan, binago ang
tawag sa mga manggagawa na nangangailangan ng
karagdagang oras sa pagtratrabaho bilang mga
homebase entrepreneurship, small business, at
project contract.

Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon


sa paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng Sila naman po ang gumaganap sa lahat ng mga
bansa sa pandaigdigang pamilihan. gawaing bahay tulad ng paglalaba, paglilinis,
pagluluto at iba pa.

C. Paglalagum

1. Sa sariling salita, paano mo bibigyang kahulugan ang iskemang subcontracting, unemployment at


underemployment?

2. Paano mo maipaliliwanag ang mga epekto ng kontraktwalisasyon sa manggagawa?

3. Bakit nagkakaroon ng pagkakaiba sa larangan ng paggawa?

V. Kasunduan

1. Maghanda para sa maikling pagsusulit ukol sa paksang tinalakay.

2. Magsaliksik : Migrasyon.

You might also like