You are on page 1of 6

Diocesis ng Cabanatuan

Cabanatuan Catholic Educational System (CACES)

ST. STEPHEN ACADEMY INC.

Laur, Nueva Ecija
BUWANANG PAGTATASA (ASSESSMENT)
IKALAWANG MARKAHAN
Taon Panuruan 2021-2022
MOTHER TONGUE 2
Iskor:

Pangalan: _____________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
I. PANUTO : Basahin, unawain at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Piliin ang titik ng iyong sagot sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa patlang
bago ang bilang. (1 puntos bawat isa)

a. Eksaherasyon e. tayutay i. ito

b. Pagsasatao f. dito/rito j. iyon
c. pagtutulad g. diyan/riyan
d. pagwawangis h. doon/roon

________1. Ano ang tawag sa salita o isang pahayag na nagbibigay diin sa

isang kaisipan o damdamin?
________2. Anong uri ng tayutay ang tila hindi kapani-paniwalang
paglalarawan dahil lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at
kalagayan ng tao, bagay, pangyayari at iba pa?
________3. Anong uri ng tayutay ang nagpapakita ng isang paghahambing
na pagtutulad sa dalawang magkaibang tao, bagay, o pangyayari na
gumagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng,
animo, kagaya ng at iba pa?
________4. Anong uri ng tayutay ang nagpapakita ng isang tuwirang
paghahambing na hindi gumagamit ng mga salitang tulad ng, parang,
kawangis ng, animo, kagaya ng at iba pa?
________5. Anong uri ng tayutay ang nagpapakita kung saan binibigyan ng
talino, gawi at katangian ng tao ang isang bagay?
________6. Anong panghalip pamatlig ang ginagamit kung ang lugar o pook
ay malayo sa nag-uusap?
1|MOTHER TONGUE 2
________7. Anong panghalip pamatlig ang ginagamit kung ang hawak at
malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo?
________8. Anong panghalip pamatlig ang ginagamit kung ang lugar o pook
na itinituro ay malapit sa kausap?
________9. Anong panghalip pamatlig ang ginagamit kung malapit sa
kausap ang itinuturong bagay ng nagsasalita?
________10. Anong panghalip pamatlig ang ginagamit kung malayo sa nag-
uusap ang itinuturo?

II. PANUTO: Isulat sa patlang ang titik S kung simile (pagtutulad), titik M
naman kung metapora (pagwawangis)at titik P kung personipikasyon
(pagsasatao) ang isinasaad sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang
bago ang bilang
(1 puntos bawat isa)
______ 1. Ang kalusugan ay kayamanan.
______ 2. Ang susi sa tagumpay ay tiyaga.
______ 3. Kagat lang ng langgam ang turok ng iniksiyon.
______ 4. Kawangis ng makahiya ang magugulating matanda.
______ 5. Parang ulan sa tuyong lupa ang musika sa konsiyerto.
______ 6. Lason sa iyong mga baga ang sigarilyo.
______ 7. Ang mga palamuti sa mga bahay tuwing piyestang Pahiyas sa
Lucban ay tulad ng mga kulay ng bahaghari.
______ 8. Ang mahabang buhok ni Kristina ay kasing lambot at sindulas ng
seda.
______ 9. Ang sikat ng araw sa aking mukha ay halik ng bukang-
liwayway.
______ 10. Tayo ay mga tupa at si Hesukristo ang ating pastol.
III. PANUTO: Bilugan ang angkop na panghalip panao na nasa kaukulang
layon sa sumusunod na pangungusap.
1. Isinali ( ka, iyo, nila ) ang mga bata sa feeding program.
2. Sa silid-aklatan ( akin, natin, kanila ) gawin ang takdang –aralin.
3. Nakita ( ko, amin, kaniya ) ang nawawalang bag ni Allan.
4. Ilagay ( mo, niya, nila ) sa bulsa ang bayad ni Alma.
2|MOTHER TONGUE 2
5. Sa ( ka, naming, inyong ) paaralan gagawin ang paligsahan.

Inihanda ni: Bb. MARJORIE A. TOMAS

(Guro)

______ 11. Wari’y hampas sa tambol ang tibok ng aking puso.

______ 12. Isang masalimuot na makina ang utak ng tao.
______ 13. Ang buhay ay parang laro—minsan talo, minsan panalo.
______ 14. Kasing-init ng pugon ang mga lansangan ngayong tag-init.
______ 15. Tambakan ng basura ang silid-tulugan ni Mike.
______16. Ang mga puno ay sumasayaw.
______17. Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
3|MOTHER TONGUE 2
______18. Sumasayaw ang mga dahon ng puno.
______19. Ang yakap nina Nanay at Tatay ay aking kumot sa gabi.
______20. Yumuko ang mga punong niyog sa napakalakas na hangin.
III. PANUTO: Sumulat ng limang halimbawa ng tayutay na eksaherasyon o
hyperbole. Isulat ang iyong sagot sa patlang. (2 puntos bawat isa)
1.
______________________________________________________________

2.

3.

4.

5.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Inihanda ni: Bb. MARJORIE A. TOMAS
(Guro)
4|MOTHER TONGUE 2
Pagtatayang Pagsasagawa sa Filipino at Mother Tongue
( Performance Assessment)
Panuto:
 Gamit ang kabit-kabit na pagsulat ( cursive writing ) Isulat muli ang
maikling talata na nasa loob ng kahon ng wasto at may tamang bantas sa
isang pirasong papel (long pad)
 ( 20 puntos)

ANG KALIKASAN

Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon Dito

nanggagaling lahat ng bagay na ating ikanabubuhay Ito ay maganda at
kapakipakinabang Mula sa pagkain tirahan gamot at marami pang iba Dito
rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa
napakahiwagang nilikha ng Diyos nasusubok natin ang
5|Mhangganan
O T H E R T ng
O N ating
GUE 2
kaalaman
Pamantayan sa Pagmamarka
 Naisusulat ang talata ng maingat at nasusunod ang mga tamang pamantayan
sa pagsulat nito.
5 4 3 2 1

 Nagagamit ang wastong bantas sa bawat pangungusap.

5 4 3 2 1

 Maayos at malinis ang pagkakasulat ng kabit-kabit na sulat.

5 4 3 2 1

 Natapos at naipasa sa tamang oras.

5 4 3 2 1

Ang nakatakdang araw ng pagpasa ay sa December 07, 2020.

6|MOTHER TONGUE 2

You might also like