You are on page 1of 8

MATHEMATICS 1 Quarter 1 Week 2

Pangalan: _________________________ Baitang at Pangkat: _______

Kasanayan:
Identifies the number that is one more or one less from a given
number. M1NS-lb-3

Inaasahan
Ang modyul na ito ay ginawa upang malinang at
mapahusay ang iyong kaalaman sa pagkilala, pagtukoy at
pagsulat ng bilang na labis ng isa at kulang ng isa sa bilang
na ibinigay.
Pagkatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang bilang na labis ng isa at kulang ng isa sa
bilang na ibinigay.
2. Natutukoy ang bilang na labis ng isa at kulang ng isa sa
bilang na ibinigay.
3. Naisusulat ang bilang na labis ng isa at kulang ng isa sa
bilang na ibinigay.

Unang Pagsubok

Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang


titik ng tamang sagot.
1. Anong bilang ang labis ng isa sa 15?
A. 16 B. 14 C. 17
2. Anong bilang mas kaunti ng isa sa 31?
A. 33 B. 30 C. 32
3. Ang bilang na _______ ay labis ng isa sa 45.
A. 44 B. 43 C. 46

MATH 1 QUARTER 1 WEEK 2 Pahina| 1/7


4. Ang 55 ay labis ng isa sa anong bilang?
A. 54 B. 56 C. 53
5. Ang 76 ay mas kaunti ng isa sa ________.
A. 74 B. 75 C. 77

Balik-tanaw
Sa nakaraang aralin, natutunan mong bumilang mula 0
hanggang 100. Bilangin ang mga hugis sa loob ng kahon.
Isulat sa guhit ang bilang ng mga ito.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Labis ng Isa
Sa araling ito, matututunan mo ang ibig sabihin ng Labis ng Isa o
Sobra ng Isa.
Ako si Lita. Ako naman si Ana.

Kami ay magkaibigan.

Ako ay may 5 laso Ako naman ay


may 6 na laso

MATH 1 QUARTER 1 WEEK 2 Pahina| 2/7


Sagutin ang mga tanong:
1. Ilan ang laso ni Lita? ________
2. Ilan naman ang laso ni Ana? _______
3. Sino sa magkaibigan ang may mas maraming laso? ______
4. Ilan ang sobrang laso ni Ana kay Lita? ________

Ang 6 ay labis ng isa sa 5

May bilang na labis o sobra ng isa sa ibang


bilang. Tulad ng 6 , ito ay labis ng isa sa 5.

Iba pang halimbawa:

Ang 4 ay labis ng isa sa 3

Ang 3 ay labis ng isa sa 2

Ang 7 ay labis ng isa sa 6

Kulang ng Isa
Sa araling ito, matututuhan mo ang ibig sabihin ng kulang ng isa
o kaunti ng isa.
Ako si Lito.

Ako ay may alagang 7 ibon.


Biglang lumipad ang isa.
Kaya 6 na lang ang
natira.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang alaga ni Lito? ________
2. Ilan ang alaga niyang ibon? ________
3. Ilan ang ibon na lumipad palayo? _______
4. Ilan na lang ang natira sa kanya? _________

Ang 6 ay kulang ng isa sa 7


May bilang na kulang o kapos ng isa sa ibang
bilang. Tulad ng 6 , ito ay kulang ng isa sa 7.

MATH 1 QUARTER 1 WEEK 2 Pahina| 3/7


Iba pang halimbawa:

Ang 5 ay kulang ng isa sa 6

Ang 7 ay kulang ng isa sa 8

Ang 9 ay kulang ng isa sa 10

Mga Gawain

Gawain: 1
A. Bilangin ang mga bagay sa loob ng kahon.
Lagyan ng tsek ( / ) ang nagpapakita ng labis ng isa.

1.

2.

3.

B. Bilangin ang mga prutas sa loob ng kahon.


Lagyan ng ekis ( X ) ang nagpapakita ng kulang ng isa.

MATH 1 QUARTER 1 WEEK 2 Pahina| 4/7


4.

5.

Gawain 2:

A. Isulat sa kaliwang hanay ang bilang na kulang ng isa sa


bilang na nasa gitna.
B. Isulat naman sa kanang hanay ang bilang na labis ng isa
sa bilang na nasa gitna.

Kulang ng Isa Bilang labis ng Isa


7
10
33
56
89
Tandaan

Isaisip:
Ang ibig sabihin ng labis ng isa ay sobra o higit ng isa.
May bilang na labis ng isa sa ibang bilang tulad ng 20
ay labis ng isa sa 19.

Isaisip:
Ang ibig sabihin ng kulang ng isa ay kaunti o kapos ng
isa. May bilang na kulang ng isa sa ibang bilang tulad
ng 19 ay kulang ng isa sa 20.

MATH 1 QUARTER 1 WEEK 2 Pahina| 5/7


Pag-alam sa mga Natutuhan

A. Tukuyin ang bilang na labis ng isa sa bilang na nasa loob


ng puso. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. 14 A. 13 B. 15 C. 16

2. 58 A. 59 B. 57 C. 56

B. Tukuyin ang bilang na kulang ng isa sa bilang na nasa


loob ng bituin. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

3. 24 A. 22 B. 23 C. 25

4. 35 A. 34 B. 33 C. 36

5. 32 A. 33 B. 30 C. 31

Pangwakas na Pagsusulit
Sagutan:
Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong bilang ang labis ng isa sa 15?
A. 16 B. 14 C. 17
2. Ano ang bilang kapag inalis ang isa sa 31?
A. 33 B. 30 C. 32
3. Ang bilang na _______ ay labis ng isa sa 45.
A. 44 B. 43 C. 46
4. Ang 55 ay labis ng isa sa anong bilang?
A. 54 B. 56 C. 53
5. Ang 76 ay mas kaunti ng isa sa ________.
A. 74 B. 75 C. 77

MATH 1 QUARTER 1 WEEK 2 Pahina| 6/7


Pagninilay
Basahin ang kwento:
Oras ng rises sa kantina ng paaralan. Si Bela ay
kumakain ng kanyang baong tinapay. Mayroon siyang 3
tinapay na baon. Nakita niya na walang kinakain ang kaklase
niyang si Tina kaya binigyan niya ito ng isang tinapay.
Tanong:
1. Ilang tinapay ang baon ni Bela? _________
2. Ilan ang ibinigay niya kay Tina? _________
3. Ilan ang natirang tinapay kay Bela? _______
4. Ano ang masasabi mo sa bilang ng natirang tinapay ni
Bela?
5. Tama ba ang ginawa ni Bela? _________
6. Dapat ba siyang tularan? __________
7. Anong ugali ang ipinakita ni Bela? _____________

Kasabihan:
“ Mas mabuti ang nagbibigay kaysa tumatanggap “

Most Essential Learning Competencies (MELC) p.197


Sanggunian Math-Tagalog-unit-1-Learner_s-Material p. 62 – 68
TG_MATHEMATICS 1_Q1&Q2
Clipart from google, video from youtube

MATH 1 QUARTER 1 WEEK 2 Pahina| 7/7


MATHEMATICS 1
Quarter 1 Week 2
ANSWER SHEET

Name: Math Teacher:


Section: Score:

Unang Pagsubok Balik-Tanaw Gawain 1 Gawain 2


1. ________ 1. ________ 1. ________ 1. ________ _________

2. ________ 2. ________ 2. ________ 2. ________ _________

3. ________ 3. ________ 3. ________ 3. ________ _________

4. ________ 4. ________ 4. ________ 4. ________ _________


5. ________ 5. ________ 5. ________ 5. ________ _________

Pag-alam sa mga Pangwakas na Pagsusulit


Natutuhan
1. ________
1. ________
2. ________
2. ________
3. ________
3. ________
4. ________
4. ________
5. ________
5. ________

Pagninilay

MATH 1 QUARTER 1 WEEK 2 Pahina| 8/7

You might also like