You are on page 1of 6

IKA-APAT NA MARKAHAN

PINAL NA AWTPUT
SA
FILIPINO 9

“NOLI ME TANGERE”

ANG PANGHUGOS
KABANATA 32

IPINASA NI: ASPILLAGA KEVINN B.

IPINASA KAY: G. ARIES G. MADARANG

GURO SA FILIPINO
MGA TAUHAN

to ang mga tauhang nabanggit sa ika-32 Kabanata ng Noli Me Tangere:


 Crisostomo Ibarra
 Taong Dilaw
 Nol Juan
 Padre Salvi
 Elias
 Alkalde

BUOD NG KABANATA 32

Noli Me Tangere

Kabanata 32: Ang Panghugos

Buod

     Pinakilala ng taong madilaw kay Nol Juan kung paano gamitin ang
kalo na gagamitin sa paglalagay ng mga biga para sa ipatatayong
paaralan ni Ibarra. Inusisa ng mabuti ni Nol Juan ang kalo at pagkatapos
ay nagpasiya na sumang ayon sa taong madilaw na ito ang gamitin
sapagkat ,sinabi nito na ang makinang iyon itinuro pa ng ninuno ni
Ibarra na si Don Saturnino. Matapos ang misa na isinagawa ni Padre
Salvi, nagsimula na ang paghuhugos. Ang lahat ng kailangan ay
naigayak na maging ang mga mahalagang kasulatan at medalya,
salaping pilak at relikya ay inilagay na sa isang kahang bakal at
ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga.
        Matapos ang mensahe ng alkalde ay nagbigay na ng hudyat sa
paglalagay ng mga biga. Nang makababa na ang lahat, biglang kumawala
sa pagkakatali ang lubid at biglang bumagsak ang biga. Ang akala ng
lahat ay si Ibarra ang nabagsakan ng biga ngunit laking gulat nila ng
ang mabaon sa hukay ay ang taong madilaw na siyang nagmamaniobra
ng makina. Nais na ipadakip ng alkalde si Nol Juan bunga ng naganap
na sakuna sapagkat siya ang namamahala ng naturang proyekto. Ngunit
Sinalungat naman ito ni Ibarra sapagkat walang kasiguraduhan na siya
ay may kinalaman dito. Nagpasyang umuwi si Ibarra at agad na
kinumusta si Maria Clara matapos ang dalaga ay himatayin sa nangyari
sa paghuhugos.
SIMBOLISMO

Noli Me Tangere

Kabanata 32: Ang Panghugos

Simbolismo:

Ang pamagat ng kabanatang ito ay isa sa mga simbolismo sa


kabanatang ito. Ang panghugos na ginagamit sa pagbaba ng mga
malalaking bato o biga na nagsisilbing haligi ng isang gusali. Ang
makinang ito ay ginagamit upang mapadali ang pag akyat at pagbaba ng
mga malalaking bato. Ang gamit nito sa kabanatang ito ay hindi upang
pagtibayin ang pundasyon ng gusaling itatayo kundi upang kitilin ang
ang buhay ni Ibarra ngunit sa kasawiang palad hindi siya ang
nabagsakan ng biga kundi ang mismong tao na nagpapatakbo ng
makinang ito.

Ang boluntaryong pagpapatakbo ng panghugos ng taong madilaw ay isa


ring simbolismo. Ito ay tumutukoy sa pagiging instrumento upang
isagawa ang maitim na balak sa buhay ni Ibarra. Nangangahulugan
lamang na siya ay kusang pumayag na maging daan para mamatay si
Ibarra. Ang mga kilos ni Padre Salvi sa araw na iyon ay tila meron ding
nais ipahiwatig. Ang pagbibihis niya ng damit na pang okasyon ay
senyales ng kanyang pagdiriwang para sa gagawing pagpatay kay Ibarra.
Hindi pa man nagaganap ang nais niyang mangyari ay nagdiriwang na
siya kaya naman kinakitaan siya ng pagkadismaya ng ang itinanghal na
patay ang taong madilaw imbes na si Crisostomo Ibarra.

Aral

ARAL
Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 32
Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa
Kabanata 32 ng Noli Me Tangere:
 Sa kabanatang ito, ipinapakita ang mahalagang konsepto ng pagiging
responsable at pananagutan sa mga kilos at desisyon na ating ginagawa.
Sa pagkamatay ng taong dilaw, napakita ang posibilidad ng
pagkakaroon ng negatibong kahihinatnan sa paggawa ng mga bagay na
hindi pinag-isipan nang mabuti at maaaring magdulot ng kapahamakan
sa iba.
 Isa pang aral na mapupulot sa kabanatang ito ay ang kahalagahan ng
pagtitiwala at pagbibigay ng pagkakataon sa iba. Sa pagsasabing siya na
ang bahala sa lahat, ipinapakita ni Ibarra ang kanyang tiwala at
pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang komunidad. Ang
pagtanggap ng responsibilidad ay isang mahalagang bahagi ng pag-unlad
ng sarili at paglago bilang isang mabuting miyembro ng lipunan.

You might also like